ถถา๕ษ็ว๘

Always, In All Ways (Change S...

By chasmicsoul

694K 13.8K 3.1K

Natalia Eunice Verdadero doesn't know how to love. She's always focus on proving herself to her parents. She'... More

About The Story
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 12

12K 350 76
By chasmicsoul

"You don't have to be rude."

Iyon kaagad ang sinabi ni Addie sa 'kin nang ikwento ko ang nangyari. Nandito kami sa sala at manonood sana kaming dalawa ng movie pero nauwi lang sa kwentuhan. Hindi muna ako umuwi dahil kailangan ko ng makakausap... kailangan ko si Addie.

"Pero umiiwas lang naman ako. Ayaw kong masaktan."

"Hindi ba kayo pwedeng maging friends gaya ng gusto niya?"

Uminom ako ng beer. "Addie," seryosong sabi ko. "Fine, I admit that I like him already, okay?" sabi ko tapos napangiti si Addie pero umirap lang ako. "You can't be just friends with someone you like... it's torture."

Addie nodded, finally getting my point. "So... ayaw mong i-try?"

"Na?"

"Ligawan siya?"

My lips parted in shock. "Are you crazy? No! Babae ako, ako ang dapat nililigawan."

Natawa si Addie bago uminom ng beer niya. "Bakit ko pa ba sinuggest? Babaeng makaluma ka nga pala."

I shrugged. "I'm not ashame of having a high standards in my life. I know what I deserve."

"And you think Gio deserves your rudeness? Law student 'yung tao, busy... tapos dinalhan ka pa ng lunch, tapos binastos mo lang? Having a high standards doesn't equate not having a manners, Miss Natalia Eunice Verdadero."

I pursed my lips. Natahimik ako at sinamaan ng tingin si Addie... dahil alam ko na tama siya. I was rude earlier, no one deserves that.

"What do you want me to do?"

"An apology will suffice?" pag-gaya ni Addie kay Gio dahil sinabi ko sa kaniya lahat-lahat... pati ang mga sinabi sa akin ni Gio kanina.

I rolled my eyes. "Fine." I got my phone from the center table to text Gio.

"And a coffee would be nice." dagdag ni Addie, nakangisi.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "Umiiwas nga ako, eh. Gusto mo ba talaga akong masaktan?"

Addie shrugged. "I know what I see in Gio's eyes every time he looks at you. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kaniya... pero sigurado ako."

Inirapan ko si Addie. "Huwag mo nga akong paasahin."

"Sige, ako na lang ang aasa."

Napailing ako kay Addie at nag-type na sa phone ko. Kung hindi lang parang konsensyang bumubulong sa akin 'to si Addie, hindi ko naman 'to gagawin.

To: Mr. Vergara
Gio, I'm sorry about earlier. Umh. Do you want coffee?

Nilapag ko ang phone ko sa center table at tumingin kay Addie. "Okay na. Masaya ka na?"

Addie nodded. "Pero, sure ako, mas masaya si Gio." humalakhak si Addie at kinuha na ang remote. Nagsimula na lang kaming manood ng movie.

I waited for Gio's reply until midnight. Tulog na si Addie pero ako, nakaupo pa rito sa kama at nakatingin sa conversation namin ni Gio.

"Kung ayaw mo? E 'di, wag." sabi ko tapos padabog kong nilagay ang phone ko sa side table ni Addie. Natulog na lang ako kaysa mag-isip.

-

"Ano, hindi ka na nireplyan?" tinawanan ako ni Addie nang makita niya kung ano ang tinitignan ko sa phone ko. Umaga na at nakagayak na siya pero ako, maaga nagising dahil tinignan ko ang phone ko kung may reply.

Kakainin mo talaga lahat ng sinasabi mo kapag tungkol na sa taong nagugustuhan mo.

"Wala." sabi ko kay Addie tapos hinagis ko na ang phone ko sa kama. Pumunta na lang ako sa kitchen para makapag-breakfast na kami ni Addie.

