"You can call me Eingel." ang kaninang matamis na ngiti nang babae ay napalitan ng kanyang seryosong awra. "Nothing is exciting about me. I'm not also hoping that we guys will get along. I just want to have a peaceful life here in your school."
Kasunod ng palakpakan at hiyawan sa buong classroom ay ang malakas na palo ng stick ni Miss Veronica sa whiteboard.
"Quiet boys! ang iingay nyo!" sigaw ng guro
"Tol, ano daw pangalan? labahan?" kunot noo kong nilingon si Vernon na ngayon ay nakikigulo nanaman sa likuran.
"Di ko alam tol, anghel nga rinig ko e." sagot ng kausap niya.
"Miss Hernandez, you may seat now." ani Miss Veronica sa dalaga. Nakasunod lang ang tingin ko sakanya, she looks familiar e.
"Uhm, hi? is this seat vacant?" hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sya
"Hindi yan vacant, Miss. Eto oh, dito sa tabi ko vacant." pinukpok ni Jiyo ang katabing si Winston.
"Ulol ka, saan na ako uupo?"
"Yes miss, that seat is vacant. You can occupy it." sagot ni Quel. Tila nanahimik ang lahat dahil doon, pero pagkalipas ng ilang segundo ay umingay ulit ang silid sa pamumuno ni Vernon of course.
"Kingna yan, ngayon lang kita narinig nag english, bebe ko." asar nito sabay halakhak. Pinagbabato naman sya ni Quel ng papel.
"Quiet!" muling sigaw mi Miss Veronica. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sainyo boys, graduating na kayo hindi pa din kayo nadadala. Because of that, get one whole--"
"shit of paper.. tangina mo kasi Vernon, gulo mo!" pabulong na asik ni Quel sa harapan nyang si Vernon
lumingon naman ang lalaki para ipagtanggol ang sarili, "Tol, ako nanaman? di na nga ako nagsasalita, behave na nga ako-"
"Mister Lazaro, do you really want to get detention? dinaig mo pa ang sampung babae sa sobrang daldal, ano magn-newscaster ka ba?" napuno nanaman ng tawanan ang buong klase.
"No Madam, I apologize." paumanhin ni Vernon, pigil namang natatawa ang mapagmahal na kaibigan niyang si Quel sa likuran. Sa sobrang saya ay sinipa-sipa pa nito ang upuan ni Vernon, mabuti na lamang ay nanahimik na yung isa.
Kung hindi ba naman siraulo 'tong gagong 'to. Nananahimik na nga yung kaibigan nya uumpisahan niya nanaman.
"Get one whole, faster! anong akala nyo makakalimutin na ako?" ang kaninang tawanan ay napalitan ng hiyawan. "Except for Miss Hernandez, since late na sya sa mga lessons she'll take special exam instead." dagdag pa ni Miss Veronica
"Madam, sasayawin nalang daw po ni Vernon yung Fantasize ni Ariana Grande, wag ka lang magpa quiz."
"Gago ka, gusto nyo talagang deretso detention ako?"
"Bahala kayo! Number one-" wala na kaming nagawa kundi kumuha ng one whole. Ballpen lang ang inilabas ko dahil madaming papel tong katabi ko.
"Oh, Luna." abot saakin ng dalawang pirasong papel. "Konti nalang magkakapapel na ako sa buhay mo." aniya at natawa
"corny mo."
"Number two--" sigaw ng guro
"Madam, wala pa nga akong number one!" reklamo ng isa kong kaklase
"Ano, ako pa mag-aadjust? hindi ka kasi nakikinig puro ka pokemon! hindi ko na alam gagawin sainyo, osya Fernando, tumayo ka dito bilis!"
Pati ako napaangat ng tingin sa harapan.
"Bakit ho, Madam?" kabang tanong ni Alex. Sa sobrang kaba niya ay nautal-utal na siya.
"Ikaw na magturo dito, tutal mas magagaling naman kayo kesa sa teacher!"
"Luh."
mas lalong nag-init ang ulo ni Madam Veronica, "Anong luh? ganyan na ba talaga ang ugali nyo ngayon? graduating na pa naman kayo, pero parang wala kayong natututunan! ganyan ba talaga ang gusto nyo--"
Natapos ang isa't kalahating oras ni Miss Veronica na puro panenermon, ni hindi na nga namin napatuloy ang nasimulang quiz dahil sa haba ng humiliya nya.
