Kabanata 23...
Ex
"Attorney Palencia seems so familiar, but I can't remember where I've really seen him before..." Apollo muttered that send my heart pounding.
Tumingin naman sa'kin si Kuya Zyair na tila nag-aantay ng isasagot ko.
Kumain lang ako nang kumain at hindi na sila pinansin.
Hindi na muling pinuna ni Kuya ang aniya'y namumula kong mga mata at ilong, pero ramdam na ramdam ko pa rin naman ang kyuryoso n'yang mga tingin kaya hindi pa rin ako makampante.
Talking my relations with Alessandro will just bring back the past and I don't want to stress them out of it again.
Sana talaga'y hindi na maalala ni Apollo na si Alessandro ang umistorbo sa'min noong una kaming nagkita.
"How was the talk with Governor Angeles earlier, by the way?" I asked as attempt to change the topic.
Rest assured, I survived that lunch with Kuya Zyair and Apollo without opening up.
Matapos naming kumain ay may dinaanan pa kaming papeles sa post office at may inasikaso rin si Kuya at Apollo sa munisipyo kaya takip-silim na nang tuluyan kaming bumalik sa bahay kung saan mabilis akong nakatulog agad pagkatapos maghapunan dahil siguro sa pagod.
Marahil na rin sa masyadong maaga kong pag tulog, madaling araw pa nang magising ako.
Maga-alas kuwatro pa lang at dahil tapos ko na ang kahit anong tungkol sa trabaho, at kanselado pa rin naman ang klase, wala akong importanteng nakalatag na gagawin.
Inubos ko ang mahigit isang oras pagv-view ng files na nai-email sa'kin ni Tita Mariette at nang mag alas cinco ay naligo ako at nagbihis ng spandex shorts kasama ng sports bra para sa gagawing pagj-jogging.
Naisip ko na maayos na naman ang daan at wala ng nagkalat na kung ano-ano kaya safe na naman sigurong mag jogging katulad ng nakasanayan ko.
Wala pang bente minutos na pagtakbo, naupo ako sa sidewalk at wala sa sariling natulala.
Ayaw ko mang tuluyang manuot sa akin, pinagtataksilan ako ng utak ko at patuloy pa rin na pine-play ang naging pag-uusap namin ni Alessandro kahapon at kung paano ko na naman pinagmukang mahina ang sarili ko sa harap n'ya.
I just can't help it knowing the fact I'm shamelessly blaming the wrong person, when I am, in reality, the cause of it all.
He was just a catalyst of my father's imprisonment before, and I was the one who truly began betraying him by rebelling and accusing him of things.
I even doubted him for not being involved in Miranda's death...
God... I'm so sorry, Dad.
Hindi lang talaga matanggap ng sistema ko na kung maka asta si Alessandro ay akala mo sobrang lapit naming magkaibigan noon. Kahit pa alam naman n'yang bago ako tuluyang lumipat ng Ilo-ilo, alam ko ang ginawa n'ya.
Isa pa, bakit ba s'ya sunod nang sunod sa'kin? Hindi naman s'ya ganito noon.
When did he become so annoyingly persistent to make amends with me? E noon nga ako ang lapit nang lapit sa kan'ya.
Nakakainis.
Ayaw ko nang maalala ang mga kagagahan ko noon, pero kapag talaga tungkol sa kan'ya bumabalik ang lahat.
Ilang minuto pa 'kong nagmuni-muni sa sidewalk na iyon bago muling mag exercise at mag jogging.
Lagpas alas otso na nang naisipan kong bumalik sa bahay.
Lakad na lamang ang ginagawa ko nang tumigil sa gilid ko ang pamilyar na sasakyan ni Kuya Jyair. Mabilis kumunot ang noo ko at ngayon lang na-realize na hindi ko nga nakita sa garahe ang sasakyan n'ya bago ako umalis.
Mabilis akong pumasok sa sasakyan at nangingiti s'yang tinignan.
"You didn't go home last night! Where did you sleep?"
"Don't interrogate me."
Malakas akong suminghap at itinuro s'ya.
"Finally! Finally! May girlfriend ka na?" Hindi ko na napigilan ang paghalakhak.
