< Dennise P.O.V >
Nagpunta ako sa booth nila Jirah at nadatnan ko doon sina Aeriel, Amy, Mae at syempre hindi mawawala si Marge.
Nilapitan ko sila at padabog kong inilapag yung bag ko sa mesa sa gitna nila.
Amy: Women version of incredible hulk is here.
Aeriel: Dennise, anung problema mo? At saka bakit kunot nanaman yang noo mo?
Den: Si Aly kasi!.
Mae: Ano na naman ba kasing ginawa nya sayo?
Den: Kasi naman, akala ko okay na kami. Ang sweet nya sa akin, pinapakilig nya pa ako tapos.... tapos.... UGH! BADTRIP SYA!
Amy: Can you just finish whatever you have to say.
Aeriel: Oo nga, pati ako naguguluhan sayo.
Den: Yun na nga kasi, I thought we're okay pero bigla nalang sisingit sa eksena si Laura. At hinahayaan naman ni Ly na sumingit sya sa eksena na dapat sana, ay para sa amin lang ni Alyssa.
Mae: Bakit kasi hindi mo pa aminin na ikaw si S.A.
Napatingin naman ako bigla kay Mae dahil sa sinabi nya, ganun din yung mga kasama namin.
" ALAM MO?!" -Sabay sabay naming tanong kay Mae.
Mae: Oo.
Den: Paano mo nalaman?
Mae: Narinig ko kaya kayo ni Ayel na nag-uusap about dun.
Den: Eh sino pang ibang nakaka alam?
Mae: Well, wala naman akong pinagsabihan tungkol dun, ewan ko nalang sa ibang team mates natin kung alam na rin nila.
Amy: Tell her na kasi. (Sabi nya sa akin.)
Jirah: Sabihin mo na kasi ate Den, bago pa tuluyang mag assume si ate Ly na si Laura nga yung secret admirer nya.
Marge: Para kasing hindi yung pagiging rumor S.A ni Laura yung issue. Mukhang, nahuhulog na si ate Ly sa kanya.
Den: WHAT?! Sigurado kaba dyan? Marge.
Marge: Nag usap kasi kami ni ate Ly nung nakaraan. At sa tingin ko ay may unknown feeling na syang nararamdaman para kay Lau.
Mae: Baka naman nalilito lang si Ly.
Amy: Haven't you seen their photo last night?
Mae: Yung magkayakap sila? Nakita kona yun. Si Marge pa nga kumuha nun eh.
Marge: ARAY! (Hinampas sya ni Jirah sa balikat. Sinamaan ko naman sya ng tingin.) Ano bang problema nyo?
Jirah: Bakit mo naman ginawa yun?! (Galit na tanong nya kay Marge.)
Marge: Picture lang naman yun ah. Saka ang sweet kasi nilang tingnan kagabi.
Den: Alam mo bang sobrang na badtrip ako kagabi dahil sa picture na yun! (Galit kong bulyaw kay Marge.)
Marge: Alam ko.
Jirah: MARGARITA!
Marge: Easy nga lang kayo. Alam nyo ba kung anu yung story behind that photo.
Den: Story?
Mae: Oo, may story yun.
Den: May alam ka? (Tanong ko kay Mae.)
Mae: Yup, nandun ako nun eh.
Den: Paano ka naman napunta dun? Eh iniwan ko kayo ni Ella sa may sala kagabi.
Mae: Pag pasok mo kasi sa kwarto, lumabas naman ako ng dorm. Tapos nakita ko si Marge, then nakita namin si Ly and Laura na nag uusap.
Aeriel: Ano namang pinag uusapan nila?
Marge: Hindi namin masyadong naintindihan eh... Pero mukhang nagka mabutihan na sila.
Den: NAGKAKAMABUTIHAN?! NO WAY!
Jirah: Ate Den! Awat na, nasasaktan na si Marge.
Nung hilahin ni Jirah yung kamay ko ay saka ko lang namalayan na nakahawak na pala ako sa kwelyo ng damit ni Marge. At kung titingnan ay parang hinamon ko sya ng away.
Umayos naman ako at saka tumingin kay Marge.
Den: Sorry...
Marge: Grabe ka ate, tinakot mo ako.
Den: UGH! Hindi pwedeng mapunta sya kay Laura. Hindi ako nagpakahirap ng mahigit pitong taon para lang mapunta si Alyssa sa iba. AlyDen lang dapat.