"Sa susunod na papasok ako sa klase nyo, gusto ko matino na kayo ha! did you all get me?!" sigaw nya sabay muling hampas ng stick sa mesa.
"Yes, Madam!"
Wala pa rin kaming imikan hanggang sa makalabas si Miss Veronica. Naging tahimik ang buong classroom hanggang sa pumasok ang pangalawa naming teacher na si Miss Maricon.
"Ano, pinatahimik kayo ni Madam Vero noh?" ani Madam sabay tawa, "Kukulit nyo kasi."
Dahil sa pagpapatawa ni Madam Con ay nabuhay nanaman ang kaingayan ng classroom, lalo na tong mga katabi kong lalaki na hinding-hindi nagpapatalo.
"Kasalanan kasi ni Vernon, Madam. Kung hindi lang to maingay edi sana may natutunan ako kanina." sibat ni Chinno
"Mama mo!"
"Anong sabi mo" mabilis na naabot ni Chinno ang leeg ni Vernon at sinakal.
"Aray tol-- gago!"
"Rivero stop that! Hindi ba kayo nahihiya sa bago nyong classmate? Ganda oh." saway ni Ma'am Con sa dalawa pero hindi pa din itinigil ni Chinno ang kunwaring pagsakal sa kaibigan nya.
"Ma'am-- papatayin ako n-ni.. Chin Maxwell!"
"Ako na ang bahala, Madam." At dahil bida-bida si Quel, tumayo sya at nilapitan ang dalawa nyang barkada, na may saltik sa ulo, na parang magpapatayan na.
"Monteiro isa ka pa--"
Pahakbang na sana si Ma'am Con papalapit sakanila para umawat nang biglang batukan ni Quel si Chinno sa ulo, na ikinahalakhak nanaman ng buong klase.
Syempre pinakamalakas na tawa ay ki Winston Uy na isa ding may sapak sa ulo. "Chinno boy alam kong nagtatampo ka, pero gantihan mo pa, go!"
Ta'mo talaga 'tong mokong na ito. Imbes na suwayin ang mga kaibigan, nanggatong pa.
"Mister Uy, shut up!" saway ni Ma'am Con sakanya. "Monteiro, Go back to your seat now!" utos nito kay Quel. "And you two, I know that you're just playing around but I don't like your joke. Ayoko ng may halong pisikalan, Rivero!"
"Sorry, Madam." paumanhin ng dalawa.
"Ikaw kasi 'e." pahabol pa ni Vernon.
"Okay, go and get your notes. I'll discuss the last topic for your upcoming Midterm Examination next week."
I immediately get my binder. Sa subject lang na ito ako ginagahan kasi favorite ko ang Literature.
Nakikinig lang ako kay Madam Con for the whole discussion, pa minsan-minsan naman ay nag ttake down ako ng notes sa aking binder. No one asking but masipag akong magsulat, not only the topic and content but also I wrote down some additional infos regarding sa topic, that serves as my key words sometimes.
"Send mo nalang sakin mamaya yang mga nasulat mo, nawawala ballpen ko." bulong ng katabi ko.
Hindi ko sya nilingon but I response to him, "I have extra pens pa sa bag ko, get it yourself."
"Wag na, sa bahay na ako magsusu--"
"Madam, sa bahay nalang daw po magsusulat ng notes si Monteiro." pang-aagaw ko sa atensyon ni Madam Con.
"Gusto mong sa bahay nyo nalang din ako magturo, Mister Monteiro?"
"N-no, Madam. Ito na nga kukuha na ng ballpen," aniya at lumingon saakin. "Kahit kailan napaka sumbungera mo."
"Nye nye nye." pang-aasar ko pa.
Saktong natapos namin ang last discussion bago tumunog ang bell. Binigay muna ni Ma'am Con ang coverage ng Midterm Examination bago sya nagpaalam.
"Miss Hernandez, you can meet me at the Faculty Room anytime if you have any questions regarding sa lessons okay? Thank you, Class! Goodbye."
Pagkalabas ni Ma'am ay muling umingay ang classroom. Agad din naman akong tumayo para lumapit kay Gail. "Tara sabay na tayong magbihis."