"Stop prying on my love life, Laia!" Pagalit kuno pero nangingiti n'ya namang sabi.
"So, meron nga?"
Kuya Jyair clicked his tongue and let out air on his mouth. "I wish..."
"Damn, basted ka agad?"
"Hindi ah..."
"So, may nililigawan ka nga?" bumalik ang ngisi ko.
Hindi ito sumagot at umiiling-iling s'ya sa'kin habang nakangisi. Iyon pati, hanggang makarating kami sa bahay ay gumanda ang mood ko.
Patakbo ko pang sinalubong si Kuya Zyair at isinigaw dito na may nililigawan na ang pinakamamahal naming panganay.
"You just knew about it? E halos halughugin na nga n'yan lahat ng hospital pati clinic sa bayan para lang—"
"Zyair," mabigat na pigil ni Kuya Jyair sa kung ano mang sasabihin nito.
Ganoon na lamang ang singhap at paghampas ko sa braso ni Kuya Jyair.
How come I didn't realize?!
Now that I think about it, nitong mga nakaraan na linggo, napapadalas nga ang MIA n'ya rito sa bahay kahit pa mostly naman ang trabaho n'ya ay ginagawa pa-online.
May binibisita na pala sa bayan!
"Why didn't you tell me!" Balik ko naman kay Kuya Zyair na agad akong tinawanan.
"'Cause you're too busy with your work! Sabi ko sayo't lumabas-labas naman tayo e,"
"I feel so betrayed..." puno ng hinanakit kong sabi. "Apollo, you knew about this too?"
Apollo smirks and nods at me.
This time, I hold my chest dramatically and shake my head at them.
Grabe, kapatid pa ba nila 'ko at this point? Hindi ko alam na may future sister-in-law na pala 'ko.
Baka sa susunod may anak na pala silang hindi ko nalalaman.
"Alaia. you're sweaty. Magpalit ka na muna." Si Kuya Jyair.
"So arte, kuya. I'm not sweaty! Anyway, what's up with that," turo ko sa maraming gulay at karne na nakalatag sa kusina.
Bago pa sila makasagot, naunahan na sila ng pagdating ni Emil.
"Magandang umaga," sabay baba nito ng plastic bag sa lamesa.
Sinilip ko ang laman at ingredients din ang nandoon kaya nagtataka ko silang tiningnan.
"Is it anyone's birthday that I didn't know?"
"Magandang umaga rin, Emil. Mabuti't nakapunta ka. Kamusta si Nanay Teres?"
"Mabuti si Nanay, masyadong nage-enjoy mag alaga ng mga apo n'ya." Tawa ni Emil.
"I've mentioned this yesterday, Laia." Kuya Zyair looked at me with brows furrowed. "The Governor said he wanted to visit, and the man doesn't accept rejection. Pumayag na lang ako. He also invited few of his acquaintances, resulting to these." He added, gesturing to the ingredients.
I don't remember hearing that! Fuck. Was I spacing out so much yesterday?
At... acquaintances?
"What do you mean acquaintances?"
Oh no, don't he tell me that it's those lawyers they've invited.
"Attorney Rad and Aga, also one of the councilors." sagot ni Apollo.
They go by first names now?! Apelyido lang ang tawagan nila kahapon ah!
"Wait, don't you think it's inappropriate time to have this gathering? I mean, people are still recovering from the typhoon!"
"That's exactly what I said, Laia. The man still persisted," kibit balikat ni Kuya Zyair.
Kumuot ang noo ko.
"That's fucking retarded."
"Alaia,"
"She has a point, Zyair."
"I know, that's why I'm sorry. Nahirapan lang talaga akong tumanggi kahapon,"
Hindi ako sumagot at dumeretso lamang sa aming fridge para kumuha ng inumin.
Kalaunan pang nakasunod ang mga tingin nilang lahat sa'kin, pero agaran din namang napunta ang atensyon nila sa mga lulutuin.
Talagang nababagabag ako na habang nasa proseso pa lang ng pag-recover ang mga residente sa mga karatig bayan sa nangyaring bagyo literally few days ago, kaya na nilang makipag salo-salo ng ganito.