"Kumustahin mo si Elly, ah. Sigurado ako, nahihirapan na 'yon." sabi ni Addie sa 'kin habang nagsusuklay.

Nakakalungkot kasi dahil aalis pala si Luke para sa apprenticeship niya... pero mas nakakalungkot dahil hindi yata matutuloy, nakulong pala si Luke kahapon.

"Oo. Magtatanong na nga ako kung may vacancy sa night shift, magpapapalit ako para masamahan ko si Elly sa lahat ng check-ups niya."

Tumango si Addie at umupo sa upuan. "Okay 'yan. Balitaan mo na lang ako tapos send mo rin sa 'kin 'yung list ng date ng check-ups ni Elly para kapag hindi mo siya masasamahan, a-absent ako."

Tumango ako at nagsimula na ulit kaming kumain.

After we ate, pinaghugas ako ni Addie ng pinagkainan namin dahil ma-l'late na raw siya. Okay lang naman sa 'kin dahil nakiki-kain naman ako rito.

Nang 8:30 na, naligo na ako dahil 10:00 AM pa rin naman ang shift ko. Sana talaga makahanap ako ng bakante sa night shift, ayoko namang mag-isa si Elly. Nagrereview pa naman 'yon para sa board exam niya.

Nakagayak na ako, it's already 9:30 AM. Sinara ko na ang bahay ni Addie tapos sumakay na ako sa na-book ko na grab.

Sinabi ko sa grab driver ang ospital tapos nag-phone lang ako at nakita ko na nag-text pala si Mommy.

From: Mommy
Uwi ka muna. May kailangan akong ipadala sayo.

Instead of going to the hospital, sa bahay ako nagpababa. Baka ma-late na ako pero hinayaan ko na lang, mas okay 'yon kaysa magalit pa sina Mommy sa 'kin.

"Po?" tanong ko pagpasok ko ng bahay. Nakaupo sila sa dining table parehas. Si Maureen, nakapasok na siguro sa school.

Tumayo si Daddy at may kinuhang box sa center table sa sala tapos lumapit siya sa 'kin. "I want you to give this to Judge Vergara. It's his birthday today."

Kumunot ang noo ko. "Why me?"

"Your Mom and I both have an operation later tonight, hindi namin 'to maidadaan at nakakahiya naman kung wala tayong regalo sa kaniya."

"Eh, bakit ako? Kanino niyo ba pinapadala 'yan dati?"

Dad closed his eyes out of irritation. "Susundin mo ba ako o hindi? Until when will you keep on disappointing me?"

Napahinga ako nang malalim at muling tumingin sa kaniya. Relax, Nat. Tatay mo 'yan.

Reluctantly, I got the box that he's holding. Sakto lang ang laki niya kaya madadala ko naman.

"Iyon lang po ba?" tanong ko para makaalis na ako.

Dad nodded. "You take care,"

Hindi na ako nagsalita at umalis na lang. Sumakay na ulit ako sa pinagsakyan ko kanina dahil nagpahintay naman ako.

It's my breaktime, nandito lang ako sa rooftop at nakatingin sa phone ko. Hapon ngayon at makulimlim kaya medyo malakas ang hangin.

Wala pa rin reply si Gio but I had to text him again dahil hindi ko alam kung paano ko ibibigay ang gift nina Daddy sa Dad niya.

To: Mr. Vergara
Gio, I know I'm being pesky for messaging you again but I just need to give something to your Dad. Can I have your address?

Akala ko ay hindi siya magrereply pero nagreply siya kaagad kaya bahagya pa akong nagulat.

From: Mr. Vergara
I'll pick you up after your shift then we'll go to our house.

To: Mr. Vergara
Thank you.

Hindi ko alam kung mangingiti ako o malulungkot dahil nagreply na si Gio... pero ibang Gio na, hindi na 'yung makulit.

Bakit kahit weird, mas gusto ko na kinukulit niya ako?

