Lumipas ang dalawang linggong wala akong ibang ginawa kung hindi ang ituon ang buong atensyon ko sa pag-aaral. I’m doing well on our clinical, and at the same time, nag-e-excel ako sa iba pang mga subjects. I’m afraid that I might fail just because my mind was bombarded with different thoughts kaya inubos ko ang buong oras ko sa pag-aaral. For the weeks that have passed, I have never had any interaction with Top anymore. Hindi na ako madalas dumaraan malapit sa mga benches dahil sumasabay na ako kay Anikka tuwing lunch break. Dahil doon, palagi rin akong nakakapagdahilan sa D’Beasts tuwing inaaya nila akong mag-lunch kasama sila.
“Kaya pala hindi ka na sumasabay sa amin!” pang-aasar ni Ford nang makita niya kaming nagtatanghalian sa isang maliit na food stall malapit sa aming building.
“Bakit ka nandito?” tanong ko kasabay nang pag-inom ng order kong apple shake.
“Inutusan ako ni Mr. Mendez na dalhin itong mga folders niya. Kung kailan lunch time na ay saka pa ako inabala,” pagrereklamo nito bago lumapit sa akin at bumulong. “Ang ganda niyang kasama mo. Girlfriend mo na?”
Lumingon ako kay Anikka na mukhang hindi napansin si Ford dahil masyadong busy sa pagbili ng kwek-kwek. Hindi pa raw siya nakakatikim ng ganitong mga pagkain kaya pinilit akong dito na lang kumain ngayong araw.
“Trip mo ba?” ngising tanong ko pabalik. Bago kasi sa akin ang makitang magka-interes siya sa isang babae.
“Sira-ulo! Hindi ko aagawin iyan! At saka, mukhang high maintenance! Tingnan mo, ang takaw kumain,” ngiwing sagot niya. “Good luck diyan sa chix mo, mamumulubi ka riyan.”
Natatawa siyang umiling bago nagpaalam nang babalik sa canteen para kumain kasama ang D’Beasts. I told him I’m busy kaya hindi muna ako makakasabay sa kanila. Ang lokong iyon ay tumango lang at nag-thumbs up pa bago tuluyang nawala.
“You should try this thing! It smells disgusting but tastes so good,” pang-aalok ni Anikka sa fish balls na nasa plastic cup niya.
“Alam ko na lahat ang mga lasa niyan. Hindi naman ako kagaya mong parang pinanganak lang kahapon.”
She doesn’t even know that street food exists! Palibahasa’y puro chismis ang inuuna.
Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang maraming estudyanteng pabalik-balik sa kani-kanilang mga classrooms. Nasa pagitan ng nursing department at iba pang department itong mga food stalls na bagong tayo lang kaya medyo nag-alangan pa akong pumunta, hindi ko kasi alam kung anong courses ang mga nandito. Baka may makita akong hindi ko gustong makita.
“Marami rin palang guwapo rito! Don’t get me wrong, mas gwapo ka sa mga iyan. Huwag kang magselos.”
Napaismid na lang ako sa kawalan. Wala na talaga akong magawa dahil kung ano-ano na naman ang sinasabi niya. Kaya kung minsan ay hindi ko pinapansin ang isang ito, eh.
“Anong department ba iyang mga nasa harapan?” kuryosong tanong ko.
Kapareho kasi ng regular na uniform ng school ang mga suot nila kaya hindi ko alam kung ano. Puting polo, may itim na necktie at itim na pants. Kapareho rin ng palaging suot nila Aki at kahit ni T-Top.
“Accountancy siguro iyan. Nakita ko kasi iyong friend ko kanina.”
Fuck! That means pwedeng makita ko si Top ngayon dito? After two weeks, anong sasabihin ko? What should I do? Bakit ba kasi rito pa naitayo ang mga food stalls na ito kung saan malapit sa accountancy!
“Bilisan mo nang kumain. Babalik na tayo sa classroom,” nagmamadali kong utos kay Anikka.
“Mamaya na! Wala pa namang ginagawa roon, at saka maaga pa.”
Wala na naman akong magawa kung hindi ang hayaan siyang kumain habang ako ay hawak pa rin ang kwek-kwek at lemon juice ko. Kaya rin talagang gusto ko nang bumalik sa classroom ay naiilang ako sa tingin ng mga babaeng nagagawi malapit sa amin. Mukhang freshmen lang ang iba kaya siguro’y hindi pa sila pamilyar sa akin. Ang ilan naman ay tinatawag pa ang pangalan ko kaya nginingitian ko na lang.
Ayaw ko namang iwan ang isang ito, baka mamaya ay kung ano pang mangyari at responsibilidad ko pa. Sana lang ay matapos na siya sa kakatusok ng stick niya sa kung ano-ano.
“Kitang-kita ka sa dami ng crowd,” sambit ng isang boses mula sa likuran ko. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyon pero masyadong malapit sa tainga ko kaya malinaw kong narinig.