Aeriel: Ang lakas mong maka shipper ah... (Biro nya sa akin.)
Marge: Sige, push mo yang AlyDen mo. Para MarLau nalang.
"MARLAU?!" -Sabay sabay naming tanong kay Marge.
Marge: Marge and Laura. OUCH! (Bigla nalang piningot ni Jirah yung taenga nya.) Besh, baka maputol yan... Ouch!
Jirah: MarLau ka dyan?!
Marge: MaRah kasi yun.
Binitawan na ni Jirah yung taenga ni Marge.
Jirah: Dapat lang!
Haaay!... Buti pa silang dalawa, chill lang at naghihintay lang ng graduation bago maging official. Yun kasi yung bilin sa kanila ni Fille, na wag munang maging sila hanggat part pa sila ng ALE.
~
< Alyssa's P.O.V >
Maaga akong gumising para pumunta sa game booth, gusto ko kasing makuha yung malaking teddy bear para kay Dennise.
Pagdating ko sa gamebooth ay bukas na sila. Agad akong lumapit sa lalaki na nagbabantay.
Aly: Uhm... Kuya, magkano per game?
Guy: 100 pesos, 5 balls.
Aly: Paano makukuha yung malaking teddy bear na yun? (Sabay turo ko sa naka display na malaking yellow teddy bear.)
Guy: Dapat ma shoot mo lahat ng bola, then the bear is your's.
Agad akong kumuha ng 100 pesos sa bulsa ko at saka iniabot dun sa guy, binigyan naman nya ako ng lang bola ng basket ball, medyo malayo yung ring mula sa shooting line, mabuti nalang at marunong akong mag basketball kaya nai- shoot ko lahat ng bola.
Ibinigay na sa akin yung teddy bear bilang premyo.
"Sure akong matutuwa si Den kapag ibinigay ko to sa kanya." -Sabi ko habang naglalakad at yakap yakap yung malaking teddy bear.
"ALYSSA!"
Napalingon ako sa direksyon kung saan may sumigaw ng pangalan ko.
Nakita ko si Laura na papalapit sa akin.
Laura: Good morning! (Nakangiting bati nya nung makalapit sya.)
Aly: Good morning.
Laura: Ang cute naman ng bear na yan. Kanino yan. (Turo nya sa teddy bear na hawak ko.)
Aly: Uhm... Sa friend ko to.
Laura: Sinong friend?
Aly: Basta sa friend ko. Bakit mo nga pala ako tinawag? May kailangan kaba? (Pag-iiba ko sa usapan.)
Laura: Invite lang sana kita na samahan ako sa fair mamaya, hindi na kasi tayo nagkasama kahapon.
Gusto ko sana'ng tumanggi pero nakita ko kung gaano sya kasaya habang sinasabi nya yun. Ang sama ko naman kung tatanggi ako.
Aly: Sige. Kita nalang tayo after lunch.
Laura: Sige, bye. (Sabay halik nya sa pisngi ko at mabilis na nanakbo palayo.)
Nagpunta na ako sa dorm namin, wala akong nadatnan ni isa pero nung pumasok ako sa kwarto ay narinig ko'ng may tao sa banyo, malang si Den yun. At dahil matagal sya'ng maligo, humiga muna ako sa kama nya at doon nagpahinga.
Nung magising ako ay nag cuddle kami ni Den, pero sandali lang yun.
Natuwa naman ako dahil nagustuhan nya yung bear na ibinigay ko sa kanya.
Nung tumayo sya ay hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako patayo.
Den: Tara, punta na tayo sa fair. (Aya nya sa akin.)
Aly: Uhm... Hindi pwede eh...
Den: Huh?! Bakit? (Kunot noo nyang tanong.)
Napayuko nalang ako sabay kamot sa likod ng taenga ko.
Aly: May usapan kasi kami ni Laura.
Bigla nalang nyang binitawan yung kamay ko tapos ay sinigawan nya ako.
"MAG SAMA KAYO NG LAURA MO!"
Kinuha na nya yung mga gamit nya at pabalagbag na isinara yung pinto.
HAAAY!....
STRIKE ONE!..
----
Magkasama kami ngayon ni Laura, naglalakad kami papunta sa side ng campus kung nasaan yung fair.
