< Alyssa's P.O.V >
Nakahiga kami ngayon ni Laura sa kama nya. Nakaunan sya sa balikat ko habang nakayakap sa akin.
Laura: Babe.
Aly: Hmm?...
Laura: Sure kana ba talaga na gusto mo akong pakasalan?
Aly: Oo naman. Bakit mo naman natanong?
Laura: Ang bilis lang kasi.
Aly: Sorry kung nabibilisan ka. Gusto ko lang talagang mapatunayan sayo na mahal kita.
Laura: Babe.. Kung... What if hindi tayo nung magkita kayo ulit ni Den. Makikipagbalikan kaba sa kanya?
Aly: Babe, ano bang klaseng tanong yan?
Laura: Just answer me. Please...
Aly: Okay okay... *Sigh* To be honest, I don't know. Hindi ako sigurado.
Laura: Hindi kaba nagsisisi na naging tayo?
Aly: Babe ano ba yang pinagsasabi mo?. (Hinawakan ko ang chin nya gamit ang right hand ko at iniharap sya sa akin.) Diba sinabi ko naman sayo, ikaw ang pinakatamang desisyon ko. I love you okay...
Laura: I love you too Ly. So much.
~
" WHAT?! YOU'RE GETTING MARRIED?! " -Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.
Nandito kami nila Marge at Beadel sa bahay ni Mae. Parang get together na rin since hindi ko sila masyadong nakausap nung nakaraan.
Nakatambay kami sa living room nila at nagfo- food trip.
Aly: Wag nga kayong OA, engage palang kami.
Mae: Bakit ang bilis naman?
Marge: Oo nga ate, parang nung sunday lang sinabi nyo na kayo na tapos ngayon, which is thursday. Engage na agad kayo? baka naman sa sunday, ikakasal na kayo.
Bea: Ano ba yan ate? Isang linggo'ng pag-ibig.
Aly: Ano ba yang mga pinagsasabi nyo?. Ang adik nyo talaga. Binalita ko palang sa inyo na engaged na kami tapos kung anu ano na agad yang pinagsasabi nyo.
Mae: Kasi naman Alyssa. Sa tagal natin sa states, ni minsan hindi mo pinatulan yung mga biro ko sa inyo ni Lau. Tapos ngayon, isang linggo palang mula nung umuwi tayo pero engaged na agad kayo. Anung kalokohan yan?
Aly: Mae, hindi to kalokohan.
Bea: Eh ano pang tawag dyan?
Marge: Kung si Axel pa siguro yung papakasalan mo, maiintindihan pa namin.
Bea: Or kung nung nasa states palang ay may relasyon na kayo ni Lau. Baka sakaling maintindihan namin. Hindi yung ganito, sobrang bilis na parang hindi mo man lang pinag-isipan. Ate Ly, baka lang hindi mo alam. Hindi basta basta ang pagpapakasal.
Aly: At sayo pa talaga nanggaling yang mga salitang yan ha. Samantalang ikaw yung pinakabata. (Sabi ko kay Bea.)
Mae & Marge: Oo nga naman Bei.
Bea: Haaay.... Mga ate talaga.
Mae: Saan mo ba natutunan yang mga pinagsasabi mo ngayon ha?.
Bea: Hindi na naman ako sobrang bata ngayon.
Aly: Mukhang nag matured kana ah. (Biro ko sa kanya.)
Bea: Ate Ly, seryoso na. Sure kana ba talaga dyan?
Aly: Oo naman.
Marge: Sure na sure?
Mae: As in super mega sure?
Aly: Oo nga. Ang kulit nyo namang tatlo.
Bea: Alam mo ate Ly, every time that I look into Maddie's eyes. I always dream of us, saying our vows to each other.
Ikaw ba, naranasan mo na ba yung ganun?.
