“A-ahmn, Naiwan mo” abot niya ng Panyo ko, Wala ako sabi na kinuha Iyon at Tinalikoran siya dalawang Hakbang pa lang ang Nagawa ko ng “Freya!Sabay na tayo, Pumunta sa Cafeteria” sabi niya, Nagtiim bagang ako.
Hindi ko siya pinansin at Tuloy tuloy ang Paglalakad “Newbie ka diba?Ahmm bakit Yan ang Pananamit mo?Tapos May Mask ka pa paano ka nakakain ng Maayos niyan?Pero Ang Astig naman ang Gara” nakangiting Sabi nito, Ngayon ay Hinarap ko siya nagulat pa siya Sa pagtingin ko sa kaniya.
“Khuṇ t̂xngkār xarị?” Walang gana kong tanong nagtaka naman siya kong ano ang Sinabi ko, Tinanong ko lang naman siya kung ano ang kailangan niya.
“Taga saang Lupalop ng Mundo ka ba nang galing?I do not understand what you said” sabi nito, Imbis na pansinin siya ay Tinuloy ko na ang Paglalakad buntot naman siya ng Buntot “Kakaiba ang Awra mo, Kakaiba ka magsalita, Kakaiba ang Kasuotan mo, Tapos Wala ka pang Reaksyon na pinapakita, Kulang nalang isipin ko na Alien ka” sabi ng Lalaking kanina pa sunod ng sunod sakin na si Trace Navarro Ang Mayabang kanina.
Edi isipin niya ang Gusto niyang isipin Basta layuan niya lang ako kong ayaw niyang Mabugbog.
Tumuloy ako ng Cafeteria naghanap ako ng Mauupoan pero lahat ay may Nakaupo na Nandito narin ang Dalawang Grupo ng Gangster Ang rinig ko ay Blood Gang ang Nakabangga ko kanina at Itong lalaking sunod ng Sunod sakin ay Myembro lang naman ng Blood Gang nayon at Napag alaman ko na Yong isang lalaki kanina na si Maxwell Perez ay Isang Myembro ng Shadow Gang, President ng Campus.
“Doon tayo umupo” turo niya sa Isang Bakanteng Table kung saan tatlo ang Upoan.
Imbis na pansinin siya ay dumeretso na ako sa tinuro niyang Table, Kapansin pansin ang mga paningin ng mga Studyante sa akin dahil kasama ko ang isang myembro ng Gang.
Nakatingin din ang Dalawang Grupo ng Gang saming dalawa dahil sa pagsunod ng Lalaking Ito sakin.
“Dito ka lang ako nalang ang Oorder sayo My Treat, Anong Gusto mo?” tanong ng Trace na ito.
Mas mabuti nga na Libre nalang niya dahil sa pag buntot niya sakin at sa ginawa ng leader nila kanina sa Pagkain ko “Spaghetti” tamad kong sabi.
Nakangiting umalis siya at Pumunta sa Counter.
Napatingin ako sa Dalawang Babae na Lumapit sakin.
“Uy Freya Ano Yon!Ha!” Nang aasar na Sabi ni Calli, Hindi ko siya pinansin.
“Ikaw ha!Naiinggit yong ibang Student sayo kasi kasama mo ang isang member ng Gang na si Trace!” ngiting ngiti ni Naomi, hindi ko sila pinansin na parang walang taong Kumakausap sakin ngayon.
“Nakita namin sa Sched na Magkaklase tayo mamaya sa P.E, Kitakits Later Freya Girl” sabi ni Calli at umalis na silang dalawa sa Harapan ko, Tamang tama at Dumating ang Trace.
“Binili nadin kita ng snacks at Juice dahil hindi ka nakakain kanina sa Kagagawan ni Ezekiel” sabi niya at Nilapag ang Lahat ng Inorder niya, Ezekiel, So Yon ang pangalan ng Sinuntok ko kanina? “Pero napahanga mo ako kanina, Alam mo bang ikaw pa lang ang nakasuntok sa kaniya?” natatawang sabi nito, Pero hindi ko siya pinansin at Tuloy lang sa Pagkain.
.
“Hindi ka ba nahihirapan kumain niyan?May takip ang Ilong at Bibig mo?” pag uusisa nito “Ano bayan parang Hangin naman ang Kinakausap ko dito” sabi niya “Pero ayos nadin dahil hindi ko naman naiintindihan ang mga Pinagsasabi mo, Teka nga Hindi ka ba marunong Magtagalog o English?Saan ka ba nang galing na planeta?-”“You're so noisy.” malamig kong Tugon na ikinagulat at ikinaawang ng Bibig niya, Natulala siya sakin hawak ang kubyertos.
“M-marunong ka mag salita ng English?” Nakaawang ang Labi nitong sabi bakas ang Gulat sa kaniyang Mukha, Hindi ko siya pinansin at Tuloy lang sa Pagkain “A-ang ganda ng Boses mo kung Lenggwahe namin ang Pananalita mo” manghang sabi nito.

BINABASA MO ANG
DEVIL ACADEMY
Short StoryIsang Babaeng nagtatago sa Likod ng Maskara, Palaging Inaapi, Kahit na hindi ka api api, Hindi marunong Magmahal, Kaya kang saktan Gamit ang salita lamang. -Short Story