抖阴社区

CHAPTER 9,people in the province

23 3 0
                                        

Someone POV.

Nagmumuni muni ako dito at nakaupo sa wilchair kung gawa sa kahoy..
Pasalamat nga ako kay Issa dahil ang batang yun ang nagbigay sa amin nang buhay para makaahon..

Matanda na ako at maysakit na rin, pero kaya kung maging matatag para sa aking apo na si Issa..

Magisa lang ako dito sa bahay ngayon dahil sa pumunta nang palengke si Elina para magtinda nang mga gulay at prutas..

Yun na kase yung trabaho nya..at ako naman ay tagabantay nang bahay..

" Lola Eling " tumingin ako sa batang tumatakbo at si Jojo yun..

Makikita sa kanyang mga mata ang saya habang palapit sa akin..
May magandang balita sya siguro

Bigla akong napangiti nang makalapit na sya..

" Ha...ha...ho...ho..ha.." hingal nito.

" Lola Eling si Ate Issa nandito na!" Masayang sigaw nito kaya napangiti naman ako nang may galak

" Dali dalhin mo ko sa kanya" sabi ko na parang nagmamadaling pumunta sa kanya...

Tinulak na ako ni Jojo at nasa plaza sila malapit sa chapel kung saan maraming mga bata..

Ang lahat na mga bata ay nakayakap kay Issa..at makikita ko sa mukha nang mga taga rito sa amin ang saya..si Issa kase ay mabait na bata...kaya gusto sya nang lahat...

" Issa" sigaw ko at napatingin naman sya sa akin at tumakbo na miss ko talaga ang batang to..

Nagulat nalang ako nang may mga butil na nagbabadyang tumutulo..

" Lola!" Sigaw nito pabalik at niyakap ako nang mahigpit...

Damang dama ko ang pagibig at pagmamahal nito ...at tibok nang puso nya ...masaya talaga ako..dahil ngayon ito na sya..

Kumawala na sya sa yakap ko at pinahid ang luha ko , tumingin sya sa mga mata ko

" Lola di ba sabi ko wag kang luluha o iiyak"

Hayy..nako apo yan naman talaga ang sinasabi mo sa akin simula nung una pa..naalala ko naman ang sinabi nito na

" Terrs of joy lang to apo" pasensya na kayo alagang probinsya kase kami..hindi kami masyadong marunong magenglish..

Ngumiti nalang ito at hinawakan ang kamay ko

Lumingon ako sa tabi nito at tinignan ko ang lalaking maamo ang mukha at sa nakikita ko dugong bughaw sya dahil sa tindig nito at sa balat nyang kay kinis na parang gatas..

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at nagtataka ito kung bakit ko sya tinignan na parang ganun..

Hindi ako galit nagtataka lang ako kung kasama nya ba to

" Jowa mo?" Biglang tanong ko kat Issa

" Hindi po"
" No"

Sabay nilang sabi

Kaya tumingin ako kay Issa at umiiling ito

May tiwala ako sayo iha pagsinabi mong hindi , hindi

" Hoy!! Babae!! " Lumingon kami sa sumigaw at si maria yun...ang madaldal na kaibigan ni Issa..

" Maria!" Sigaw ni Issa at si maria ayun hindi maguhit ang mukha

Third person POV.

Kanina pa naiilang si Terrence hindi nya alam kung ano ang gagawin nya kaya stay lang sya sa pagiging tahimik.

Nagulat nga ito eh kase tinignan sya nang lola ni Issa mula ulo hanggang paa..

Pero yung dapat na magalit ay nanahimik..

I Didn't ExpectWhere stories live. Discover now