"Should we ask her, or invite her with us?" tanong nya while looking at our new classmate.
"Sige, tanong mo."
Tumayo sya at humakbang papunta sa babae. "Hi, Eingel!"
Wow, naalala nya talaga yung pangalan?
Hindi sya kumibo pero inangat nya ang kanyang tingin kay Gail.
"Uhm, do you want to join with us? we'll be having a practice right now at the gym for our Midterm Examination kay Sir Limuel."
"No, thank you." tugon ng dalaga.
"Ow, okay. Anyway, I am Gail Laurent, the Class President so if you have questions feel free to ask me— or her." aniya sabay turo saakin, bigla naman akong nataranta kaya kahit mag taas ng kamay para mag Hi ay hindi ko nagawa.
"Okay, see you around." pormal na sabi ng dalaga bago tuluyang umalis.
"Kala ko mao-offend ka kasi tinanggihan ka niya." sabi ko nang makalapit si Gail saakin.
"Huy, shut up ka nga." she signed me to shut up. "muntik nga ako maoffend e, kaso sa susunod nalang mukhang mabait naman siya. I want to be friends with her para kapag sinusungitan mo'ko isusumbong kita sakanya."
"Hala siya, naghanap bigla ng kakampi." she laughed at it.
"Joke lang uy."
"Not accepting that." sabi ko bago binilisan ang lakad, "Ang mahuli sa locker manlilibre mamaya." At saka na ako tuluyang tumakbo.
"Hoy madaya!" reklamo niya.
I know Gail so well. Hindi lang halata pero sya ang mas favorite kong friend kesa kay Quel. She's friendly and Jolly, but I know when she really wants to be friends with someone. She hates her second name but when she mentioned it while introducing herself, automatically she's perfectly interested in you.
"SINO PA ANG HINIHINTAY NATIN?" Leni asked, our group leader.
"Sila Yumie and Cassie nalang. Nakita ko yun kanina lumiko pa-canteen 'e." ani Rena
"Sige, let's wait for them nalang before we start our practice." nagsitanguan ang iba sakanya.
Habang naghihintay kami ng kulang na members ay naupo muna ako sa bleachers. Nakita kong nag-uumpisa nang magpractice ang grupo nila Quel sa kabilang side. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para kuhanan sya ng video.
To: Quel
Wow, dancerist.
To: Quel
Sesend ko 'to sa Mommy mo.
Kasunod ng dalawa kong mensahe ay ang 10 seconds niyang video na nagwwarm up habang bagot na bagot ang mukha. Tawa lang ako ng tawa habang inuulit-ulit ang video. Hindi pa ako nakuntento, bumaba ako para mas makalapit kila Quel, pero hindi sobrang lapit dahil baka makita nya ako at mapansing vini-videohan ko sya.
Mas hindi ko tuloy napigilan ang tawa ko dahil pati ang tatlo niyang kaibigan ay vini-videohan ko na din.
"Boss Quel! Nagnanakaw ng video sayo ang bebe mo!" sigaw ni Vernon habang nakaturo saakin.
"Hoy! ang kapal mo, pang IG notes ko lang noh!" sigaw ko pabalik.
"Sus, tas naka zoom kay Quel? Mga galawan mo De Villa, kapanahunan pa ng papa ko." sigaw nya ulit.
Hindi na ako nakipagtalo kay Vernon, pinakyuhan ko nalang din sya dahil ang lakas ng boses nya ay abot hanggang exit ng Gym.
Sinend ko kay Tita lahat ng navideo ko. Nanatiling naka sent naman yun dahil hindi online si Tita.
Natawa nanaman ako dahil for sure ay aawayin nanaman ako ni Quel mamaya.
Hindi nagtagal ay nag-umpisa na din kami mag practice. Pumwesto na kami sa kanya-kanya naming assigned position. More on polish nalang naman ang ginawa namin since matagal na naming pinaghandaan ito. 2 weeks after Mister Munoz announced the said performance ay nag-ready na kaagad kami, at nagsearch sa internet ng gagamiting music at ilang stunts.
"Good job, Everyone!" lahat kami ay napapalakpak nang natapos ang practice. I immediately get my water to drink dahil pinagpawisan ako. "What do you guys prefer? we'll practice tomorrow, or we'll just save our energy for the performance next day?" tanong nya saamin. Agad namang umingay ang grupo dahil doon.
