抖阴社区

Finally Found You (ON-HOLD)

By BlaquariusDame

551 165 29

Stella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would ha... More

Finally Found You
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter: 9.1
Chapter 10 : Him
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 6

27 9 0
By BlaquariusDame

Nang makauwi ako sa bahay galing sa school ay deretso akong naglakad patungo sa k'warto nila mama. Alam kong nandito na sila dahil iyon ang sinabi ni Ante Lisa noong tinanong ko siya kanina sa baba.

Gusto kong mag sorry sakanilang dalawa, bukod sa doon lang ako magaling ay iyon lang din ang kaya kong gawin sa ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita silang dalawang lumabas sa kanilang k'warto hindi pa man ako nakakarating doon.

"Baby, you're home," bati ni papa saka mabilis na lumapit sa'kin saka ako hinalikan sa noo bago ulit bumalik sa tabi ni Mama. "You need something?"

Kaagad akong tumango habang nanatiling nakatingin kay Mama na hindi man lang ako binato ng kahit na tingin.

"Gusto ko lang pong mag sorry," agad kong sagot saka napakagat sa aking labi.

Agad namang ngumiti si Papa sa aking sinabi ngunit nanatiling nakaiwas ang tingin sa'kin ni mama na para bang wala siyang naririnig.

"It's okay, baby. That's fine," sagot ni papa habang nakangiti sa'kin pero hindi iyon nagpagaan sa loob ko dahil alam kong hindi iyon sapat para Kay mama.

"M-Ma," tawag ko rito ngunit hindi ako nito pinansin.

"Hon..." Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama.

"I'm hungry, I'll just wait in the dinning," mabilis na paalam nito dahilan para manubig ang mga mata ko.

"Baby..." Tawag ni papa sa'kin na may nag-aalalang tingin kaya pilit akong ngumiti. Agad naman itong lumapit sa'kin bago ako niyakap ng mahigpit. "Let's just give her time, baby. Alam mo naman ang Mama mo hindi ba? Matagal talaga 'yang makalimot. Naalala mo ba noong may kasalanan ako sakan'ya? Dalawang linggo akong natulog sa guestroom noon, baby! Two weeks, imagine?!" Pampalubag loob ni papa sa'kin habang hibahaplos ang buhok ko.

"O-Opo, wala naman akong magagawa roon at kasalanan ko rin naman po," mahina kong saad habang pinipigilang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

He kissed my forehead. "I love you, baby. Okay? She just needs time, alright?" Saad nito bago hinalikan ang mata ko dahilan para mapapikit ako't tumulo ang luhang pinipigilan ko. "That's it, baby..." He kissed my forehead again ang hugged me tighter. "Cry if they want to fly down your cheeks, don't cage them, that'll hurt your eyes and will heft up your chest,"

"Thankyou pa, for always making me feel better. I love you," saad ko't hinalikan ito sa pisngi. "I want to rest, go have a dinner with mama." Ngiti ko habang tinutuyo ang basa kong pisngi.

"You feel better now?" He asked and tap my head.

Tumango ako. "Opo, pasok na po ako sa k'warto," agad akong tumalikod kay papa para hindi niya na makita pa ang pagtulo ng mga luha kong nagbabadya na naman. Akmang papasok na'ko sa k'warto nang tawagin nito ang atensyon ko.

Kagat labi akong humarap sakan'ya para pigilan sana ang mga luha ko pero nag-uunahan lang iyong lumandas sa pisngi ko!

"I love you, always remember that, hmm?" Ngiting saad nito at tumango. "Go and get some rest, let your heart cry it out. Crying doesn't mean you're weak, it means you are strong enough to show your weakness," napangiti nalang ako habang tumutulo parin ang mga luha sa'king mga mata nang kumindat pa ito bago tumalikod at umalis na.

Nang makapasok ako sa k'warto'y agad kong ibinuhos ang mga luhang walang patid sa pagtulo. Gusto ko lang naman maramdaman ang mga yakap ni mama, gusto kong marinig ang mga payo niya kapag kailangan ko siya, gusto kong maramdaman na mahal niya rin ako sa kabila nang kag-gohang pinanggagawa ko kasi sinusubukan ko naman... sinusubukan kong maging matino pero sad'yang ipinanganak talaga akong parang magnet sa kahit anong gulo.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa'king mga pisngi kahit na agad din iyong napapalitan ng bagong patak ng luha na mapakla kong ikinatawa.