Muling bumalik sa akin ang sinabi ni Sir Bryan na hindi pa rin gaanong maayos ang lagay ng mga bahay sa lugar nila. Dapat iyon ang bigyan ng pansin ng Gobernador, hindi ang ganitong pagsasalo-salo na pupwede namang gawin sa mga susunod na araw ng walang problema.
Siguro nama'y meron s'yang mga taong gumagalaw para doon, pero...
Hindi ko na alam.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Ang totoo ay meron pang isang bumabagabag sa akin.
Ayaw ko na nga s'yang makita e. Pagkatapos ngayon pupunta pa pala sila rito sa bahay. Sariling kapatid ko pa pala ang nag invite.
Well, technically it was Governor Angeles who invited themselves, but still!
Nag angat ang tingin ko nang mamataan si Kuya Zyair na papalapit sa akin, seryoso ang postura.
Emil's already busy sorting out the ingredients. Si Kuya Jyair naman ay inaya si Apollo na lumabas ng aming bakuran para doon mag umagahan.
"Stop denying that you cried yesterday, Alaia. Everyone in that room can immediately tell the moment you entered it." He sighs. "And now you're so bothered that they're coming here today,"
"Well, I am, kuya. Kasi nga hindi naman tama na mas unahin pa ang ganito..."
"I know... I know you care about the people. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari kahapon,"
"Nothing happened, alright?"
"With you and that Attorney Palencia?"
"Literally nothing,"
Zyair took a minute to pore over my expression before giving another sigh.
"You're lying."
Napaawang ang labi ko bago agarang sumagot sa paratang nito.
"I'm not!"
"So, you didn't really know him?"
Bahagyan nanliit ang mga mata ko at pinakatitigan ito.
Is that a trick question? We were introduced at each other at the stage, so, technically I already knew him. Right?
Shit. Am I blowing this shit up?
"I-I mean, I'd known him since we were introduced yesterday. Right?"
Ayaw ko na talagang maungkat muli ang lahat at idamay pa sina Kuya Jyair at Zyair.
They can do business for all I care, get Alessandro and that Attorney Canja as their advisers, counselors or whatever, then fine. Just that the past should not be be brought up anymore because it's too destructive. Too damn destructive and I'm too scared that it might even endanger my brothers.
Sila na lang ang meron ako.
Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin kung mapahamak pa sila dahil na naman sa'kin.
For the third time, Kuya Zyair gave another sigh.
"Alright... You don't have to tell me everything, Laia. Gusto ko lang malaman kung hindi ka kumportable. I don't care if he's your ex from Manila or—"
"Why is it that you always think first is that he's my freaking ex?!"
Tila sabay pa kaming nagulat ni Kuya Zyair sa bigla kong pagsabog. Nakita ko pa si Emil na bahagyang sumilip sa'min.
Kasi naman!
Why do they always assume that Alessandro's my ex! Hindi ba pwedeng kaibigan muna? O kakilala lang dati, dahil iyon naman ang totoo?
My goodness.
Do we even look like we're past lovers?!
Mas maiintindihan ko pa kung ang iniisip nila ay mortal kaming magka-away at nandito s'ya para ituloy ang gyera namin at malaman na kung sino ang tunay na panalo!
"Ewan ko sa'yo, kuya!" Iritado kong sabi at pabagsak na isinara ang fridge bago nagmamartsang umalis ng kusina.
"Alaia! Where are you going?!"
Sensing a tone of malice on Zyair's voice, nagdere-deretso lang ako paakyat ng kwarto at hindi na s'ya pinansin pa.
Hindi rin naman ako nagtagal sa kwarto dahil matapos kong maligo at magpalit ng pang-bahay na damit, bumaba na rin ako para tumulong sa pagluluto.
Zyair is basically our cook here. Doon lang sila nagkakasundo ni Emil, sa pagluluto.
Jyair also cooks, pero iilang putahe lang ang alam n'yang lutuin kaya mas madalas talaga si Zyair. Para sa akin naman, kapag na-trip-an ko lang at tsaka ako nagluluto.