"We better practice pa din, para sa 99 na grade." suggest ng isa.
"De, wag na! Perfect na nga masyado e. Pagbigyan nyo naman yung sa kabila, kawawa naman." sigaw nito kaya mas lalong umingay. At dahil dalawang metro lang naman ang layo namin sakanila ay narinig nila ang sinabi ni Jen.
"Hoy! pinagkakalat mo dyaan, Frias?"
"loh, ang bilis talaga ng radar ne'to ni Lazaro." biro nya, "Wala! ang sabi ko ang galing mong sumayaw."
"Luna! tsini-tsismis mo naman ako dyan masyado. I know na magaling ako, mas magaling pa sa bebe m-- aray ko- pucha!"
"Wag nyong pansinin yan, kasi papansin talaga yan." sabi ko sakanila.
Nagpatuloy kami sa botohan kung ano ang mas better na gagawin namin tomorrow. At dahil tamad ako, syempre binoto ko na hindi na namin kailangang magpractice kasi totoo naman ang sinabi ni Jen 'e, the rotation, and execution are all perfect, kayang-kaya makuha ang 99 na grade, kahit 100 pa nga kung gusto ni Ser.
"Wala pa ang sundo ko 'te, gusto mo mag Ice cream muna saglit?" anyaya ni Gail.
"Kung seseryosohin mo ang paglibre sakin sino ba naman ako para tumanggi diba?" biro ko habang inaayos ang bag ko.
"As usual, hindi ka naman sasama sakin kung hindi libre 'e." aniya
"Oy! ang kapal ne'to, hindi mo naman ako palagi nililibre ha— at kung may pera ako hindi naman ako nagpapalibre sayo." depensa ko sa sarili ko. Gagong Gail 'to, akala nya siguro wala akong pera palagi-- pero totoo naman.
"Defensive si ate ko masyado, joke lang naman!" inakbayan nya ako nang mag-umpisa kaming maglakad papalabas ng gymnasium. "Text mo muna bebe mo na tayo muna ang magddate ngayon." aniya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Bakit nyo ba ako inaasar-asar kay Quel, e friend lang naman kaming dalawa." sabi ko
"Friend pa rin ba yan? halos isang taon na kayong friend ha."
"E ano naman? kailangan bang bigyan ng malisya yon?" Sila lang naman ang nang-aasar saamin ni Quel, even my sisters, and Mom. "Quel and I are just friends, walang hihigit doon kasi hindi ko naman sya type— and may iba akong nagugustuhan." pabulong na pag-amin ko.
"Ano? may crush ka?" curious na tanong niya kaya tumango naman ako. "Okay, edi hindi na kita isship don sa best friend mo. Akala ko lang kasi nagkakamabutihan na kayo e, sino ba naman ang di magkakagusto don diba—bukod sa mukhang tao ay mukhang mabait din naman siya." napahalakhak ako sa biro ni Gail.
"Ang sama pala ng ugali mo beh, sa una ka lang pala mukhang anghel." parehas na kaming dalawa ang natawa.
Pagkalabas ng Campus ay sumakay kaming dalawa ng E-trike papuntang Town Center. Ako na ang nagbayad ng pamasahe namin tutal bente pesos lang naman 'yon, mababawi ko naman yun mamaya dahil ililibre nya ako ng Ice cream— at syempre mahal ang pipiliin ko dahil mahal din ang oras ko.
Eme
"Andaming tao." nanlumo kaming dalawa nang maabutan namin ang mahabang pila sa favorite naming Ice cream shop.
"Uwian kasi e, madaming students." sabi ko naman
"Mag arcade muna tayo 'te, gusto mo na bang kumain? What if mag Shawarma rice nalang tayo?" suggest niya, "Doon oh, konti lang ang pila." turo nya sa Shawarma stall na konti lang ang tao.
"Sige, no problem."
5:46 na din naman, mabuti yun para hindi na ako mag dinner mamaya pag-uwi ko.
"I'll wait you here, Gail." sabi ko at naupo sa bakanteng upuan malayo sa stall. Wala na kasing bakanteng mesa sa tapat nun, kesa maghintay kami ng aalis edi mabuting dito nalang kami umupo.