I fucking fell in Gio's trap, and yeah...

I'm in danger.

-

I finished my work and just waited for Gio. Nandito ako ngayon sa parking at nakaupo sa mahabang plant box. Nasa gilid ko ang bag ko at nakakandong sa akin ang box. It's already 9:00 PM at wala pa siya. 8:00 PM lang kasi ang tapos ng shift ko.

Nang makita ko ang sasakyan niya palapit sa 'kin ay tumayo na ako. Nakasarado ang bubong niya ngayon. Hinintay ko na lang siyang huminto sa tapat ko. Nang makahinto na siya, hindi siya nagsalita kaya sumakay na lang ako tapos pinaandar na niya kahit hindi ko pa nai-ka-kabit ang seat belt ko.

"You said after my shift, I waited for an hour." mahinahong sabi ko dahil tahimik lang siya habang nag-da-drive.

"Yeah,"

I turned my side to him a bit. "Aren't you going to say something?"

He gave me a glance. "What?"

"Like, sorry perhaps?"

"That..." sabi niya. "I'm sorry."

Napaawang ang labi ko. "You're being an asshole."

Hindi na siya nagsalita at nakatingin lang sa daan habang pinipihit ang manibela. Napailing ako at tumingin na lang sa bintana.

Huminto kami sa isang bahay. Sakto lang ang laki at parang hindi mo iisipin na judge ang may-ari. Maganda naman... modern, pero ine-expect ko lang na mas malaki pa kaysa sa bahay namin.

"What the hell?" sigaw ko nang makita kong parang may party sa loob. Nakakahiya dahil naka-uniform pa ako!

Tumingin ako kay Gio. "Bakit hindi mo sinabi na may party? Sana nakapagpalit man lang ako ng damit, nakakahiya!"

Gio shrugged. "You didn't ask."

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Sarkastiko akong natawa. "Tama lang talaga na umiwas ako sa 'yo dahil ang gago mo!" sigaw ko bago isukbit ang bag ko at lumabas ng kotse niya. Hawak-hawak ko pa rin ang box.

Nagsimula akong lumakad para makalabas ako ng subdivision dahil gusto kong umuwi. No way in hell that I will go inside there with my nurse uniform. Sigurado ako na mga mayayaman ang nandiyan sa loob. Babalik na lang ako after kong magbihis.

Napaigtad ako at napatigil sa paglalakad nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. "Where are you going?" Gio asked.

"Wala ka ng pakialam!" sigaw ko tapos nagpumiglas ako. Pinagpatuloy ko ang paglalakad.

"Natalia," sabi niya tapos hinawakan ako sa braso pero nagpumiglas ulit ako. Napahinto lang ako nang unahan niya akong maglakad at huminto sa harapan ko.

"Ano ba?!"

"I have your dress in my car. You can change in the restroom."

Umiling ako. "Hindi ko kailangan."

Lalakad na ako ulit pero masuyong hinawakan ni Gio ang dalawang braso ko at binalik ako sa harap niya.

"I'm sorry, okay." he gently said, far from being his asshole self earlier. "Sorry that I made you wait. We had a group study and I had to buy you a dress to the mall dahil alam ko namang wala kang dala."

Hindi ako nagsalita. Malalim lang paghinga ko, pinipigilan ang halo-halong emosyon.

He sighed heavily. "I'm sorry na," he said softly. "I'm sorry for being an asshole. I..." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Huminga lang ulit siya nang malalim. "I'm sorry. Please," he whispered.

Napailing ako at lumakad pabalik sa kotse niya. Nakasunod lang siya sa 'kin. "Nasaan 'yung dress?" tanong ko nang huminto na ako sa tapat ng kotse niya.

"Here," binuksan niya ang pinto ng driver's seat, inurong niya 'yung upuan tapos may kinuha sa likuran. Nang makalabas ng siya ng kotse, inabot niya sa akin ang dalawang paper bag.