Habang naglalakad kami ay nakatingin langa ako sa kanya, hindi ko mapigilang hindi isipin yung nangyari kagabi.
*FLASHBACK*
Laura: Bakit? Mahal mo ba ako?
Natigilan ako dahil sa sinabi nya. Parang bigla syang naging pranka.
Laura: Oh diba? Hindi mo ako mahal.
Bigla nalang syang umiyak kaya nataranta na ako. Mas lumapit pa ako sa kanya at hinagod ko ang likod nya, samantalang yung kaliwang kamay ko ay nakahawak na sa mga kamay nya na magkadikit.
Aly: Ah... eh... Laura tahan na.... Hindi naman sa ganun.
Hindi pa rin sya tumatahan tapos ay hinawi pa nya yung kaliwang kamay ko na nakahawak sa kamay nya. Grabe naman, ano bang dapat gawin? ano bang dapat sabihin? para tumahan na sya.
UGHHH! BAHALA NA!
Okay.... Hinga ng malalim....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Aly: I like you.
Napatingin naman sya sa akin dahil sa sinabi ko, medyo mugto na yung mata nya.
Laura: You like me?
Aly: I do like you. Kaya please tumahan kana.
Inayos ko sya ng upo at saka niyakap, yumakap din naman sya sa akin.
*END OF FLASHBACK*
How can I hurt her?
How the hell, can I hurt a girl who never failed to send me some sweet nothings and do everything to make me happy.
Sino bang walang puso'ng tao ang kayang manakit ng ganito kaganda at kabait na babae? At anung karapatan ko na saktan sya.
Laura: Alyssa...
Parang bigla nalang akong nabalik sa realidad nung tawagin nya ang pangalan ko.
Aly: Ha?
Laura: Are you with me? Kanina pa ako salita ng salita dito pero hindi ka naman yata nakikinig.
Aly: Sorry ha... Medyo pagod na kasi ako eh...
Laura: Ganun ba? Bakit hindi mo agad sinabi? Maupo muna tayo.
Hinila nya ako sa pinakamalapit na bench at doon kami naupo.
Ewan ko kung bakit pero parang bigla kaming nagkailangan sa isa't isa. Mga five minutes na kaming nakaupo at magkatabi pero wala naman ni isa sa amin ang nagsasalita.
"Uhm..." -Sabay naming sabi.
Aly: You go first.
Laura: No, it's okay. You go first.
Aly: Ikaw na.
Laura: Okay nga lang. Ano bang sasabihin mo?
Aly: Uhm... kasi.... (HAAAY! Pwede bang sabihin ko na I wanna be with Dennise?. Pero ang harsh naman kung sasabihin ko yun.) Uhm....
Laura: Ano na?
Aly: Kain tayo.
Laura: Akala ko naman kung anung sasabihin mo. Mag-aaya kalang palang kumain, pinatagal mo pa. (Tumayo sya at hinila ako.) Tara, bili tayo'ng taco. Masarap yung tinda ni Marge.
Tumayo na rin ako at nag-umpisa na kaming maglakad. Hinayaan ko nalang sya na hawakan ang kamay ko. Mas lalong magiging awkward kung pipigilan ko sya sa ginagawa nya.
Pumunta kami sa taco stand.
Kapag sini- swerte nga naman ako!. Nadatnan lang naman namin'g nakatambay sila Mae, Aeriel at Den sa tabi ng stand, kausap naman nila si Marge na nasa loob ng taco stand.
Marge: Hi Lau! (Bati nya nung makalapit kami.)
Si Marge lang talaga ang bumati, dahil sina Aeriel, Den at Mae ay nakatingin lang sa amin.
Aly: Si Laura lang talaga yung binati... Isumbung kaya kita kay Jirah. (Pang aasar ko kay Marge.)
Sinusubukan kong pagaanin yung atmosphere kahit wala namang ganap, ang sama kasi ng tingin sa akin ni Den. Tumingin pa sya sandali sa mga kamay namin ni Laura na magkahawak tapos ay tinaasan nya ako ng isang kilay sabay irap sa akin.
-_- STRIKE TWO!
Marge: Uhm... Wa... wala namang ganyanan ate...
Halata ko na nate- tense na rin si Marge, at hindi yun dahil sa sinabi ko na isusumbong ko sya kay Jirah, kung hindi dahil ramdam din nya yung bigat ng atmosphere sa pagitan namin ni Dennise.