Yung every morning pagkagising mo, tinatamad kang bumangon sa kama dahil gusto mo pa syang yakapin ng mas matagal, at ayaw mo ng bumitaw sa yakap na yun. (Para syang nagdi- daydream habang nagsasalita.)
Yung alam mo sa sarili mo na hindi naman sya perpekto pero everytime na magkasama kayo, wala ka ng hahanapin pa.
(Habang nagsasalita si Bea ay may mga memories na nag pi- play sa utak ko. Mga moments namin ni Den. Happy moments actually.)
Yung feeling na kahit nakatalikod lang sya sayo or nasa likuran mo lang sya, nami- miss mo na sya kaagad. (Tumingin sya ng seryoso sa akin.) Naranasan mo naba yun kay Laura?.
Natigilan ako bigla dahil sa tanong na iyon. "Oo naranasan kona yun, pero hindi kay Laura. Kay Dennise." Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yun.
CLAP! CLAP! CLAP!
Nabalik lang ako sa katinuan nang bigla nalang pumalakpak si Mae at Marge.
Marge: Grabe Bea. What a speech?.
Mae: Iba kana talaga mag isip ngayon Bei. Idol!.
Bea: Hoy kayong dalawa!. Tigilan nyo nga ako, ganun talaga kapag inlove.
Marge: Pasalamat ka wala dito yung iba kundi, asar talo ka sa mga yun.
Mae: Sayang! Dapat pala nag video ako habang nagki kwento ka.
Tuwang tuwa lang si Mae at Marge sa pang aasar kay Bea, natigil lang sila nung magsalita ako.
Aly: Buti pa kayo ni Maddie, walang sagabal sa love story nyo. (Sabi ko kay Bea.)
Marge: Anung wala? Naku, ate Ly. Ang dami mo talagang na miss.
Aly: Bakit? Diba legal naman sila sa parents nila? (Tanong ko kay Marge.)
Marge: Hindi naman yung parents nila ang humps sa highway ng love story nila ni Maddie.
Mae: Huh? Eh, sino? Or ano?.
Marge: Si Therese.
"Si Therese?..." -Sabay na sabi namin ni Mae.
Marge: Well, sayang talaga dahil wala kayong dalawa nun.
Bea: Ate Marge! Wag mo ng ikwento yung tungkol dun. (Pag awat ni Bea kay Marge.)
Mae: Wag ka nga Bei, gusto namin malaman kung bakit nadamay si Therese. (Sabi nya kay Bea saka muling tumingin kay Marge.) Continue.
Marge: Well, yun nga. Eh kasi naman etong si Bea, namangka sa dalawang ilog.
Aly: What?! Grabe ka Bea, nag two time ka?
Bea: Huh? Hindi po ate.
Mae: Eh ano yung sinasabi ni Marge?.
Tumingin naman si Bea kay Marge.
Bea: Ayusin mo nga yung kwento mo!.
Marge: Ganito kasi yun. Si Bea kasi, sobrang clingy kay Therese at Maddie. So syempre, sabay na nahulog yung dalawa. Eh ang problema, hindi naman pwede na dalawa silang saluhin ni Bea.
Hindi rin ganun kalinaw sa akin kung paano nangyari basta isang araw, galit na galit yung dalawa at pumunta sa room ni Bea tapos pinapipili sya kung sino daw ba sa kanilang dalawa ang mahal ni Bea.
Aly: Grabe ka Bea. Ang ganda mo ah.
Mae: Mamaya na nga yung mga side comments. Ituloy mo na yung kwento Marge.
Marge: Yun na nga, tinanong sya nung dalawa. Eh hindi naman makapili si Bea dahil pareho syang close kay Mads at Therese.
Kaya ang nangyari, nag compete yung dalawa. Ang saya nga ng buhay ni Bea nun dahil alagang alaga sya nila Maddie.
Aly: Eh paano ka namili? (Tanong ko kay Bea.)
Marge: Ikaw nga ang magkwento nung part na yun Bei.