"Saan ako magpapalit?" I asked coldly while putting the handle of the paper bag on my fingers.

"Come here," hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Ang kanang kamay ko ay yakap-yakap ang box at nakasabit sa daliri ko ang handle ng dalawang paper bag. Ang kaliwang kamay ko ay hawak ang kamay ni Gio. I was shocked. Hindi ko na alam kung paano mag-re-react.

Tangay-tangay lang ako ni Gio habang papasok sa bahay nila. I was even more shocked when he intertwined my hand to his habang papasok kami rito sa bandang likuran nila.

Ugh! Freaking butterflies in my stomach! Huwag ngayon dahil galit ako kay Gio!

Pumasok kami sa pintuan nila sa likuran, mukhang dito ang dirty kitchen nila. May mga chef pa na mukhang nagluluto.

"Sir Gio," bating isang chef.

"Don't mind us," sabi niya tapos tinangay na niya ako sa isang CR.

"Malinis 'yan, walang gumagamit niyan." he said then guided me while I am walking towards the restroom.

Pumasok na ako sa loob. Nilapag ko ang mga gamit ko sa counter top. Tinignan ko kung anong dress ang binili niya. My lips parted when I saw the dress.

It's a black fitted backless dress tapos ang nipis pa ng strap. Nakacross 'yung strap niya sa likod kaya hindi naman kitang-kita ang likod ko. Niladlad ko ang dress para makita ko kung hanggang saan, it's a knee length dress tapos straight 'yung cut niya sa chest part.

I wanted to kill Gio so bad! Conservative pa naman ako at hindi ako nagsusuot ng ganitong dress pero ano ba ang magagawa ko? I don't have a choice.

I wore the dress against my will. May malaking salamin dito kaya doon ako nagsalamin, hindi bagay ang white shoes ko sa dress.

I checked the other paper bag, nagbabaka-sakali na sapatos ang laman at tama nga ako. It's a black lace strap heels. Hindi ako makapaniwalang ganito ang itsura ko ngayon. I looked so seductive! Hindi ako sanay.

Nilugay ko ang naka-bun kong buhok. Thankfully, maayos pa rin ang itsura dahil wavy naman ang buhok ko. It kinda looked messy but it's nice naman.

I retouched my face a bit. Nag-apply ako ng maroon na lipstick dahil ito ang sa tingin kong bagay sa suot ko. Kitang-kita ang puti ko dahil sa damit at sa lipstick ko.

I put back my make-up in my bag and put all my clothes inside the paper bag and drew a deep sigh before opening the door.

"Gio," I called Gio who's now wearing a black polo tucked-in with dark gray slacks with belt and black shoes.

Gio looked at me. His lips parted a bit when he saw me. I heard him muttered a curse to himself.

"What?" I asked.

He shook his head and slowly, he walked towards me that gave me a jittery feeling coursing through my heart.

"I no longer know how to avoid falling for you." he whispered.

Continue Reading

You'll Also Like

438K 44.8K 20
แ€€แ€ญแ€ฏแ€‘แ€ฝแ€‹แ€บ ร— แ€”แ€ฝแ€ฑแ€ธ ๐Ÿ’›
332K 27.2K 19
Heer sharma, a smart and intelligent girl who lives with her mother, and has no idea about her father. What will happen when one day , she has to liv...
1.1M 88.8K 72
๐„๐ช๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐Ž๐Ÿ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ~๐‘จ ๐‘ฏ๐’Š๐’ˆ๐’‰๐’”๐’„๐’‰๐’๐’๐’ ๐‘น๐’๐’Ž๐’‚๐’๐’„๐’† ๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’š โ€ขโ‹†ยฐ.โ˜พโ‹†.เณƒเฟ”*:โ‹†๐™š ๐•๐ˆ๐‡๐€๐€๐ โ™ก ๐‘๐”๐‡๐€๐๐ˆ๐Š๐€ Ruhanika, a quiet...