抖阴社区

The Unexpected Baby (COMPLETE)

By salem_ven

161K 2.1K 217

The Unexpected Series Volume 2 Paano kaya kung magising na lang kayong dalawa na magkatabi at walang saplot s... More

T.U.B Characters
The Unexpected Baby Prologue
T.U.B Chapter 1 - The Terror Meeting
T.U.B Chapter 2 - Schoolarship
T.U.B Chapter 3 - At the Mall
T.U.B Chapter 4 - A Crazy night with Hayop
T.U.B Chapter 5 - Andre meets Sians Brothers
T.U.B Chapter 6 - Hayop
T.U.B Chapter 7 - Mckinley University
T.U.B Chapter 8 - Lets the War begin
T.U.B Chapter 9 - Sexyhot Genre
T.U.B Chapter 10 - SIAAAAAANNNN!!!!
T.U.B Chapter 11 - Just Another Night with Hayop
T.U.B Chapter 12 - When Ms. Amazona and Mr. Hayop became Friends
T.U.B Chapter 13 - Touch My Body
T.U.B Chapter 14 - The Winner
T.U.B Chapter 15 - Kiezer Brylle
T.U.B Chapter 16 - Lets Play Spin the Bottle
T.U.B Chapter 17 - The Forbidden Act with the Playboy
T.U.B Chapter 19 - Pregnancy Test
T.U.B Chapter 20 - Positive? or Negative?
T.U.B Chapter 21 - Si Andre
T.U.B Chapter 22 - Disappointed
T.U.B Chapter 23 - Homeless
T.U.B Chapter 24 - Under the same Roof
T.U.B Chapter 25 - M.U's Secretfiles
T.U.B Chapter 26 - Lola Xandra
T.U.B Chapter 27 - The Understanding Lola
T.U.B Chapter 28 - Orasan
T.U.B Chapter 29 - Zackrey
T.U.B Chapter 30 - Realize
T.U.B Chapter 31 - 1890
T.U.B Chapter 32 - The Baby is in Danger
T.U.B Chapter 33 - Tension between Father and Son
T.U.B Chapter 34 - The Most Dangerous Mission of Sian's Daughter
T.U.B Chapter 35 - D.H.C
T.U.B Chapter 36 - Second Warning
T.U.B Chapter 37 - Abduction
T.U.B Chapter 38 - Master of Death Hallow Clan
T.U.B Chapter 39 - Torture
T.U.B Chapter 40 - Sian, Jailene and Mariah
T.U.B Chapter 41 - Oh no Sian
T.U.B Chapter 42 - Bloody Te Amo Mi Amor
T.U.B Chapter 43 - Farewell Andre
T.U.B Chapter 44 - Thank You and Te Amo
T.U.B Chapter 45 - Nanay Sylvia
T.U.B Chapter 46 - Surprise is Real!!!!
T.U.B Chapter 47 - F.I.R.E !!!!
T.U.B Chapter 48 - Mahiwagang Orasan
T.U.B Chapter 49 - Message from the Enemies
T.U.B Chapter 50 - Pakiusap Iligtas mo ang anak ko!
T.U.B Chapter 51 - Aron Kyrie Meneses
T.U.B Chapter 52 - Ocean is our Killer
T.U.B Chapter 53 - Surviving from Kamatayan
T.U.B Chapter Epilogue - Painful or Happy Ending?
T.U.19.C.J - Teaser!

T.U.B Chapter 18 - Hindi kita Mahal

2.3K 31 5
By salem_ven


(Sian POV)

Dalawang linggo ang nakalipas simula nung naganap ang Yacht party at dalawang linggo na rin nakalipas ng mapabayaan ko ang virginity na mapunta sa isang hayop na si Andre -_-

Simula nun hindi ko na siya kinausap halos wala ng pansinan sa aming dalawa ang for sure ramdam na niya rin na iwas ako sa kanya

Nung umuwi kaming mga kaklase ko galing Zambales eh magkatabi pa rin kami ni Andre sa bus pero kung maaari ay hindi dumidikit nidulo ng buhok ko sa kanya kasi naiinis ako

Kasi parang wala lang sa kanya ang mga nangyare, parang wala siyang naalala sa nangyare nung gabi na yun, nihindi nga niya tinanong man lang na kung ano na nangyare kagabi pagkatapos ng inuman

Tapos ang tahitahimik niya rin buong biyahe, hindi nga ko magawang kausapin eh parang wala siyang katabi sa bus nun, kaya naiinis talaga ako sa kanya