𝑀𝑎𝑦 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑔𝑖𝑙 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑦 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎. 𝑀𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑜𝑛𝑡𝑟𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑦 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎.... 𝑘𝑎𝑠𝑖 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑠𝑖𝑙𝑎 ℎ𝑎𝑤𝑎𝑘- ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑖𝑡𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑡𝑟𝑜𝑙𝑎𝑑𝑜.

"Hoy, Stella!"

Agad akong napadaing at napangiwi nang hinila ni Michelle ang buhok ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin.

"She's spacing out," komento ni Marian na kunot-noong tumingin sa'kin.

Angel nooded. "Sa tingin ko'y dahil parin iyon sa confrontation nila ni Fafa Dex kahapon," mahina nitong bulong sa dalawa na rinig na rinig ko naman. Napapagitnaan kasi ito ni Marian at Michelle sa harapan ko.

Matapos nila masaksihan 'yung pag-uusap- bangayan namin ni Dexter kahapon ay hindi ako pinatahimik ng mga kaklase namin hanggang sa matapos ang klase, ang sarap bigyan ng tig-isang suntok e para matahimik buti nalang at maganda ako.

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break namin at wala parin akong ibang iniisip kundi kung paano ako mag sosorry kay mama o kung anong dapat kong gawin para patawarin niya ako.
"Bakit?" Tanong ko bago ibinaba ang tingin ko sa aking pagkaing hindi pa naibsan kahit kunti.

"Anong bakit? Kanina ka pa namin tinatawag!" Sigaw ni Michelle dahilan para maagaw namin ang ibang atensyon ng mga nasa loob ng cafeteria.

"Pakihinaan ang volume Michelle, p'wede?" Mahinang bulong ni Angel na ikinanguso ni Michelle.

"Alam naming wala kang hiya pero please lang, ayokong maging famous katulad nitong isa nating kaibigan so lower your voice, Michelle okay?" Mahinang segunda ni Marian na ikinakunot ng noo ko.

"Sinong famous?" Tanong ko. Napaatras naman ako nang sabay silang tumingin sa direksyon ko sabay lapit nila ng mga mukha sa'kin.

"IKAW!" They shouted in unison. Agad akong napatakip sa mukha ko imbis na sa tainga ko dahil kitang-kita ko kung paano napalingon sa gawi namin ang ibang tao sa loob ng cafeteria!

Nakakahiya 'tong mga unggoy na ito, t-ngina!

"Una na'ko sa room," ani ko't mabilis na tumayo para umalis pero bago ako nakaalis ay narinig ko pa ang mga sinabi nila habang nakatalikod na'ko.

"Para namang hindi mo kilala si Tita, Stella. She's always like that kapag may kasalanan ka, time will heal. Magiging okay din kayo," saad ni Marian.

"Kaya nga," sang-ayon ni Michelle.

"Kaya huwag mo mas'yadong isipin, kahit hindi mo sinasabi alam naming iyon ang bumabagabag sa isip mo. Nandito lang kami kapag kailangan mo kami," ani Cherly na alam kong may ngiti sa mga labi.

"Kaya nga," sang-ayon ulit ni Michelle na ikinaingay ng dalawang unggoy.

"Puro ka kaya nga!" Hasik ni Marian.

"Kaya nga," sagot ni Cherly.

Natawa si Michelle. "Nagsalita!"

"Kaya nga!" Saad din ni Marian, pagkatapos ay sabay silang tatlong natawa na parang mga s-raulo.

Nangingiti akong lumabas ng cafeteria dahil sa kanila. Parang mga g-go lang kasi pero nakakatuwa, kilalang-kilala talaga nila ako. Para bang sobrang dali ko lang basahin na isang tingin lang nila sa itsura ko'y alam na nila kung ayos lang ba ako o hindi.

Naikwento ko kasi sa kanila 'yung nangyari kagabi kanina sa classroom dahil hindi ulit kami sinipot ni Mrs. Maldita na siya namang ikinatuwa naming lahat.

"Sorry," hinging pasesnya ko nang may makabangga akong palabas ng room habang papasok ako.

Nang wala namang nalaglag na gamit ay agad ko itong nilampasan at pumasok sa room ngunit hindi pa'ko nakakarating sa upuan ko'y bigla itong nagsalita mula sa likuran ko.

"So easy for you to say sorry but so hard for you to say thank you?"