Nilabas ko ang phone ko nang makita ang tatlong mensahe galing kay Quel.
From: Quel
Lol, Ina mue talaga😒
Natawa naman ako sa typings at emoji niya. Minsan talaga may pagka jejemon 'tong si Quel.
From: Quel
Saan ka?
From: Quel
Uwi na aku katapos lang namin magpractice, reply k pag nakauwi kana.
Hindi na ako nagreply sakanya, dahil bukod sa tinatamad ako ay wala din akong load.
"Hala, ngumingiti oh." inangat ko ang tingin kay Gail na may hawak na dalawang cup ng Shawarma rice.
"Yay! ang bilis ha." sabi ko sabay kuha ng akin.
''Yung bebe mo kasi- este best friend mo nagpacute doon sa tindera, inuna tuloy yung saatin." aniya, nagtaka naman ako.
"Ha?"
she chuckles, "Yung bestfriend mo kako inakit yung nagtitinda doon sa stall, ayun oh." turo niya sa likod niya. "Oh, ayan na pala sila." umupo si Gail sa tabi ko at bumulong. "Hindi mo sinabi saakin, ampogi pala ng kapatid ng bestfriend mo." aniya, sinamaan ko naman siya kasi napansin kong kanina niya pa iniemphasize ang salitang best friend.
"Kaya pala hindi ka nagrreply ha, andito ka pala kumakain." sabi nya nang makaupo.
"Akala ko ba pa-uwi kana?" naalala ko sa messages nya ay pauwi na daw sya.
"Ah, sinundo ako ni kuya e. Papalibre sana ako ng Ice cream kaso andaming pila." aniya
"Same! bibili din sana kami ng Ice cream ni Luna, nagccrave kasi ako-- oh! Quel wala ng tao! come on let's buy, my treat!" nagulat ako nang haltakin ni Gail si Quel papuntang Ice Cream Shop. Kahit si Quel ay nagulat pero wala na syang nagawa.
Kaya ang ending ay naiwan akong nakatulala sa mesa at ang nag-iisang lalaki sa buhay ko na ngayon ay paupo na sa harap ko. Para ngang gusto kong isuggest na pwede naman dito sa tabi ko. Charot! hindi pa nga kami e.
But then, it's an awkward moment again. He's busy scrolling on his phone while I am staring at him..
Staring?
WHAT THE FUCK? Why am I staring at him?
"You can eat now." nagulat ako nang magsalita siya.
Nakita niya ba akong nakatitig sakanya? shocks!
Pasimple kong binaba ang tingin sa kinakain niya. Kaya napansin kong regular shawarma ang sakanya samantalang rice ang saamin.
Hindi siguro sya mahilig sa Shawarma Rice.
"A-ah, mamaya na po hinihintay ko yung dalawa." sabi ko kaya tumango nalang sya at nagscroll ulit sa phone nya.
I don't know what to say, pero gustong-gusto ko siyang kausapin.
"Uhm.." tumikhim ako "I want to apologize about last night, Kuya." pagbasag ko ng katahimikan. "Ikaw naman kasi, bakit hindi mo'ko ginising? siguro gusto mo din na katabi ako noh?" pagbibiro ko pero pinagsisihan ko din yun. Titig na titig siya saakin na parang jinajudge nya ako. "Hala, joke lang po. Ito naman hindi mabiro." Kinurot ko ang legs ko para pigilan ang sarili kong magsalita.
Ano ba Luna? shut up ka muna please.
"Sorry po." nahihiyang bulong ko.
Tinuon ko nalang ang sarili ko sa paghalo ng Shawarma Rice ko. Hindi pa ako nakuntento dahil pati Shawarma rice nila Gail at Quel ay hinalo ko na din. Napansin ko namang nakatingin si Zeinon saakin kaya binigyan ko nalang siya ng simpleng ngiti.
Ang sweet na sana ng moment nating dalawa kung kinakausap mo lang ako, hmp!
Pagkatapos ko ay sumubo na ako ng paonti-onti. Nililingon ko sila sa kabilang dulo kung tapos na ba silang bumili o hindi pa. Nang makita ko namang nakatayo pa din sila sa tapat ay nanlumo ako.
"Antagal naman nilang bumili." sabi ko.