"Anong oras ba darating ang mga bisita?"
Nag angat ako ng tingin mula sa paghahalo dahil sa tanong ni Emil.
Right. It's already 11 am. Baka mamaya ay bigla na lang sumulpot ang mga 'yon.
"Probably 12, or 1, I'm not sure. Malapit na rin namang maluto ang mga 'yan, don't sweat it."
I've already placed the dishes in its containers and place it at our dining table when Kuya Jyair call to me. Bago sumunod sa kan'ya ay sumadya muna ako saglit sa kusina para huminga at makainom ng tubig.
"Your aunt Mariette called me..."
Agad akong napabuga ng hangin sa tinuran nito.
"Anong sabi?"
Isa pa pala 'to. Ang hindi mawala-wala sa isip ko.
Tita Mariette has been constantly giving me updates about our company, allowing me to see things through and she's also guiding me on what possible plans they're currently undertaking. Aside to that, she's also time-to-time hinting that she wants to leave the company to me already.
Nahihiya na ako sa dami ng favor na ginawa ni Tita para sa'kin, pero kasi...
I love the tranquility here... I'm not sure if I can switch places yet.
"She's been calling you earlier, pero I'm gussing you left your phone in your room, and you were cooking earlier kaya iyon ang sinabi ko."
"Thank you,"
"She also said that they wanna process their visa probably by next week, or the week after that."
"Shit..."
Given that Tita Mariette's family really travel a lot, I don't think it'll take much time getting their stuff ready.
Kakayanin ko na ba?
"Are you okay?" balik ni Kuya Jyair sa'kin.
"Yeah..." napahawak na lamang ako sa sintido at bahagyang umiling. "Yeah, yeah... I'm fine. It's just that, um..."
Hinahanap ko pa ang tamang pagbigkas sa sasabihin nang bahagyang umingay ang sala.
Una kong nakita si Attorney Canja papasok, kasunod si Alessandro na agad nahanap ang paningin ko. Sa likod nila'y si Governor Angeles, kasunod ang isang konsehal at dalawang mistulang bodyguards.
"Let's just talk about this some other time, Kuya. Magpapalit na muna 'ko, 'wag n'yo na 'kong hintayin bago kumain."
"What?"
"Kakausapin ko muna si Tita, don't worry. I'm not hungry yet,"
Tumango lang si Kuya Jyair kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tumulak na sa aking kwarto.
Gayunpaman, imbes na magpalit ako ng damit gaya ng sabi ko, sumalampak ako sa higaan at wala sa sariling napatitig na lamang sa kisame.
Ayaw kong bumalik.
Knowing that my known peace in here is as tortuos back there, makes me want to stay here even more. Call me coward for all I care, but I just want to protect my peace.
Ngunit tila ba ngayon ay wala na 'kong ibang pagpipilian kun'di bumalik, dahil hindi ko naman kayang ipagsawalang bahala na lang ang binuo at pinaghirapan ng mga magulang ko.
It's their legacy, after all.
It's the only way I will be able to repay them. By honoring and letting their hard-earned business thrive, and I could not do it? After all the things I've done to them before they passed?
I need to finally step up, because I'm so much better than that.
Just... I just need a few moments to savor this peace.
Matapos ang mabagal na pagbibihis, tinawagan ko na rin sa wakas si Tita Mariette at kung anong sinabi sa'kin ni Kuya Jyair na sinabi ni Tita, iyon ding naging pag-uusap namin. Iyon nga lang, mas ipinawatig n'yang lubos sa'kin na talagang nais na nilang umalis ng bansa.
I told her I'll return, but I didn't give an exact date kaya panay pa rin ang alma ni Tita.
Isang beses ko pang pinagmasdan ang sarili sa salamin.
I'm wearing the most basic dress I own.
A plain white spaghetti strap above-the-knee dress with a flowing bottom. It has a V-neck, but it's not as deep as I usually wear.
"Oh, Marjorie," ani Emil na una kong nakita pagkababa ng hagdan.
"Sa'n kayo?"
"Nasa hardin na sila. Hindi ka pa ba kumakain?"
Umiling lang ako.