At kapag kasama ko si Jailene at lumapit yung limang boys sa amin pakiramdam ko ang akward ng paligid kapag malapit siya sa amin

Pero may time na nahuhuli ko na nakatitig siya sa akin na para bang gusto niya akong kausapin pero agad naman siyang umiiwas siyang umiiwas ng tingin sa akin

Pero kapag nakikita ko siya gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang sambunutan, gusto ko siyang pagtatadyakan lahat na ata ng pananakit gusto ko ng gawin sa kanya, ni hindi man lang siya humingi ng sorry

Oo siya dapat ang humingi ng sorry kasi siya ang eksperto sa mga ganung gawain eh kaya nga binansagan siyang playboy diba? Eh alanangang ako ang humingi ng sorry sa kanya eh ano bang malay ko? At isa pa lasing ako nun at hindi ko alam kung ano na ang sinasabi ko at kung ano man ang pinaggagawa ko

Nakakinis at nagagalit din ako sa sarili ko, naging pabaya akong babae.... Dapat pala talaga hindi na ako sumama sa lintik na party na yun

Hanggang ngayon wala pang ibang nakakaalam sa nga nangyari sa akin even Mariah at Jailene hindi rin nila alam at lalong lalo na ng parent ko hindi nila alam at daoat walang makaalam kahit na sino mankung hindi isang malaking digmaan ang mabubuo sa pagitan ng mga kuya ko at Andre

Nandito kami ngayon sa canteen at kokonti lang ang tao dito kaya medyo hindi maingay at kasama ko yung dalawang loka loka na kanina pa daldalan ng daldalan at ako naman ay walang kagana gana makinig at nakatulala lang sa kawalan at iniisip pa din ang pagkawala ng virginity ko

"HOY!!! SIAN BLESSICA LIGAYA I. CABALATUNGAN!!!!" sigaw ni Mariah at kinalampag pa ng malakas yung lamesa kaya nagulat ako

"Ay anak ka ng teteng!!!!.....ano ba Mariah bakit ka ba nanggugulat?" inis kong tanong kay Mariah at tinaasan lang niya ako ng kilay

"Nakadrugs ka ba Sian?" napapoker face lang ako sa tanong niya sa akin, sabunutan ko kaya siya ng malaman niya kung nakadrugs ako o hindi -_-

"Ano bang problema niyo?" inis kong tanong sa kanila at napahilot na lang ako sa noo ko nakakainis na nakakadepressed pa at slight na nakakahilo bwiset

"Umamin ka nga Sian ano ba talagang problema mo?" at napatingin naman ako kay Jailene at alam kong seryoso na siya at napalunok naman ako

"W-wala naman bakit ano bang meron?" gusto ko mang sabihin sa kanila tong pinoproblema ko pero hindi pwede kaya kailangan kong ideny to sa kanila

"Sian ako hindi mo ko maloloko ha kilala kita simula't sapul nung mga bata pa tayo kaya huwah kang magsinungaling alam ko kung may problema ka o wala" ngayon naging seryoao na yung tono ng mananalita ni Mariah at tama siya hindi ako makakapagkaila sa kanya kung problemado ba ako o hindi

Sorry kung hindi ko kayang sabihin sa inyo.....

"W-wala nga kulet!!!" medyo inis kong wika sa kanola at napakamot pa ako sa buhok ko

Ang kulit kasi nila masyadong mapilit

"Nag aalala lang kami para sa iyo Sian kasi napapansin talaga naming dakawa na parang ang bigat bigat ng dinadala mong problema pero hindi lang kami nagsasalita ni Jailene" ani pa ni Mariah at halata sa boses niya na concern sa akin

"Hindi lang kami kumikibo ni Mariah kasi gusto namin na ikaw mismo magsabi sa amin, pero mukhang wala ka namang balak na sabihin sa amin kaya eto kinompronta ka na namin" paliwanag ni Jailene at napabuntong hininga na lang ako, gusto ko man sabihin sa kanilang dalawa pewo hindi talaga pwede masyadong controversial, kaya ko naman sarilinin eh

"Wala naman talaga ano ba...." diin ko sa kanila at napalunok laway na lag ako ng singkitan nila ako ng tingin

"Sian....." sabay nilang tawag sa akin at yung tingin nila sa akin eh para bang itatali nila ako sa upuan para paaminin


Uuurghhhh!!! Ano bang gagawin ko? Kailangan kong makapagisip ng idadahilan

Isip.....


