ถถา๕ษ็ว๘

Her Memories แƒ“

By JihaHeart

2.8K 328 273

COMPLETED (unedited) HER Trilogy Book 1 Jahnette Flacon, the youngest of the family, was once a bubbly child... More

Author's Note
WARNING
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Epilogue

Chapter 43

14 1 0
By JihaHeart

Nakatapos na kami ng exams namin, ganun pa rin, mga tingin na naawa sila sa akin na halos maluha na ang iba habang tinitignan ako. Tahimik akong kumakain dito, bakit ba sila nagiging emosyonal ngayon?

Nasa classroom pa rin ako, hindi ako pinayagan ng tatlo na lumabas. Pati mga kaklase namin hindi ako pinayagan na lumabas ng classroom.

“Press, gutom ka pa ba? I have extra food.”

Lumapit sa akin si Sandara na may hawak na juice pouch at biscuit. Umiling ako sa kanya, pero pinili pa rin niyang iwanan ito sa table ko. Lumapit rin ang iba sa akin at nag bigay ng post-it notes, may flowers rin na stickers.

“Thank you? Anong nangyayari?” tanong ko, pinulot ko ang chocolate na binigay ni Ricky. Hindi ako umaayaw sa free chocolates. Tiningnan ko si Ricky nang hindi niya ako sinagot. Malungkot siyang nakatitig sa akin.

“Are you okay?”

Tumango ako sa tanong niya. Sila dapat ang tanungin ko, mukha silang nawalan ng kaibigan. Hindi sila masyadong nag-iingay, halos titigan at sign language ang ginagawa nila sa isa't isa. Hawak niya ang cellphone ay sumilip siya ng may nag notification.

“Uhhmmm... Excuse me, may kailangan akong puntahan,” Balisa niyang ibinulsa ang cellphone niya, hindi alam kung iiwan niya ako o lalabas ng classroom. Kami lang ang nandito kasi umuwi na ang iba, katatapos lang ng last exam kaya ikaw na ang bahala kung mananatili ka o uuwi na.

Nanatili ako dito dahil hihintayin ko na makatapos sila kuya. Usually isang oras ako maghihintay dahil hindi pa sila tapos sa subjects nila.

“You can go, hintayin ko na lang ang tatlo na bumalik,” sabi ko, pinapaalis na at itinuturo pa ang pinto. Hindi siya sigurado kung aalis ba siya. Tumayo na lang ako at ako na ang naghatid sa kanya palabas. Hindi naman ako mawawala dito.

“Huwag kang lalabas ha?” paalala niya habang sinusuot ang bag sa balikat niya. Tumango na lang ako sa kanya para hindi na siya magtagal pa dito. Nang masigurado niyang hindi ako lalabas ay nagpaalam na siya, tumatakbo na parang maiiwan siya.

“Why are you guys so weird today?” bulong ko habang bumabalik na sa upuan ko. Kinakain ko ang mga binigay nila sa akin na pagkain, ilang minuto pa akong nakaupo nang maisipan kong mag banyo.

Siguro naman pwede akong mag banyo?

Matagal pa naman ang tatlo, hindi ko alam saan sila napunta. Ang sinabi lang nila ay babalik sila agad. Ilang kalahating oras na ata silang wala eh.

Ang tahimik ng hallway, nakauwi na ang mga tao dito. May ilan namang nakatambay pero hindi naman ganun ka ingay.

Nakapasok na ako sa banyo, wala rin ka-tao-tao. Pumasok ako sa unang cubicle at ginawa kung ano ang pakay ko. Nag flush na ako at lumabas para mag hugas.

Tumingin ako sa reflection ko. Mukha akong nawalan ng buhay. Nangilabot ako habang nakatitig sa mukha kong pagod tingan. Anong nangyari sa akin?

Eyes looking like it lost its shine. I tried to smile like I did earlier this morning. It scared me. What kind of smile is that?

Bumalik ako sa cubicle nang maalala ko ang sinasabi ni Jess na post. Sigurado akong makikita ko ito agad dahil kahapon pa naman na post. Ano ba ang post na sinasabi niya na ganon siya umiyak. Mga tingin rin nila sa akin na parang nakakaawa ako sa paningin nila.

Nagbukas ako ng Facebook. Nag scroll pa ako ng wala naman akong makita na relevant sa sinasabi ni Jess. Tahimik ang notifications ko kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

Napadaan ako sa isang post.

EX vs. TRANSFEREE

Alam niyo na ba ang alitan na nangyari sa gymnasium ng ex ni Terry Chua at ang kanyang currently courting transferee girl?

Kung hindi pa... magbasa kayo!

