R-18 SPG
Iniwan naako nito. Gusto ko nang umuwi ngunit nagalala ako na ilang hakbang ko lamang ay mahilo ako. Ang hina pa rin talaga ng aking katawan. Tinawagan ko si mommy at sinabihan ko itong baka mamamyang hapon na ako makakauwi dahil may lalakarin pa kami ng aking imagination kong kaibigan.
Nakakonsenya lalo na kapag rito ako nagsinungaling. Napakabait kasi na tao ni mommy kahit hindi ako nito kaano-ano noon at pinatira niya pa rin ako sa kanilang tahanan at buong lugod ako nitong tinanggap. Nakatulog ulit ako dahil sa sakit ng aking ulo.
Nagising uli ako dahil sa may marahan na tinatapik ang aking pisngi. "Gising ka na hija. Mananghalian ka na atsaka uminom ng gamot. Maiiwan na kita rito ilagay mo lang ang mga pinggan sa side bed table" tumango ako at kumain ulit ng tanghalian.
Kagaya ng aking ginawa kanina uminom ako ng gamot ataka natulog ulit. Nagising ako. Tinignan ko sa cellphone ko ang oras at alas kuwatro na ng hapon at gumaan na rin ang pakiramdam ko ngunit meron pa rin akong lagnat at siguro naman bukas ay magaling naako ng tuluyan.
Naghilamos ako ng aking mukha. May extra toothbrush sa cabinet kaya kinuha ko ito at nagtoothbrush na rin. Ang malas lang hindi ako nakadala ng lipstick. Ang plano ko kapag tapos naako rito ay pupunta muna ako ng mall at magbibihis at bibili na rin ako ng lipstick at blush ok upang kahit papano ay matabunan ang maputla kong mukha.
Bumaba naako sa hotel at sumakay ng taxi papuntang mall. Sa mall na rin ako nagbihis at bumili ako ng damit at iilang mga kailangan kong bilhin para aakalain ni mommy na namasyal talaga ako. Bumili ako ng lipstick at blush on sa department store. Bumili rin ako ng mumurahin ngunit mabangong cologne sa department store pa rin.
Umuwi na rin ako ng matapos akong mamili. Nakababa ako ng taxi nang pumasok rin ang sasakyan ni Aziel. Pinagbuksan ako ng security ng makita ako. Pumasok naako dala pa rin ang mga pinamili ko. Naunang pumasok si Aziel. Sinamaan ako nito ng tingin ng tumingin ako rito.
Bumababa si mommy at galak ang mukha ng ginang ng makita ako nito at relieved rin ito. Niyakap ako nito. Bahagya akong natawa rito at bahagya ako nitong kinurot.
"Akala ko umalis ka na. Nagalala ako ng sobra" bulong nito saakin.
"Sorry po. Pangako kapag aalis ako magpapa-alam na po ako sa inyo para hindi ka na masyadong magalala" ngumiti ito saka hinarap ako.
"Pangako mo yan huh?" Tumango ako at ngumiti rito.
"Early dinner tayo Valencia"
"Ilalagay ko lang po muna ang pinamili ko sa kwarto at bababa mo po ako kaagad" tumango ito at naglakad naako patungo sa taas hagdan.
Hindi paako nakahakbang ng nauna na saakin si Aziel. Bumuntong hininga ako at humakbang na paitaas. Kinakabahan na naman ako dahil ang dilim ng mukha nito at natatakot ako. Bumuntong hininga uli ako ng nakaakyat naako ng tuluyan.
Sa pinto ng aking kwarto ay naghintay si Aziel doon at ang dilim ng aura nito nakakatakot. Binuksan ko ang pinto pumasok naman kaagad si Aziel at ito pa ang naglock sa pinto.
"Saan ka galing?" May diin at may galit na bigkas nito ng hawakan nito ang aking braso upang iharap sa kanya.
"Sa mall" mahina ngunit alam kung rinig nito.
"At anong ginagawa ko sa mall? Nakipagkita ka sa lalaki mo huh?" Ang kati mo ring babae ka at bakit ngayon ka lang umuwi"
"Nagpahinga ako sa hotel kanina dahil nilagnat ako at kung uuwi naman ako ay tiyak na papagalitan mo ako" ang galit na mukha nito ay naging kalma ngunit segundo lamang ang itinagal bumalik uli sa galit.
"Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo"may pagbabanta pa sa tono ng kanyang boses.
Umalis rin ito. Nilapag ko ang paper bag sa kama. At bumaba na naako ng mailapag ko ang paper bag. Sa dining table ay si mommy pa ang naroroon wala pa si Aziel at si daddy. Naghanap ako sa mga ito gamit sa mata at nahalata naman ni mommy.

BINABASA MO ANG
A Wife's Tears(Book 1)
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...