Bea: Nahiya kapa, ituloy mo na. Naumpisahan mo na eh. (Sabi nya kay Marge.)
Marge: Ganito kasi yun ate Ly. Dahil nga sa nag compete yung dalawa para sa atensyon nitong si Bea. Dumating sa point na nagkapisikalan na sila.
Mae: Nagsakitan sila?
Marge: Yup, nagsabunutan sila. Mabuti nalang at nasa door kami nun kaya hindi nalaman nila coach.
At mabuti nalang talaga at nandoon ako para awatin sila.
Mae: Wow naman. Naisingit mo pa talaga yung sarili mo. (Sabi nya kay Marge.)
Aly: Teka nga lang. Eh paano nga namili si Bea?.
Marge: Nung time kasi na nag away sila, nandoon si Bea. Kaya nung time na yun, dun na rin sya namili.
Mae: And she choose Maddie.
Marge: Of course not.
"WHAT?!" -Sabay na sigaw namin ni Mae.
Aly: Hindi si Maddie ang pinili mo?. (Tanong ko kay Bea.)
Bea: I choose Therese.
Mae: Eh bakit naging kayo ni Maddie? Kung si Therese ang pinili mo.
Marge: She just choose Therese dahil close sila.
Aly: What? You did that? Bei.
Bea: Cause I thought that's the right thing.
Aly: Bakit mo naman ginawa yun?.
Bea: Mas close kasi kami. I admit, hindi ko pinag isipan ng maayos yung desisyon ko.
Hanggang sa one day, hindi na ako nakapagpigil kaya inamin kona kay Therese na si Maddie talaga yung mahal ko.
Mae: So, hindi mo talaga minahal si Therese?
Bea: I do love her. Pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Mads.
Mae: Eh, Why did you choose her in the first place?.
Bea: Natakot din kasi ako na mag take risk kay Mads kapag naging kami.
Mae: Ano ba yang reason mo Bei?!. Nakaka gago.
Bea: Parang yung reason lang ni ate Ly kaya nya papakasalan si Lau?.
Aly: Bat naman ako nadamay dyan?
Marge: Hindi mo napuna? May pagkakapareho yung story ni Bei at yung story mo.
Aly: Ano namang pagkakapareho nun? Hindi naman nag-away si Lau at Den.
Mae: Hindi pa
Aly: Haay... Tigilan nyo nga ako.
< Dennise P.O.V >
Nandito ako ngayon sa coffee shop ni Fille. Kasama ko si Maddie, Ella at Fille.
Den: Guys, hindi ako naniniwala na hindi na nya ako mahal.
Fille: Sino ba sa tingin mo na nasa table na to ang naniniwala na hindi kana nga mahal?
Ella: Wala. Dahil imposible yun. Si Mae na mismo ang nagsabi na hindi pa nakaka move on si Ly sayo.
Den: Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nya sinabi sa akin yung mga nasabi nya nung sunday.
Fille: Pa hard to get lang yun.
Ella: Oo nga. Nagpapa hard go get lang si Ly. Basta suyuin mo lang, lalambot din yun. Hindi ka naman kayang tiisin nun eh.
Maddie: Mga ate....
Napatingin naman kami kay Maddie, inilapag nya sa mesa yung cp nya saka tumingin sa amin. Her eyes looks so worried.
Ella: Bakit? Mads.
Maddie: Nag text si Bea. Kasama daw nila si ate Ly ngayon. And....
Fille: And?....
Tumingin muna sa akin si Maddie bago sya muling nagsalita.
Maddie: Binalita nya na engaged na daw si ate Laura at ate Ly.
Hinawakan ni Fille yung right hand ko na nakapatong sa mesa.
Fille: Den, okay kalang?
Den: Talo na yata talaga ako. Ikakasal na sila.
Ella: Den, engage palang sila. May pag-asa ka pa.
Den: Meron pa ba talaga?.
~~~