Laura: Wala ka pala Marge, takot ka pala kay Jirah eh... (Pang-aasar nya kay Marge.)
Buti pa si Laura, Chill lang at para'ng walang ka alam-alam sa nangyayari sa paligid nya.
Laura: Den? Bakit nakakunot yang noo mo?
Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala si Laura kay Dennise, katapat lang kasi namin yung tatlo, at nasa left side naman namin yung taco stand kung nasaan si Marge.
Mae: Ganyan lang talaga si Den kapag ayaw nya ng nalikita nya. (Pinandilatan ko naman si Mae dahil sa sinabi nya.)
Laura: Huh?! (Takang tanong nya.)
Aeriel: Uhm... Ang ibig sabihin ni Mae, ganyan talaga si Den kapag masakit yung mata nya.
Laura: Aah... Ganun ba?
Mae: Oo, ganun talaga sya. Saka ang sakit naman kasi talaga sa mata nung mga nakikita nya.
Laura: Anu?!
Aly: Ah... Eh... Ang ibig sabihin ni Mae, mataas na kasi yung grado ng mata ni Den, eh hindi pa sya nakakapag palit ng contact lens kaya sumasakit yung mata nya. (Singit ko sa usapan nila.)
Loko tong mga kasama ko, kung anu anong pinagsasabi. Sana lang talaga hindi na makisali si Den.
Laura: Aah....
WOOUH!
Buti naman at naniwala si Laura sa mga pinagsasabi namin. Ligtas...
Laura: Ano naba yung vision mo? Den.
"Oh please! Laura! Don't talk to her!"
Kung pwede ko lang talagang sabihin yun ngayon. How I wish!.
Tiningnan muna ako sandali ni Dennise, nagkatinginan pa kami saka sya bumaling kay Laura. At sa sandaling eye contact na yun, alam kong galit sya.
Den: Hindi ko din alam eh... Pero sure akong tumaas na dahil SUMASAKIT (Sumulyap sya sa akin tapos tumingin ulit kay Laura.) yung mata ko.
Laura: You should go to E.O para maayos yung eye sight mo.
Mae: Hindi na kailangan yun, maglayo lang kayo, okay na. (Mahina nyang sabi pero narinig ko pa.)
How I wish na ako lang ang nakarinig.
Laura: Anu yun? Mae. Hindi ko kasi masyadong narinig.
Tiningnan ko naman si Mae. Yung tingin na parang nangungusap at nagsasabing "SHUT UP!"
Mae: (Tumingin sya kay Laura.) Wala, may sinabi lang ako kay Ariel. (Napapagitnaan kasi ni Mae at Den si Aeriel.)
Aly: Guys, gusto nyo'ng taco. My treat. (Pag-aaya ko sa kanila.)
I need to stop the conversation. Ako yung nahihirapan sa usapan nila.
Binitawan na ni Laura yung kamay ko at lumapit sa counter ng taco stand. Nasa likuran naman nya ako, bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa tagiliran ko.
Paglingon ko ay nasa tabi kona si Den at kinukurot nya ako.
Den: Alam mo kung anung gusto ko!? Gusto ko ng tako ng billiard at ihahampas ko sayo. (Bulong nya sa akin pero madiin yung pagkakasabi nya.)
STRIKE THREE!
Binitawan nya na yung tagiliran ko nung humarap na sa amin si Laura. May hawak na taco yung magkabilang kamay nya at iniabot nya yung isa sa akin.
Aly: Thanks...
Kumuha na rin ng taco sina Den, Mae at Aeriel, at ako ang nagbayad.
Nakatayo kami habang kumakain.
Laura: Mae, diba naka assign ka sa hotdog stand, bakit nandito ka?
Oo nga, kanina pa nandito si Mae. Eh dapat nandun sya sa stand nila ni Ella.
Marge: Naku Lau, nagpapa miss lang yan.
Si Marge na yung sumagot sa tanong ni Laura para kay Mae.
Laura: Nagpapa miss? Kanino?
Marge: Sa partner nya.
Si Marge at Laura nalang ang nag uusap. Di ko rin kasi trip na makipag usap, mas gusto ko pang tingnan si Dennise habang kumakain sya ng taco.
Marge: Lau, gusto mo ng water?
Napatingin naman ako kay Marge nung sabihin nya yun. Nasa loob parin sya ng stand pero nakadungaw sya at nakatingin kay Laura.
Aly: Hoy Margarita! Isusumbong na talaga kita kay Jirah.
Marge: Huh? Bakit? Wala naman akong ginagawa ah.
Aly: Wala daw?... Eh bakit si Laura lang ang inaalok mo? Nandito rin kaya kami, pero hindi mo kami inaalok.
Mae: Masama yang ginagawa mo Marge.
Marge: Ano naman ang masama dun? (Tanong nya kay Mae.)
Magsasalita na sana si Mae pero inunahan sya ni Den.
Den: Kapag may ka- M.U na kasi, (Tumingin sya sa akin sandali tapos kay Marge.) wag ng lumandi pa sa iba.
Aeriel: Wag kang two timer, masama yun. (Sabi nya kay Marge.)
Den: Badtrip talaga yung mga... (Tumingin sya sa akin.) two timer. Diba? Ly.
Aly: O... oo, ba.... badtrip nga yun.
Den: Bat ka nauutal? Para ka namang guilty nyan. (Nakangiti nya'ng sabi sa akin. Yung ngiti na parang nang-aasar.)
Laura: Bakit naman magiging guilty si Alyssa? (Umakap sya sa kaliwang braso ko.) Eh ako lang naman.
Den: Talaga?!... (Sarkastiko nyang sabi.)
OH GEEEEZ!
Bakit ba feeling ko, ang init ng paligid ko. Parang may nagsasagutang angel at devil sa harapan ko. Ganun ka tense.
Laura: Yup! Umamin na nga si Ly sa akin kagabi eh.... (Masaya nyang sabi.)
Nakita ko naman na parang nanlaki yung mga mata nila Marge, Mae at Ayel. Pero si Dennise, tahimik lang.
Bigla nalang akong hinalikan ni Laura sa left cheek ko.
Den: Uhm guys, mauna na ako.
Nagmamadaling umalis si Dennise, nilagpasan lang nya ako at ni hindi man lang sya tumingin sa akin.
Laura: Bakit bigla nalang umalis yun? (Tanong nya sa akin.)
Nagkibit balikat lang ako kay Laura, hindi ko rin kasi alam kung bakit.
Tumambay pa kami sandali sa stand. Nung mga bandang 3pm na ay sumakay naman kami sa mga rides, nilibot din namin yung buong fair at naglaro kami sa game booth.
Mga bandang 8pm na nung umuwi kami sa dorm, hinatid ko pa sya sa labas ng kwarto nya.
Pagdating ko sa dorm namin ay bumungad sa akin yung ilang sa mga team mates ko, nakatambay sila sa sala at ang lulungkot ng mga mukha nila.
Aly: Guys? Bakit parang biyernes santo yang mga mukha nyo? Mukha kayong problemado. (Biro ko sa kanila.)
Tiningnan lang nila ako at wala ni isa man ang nagsalita sa kanila.
At dahil sobrang tahimik nila ay naglakad nalang ako papunta sa kwarto namin.
Mae: Uhm, Alyssa. Wag ka nalang munang pumasok sa kwarto nyo.
Marge: Ate Ly, dun ka nalang sa room namin ni Jirah matulog.
Bigla nalang akong hinarang ni Marge at Mae nung lalapit na ako sa pinto ng kwarto namin.
Aly: Huh? Problema nyo? Padaanin nyo nga ako.
Akmang dadaan na ako sa pagitan nila nang pigilan ako ni Marge.
Marge: Ate wag na.
Humarang na rin sa pinto yung iba pa naming team mates.
Aly: Guys ano ba kayo? Alis na kayo dyan, magbibihis pa ako.
Maddie: Ate, ako nalang kukuha ng damit mo, dun ka nalang sa kwarto namin magbihis.
Aly: Maddie?... Tsk. Padaanin nyo na nga ako, maliligo din ako.
Bigla nalang may kumapit sa balikat ko, nang lingunin ko ay si Bea pala.
Bea: Ate, dun ka nalang sa banyo ng kwarto namin maligo.
Aly: Guys ano bang problema nyo?! Bat ba ayaw nyo kong papasukin sa kwarto namin?!.
Nakita ko na napalunok yung iba sa kanila, para silang kinakabahan.
Ano bang problema ng mga to!? Ang weird nila. Tama ba naman'g pigilan akong pumasok sa sarili kong kwarto!?
~~~~~