"Kumain ka na muna,"
"Alright..." sabib ko habang nakasilip sa hardin pero walang maaninag doon. "Sa kusina na lang ako kakain, pakisabi kila Kuya, Emil. Thank you!"
"Sige, sumunod ka rin doon. Hinihintay ka nila,"
Tumango ako at ngumiting muli bago tumuloy sa kusina at nagsandok na ng sariling pagkain.
Kauupo ko lang at pasubo na sana ng kanin nang wala pa yatang sampung segundo ay tumunog ang cellphone ko.
Why is Liza facetiming me?
Lalong kumunot ang noo ko nang makita rin si Eyan doon.
Group video call pala.
"Hello?"
"Not even 24 hours," bungad ni Liza.
"Trending ka sa Facebook! I mean, we all are, but... yeah, you get it." si Eyan.
"Anong pinagsasasabi n'yo?"
"Sabi ko sa'yo hindi nagc-check ng Facebook ang Lola natin e," natatawang ani Liza.
"Ano ba kasi 'yan?"
"May ise-send akong screenshot sa'yo, check it!"
Kunot noo ko silang tinignan dalawa na bumalik sa pagchichikahan habang iniintay kong mag load ang nai-send na image ni Eyan.
It's a photograph of the three of us in focus. I was giving the elderly lady a relief good, Eyan was pointing to something, and Liza was just staring at the lady in front of us. Umani na iyon ng 15.2k reactions at ilang libo ring comments at shares.
'kung sila ang tutulong, kahit araw-araw pa kong bagyuhin'
That was the first comment and the only visible one on the screenshot.
Somehow a compliment, but definitely something bad to even think of!
Bahagya akong natawa.
"Nakita mo na?" Natatawa ring sabi ni Eyan.
"Yeah, where is this even posted?"
"Sa page ng Governor, nai-mention lang din ako kanina kaya ko nakita."
Pasubo na sana ako ng kanin nang natigilan dahil sa pagsulpot ni Alessandro sa kusina.
Napairap na lamang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Mag a-alas tres na," Alessandro muttered.
Natigil ang pagku-kuwentuhan ni Liza at Eyan kaya tinignan ko ang screen at nakita ang dalawa na nakatingin lamang din sa screen. Eyan with her eyes wide and hand on her mouth, and Liza grinning.
Obviously teasing me.
"Ooh..." Liza maliciously whispered.
"Wait, is that your ex?" Eyan whispered back, but obviously since I have my speaker on, malakas pa rin at rinig na rinig ang pagkakasabi n'ya!
"No, and shut up!"
Mabilis kong pinatay ang tawag at inilapag iyon sa lamesa at nag concentrate na lalo sa pagkain.
Gusto kong kumain na lang nang kumain, pero nakatingin pa rin si Alessandro sa'kin at nakakairita. Muli ko s'yang tinapunan ng tingin.
He's wearing a black tee, that's somehow fitted to him considering that arm and chest muscle... partnered with a tan above the knee shorts that's hugging his muscular leg...
Huh... I'm not used to seeing him wearing casual.
"What?" I snap.
"Ex?"
Agad akong napairap.
"It's not you."
Tumaas lang ang isang kilay n'ya at kumuha ng pitcher sa aming fridge at nagsalin ng kan'yang tubig sa baso.
Hindi ba sila binigyan ng water or juice doon nila Kuya, bakit dito pa s'ya iinom?
"I didn't say na you're my ex. They are just assuming, that's all." Hindi ko na napigilang depensa sa sarili.
Nagkibit balikat si Alessandro at ibinaba ang baso sa lamesa.
"I didn't say anything. Just eat your food."
Ngumuya ako habang pinagmamasdan s'ya. Magkatitigan lang kami, at nang makalunok ako, agad ko s'yang itinuro.
"You're not believing me. You think I told them that you're my ex?!"
"No, I don't!"
Suminghap ako at inirapan s'ya.
Hindi raw pero kitang-kita ko ang nakakainis n'yang espresyon!
Muli aakong umirap at mas binilisan ang pagkain, dahil kung hindi s'ya aalis dito, ako ang aalis.