"Kaya kumain kana. Don't wait for them cause they might take years to choose, especially Quel." aniya.
"Okay." sinunod ko naman siya kaya nagpatuloy na ako sa pagkain.
Wala kaming imikan dalawa. Nakatitig lang ako sa pagkain ko habang busy naman siya sa phone nya.
"Hala! tapos kana agad?" pansin ni Gail nang makitang wala ng laman ang cup ko.
nakabalik na pala sila.
"Pakatagal nyo beh." sabi ko. Nilapag nya naman ang Chocolate Ice cream sa tapat ko. ''Yay! salamat sa dessert." masayang sabi ko.
Dahan-dahan kong inubos ang dessert ko habang kumakain sila ng rice. Sabay kaming kumain ni Zeinon ng Ice cream pero nauna pa din akong matapos kaya kinuha ko nalang ang phone ko para ichat si ate Sol na gagabihin ako ngayon para naman hindi sila mag-alala ni Mama.
6:15 nang napagdesisyunan nilang umuwi na. Mabuti nalang at kasama ko si Gail kasi silang dalawa ni Quel ang nag-aaway ngayon.
"Andoon ang driver ko, hatid mo'ko." paglalambing ni Gail saakin.
"Bakit hindi mo nalang papuntahin dito sa tapat?" resbak nanaman sakanya ni Quel.
"Ano bang pakealam mo?"
napairap na lamang ako.
hays, hindi ba sila napapagod? ubos na ang energy ko sakanila kanina pa. Kasalanan 'to ni Zeinon e, kung nilalambing nya sana ako edi mahimbing akong makakatulog mamaya.
"Tara na, para makauwi na tayo." hinila ko na si Gail para makaalis na kami.
"Ako na Luna," Quel stopped us "Samahan mo nalang si Kuya kunin yung kotse, kami na maghahatid sayo pauwi."
WTF? umiiwas na nga ako sa kuya mo tapos ngayon pasasamahin mo ako sakanya?
Gusto kong murahin si Quel pero mabilis silang nawala ni Gail sa paningin ko. Narinig ko nalang ang sigaw ni Gail na nagpapaalam.
"Hey, you wanna come with me or what? if not, I'll just pick you guys up there." salita ni Zei sa harapan ko.
nataranta naman ako. "Hala, yes po." kaya sumunod ako sakanya. ''Sama ako sayo." tinignan niya ako ng matagal bago maglakad ulit.
Ay, pasimple din 'to si Zeinon e. Kunwaring galit-galitan pero ang totoo crush niya naman na ako.
"Careful, madilim." paalala niya.
Parang gusto ko naman siyang yakapin sa tuwa dahil finally ay kinakausap niya na ako.
"Hindi ka galit saakin, Kuya Zei?" I asked him, natigilan naman siya sa tanong ko.
"Ba't mo naman natanong?"
"Wala naman, random tots." sabi ko. Actually kahit ako ay nagulat sa sarili kong tanong. Nadala lang siguro ako since this is the first time he talks to me. "Baka kasi nagalit ka kasi tumabi ako sayo kagabi—e hindi ko naman talaga alam na room mo 'yun, kasalanan yun ni Quel kasi hindi niya nilinaw na sa katabi pala ang Guestroom." paliwanag ko pa.
"I didn't ask." bara niya.
napanguso ako "Uso saakin ang unsolicited explanation."
Natahimik ako dahil doon. Langya na Zeinon ito, kala ko pa naman crush niya na ako.
natigil ako sa paglalakad nang humarap siya saakin, "Look, what you did last night was not acceptable, young woman. Are you aware that your actions just invaded someone's privacy?"
napanganga ako.
"But since you mentioned that it was Axxquel's fault— then okay na saakin yon. I am not mad anymore. However, you're not forgiven yet." sabi niya pa bago ako talikuran.
matagal naprocess sa utak ko ang mga sinabi niya. "Oh my gosh! you got mad at me? shocks! kung hindi pa ako nag-explain sayo edi iniisip mong manyakol ako?" sigaw ko habang hinahabol siya.
"Of course not."
"Anong of course not ka dyan! aminin mo, sumama tingin mo saakin?" I grabbed his arms to face him.
"Hindi."
"Pero nagalit ka sa nagawa ko! My gosh, kaya nga ako nagsssorry sayo kasi di ko naman sinadya yun." naiiyak na sabi ko.
