抖阴社区

                                    

"Tequilla-hin ko 'yang mukha mo, Cyril!" rinig kong sigaw ni Rue matapos kong makalabas kasama si Owen.

Naglalakad kami at walang umiimik nang basagin ni Owen ang katahimikan sa pagitan namin.

"Hiro. . . may gusto ka ba kay Rue?" prangka nito. Napatigil ako sa paglalakad gano'n din siya. He was staring at me as if he knew it already.

Alam naman pala bakit itatanong pa?

"Yes," I answered.

"Hindi mo man lang e-deny? Malaking problema 'to!" Napasapo siya sa noo.

What's his problem? As if I'm gonna fight for my feelings. Akala niya 'ata ay ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Rue. He was wrong anyway.

I tapped his shoulder and smiled. "History will not repeat itself. Trust me,"

--

WE head back to Rue's room dala ang drinks na binili namin. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Owen ay bumungad sa amin ang dalawang magkayakap. Tanging silang dalawa lang ang nasa loob ng kwarto at hindi ko mahagilap ang iba kung saan sila.

"Oww..." Iyon lang ang nasambit ni Owen ng makita ang dalawa. Agad siyang lumingon sa gawi ko.

"I'm not jealous, dude."

"Defensive naman masyado. Huwag ako, tol!" He tapped my shoulder and cleared his throat. That's the moment they noticed us.

"Ulol!" pahabol kong bulong kay Owen bago maglakad papunta kina Rue at Z.

Dali-dali silang nagsiayos ng upo na para bang walang nangyari. Nagkunwari kami ni Owen na walang nakita. Ngumiti ako ng mahuli ko si Rue na nakatingin sa 'kin.

"Hiro," banggit niya sa pangalan ko.

"Hmm?" I smiled at her. Napatingin kami sa pinto ng marinig na bumukas ito at nagsipasukan sila.

"Uy ano ba, Cyril, ang likot mo!"

"Huwag mo ngang tapakan ang mamahalin kong sapatos Rin,"

"Ang gwapo ko talaga,"

"Uy may juice, pahingi!"

All of them run to our direction the moment they saw the plastic bag where the drinks are. Tumawa si Rue sa mga nagkakagulong mga loko-loko.

"Salamat sa inyo," simula ni Rue. Tiningnan niya kami isa-isa. "Nagpapasalamat ako dahil tinulungan niyo ako. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko kayo. Mga loko-loko ng worst section," tumawa siya ng bahagya at pinagpatuloy ang sinasabi. "Dahil kung hindi. . . siguro—"

"T'ss," ani Z.

"H'wag ka ngang magsalita ng ganyan Rue!"

"Ang drama ni Rue oh!"

"Kakagising mo palang tapos parang nagpapaalam na,"

"Uy 'wag naman Rue,"

"Ano bang mga pinagsasabi niyo? Nagpapasalamat lang kaya ako. Me? Will be leaving? Asa kayo. Hindi 'yon mangyayari noh! Huwag nga kayong ano r'yan, iba -iba mga pinag-iisip niyo e! Ang layo sa mga pinagsasabi ko. Mga theorist talaga kayo!"

"Gano'n ba 'yon?"

"Akala ko pa naman magpapaalam ka eh!"

"Mga ugok! Saan naman ako pupunta aber? Naku mga teyorista talaga! Madaming namamatay sa maling akala uy!" Tumawa ulit siya.

Pumunta ako sa sofa at umupo. Lahat sila ay dinumog si Rue pero agad silang binamtaan ni Z. Ayon tiklop silang lahat. Pinagmasdan ko silang dalawa ni Z. Nagnanakawan ng tingin. Natawa na naman ulit ako at nailimg ang ulo. Siguro ngayon na nga ang tamang panahon para sumuko.

Susuko nang hindi man lang sinusubukang lumaban.

I want them to be happy. Ayokong ako ang maging kontrabida sa kanilang lovelife. I don't want to lose my friends, either. Tama na ang mga panahong magkaaway kami.

It's time to let go, Hiro.

I sighed. Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. Napahinto lang ako ng makita ako ni Rue at magtanong.

"Eh? Hiro l, saan ka pupunta?" takang tanong niya. Nilingon ko siya ng may ngiti sa labi sa huling pagkakataon.

Himdi ko sinagot ang tanong niya."Don't worry, I can handle myself, Rue. Think about yourself, magpagaling ka." I smiled and closed the door.








A  S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon