"Napakalandi mo!"
Pagpasok na pagpasok ko sa loob ay sinigawan na ako ni Addie. Nakasandal siya sa pader ng kwarto niya habang naka-krus ang braso. Napahawak kaagad ako sa dibdib ko dahil sa sigaw niya!
"Grabe!" I reacted, still holding my chest.
"May pa-beso-beso pa kayo! Nakita ko ang lahat, Natalia!" lumapit siya sa akin at kinurot ang tagiliran ko. "Alam kong pinu-push kitang magkajowa pero parang hindi pa yata ako ready na hindi na ako ng priority mo,"
I laughed at her. "Hindi naman kita naging priority kahit kailan." lumakad na ako at nilampasan na siya dahil papasok na ako sa kwarto para matulog.
Binatukan kaagad ako ni Addie nang nasa tapat ba niya ako. "Ikaw! Pero alam mo... bagay kayo."
"Friends lang kami," pinagpatuloy ko na ang paglakad papunta sa kwarto.
"Friends mo mukha mo!" rinig ko pang sigaw ni Addie.
Hindi ko na pinansin si Addie, nag-toothbrush na ako sa CR ni Addie sa kwarto niya tapos humiga na ako sa kama.
Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ko nang maramdaman kong nagvibrate.
From: Mr. Vergara
Good night, Natalia.
To: Mr. Vergara
Goodnight.
I looked at at ceiling and smiled.
But my smile suddenly fell.
Stop, Natalia. You shouldn't feel this way.
-
Addie already left the house. Mag-isa lang ako rito dahil 10:00 AM pa naman ang shift ko. It's already 9:30 and nakagayak na ako when suddenly, I received a call from Lian.
(2 lines kasi, Nat, eh. Nag-test na kami pero hindi namin alam ang gagawin.) natatarantang sabi ni Lian sa phone.
I didn't even think twice but immediately left Addie's house to go to Lian's bake shop. Pagpasok ko sa office ni Lian ay nakita ko si Elly na nakaupo sa couch at mukhang hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon sa kaniya.
"Nat, ayoko." sabi ni Elly sa 'kin habang nakayakap.
"Sshh," I caressed her back. "It's okay. May kilala akong OB, we'll take good care of your baby."
Wala naman na kasi kaming magagawa, nandiyan na 'yan. The only thing that we can do is to properly take care of the baby.
Elly, Lian and I went to an OB Gyne, nilista ko lahat ng kailangan gawin ni Elly. Pati ang lahat ng check-ups niya ay nakalista rin sa 'kin para alam ko kung kailan ko siya dapat samahan.
"Take care, Elly," sabi ko nang nandito na kami sa tapat ng condo nila ni Luke.
She smiled. "Thank you, Nat. Thank you, Lian."
Bumalik si Lian sa bake shop niya at ako naman ay pumasok na sa ospital. Late nga ako pero hinayaan ko na lang. Okay lang naman kasi talaga sa 'kin. Ganoon talaga, kailangan ako ng kaibigan ko.
Nalungkot ako noong breaktime ko dahil naisip kong puntahan si Mrs. Lorenzo pero naalala ko na wala na pala siya.
Bumalik na lang ako sa Nurse Station dahil wala naman akong ibang pupuntahan.
"Malungkot ka, Nurse Nat?" tanong ni Mikee pagdating niya sa Nurse Station. Nakaupo lang ako at nakapangalumbaba dahil breaktime ko naman at wala naman akong ibang pupuntahan.
Umayos ako ng upo. "Medyo."
"Dahil ba umalis na 'yung gwapo?" tanong niya tapos umupo na siya at binuksan ang clipboard niya.
Napailing kaagad ako. "Baliw ka ba? Hindi, 'no." I sighed deeply. "Wala na kasi si Mrs. Lorenzo."
"Ah. Lagi mo nga palang pinupuntahan 'yon."
Napangiti na lang ako nang malungkot. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon kapag break time dahil iyon lang naman ang ginagawa ko, ang puntahan si Mrs. Lorenzo.
My shift ended quickly. Lumabas na ako kaagad ng ospital nang matapos ang shift ko. Ready na sana ako mag-book ng grab pero may nakita kaagad akong text.
From: Mr. Vergara
Can you go to the parking? Last floor.
To: Mr. Vergara
Okay.
I did what he said. Pumunta ako sa parking ng ospital sa labas. Hinanap ko ang kotse ni Gio at nakita ko siya sa bandang dulo. Nakabukas ang bubong ng kotse niya tapos may binabasa siyang libro. Nakasuot siya ng maroon polo na nakatupi sa braso niya.
I walked towards him while removing my nurse cap. Nang nasa harap na ako ng kotse niya, I faked a cough for him to notice me.
Umayos siya ng upo at sinara ang libro niya. "Hey,"
"Hey," bati ko rin.
"Can you go inside?" tanong niya.
I nodded and went inside his car. Malamig ngayon dahil nandito kami sa last floor ng parking at nakabukas pa ang ibabaw ng kotse niya.
"Coffee," inabot niya sa 'kin 'yung coffee na nakalagay sa cup holder sa gitna ng upuan namin.
"You're always giving me coffee, nakakahiya na." I said.
He chuckled. "It's okay. We're friends, right?"
Tumango ako. "Ano 'yang binabasa mo?"
"Persons," sabi niya. "Anyway, napagod ka ba?"
I sipped my coffee. "Sakto lang. Ikaw? Ano nga pala ang ginagawa mo rito?
"I thought you might need a ride home?"
"Kaya ko namang umuwi mag-isa. Pero... okay na rin para tipid." I laughed.
He chuckled, too. "Okay. Uwi na tayo?"
Tumango ako. "Okay, uwi na tayo."
Binalik niya ang coffee niya sa cup holder tapos pinaandar na ang sasakyan niya.
"You want me to close it or you're okay with it?" he asked, pertaining to the roof of his car.
"Ganiyan na lang. It's more relaxing."
"Noted," he said then began to drive.
"Kumain ka na?" I asked while feeling the cold air embracing my body.
"Not yet. I went to a bar with my friends."
Tumango-tango ako. "Marami sigurong babae roon?" I asked genuinely. Curious lang ako.
"Yup," he said, popping the 'p'.
Tumango ulit ako. "Hindi ka ba nasasayangan sa mga may gusto sa 'yo? Can I take a look of some of them?"
Gulat na tumingin sa 'kin si Gio tapos bigla siyang natawa. Binalik din kaagad niya ang tingin niya sa daan. "You want?"
Tumango ako. "If pwede."
"Sure. We'll see, later."
Gio played something on his car because it was so quiet. Wala rin naman masiyadong dumadaan dito sa dinadaanan namin kaya ang hangin lang talaga ang naririnig namin.
~ The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah~
Tumatapik-tapik si Gio sa manibela, sinasabayan niya ang beat ng kanta.
~I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again ~
Napapangiti ako habang sinasabayan ko sa isip ko ang kanta. It's actually my favorite. I didn't know Gio like this kind of music.
~Even the best fall down sometime
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide~
"Ang ganda ng boses mo," Gio suddenly said. Napatingin ako sa kaniya at napatakip sa bibig. Am I singing that loud?
"Hindi naman ako kumakanta,"
Gio smirked. "I heard it,"
Umirap na lang ako at tumingin sa labas. Ayan tuloy, nahiya na ako!
Maraming nagsasabi na maganda ang boses ko... kaya nga sinasali pa ako nina Mommy sa recital ng piano noong bata pa ako dahil may passion daw ako sa music. Ang weird lang.
Finally, we stopped in front of our house. Nakasara na ang gate namin dahil gabi na. Mayroon naman kaming guard pero mukhang wala kaming balak pagbuksan dahil hindi naman sa gitna pumarada si Gio, nandito lang kami sa gilid.
"Papakita mo na 'yung mga babae mo?" I asked after I unbuckled my seat belt.
Gio held his chest. "Ouch, ang tunog playboy ko naman."
Natawa ako. "Totoo naman, eh." sabi ko dahil halata naman sa kaniya.
He got his phone from his pocket. Naghihintay lang ako at umaasang i-a-abot niya sa akin para makita ko ang mga babae niya pero bigla lang niya akong tinawanan.
"Nasaan na?" I asked.
"Wala naman kasi akong babae, ano ang hinihintay mo?" he chuckled.
My forehead creased. Pumayag siya kanina, ah?!
"Whatever, Gio." sabi ko tapos bumaba na ako ng kotse niya. "Thanks for the ride," I said before leaving him.
Hindi pa man ako nakakapasok ay may dumating na na kotse. Nakita ko ang kotse nina Mommy at Daddy. Usually ay hindi sila sabay na umuuwi kaya baka si Daddy lang 'to.
Papasok na sana ang kotse pero huminto nang mapansin na nakatayo ako sa gilid. Lumabas sa passenger seat si Mommy. "Natalia, is that you?"
I nodded. "Hello, Mom. You're with Dad?"
Mom nodded and walked towards me. "Yes. Sino ang naghatid sa 'yo?" tumingin si Mommy sa kotse ni Gio na hanggang ngayon ay nandoon pa sa gilid.
Bumaba na rin si Daddy ng kotse at lumapit sa amin. Nagulat na lang ako nang nasa gilid ko na pala si Gio. "Tito, Tita," he offered his hand to my parents.
"Gio, ikaw pala." tuwang-tuwang sabi ni Daddy.
"Ah. Yes, Tito. Aalis na rin po ako. Hinatid ko lang po si Natalia."
Mom shook his head. "No, hijo. Dito ka na kumain. Let's go! Let's go!" pumalakpak si Mommy at pumasok na sa gate, si Daddy naman ay bumalik na sa kotse para maipasok na. Naiwan kami ni Gio na tulala at nakatayo lang doon.
Gio looked at me. "Ayaw mo ba? I can say that I need to study."
Napatingin din ako sa kaniya. "Gusto mo ba?"
He shrugged. "Gusto ko... sana gusto mo. Kung hindi, pwede naman akong umuwi."
I pursed my lips, trying to hide my smile. "Tara na, pasok na tayo sa loob."
Gio smiled at me. Bumalik siya sa kotse niya para maipasok niya sa loob at ako naman ay lumakad na papasok sa gate.
I sighed a deep breath while I am standing in front of our door. Hinihintay ko pa si Gio dahil pinarada pa niya ang sasakyan niya.
"Let's go?" he asked when he finally went near me.
Huminga ulit ako nang malalim at tumango.
This is going to be a long dinner.