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at literal na napaatras ako ng isang beses nang makita ko ang nakatayo sa harapan kong may magulong buhok, his thick eyebrows are almost about to meet each other, his eyes are like looking at his prey, and his bow-like lips are slightly pouting.
“May kailangan ka?” kinakabahang tanong ko.
“Meron. Ikaw…”
I almost choked at his response and glared at him. “Kaunti na lang ay iisipin kong sinusundan mo ako. Why are you even here?”
“Nasa tapat ka ng building namin. Mula rin sa second floor, kitang-kita iyang uniform mo. Talagang pupuntahan kita rito. Humahakot ka ng atensyon ng mga babae, eh,” may bahid ng inis na sagot niya.
“Anong pakialam mo? Nasasapawan ba kita? As if you can stop me.”
He smirked and whispered something. “Kung halikan kita rito, tingnan ko lang kung lapitan ka pa ng mga iyan.”
“Fuck you!”
Sinubukan ko siyang huwag na lang pansinin at muli siyang tinalikuran. If I mind my own business, he won’t bother me. At least that’s what I thought.
“Bakit ka kumakain niyan? Hindi bagay sa iyo.”
What the fuck? Ano namang pagkain ang bagay sa akin kung ganoon? Kapag sa pagkain ay alam niya kung anong bagay o hindi, pero kapag sa pananamit ay wala siyang alam? Baduy talaga kahit kailan!
Muli ko siyang nilingon at pinagtaasan ng kilay. “You don’t tell me what to eat.”
“Ganiyan na pala ang nakakahiligan mo kaya hindi ka na sumasabay kila kuya tuwing lunch.”
At paano naman niya nalaman na hindi na ako sumasabay sa D’Beasts? Stalker!
“Ano naman ngayon?” kalmadong tanong ko habang iniiwasan ang mga titig niya.
Nakakapanibago dahil after two weeks ay ngayon na lang kami ulit nakapagkita. Sa loob ng two weeks na iyon, wala manlang nagbago sa itsura niya. Hanggang ngayon ay Converse na luma pa rin ang sapatos.
“Hindi bagay sa uniform mo. Nursing student na kumakain ng unhealthy food.”
“Look, wala akong panahon sa iyo,” inis kong sagot.
“Alam ko, ilang linggo mo nga akong iniwasan, eh.”
Mabuti naman at nakaramdam siyang iniiwasan ko talaga siya! I don’t want to be associated with him. He’s just making me confused, and I don’t want another confusion in my life. I have too many plates on my table.
“I’m just busy,” may diing sagot ko.
Tumango siya kahit pa mukhang labag naman sa loob niya ang naging dahilan ko kung bakit ko siya iniiwasan. Akala niya ba ay dahil pa rin ito sa halikan namin? Hindi ko na nga maalala ang pakiramdam noon.
“It’s been weeks. Gusto ko lang din malaman kung kumusta na si Pancake,” aniya.
Nakahinga ako nang maluwag nang ibahin na niya ang topic, because it’s making me uncomfortable. And I’m glad, too, that he still cares about Pancakes. Sa pusang pinulot niya para ipaampon naman sa akin. Matatawag pa bang cat lover ito kung hindi naman siya ang nag-aalaga at ipinapasa sa akin ang mga responsibilidad?
“Pancake’s been really good. Kumakain na siya ng kaunting solid food at litter trained na rin. Mas matalino pa siya sa iyo ngayon. Sinusubukan ko siyang i-train. Magugulat ka na lang na mas magaling pa siyang mag-solve ng mga Math problems kaysa sa iyo.”
He smiled a bit and played his lower lip with amusement evident in his eyes. “That’s great. Puwede ko ba siyang bisitahin sa condo mo?”
S-Sa condo ko? No way! Ano siya tumama sa lotto? Kung dito pa nga lang na maraming taong nakapalibot sa amin ay hindi na ako mapakali, paano pa kaya kapag kami na lang dalawa ang magkasama sa iisang place? Remember what happened last time? Damn it. Ayaw ko nang maulit iyon.
“Puwede ko naman siyang dalhin sa iyo para hindi mo na rin kailangang pumunta pa sa condo ko,” pagbibigay ko ng suhestiyon.
“No, he’s still a baby. Bawal pa siyang mag-travel.”
What is he trying to say? Anong travel ba iyong wala pang twenty minutes ay makakarating na rin? Masyadong siyang sensitive. Hindi naman siya ang ibabyahe ko, si Pancake naman.
“Pero mas mabuti kung—”
“Hindi naman ako magtatagal. Aalis din ako kaagad. Si Pancake ang ipupunta ko roon, walang iba,” pinal na sagot niya.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang bago pa humaba ang pagtatalo namin at mahalata ni Anikka.
Siguraduhin lang niyang si Pancake lang ang ipupunta niya roon. Sa oras na kausapin niya ako tungkol sa kung ano-ano ay humanda siya sa akin! Unti-unti ko nang nakakalimutan ang kung ano mang nangyari kaya dapat ay huwag na niyang ipaalala pa ang alin man doon.