"Yes, you explained it already. Now, let's go." aniya. Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya.
"Para ka namang hindi nag grade two dyan!" inis na bulyaw ko kaya muli siyang humarap saakin.
"What?"
"You said I'm not yet forgiven. So you still mad at me?" tanong ko.
napabuntong hininga siya, "Look, young lady. I'm referring to your actions, and not to you personally. Since you are still young—and probably naive, please reflect on what you just did, cause that's not what a teenager normally does."
aminin ko man o hindi, pero nasaktan ako sa sinabi niya saakin. "Kanina pa ako nagssorry sayo-"
"Pero dinadaan mo lahat sa biro, Amora! You think sleeping with a guy sounds cool?" sa puntong ito ay ramdam ko na ang galit sa pananalita niya. "Go and think of that, young lady. Do you think that sounds good, huh?"
"N-no."
"Yet, you still did."
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ni Zeinon ngayon. May nagawa ba akong mali kagabi dahilan kung bakit ganyan ang galit niya saakin?
But still, I understand his point. Hindi nga naman tamang pakinggan na natulog ka katabi ng isang lalaking hindi mo naman kaano-ano.
Napayuko ako, "I'm sorry. I don't care if hindi mo tanggapin, pero sorry talaga. Kung iniisip mong manyakol akong tao, pwes hindi ako ganon pinalaki ng Mama ko." naiiyak na sabi ko.
"That word didn't even slide in my mind, woman." depensa niya.
"Pero ganon ang dating saakin, kuya Zei."
"Okay look, I apologize if you think in that way. Pero ang akin lang naman is at any angle teens sleeping together in one bed doesn't sound normal." aniya habang nilalabanan ang titig ko sakanya. "Do you get my point— hnm, Amora?"
Tila lumamlam ang palaban na titig ko sakanya nang banggitin niya ang pangalan ko.
Nakailang banggit na ba siya ng pangalan ko?
"Do you?'' ulit niya kaya napatango naman ako.
"O-oo. Pero tulad nga ng sinabi ko—hindi ko naman intensyon na matulog sa kwarto mo kagabi. Akala ko talaga kasi ay Guestroom yun." paliwanag ko ulit.
Aba'y magssorry ako sakanya, pero hindi ko hahayaan na isipin niyang intensyon ko na matulog sa kwarto niya. Baka isipin na niya na crush ko siya, which is fact naman.
"Why you didn't check? You can turn on the lights to see if you're in the right room." rebat niya nanaman. Hindi ba 'to mauubusan ng pang-gisa saakin?
"Naiwan ko yung phone ko sa room ni Ate Vien, kaya di ko nabuksan yung ilaw." sagot ko
"Pwede mong hanapin ang switch."
Napapikit nalang ako nang may nadahilan nanaman siya.
"Teka nga, umamin ka nga sakin Kuya Zei—nahalikan ba kita kagabi?" matapang kong sinalubong ang tingin niya. "Kanina ka pa nagagalit sakin dyaan! oo na, alam ko na yung naging mali ko pero may dahilan naman ako doon—at hindi ko naman ginusto ko yun pero ikaw kahit anong explanation ko hindi mo ako pinapakinggan. So ano ba, saan ba nanggagaling yang inis mo saakin at hindi mo mapatawad ang inasta ko! ano hinalikan ba kita?!" mahabang litanya ko.
Kung gaano kahaba ang sinabi ko ay kabaliktaran nama ng naging tugon niya.
"No." sagot niya.
"Yun naman pala 'e. Wala naman akong ginawa sayo pero kung bugahan mo ako ng english mo parang hindi mo na ako mapapatawad." pagtataray ko sakanya bago ako tuluyang maglakad patungo sa kotse niya.
May sinabi pa siya sa likod ko pero hindi ko na iyon narinig—este hindi ko na talaga pinakinggan dahil baka abutin kaming dalawa ng umaga dito.
Naiinis ako, na nahihiya—at the same time ay natutuwa dahil ngayon ko lang siya nakausap nang ganito katagal.
Pero sana sa susunod na makausap ko siya ay hindi na niya ako sinusungitan. Dahil konti nalang talaga ay ma-uuncrush ko na siya.
°°°