Agad akong napatigil sa paglalakad at agad na humarap dito na nakapamulsang nakatingin sa'kin. "Hindi ko kasi nakitang ikaw pala 'yan, edi sana nilakasan ko pa ang pagbangga sa'yo, sayang," hindi ko alam pero iyon ang agad na lumabas sa bibig ko. Hindi ako galit, oo.

He raised his brows. "Should I be thankful?" He asked sarcastically.

I smiled. "No, ako dapat ang magpasalamat sa'yo sa pagkakaaalala ko," huminga ako ng malalim bago seryosong tumingin sakan'ya na seryoso rin ang mukhang ibinato sa'kin.

"Salamat sa tulong mo noong araw na iyon, sa labas ng gate at salamat sa pag-ayos ng phone noong naibato ko ng dahil din naman sa'yo, noong sa room," Deretso kong saad habang nakatingin sa kan'ya, tinatantsya ang magiging reaksyon niya pero malamig lang itong nakatingin sa'kin.

"So you do know how to say thankyou, after all," imbis na mag welcome ay iyon ang sagot niya sa'kin na ikinabuntong-hininga ko.

Hindi ko alam pero hindi naman ako ganito kapag naka encounter ng mga ganitong bagay, siguro dahil marami akong iniisip ngayon at problemado ako about kay mama.

Tumango ako. "Oo naman, sad'yang nakakainis ka lang talaga kaya imbis na thankful ako sa'yo ay naiinis ako sa'yo," walang atubiling sagot ko.

Dahil iyon naman talaga ang totoo, gusto ko naman talagang magpasalamat sakan'ya kaso mas lamang lang talaga ang inis kong nararamdaman sakan'ya.

His lips parted. "Oh, I'm annoying to you?" He pointed out. "Is it because I saw you dancing when you're horrible at it and because I heard you watching por-"

"Hindi nga ako nanunuod nun!" Inis kong sigaw na nagpatigil sakan'ya sa pagsasalita.

Buti nalang at walang ibang tao sa room dahil lunch break namin ngayon at may 30 minutes pa bago ang 1st class namin sa hapon.

Agad na sumama ang timpla ng mukha ko nang magbago ang reaksyon nito sa mukha. Mula sa seryoso sa nagpipigil ng tawa.

"It's nothing to be ashamed of, I mean you are not a kid anymore" umiling ito't kinagat ang labi niya para pigilang mapangiti o mapatawa.

"Sinasabi ko lang ang totoo," depensa ko. "Wala na ba akong utang sa'yo?" Tanong ko dahil tapos namana akong magpasalamat sakan'ya.

Agad naman itong tumikhim at umayos ng tayo. "Wala ka namang utang sa'kin," sagot nito na ikinatitig ko sakan'ya.

Marunong naman pala siyang mag tagalog pero panay ang english, psh.

"I'm indebted to you, 'di ba?" Tanong ko na ikinatitig niya naman sa'kin. "Salamat, at seryoso ako," nakipagtitigan ako sakan'ya.

He nooded, slowly. "We're cool, just don't call me bayag again," saad niya saka kinamot ang kan'yang noo.

"Hindi kita tinawag na bayag," may diin kong sagot.

"You did," giit niya.

I breathe heavily. "Nagulat lang ako kasi pagtayo ko'y nabangga mo'ko, expression lang 'yun!"

"What? Expression? Do you mean mukha akong bayag?"

Nanlaki ang mga mata ko't hindi makapaniwalang tumingin sakan'ya dahil sa kan'yang sinabi.

Bakit parang ang dali lang sakan'yang sabihin 'yun?! Na para bang inihahambing niya lang ang kan'yang sarili sa isang bagay o 'di kaya'y isang hayop na kadalasang nakikita sa paligid. Pero kasi hindi! It's a broad and an awkward word to say!

"Malamang hindi! Kasi kung oo edi sana bayag pangalan mo ngayon at hindi Dexter!" Sigaw ko, nauubusan na ng pasensya sakan'ya.

Natuod naman ito sa kan'yang kinatatayuan nang marinig ang sinabi ko, akala niya siguro'y pupunahin ko siya dahil nakakailang ang topic namin.

Ilang beses pa itong napalunok bago mabilis na tumalikod at lumabas ng classroom namin.

Huminga ako ng malalim saka inayos ang sarili bago tumungo sa upuan ko't naupo rito. Napatingin ako sa bintana, tanghali pa lamang pero parang hapon na tignan ang kalangitan. Hindi maganda ang panahon. Mukhang uulan pa yata mamayang hapon.