"Slow down," he chuckles.
Binigyan ko lang s'ya ng masamang tingin at nang malunok ang huling pagkain ay nagsalin na ako ng inumin sa baso. Mabilisan ang naging pag-uurong ko ng mga nagamit kong utensil and plates bago nagma-martsang nilakad ang patungong hardin.
Huminga pa ako ng malalim para ibalik ang postura bago tuluyang lumapit kila Kuya.
"Hi, good afternoon, Governor, Councilor, Attorney," isa-isa ko silang nginitian bago umupo sa unang bakanteng upuan na nakita ko.
Sakto sa'min ang bilugang mesa.
Sa kanan ko ay si Apollo, kasunod n'ya ang dalawa kong kapatid, ang konsehal, kasunod ang Gobernador, si Attorney Canja, bakanteng upuan na palagay ko'y kay Alessandro, at si Emil na nasa aking kaliwa.
"Akala ko'y hindi ka na bababa, hija." Nakangiting ani ni Governor Angeles.
"May inasikaso lang po," balik ko sa ngiti nito.
Nang makaupo si Alessandro ay nagkatinginan pa kami. Napakunot pa ang noo ko pero nang nalingunan si Kuya Zyair na nakatingin sa'kin, muling bumalik ang pahapyaw kong ngiti.
"Beer?" Hindi ko na napigilan ang sariling banggitin iyon.
Nakalatag sa aming lamesa ay ilang bote ng beer, ang niluto naming pasta kanina at ilang finger foods.
Seriously, beer at 3 pm?
Humalakhak ang konsehal at tiningnan ako. "Maganda naman sa puso ang beer, anak."
The Governor and the Counselor isn't that old yet, kaya siguro'y malakas pa uminom ang dalawa. I'm guessing they're in their mid-50s.
Oh well, alangan naman na pigilan ko sila.
Bumalik din sila sa tila kaninang usapin kaya nanahimik na 'ko. Maya't-maya naman ay nililingon ako no Emil o ni Apollo para kausapin kaya nalilibang pa rin ako.
"Buti nga 'no, at hindi sinumpong si Nanay Teres ng sakit?" lingon ko kay Emil.
"Nag aalala nga ako at hindi naman talaga nagsasabi si Nanay kapag may sakit s'ya," buntong hininga nito. "Pero palagay ko'y ayos naman s'ya."
"Schedule ng check up n'ya noong isang linggo, right? Pumunta kayo?"
"Oo naman. Ako ang naghahatid doon kay Nanay kaya hindi s'ya makakatakas,"
Sabay kaming natawa.
Although everyone's really keen over Nanay Teres' health, s'ya naman itong laging tumatanggi kapag inaanyayahan namin na magpakalusog. Perhaps it's old-age mischievousness.
Unti-unting nawala ang ngiti ko nang magtama ang tingin namin ni Alessandro. Attorney Canja is talking to him, but obviously, this man is on another world.
I pursed my lips and continue listening to the men talking about business.
Magagamit ko siguro ang mga naririnig ko sa kanila ngayon. Might as well stay focused.
Lumipas ang oras at nag-uusap pa rin sila.
Nagpaalam si Kuya Jyair kani-kanina lamang para sumagot ng tawag, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya bumabalik.
Nakasilip pa ako sa loob ng bahay nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at nag-sorry, bago umalis para sagutin ang tawag.
"Oh, Eyan?"
There were a few seconds of silence, before I heard her breath on the other line.
"Is there a problem?"
"Meron kasing mga posts about you..."
"Posts? What do you mean? 'Yong pinakita mo kanina?"
"No, not that..."
She's making me nervous with all the beating in the bush!
"Just send it to me in messenger, Eyan. I'll download Facebook right now."
"Wait, ise-send ko na lang ang screenshot—"
"No, ako na lang mismo ang titingin. Thank you, Eyan."
Ibinaba ko na ang tawag at agad nagpunta sa app store para makapag download ng Facebook at Messenger. Mabilis kong tinipa ang aking account doon.
As much as I really don't care on what they post on social media, it just seems like this new post about me is something I should look at given with Eyan's reaction.