Mainit-init ito na kape na pwede niyong pang merienda sa malamig niyong gabi.

Six months ago, Charm Villion and Terry Chua was seen together sharing a coffee at the school canteen. The relationship wasn't announced but we sure have signs that Terry was courting her. Everyone was cheering for them, to make it up until graduation.

They were perfect—until one day, they never talked again.

The reason why?

Nobody knows.

For one month, the topic was brewing hot inside the forums. There are posts sharing theories about the sudden breakup, but there was no breakup. People made stories and hypothesis for why it ended so fast.

Then she came. The transfer student.

Jahnette F...

Her last name is still unknown for some reasons. I know it starts with the letter F, but whenever it's mentioned someone from her class blurs it out like some super confidential document.

A mystery isn't?

Why keep it hidden?

I have no idea, that's another story to tell.

Now back to the main issue—she was, at first not that noticeable. I often see her alone at the hallway, and most of the time surrounded by five towering guys. I am not aware who those are but I see them eating at the canteen every lunch time.

Then little by little, she became visible.

She became visible to everyone when the class officers pledge happend. She was seen talking with Terry. It didn't really matter that time but thinking about it now, it started there. Terry having no feelings being seduced by this transferee girl.

And it came, Terry always by her side and skipping class just to eat with her.

This is my take.

What do you think?

Comment down your thoughts.

Nanginginig akong nakatitig sa screen. Ang haba ng caption, may kasama pang photos at video. At ang comment section na umabot na ng isang daan.

Alam kong ako ang tinutukoy nila, pero tiningnan ko pa rin ang mga photo at video na kasali nito. Mga picture na kasama ko si Terry na kumakain at sinasamahan sa mga officers duty namin.

Tumigil ang puso ko sa nakita ko.

Video thumbnail—umiiyak si Charm at halos sumigaw ako na nakaturo sa kanya.

Nanginginig ay pinindot ko ang play.

“What are you so mad about?”

Ako ‘yon.

Boses ko.

Pagalit pero nanginginig.

Lahat nakatingin sa amin.

Umalis ako sa video at napapunta sa comment section. Maraming reactions at tags na hindi ko alam na makikita ko. Hindi ko alam kung totoo ba ito o ginagawa nila ito para gumawa ng mapaguusapan.

anak_ng_ch_erry
PA-VICTIM SA GYM TAPOS NAGKUNWARI NG MEMORY LOSS? HAHAHAHA

Nabitawan ko ito nang sumakit ang ulo ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ako makahinga habang walang tigil ang luha sa mata ko.

At sa isang iglap… bumalik lahat.

Yung tingin nila.

Yung pag-aalala sa mga mukha nila.

Yung katahimikan ng mga tao na nadadaanan ko.

Yung sigaw ni Charm.

Yung pagbangga niya sa akin.

Yung bigat sa dibdib.

Yung iyak na naiuwi ko.

Yung nangyari noong gabi.

“What happened?” iyak ko habang pinupunasan ko ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam. Wala akong alam tungkol sa naging relasyon nila Charm at Terry. Hindi naman kami nagkaroon ng romantic relationship.

I hadn’t even touched Terry romantically. I never gave him any reason to think I wanted more than friendship—but now the whole school had decided we were the drama. The TV soap opera their parents watched during noontime.

My brothers. Now I understand why they're acting like that. They're worried so much.

Napayuko ako at napatakip ng bibig. Ayaw kong may makarinig sa akin dito. Ayaw kong malagay na naman sa post. Pinilit ko na matakpan ang mga hikbi ko.

But I couldn’t stop them.

It wasn’t just about Charm. Or Terry. Or the dumb rumors.

It was everything.

Everything that I escaped six months ago, coming at me all over again.

The judging stares from people I didn’t know. The humiliation I received just because I was friendly. The silence from my brothers, worried about me.

I wasn't okay.

I hated how people twisted me into someone I wasn’t. I hated how easy it was for them to believe I was some manipulative, attention-hungry girl who smiled pretty and clung to boys. Like I planned any of this.

I’d spent the last few months just trying to exist quietly.

And now, somehow, I was the main character of a story I didn’t even want to be in.

Matagal akong umiiyak sa banyo. Hindi ko alam hanggang kailan pero nang maramdaman ko na medyo gumaan ang pakiramdam ko ay nag hilamos na ako.

I don't want to worry my brothers more.

Crying for the second time over something I can't control is enough.

Lumabas na ako ng banyo, nagpupunas ng kamay. Napatingin ako sa bintana, ang gulo ng mga tao na nasa baba. Flag retreat na ba ngayon? Hindi pa naman Friday para gawin iyon. Nagmadali Kong pumunta ng classroom nang makita ko ang tumatakbong bulto ni kuya Calyx. Dala niya ang bag ko.

