¶¶ÒõÉçÇø

You And I

By yuanlopez

5.3K 187 5

"I'd rather die, Withou you and I" ••• Hindi ka ba tanggap ng mga magulang mo dahil bakla ka? Nagmahal ka na... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Author's Note

Chapter 5

238 6 0
By yuanlopez

Life Consultation

[Chapter Song: "Hate That I Love You" by Rihanna feat. Ne-yo]

Recess na ngayon at hinahanap ko ulit si Keith. I know, hindi naging maganda yung nangyari nung huli ko siyang kinausap sa canteen at hindi pa rin nakaka-move on ang mga school mates namin sa istoryang iyon, pero kailangan ko talaga siyang kausapin para pumunta siya sa iTeach.

Ang sabi kasi sa akin ni Joanna, marami daw talagang tumatanggi na turuan si Keith dahil natatakot silang magulpi nito. Wala naman nang ibang pagpipilian kaya kailangan kong pagtiisan si Keith.

After all, I just saved his life two days ago so baka naman makinig siya sa akin diba.

Matapos ng ilang minutong paghahanap kay Keith ay nakita ko siya sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng school. Naka-earphones siya at mukhang natutulog.

Nilapitan ko at siya umupo ako sa tabi niya nang hindi niya napapansin. Tulog nga yata siya.

Mapayapa ang mukha niya kapag natutulog. Bumalik tuloy yung isip ko noong una kaming nagka-kilala sa park.

Meron pa rin siyang mga sugat at pasa sa mukha pero ang gwapo niya pa ring tignan.

Ngayon ko lang napansin na mahahaba pala ang mga pilikmata niya. Sobrang pula rin ng labi niya. May lahi siguro to?

"Can you stop staring at my face?" napatalon ako nang bigla siyang magsalita. Gising pala ang mokong! Waaaaahhhh! "Seriously? You're freaking me out!" dagdag niya pa.

"A-akala ko t-tulog ka pa" nauutal kong sabi. Wala kasi akong maisip na palusot eh! Huling-huli ako! Naka-pikit yung mga mata niya pero alam niyang nandun ako.

Putsa! Psychic ba to?

Naupo siya at tumitig lang sa akin. Hindi naman masyadong mainit ang klima ngayon pero pinagpapawisan ako.

"Bading ka ba?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

Oh. My. Gloc 9.

Patay na! Nahuli na niya ako.

Hindi pwede. Ide-deny ko!!!

"Wag mo nang i-deny, halata namang type mo ko eh" sabi niya sabay tayo. Waaaaahhhhh!!!

Ito na nga ba ang kinakatakutan ko eh!

Naglakad siya palayo kaya sinundan ko siya. "Huy! Sandali! Loko ka ah! Gusto mo sapakan tayo?" sabi ko. Edi wow? Ni hindi ko nga kayang mamitik nang malakas eh, sapakan pa kaya? Push!

"Ano bang kailangan mo sa akin?" bigla siyang humarap sa akin dahilan para mapahinto ako bigla.

"G-gusto ko lang naman na sabihin na pumunta ka sa iTeach mamaya," sabi ko habang naka-tingin sa ibaba ayokong ipakita sa kanya na kinikilig ako. Leche. Palandi na ako nang palandi. "Ako kasi tutor mo"

Hindi siya nagsalita agad kaya tumitingin ako sa kanya. Saktong nagkatinginan yung mga mata namin. Taray. Pelikula lang ang peg.

"Sige. Pupunta ako." sabi niya sabay talikod.

•••

"I can't believe it!" sabi ni Joanna. Konti na lang talaga mabibingi na ako sa boses ng taong gilagid na to.

Nasa loob kami ng lounge at pinag-uusapan namin si Keith.

"Anong ginawa mo at napa-payag mo ang isang Keith Martinez na pumunta nang iTeach at mag-aral?!" sabi ni Joanna nang walang hingahan. Grabe tong babaeng to. Talented ang bunganga.

"Kinausap?" sabi ko na may halong pagtataka. Hindi naman masyadong mahirap bukod sa napahiya lang talaga ako sa kanya.

"Well, I think you should start now at turuan mo na siya bago pa magbago ang isip niyan" sabi niya "Go Girl!" I turned to her and gave her a glare. Ano daw sabi niya? 'Go Girl'? Ano pati siya alam na niya?

"Anong sabi mo?" mahinahon kong tanong.

"'Go Girl'? Bakit? Lalaki ka ba?" tanong niya. Gaga pala to eh.

"Ano ba sa tingin mo?" tanong ko ulit sa kanya. Medyo naiinis na rin ako sa kanya.

"Ay, akala ko pa-gurl ka," sabi niya "Sorry huh"

Tumalikod na lang ako at pumunta na sa table namin. Nasa may likod kami kasi yun yung naka-assign sa amin.

Pag-upo ko mukha siyang naiinis kaya tinanong ko siya.

"Anong meron?" tanong ko.

"Ayoko sa pwesto natin" medyo na-green ako doon pero isinantabi ko na lang.

"Ang arte mo naman," sabi ko sa kanya "Dito tayo naka-assign kaya dito tayo uupo" kinuha ko na yung notebook ko para makapag-simula na kami.