May palagay ako sa context na aking makikita, pero ayaw kong i-manifest na iyon nga 'yon...
I decided to sit down and can't help but admire our front yard.
Takip silim na at ang kulay na dala nito'y talagang pinapatingkad ang mga halaman dito. The sky itself is already beautiful, but this scenery makes it even astonishing.
"Laia?" Paglabas ni Kuya Zyair sa aming pinto.
"Bakit?"
Nagkibit balikat s'ya at umupo sa upuan katapat ko.
"Nothing, I just wanna take some break. They're now just talking about random things anyway,"
Tumango lamang ako at tiningnan ang cellphone.
Tapos na palang mag download ang dalawang apps.
"Are you really not his ex?"
Nanlaki ang mga mata ko sa biglang tanong ni Zyair.
"Kuya!"
"What?"
"Hindi nga sabi," napairap na lamang ako.
"You two are acting so weird since earlier, and I also saw how you took glances at each other." Ngiwi nito.
"We don't took glances at each other!" eksaherada kong sabi at napa ayos na ng upo. "Kuya, he's not my ex, okay? Stop with all this..." I said, gesturing the air.
"Apollo told me he remembered he saw him before, with you." Zyair's brow arch.
Shit. Apollo naman e, bakit ang talas ng memorya no'n?!
"Yeah? That doesn't mean we were together once." I arch my brow back.
"So, you really knew each other before..."
"Yeah, but that's just it!"
Matapos kong sabihin iyon, lumabas si Alessandro sa pinto at agad n'ya kaming nakita. Bago ko pa ito i-ignora, nilingon na s'ya ni Zyair.
"Should I just ask him?" Zyair said, still looking at Alessandro.
"Kuya!"
"Ask me what?" baling ni Alessandro na papalapit na sa'min ngayon.
Bago pa maunang magsalita si Kuya, nauna na 'ko dahil baka kung ano pa ang sabihin nito!
"He also thinks you're my ex," I roll my eyes. "Tell him you're not para matigil na 'to, dahil hindi naman talaga." Singhap ko.
I cross my arms and rest my back on my seat, waiting for Alessandro to back me up. Akmang magsasalita ito nang naunahan s'ya ng sumod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.
Literally notifications after notifications. Bawat segundo ay panibagong notification.
"Jesus, why is your phone blowing up?"
Sinilip iyon ni Kuya.
Alessandro was about to take my phone when I beat him into it. My brow furrowed at his action, but I ignored it and open my phone up.
Unang bumungad sa'kin ang bukas na Facebook.
Seems like it finally load up, and I got... 999+ notifications and friend requests...
"'Wag mo nang pansinin 'yan." Alessandro said, attempting to get my phone again.
Iniwas ko sa kan'ya iyon at pinakatitigan s'ya.
"Why?" I asked.
Maski si Kuya ay tinitigan s'ya, pero hindi ito nakasagot.
Patuloy na gumagalaw ang notification nang pumunta ako sa section na iyon. Sinubukan kong pindutin ang isa, pero ang nakita ay iyong naunang ipinakita sa'kin ni Eyan.
I tried clicking on another one, and I guess I found it...
"That's nothing, Marjorie. Don't read it, don't waste your time."
Muli kong iniwas kay Alessandro ang braso nang akma n'ya na namang kukuhain ang cellphone ko.
"What is it that you don't want my sister to see?" Kuya Zyair's holding his phone now.
Umiling si Alessandro at binuksan din ang kan'yang cellphone bago inilagay iyon sa kan'yang tenga, tila ba nag-aantay na sumagot ang kung sino mang tinatawagan n'ya.
Eyan's phone call flashed through my screen and I immediately cancelled it. My friends on Facebook are also trying to reach me out through Messenger as I'm seeng on the pop-up notifications.
Sunod-sunod pa rin ang tunog ng cellphone ko dahil sa sandamakmak na notifications kaya pinatay ko muna ang WiFi para tuluyang mabasa ang context ng post.
It was posted 3 hours ago on a seemingly new account with a generic name. No profile picture.
'EXPOSING MARJORIE BERNALDEZ' said its headline.
...