“Kuya?” tanong ko nang bawat classroom ay sinisilip niya. Napatigil siya. Agad siyang tumakbo sa akin at sinalubong ng mahigpit na yakap. Binitawan niya sa sahig ang bag ko, hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

“Honey. Are you okay? Where did you go? Nasaktan ka ba? May umaway ba sayo? You're gone for thirty minutes!”

“Kuya, I'm fine. Nag banyo lang ako, alangan naman sa maghintay ako sa inyo?” pinigilan ko na siya sa sunod-sunod niyang tanong. Hindi na niya kailangan malaman na umiyak na naman ako doon. Yesterday's breakdown was enough to show them.

“Are you sure na walang nag-away sayo?” paniniguro niya habang nakahawak pa sin sa mukha ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti. I hope this time, I'm really smiling. Yumakap siya ulit sa akin at nagpakawala ng maluwag na hininga.

He's relieved. That means my smile is back.

“Let's go home. Naghihintay sila sa baba.”

Hinila na niya ako pababa. Nagmamadali siya kaya nagmadali na rin ako. Hindi ko alam bakit pero mukhang hindi siya mapakali habang nakahawak sa akin.

“Kuya, why are they crowded at the field?”

Naalala ko na magulo nga sila sa baba. Hindi naman pwedeng flag retreat, may exam pa naman bukas at sigurado akong may office pa sila sa dalawang matitira na araw ng school days.

“It's probably nothing.”

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa likod ng school. May bakanteng parking lot dito kaya hindi na ako nagtaka nang makita silang naghihintay sa amin. Sinalubong nila akong ng yakap at halik sa ulo.

“My classmates gave me snacks kuya, ang sweet nila.”

I shared them a heartwarming moment. They smiled at me when I smiled like I received a gift from them. They need to be assured that I'm okay now. They don't have to be worried anymore. Crying it out sure is good.

We ended our day with a smile on our faces.

After the exams the next day ay wala naman masyadong nangyari. Nandoon pa rin ang mga tingin nila, pero hindi ko na pinansin masyado. Hindi naman sila agresibo kaya hayaan na lang na nakatingin lang sa akin.

Si Terry naman. Nag-uusap pa rin naman pero hindi ko na tinanong tungkol sa post. Walang nakakaalam sa kanila na nakita ko na ang post. Hindi ko na rin kasi binuksan ang cellphone ko hangga't hindi ito tawag.

Ano naman gagawin ko kung titingnan ko ang mga comments. Iiyak na naman? No thanks. Baka ma-dehydrate ako sa kaiiyak.

Minabuti ko na lang na galingan ang mga exams ko. Kung sila nagkakagulo sa facebook, dito ako sa exams na nakakatakot mabagsak. Ayaw ko naman manatili dito sa grade level ko, nakakahiya sa background education ko na napakagaling.

“JanJan, are you okay?” lumapit si Zel sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Ilang beses na rin niya ako natanong. Lumapit rin si Jess hanggang sa lahat na sila pumalibot sa akin. Natatawa akong tumingin sa kanila at umiling.

Hinila nila ang mga upuan nila at naupo habang nakaharap sa akin. They have this eyes, trying to comfort me. Showing that they care. Napapunas ako sa luha na tumakas sa mata ko. Agad silang nag react, naiiyak habang nakatingin sa akin.

“Pres, nandito kami. You can share.”

“Don't worry pres, we got you covered.”

“You did nothing but be friendly.”

Ibat-iba na ang mga sinasabi nila kaya natatawa ako kahit naiiyak ang mata ko. Napalingon kami sa pinto nang makapasok si Terry, nagtatakang nakatingin sa amin.

“Why are you guys crowding around her?” lumapit siya at pinagtataboy ang nakaharang sa daan. Hindi sila gumalaw kaya wala siyang choice kundi sumiksik hanggang sa makarating siya sa gilid ko. Naupo siya sa upuan niya at taas kilay na tinitingnan ang mga kaklase namin na naiiyak na nakaharap.

“Bakit kayo umiiyak? Walang namatay dito, tumigil kayo.” Banta niya at binigyan ako ng tissue, napansin siguro na basa ang mata ko. Siya na lang ang nag punas ng luha ng matagal ko siyang tinitigan.

“Kaya pala na-issue, akin na nga iyan.” Hinablot ni Zel ang tissue sa kamay nito at siya nagpatuloy sa pagpunas sa mukha ko. Nag-ingay na rin ang iba dahil sa ginawa ni Terry. Pinagbabato na nila siya ng papel at nagsasalita kung bakit masyado na siyang mabait sa akin.