"Ayoko dito, Gusto ko doon malapit sa bintana" sabi niya sabay turo sa upuan nila Sandra, kasamhan ko sa iTeach. Aba naman, demanding. Anak mayaman ba to?

"Hindi nga sabi pwede, dito tayo naka-assign kaya dito lang tayo till the end, okay?" sabi ko

"No" tumayo siya sabay lapit sa pwesto nila Sandra.

May sinabi siya kay Sandra pati sa tinuturuan nito. Maya-maya pa ay tumayo yung dalawa at lumipat ng ibang pwesto.

"Pssst! Ryan! Tara dito tayo" umupo siya nang komportable sa upuan niya habang naka-smile pa.

Isip bata talaga tong bakulaw na to. Ano naman kayang klaseng pananakot yung sinabi niya doon sa dalawa?

Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Lumapit ako sa kanya sabay tanong ng "Hoy! Wag mong sabihing binigyan mo ng death threat yung dalawa huh!" sabi ko sa kanya sabay upo.

"What? Death threat? No need for that" sabi niya habang naka-ngiti pa. Halatang trip na trip niya yung pwesto namin.

"Eh paano mo napa-payag yung dalawa na lumipat nang pwesto?" tanong ko.

"I'm superman, remember" sabi niya. Aba, nakuha pang mag-mayabang ng gunggong na to.

"Ewan ko sayo," nilabas ko na yung notebook ko ulit para makapag-simula na kami sa gagawin namin "Okay, so, saang subject ka ba may assignment ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Magka-klase naman tayo kaya for sure alam mo rin kung saan, bakit kailangan mo pa mag-tanong?" oo nga pala. Anu ba yan... Nagmukha na naman akong timang sa kanya.

"Pasensya, tao lang," tinignan ko yung planner ko at nakita kong may assignment kami sa math so pwede na naming sagutan to nang sabay "Okay, so may assignment tayo sa math, subukan mo munang sagutan yung first equation tapos I will just correct your mistakes" paliwanag ko ulit sa kanya "Patingin ng notebook mo sa math"

Binigay niya sa akin at pagka-tingin ko ay walang kalaman-laman. Aba matinde, nagsusulat ba to? Baka genius na at hindi na kailangan ng notes?

"Bakit hindi ka nagsusulat ng notes?" tanong ko sa kanya.

"Tinatamad ako" balik na naman siya sa cold niyang aura. Ang bipolar talaga. Kanina lang naka-ngiti ngayon poker face na.

"Maganda yan, pagpatuloy mo, aasenso ka" sabi ko nang pabiro "From now on, matuto ka nang kumopya ng notes," bilin ko sa kanya "Marunong ka naman bang magsulat?"

"Oo naman, tingin mo sa akin? Kindergarten?" sabi niya

"Pre-school" sabi ko. Tinignan niya lang ako. Yes! Naasar ko siya! Naka-ganti rin ako dito.

Sinulat ko sa isang papel yung first equation. Yun kasi ang pinaka-simple kaya pwede na sa kanya yan.

Binigay ko sa kanya tapos binasa niya "Find x?" tinignan niya lang ako kaya tinignan ko lang din siya "At bakit ko naman hahanapin si 'x'? Anong kinalaman niya sa buhay ko?"

"Wag ka na nga mag-tanong! Yan yung direction na binigay ni sir kaya sundin mo na lang okay?" sabi ko sa kanya. Medyo nabi-bwisit na ako huh! Daming arte!

"Ganyan ka ba?" sabi niya sa akin. Direktang naka-titig siya sa mga mata ko.

"Ano?" sabi ko na may halong pagtataka sa pinagsasabi ng lalaking to.

"Ganyan, sinusunod na lang kung amo yung inutos ng iba sayo" sabi niya sa akin "Osige, inutos nga sayo na hanapin mo si 'x' ang tanong, natuwa ka bang hinanap mo si 'x'?"

Hindi ako nakapag-salita. Nakuha ko naman yung gusto niyang sabihin.

"Dapat hindi lang yung gusto ng iba yung iniisip mo, paano naman yung gusto mo?" tanong niya. Tama ulit siya. Ganun nga ako. Yung gusto lang ng iba ang sinusunod ko pero hindi ko sinusunod yung gusto KO.

"Manahimik ka na nga sagutin mo na nga yan" sabi ko sa kanya.

"Tss" yun na lang ang sinabi ko.

Grabe. Dapat tutorial session to eh. Naging life consultation tuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 791 11
"Love is not about I am with you and you are with me, Love is about I can call you my own property" Parte ng buhay natin ang mag-mahal o umibig. Pero...
111K 1.2K 13
Kung si Magneto ay may kapangyarihan na ma attract ang mga bagay gawa sa bakal, ibang kapangyarihan yata ang taglay ko. Imbis na bagay ang ma attract...
1K 104 31
No one else will know all your dreams. But some of them will grow into ideals-the aims and purposes of life, the sum of what you give to it, what you...
3.4K 74 23
Paano kung ang dalawang bigo sa pag-ibig ay magtagpo ng hindi inaasahan? Mapagbibigyan kaya muli nila ang kanilang mga puso na magmahal muli??