Napahawak ako sa dibdib ko ng parang gumaan ito kahit kunti. Siguro'y dahil nakapagpasalamat na'ko sakan'ya na dapat ay dati ko pa ginawa dahil totoong thankful naman talaga ako sakan'ya. At ngayon ay si Mama nalang ang kailangan kong isipin. Napabuga ako ng hangin saka mabilis na dumukdok sa arm chair ko. Si Mama talaga ang kahinaan ko.

Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay agad kong niligpit ang mga gamit ko at inayos ang sarili. Handa na'kong lumabas ng room nang biglang may humila sa buhok ko kaya napaigtad ako, t-ngina masakit!

"Aba, bakit ka nagmamadali? May appointment ka?"

Nakapameywang na tanong ni Michelle habang nakatayo naman ang dalawa pang unggoy sa magkabila niyang side na istrikta ring nakatingin sa'kin. T-ngina talaga, ang hilig manghila ni Michelle ng buhok.

"Kailangan kong umuwi ng maaga," iyon lang ang sagot ko saka mabilis na silang tinalikuran.

"Hoy, Stella! Sabay ka na sa'min, come on. Hahatid tayo ng driver ni, Michelle. Daan tayo sa mall, biyernes naman ngayon e!" Malakas na sigaw ni Marian pero hindi ko na sila pinansin pa. Nagmamadali talaga ako, itetext ko nalang sila mamaya.

"Ingat, Stella!" Pahabol ni Cherly. Itinaas ko lang ang isa kong braso't kumaway sa kanila habang nakatalikod.

Pagkalabas ko ng campus ay nakahinga ako ng maluwag. Mabilis kong tinahak ang short cut na daan pauwi sa amin na nakasanayan kong daanan kapag hindi ako sinusundo ni papa at kung wala akong masakyang mga motorista.

Masyadong tahimik ang daan na ito dahil bukod sa tago ito, wala ring nagtatangkang dumaan dito na ibang tao dahil kilala ang daang ito bilang daan ng mga taong walang alam kundi gulo dahil madalas itong nababalita, kung hindi nag-aaway na mga gang ay may nagpapatayan kaya iwas na iwas ang mga tao sa lugar na ito.

Medyo madilim itong daanan dahil napapalibutan ito ng malalaking mga punong-kahoy, idagdag mo pa na malapit nang mag-gabi kaya mas lalong dumilim pero dahil sanay akong dito dumaan ay wala nalang sa'kin 'yun, deretso ito hanggang sa likod ng bahay namin ngunit hindi alam ni Mama ang daan na ito.

Natatanaw ko na ang malaking eskrima ng bahay namin hudyat na malapit na'ko sa bahay. Pero hindi pa man ako nakakalimang hakbang matapos matanaw ang mataas na pader ng bahay namin ay may narinig akong kaluskos mula sa kung saan.

Mabilis pa sa alas kuwatro akong napahinto't pasimpleng inilibot ang mga mata, inoobserbahan ang paligid. Agad na napako ang tingin ko sa may makakapal na mga damo dahil nandoon galing ang kaluskos. Dahan-dahan akong naglakad papunta rito, sinisguradong walang kahit na ingay na maggaling sa mga paa ko kahit na may maraming nagkalat na mga tuyong dahon sa inaapakan ko.

Akmang sisilipin ko ang damong iyon nang may biglang tumalon na pusa at tumakbo mula rito. Akala ko'y tao, pusa lang pala! Nakahinga ako ng maluwag.

Padilim na ng padilim ang buong paligid kaya kaagad na akong tumakbo para makauwi. Pero bago ako tuluyang makalabas sa daanang iyon ay isang boses ang biglang nagpatigil sa'kin mula sa pagtakbo.

"Life is about fighting, not running. You can hide but you can't run forever, chosen,"

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 175 21
Stella Rose lives a life of secrets and half truths. But she's never had to lie to Zach Mitchell before. He's her best friend. When they start to ex...
1.3M 26.2K 30
"I want to go back to my old ways." Ezra said in a monotone. It felt like he held no emotion. I stood dumbfounded not knowing what to do? "I tried yo...
5.9M 148K 44
***HELLA CLICH脡 FREAKING ALERT*** -鈥- "Kiss Ella." Jake grins. "Excuse me?!" Seriously?! There are other girls in this room, you know.Oh, no. Oh, no...
11.9K 353 40
I fell for a boy with the kindest blue eyes, and a charming dimple. He made me feel loved, and cared for, and most importantly he made me feel safe i...
抖阴社区 App - Unlock exclusive features