“Ikaw pala may kasalanan eh, umalis ka sa tabi niya, bumalik ka sa cold era mo.”

“Dati nga hindi ka namamansin eh, lahat ng girls pa, bakit ngayon masyado ka ng maasikaso kay Pres?”

“Guys, I'm her friend. Tama lang na bigyan ko siya ng atensyon.” Depensa ni Terry at binigyan ako ng biscuit na dala niya, hindi natinag sa ingay ng classroom dahil sa kanya. Natatawa kong tinanggap ang binigay niya. Hindi naman ako nagre-reklamo.

“Aba, unfair. Pahingi rin kami!”

“Kahit ano! Pa-special ka pa kay Pres.”

Nagsigawan na sila habang tinitignan ang bag ni Terry na mahigpit niyang hawak. Natatawa ako ng masaya silang bumalik sa mga upuan nila ng binigyan niya sila ng tig-isang lollipop.

“Babayaran niyo iyan ha!” pagalit na sigaw nito, pabiro niyang sinakal si Ricky. Namuti si Ricky nang bumitaw na ito sa kanya. Natatawa siyang tinapik ni Susan na katabi niya lang. Mukhang nandoon pa rin naman ang takot nila sa kanya.

“Huwag na! Mukhang dinala mo talaga para sa amin eh. Mauubos mo ba ang isang pack ng lollipop? Hindi naman ah.” Sabi ni Jess na may dalawang hawak na lollipop, inagaw niya kay Terry. Wala ngang natira para sa kanya eh.

“I was going to give it all to you, mabuti naman at na-share sa iba.” Ngisi ni Terry sa kanya at pumunta sa teachers desk. Napalingon si Jess kay Zel na tahimik na kinakain ang lollipop niya.

Nanliit ang mata niya at tingin lahat ng mga kumakain ng lollipop. Natatawa akong sumandal sa upuan ko at tinginan silang nag-hahabulan.

“Ibalik niyo sa akin!” Hinabol ni Jess ang mga malapit sa kanya na inaasar na kinakain nila ang dapat na sa kanya lahat.

“Gusto mo ang laway namin? Ito oh.” Umiwas siya ng dinikit nila ito sa mukha niya.

“Ito na rin sa akin mahal, may kiss ka rin.” Tumayo si Dexter at pinakita ang kissing face. Kumunot ang noo niya at umiling.

“Eww! Masyadong advance! Tumigil ka!”

Natatawa akong napailing. Tumingin ako kay Terry at nahuling nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya at umiwas rin agad. Hindi pa rin siya nagpaliwanag sa akin.

Hindi naman ako nag tanong pero sana sabihin niya sa akin kung bakit ako ang inaway ni Charm. Kahit kaunti lang bilang kaibigan na sinasabi niya.

Matapos ang mga usapan namin at tawanan ay sinundo na ako ni kuya Calyx. Siya lang ang alam ng mga kaklase ko na sinusundo ako kapag umuuwi kaya siya lang rin ang pinayagan ko.

Kinabukasan ay nagising ako sa pagkanta nila sa akin. May hawak silang cake at nakasuot pa ng mga birthday hat. Napangiti ako nang maalala na kaarawan ko na pala.

“Happy birthday to you (2x) Happy birthday dear Jahnette... Happy birthday to you!Happy seventeenth birthday!”

Pumalakpak kami nang matapos silang kumanta. Nakasindi ang mga candle at maingat na inilapit nila sa harapan ko.

“Make a wish.” Nakangiti silang nakaabang sa akin. Nagpapasalamat ako na hindi na sila gaano ka lungkot noong nakaraan na araw. Mukhang kumalma na rin sila dahil sa mga ngiti ko na hindi ko pinipilit.

Pumikit ako.



I wish... things get better from now on.



Just... anything that will make it easier for us.


Continue Reading

You'll Also Like

74.8K 2.3K 49
Being abandoned by her parents and living with her mom's best friend, Allison Darcy Lastimosa's way to pay for her Tita's efforts is to do well in sc...
334K 5K 99
Cold and Fearless. Dave Trevohr Montello is every woman's dream- a man with a dangerously handsome face, piercing blue eyes that can captivate and ch...
936 100 22
Status: COMPLETE | EDITED FULL STORY NOW AVAILABLE! PUBLISHED AS PAPERBACK UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE! {IN COLLABORATION WITH HADLEE_ZIRCON} Had...
476 44 44
Blaine was about to start the final year of high school with her best friends. But before school even started, someone close to her friends suddenly...