Isip..........




Isip...............


Brainblast!!!!!

"Okay magsasalita na ako ha okay mapilit kayo eh nako lung hindi kolang kayo kaibigan sinabunutan ko na ata kayo" natatawa kong sambit sa kanila at medyo lumapit sila sa akin para pakinggan ang sasabihin


"Yung totoo ha Sian kung hindi sasabunutan kita" banta sa akin ni Jailene at napangisi lang ako

"Eto ha napansin ko sa sarili ko na hindi na hindi na ako dinatnan ng menstruation period ko ngayong isang buong linggo na to at natatakot ako na baka may problema na ako sa matres ko" kunwareng malungkot kong aalita sa kanila, at sana mapaniwala ko sila sa mga sinabi ko

Pero totoo yung sinabi ko ha hindi na ako dinatnan ng regla ko, nagtataka nga ako kung bakit eh

"Oh my ghod Sian..... Hindi kaya...." at napahawak pa si Mariah sa bibig niya at nagkatinginan pa silang dalawa ni Jailene na mukhang nagkakaintindihan silang dalawa kahit tingin pa lang

"Sian..... Hindi kaya.......... may sakit ka na sa matres?" kinakabahang wika ni Jailene at medyo kinabahan naman ako sa siabi niya, hoy ayoko pang mabaog noh, perp hindi naman siguro noh

"Ewan ko hindi ko alam basta bahala na" mapait kong wika


"Anong bahala na? Mag pacheck up ka nang loka loka ka baka mamaya may iba na pala yan, nako po" pilit ni Mariah at napabuntong hininga na naman ako

Hindi naman talaga to yung pinoproblema ko pero poproblemahin ko na din kasi talagang nakakapagtaka dapat dinadatnan na ako ngayon ng menstruation pero bakit hindi?

"Baka naman nalate lang ng dalaw sa iyo Sian hintayin mo baka nect week meron ka na" wika ni Jailene at kahit papaano nakagaan ng kalooban ko baka nga next week pa siguro

Teka bakit nga ba ako nagmamadaling magkaregla? Pssshh..... -_-

"Hmmm may point ka Jailene siguro nga baka nalate lang" salita ko at mukhang naniwala naman sila sa sinabi kong problema, nakahinga din ako ng maluwag


Tatayo na sana ako akso pinigilan ako ni Jailene


"Wait lang Sian bago ka tumayo may tanong pa kami sa iyo" pagpipigil ni Jailene at agad naman akong napaupo sa pwesto ko

Ano na naman bang itatanong nila?


"Ano na naman ba?" nagtatakang tanong ko sa kanila


Nagkatinginan silang dalawa at huminga muna ng malalim, para naman akong may ginawang krimen na gusto nilang kilatisin ang mga ginagawa ko masahol pa ako sa preso na nasa harap ng hukuman at silang dalawang gaga yung husgado

"May problema ba kayong dalawa ni Andre?" deretsahang tanong ni Jailene at nanlaki naman yung mata ko at agad na napaiwas ng tingin


Ano sasabihin ko bang meron o wala? Shit! Ayokong malaman nila......


"P-problema? Kaming dalawa ni Andre kung may problema?" paguulit ko sa tanong nila at yung ting8n nila s aakin eh parang hinahalukay nila pati kaluluwa ko


"Oo kasi napansin din naming dalawa ni Jailene na kapag kasama na natin yung limang boys eh hindi ka na mapakali at yung dating close kayong dalawa ni Andre eh napansin namin na nawala lang na parang bula bakit ano bang meron?" shit! Iba talaga kapag mga kaibigan muna yung huhuli sa iyo hayst! Hindi pa ako ready na sabihin sa kanila ay hindi pala hindi ko pala sasabihin sa kanila dahil ayoko! ayoko! at ayoko!!!!

Para tuloy akong binubuhusan ng malamig na tubig nakakanginig na nakakaestatwa sa kinauupuan ko

Ano ba yan akala ko kanina yun lang itatanong nila tapos ngayon mas malala pa geeeezzzz kailangan ko na naman makapagisip ng idadahilan


"Wa-wala naman kaming problema ni Andre kayo naman kung ano ano pumapasok sa isipan niyo, wala kaming problema okay" pagdedeny ko pero hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nila at nauutal na din ako sa pagsasalita


Urgghhh!!! Masahol pa sila kay Boy abunda kung magtanong -_- kalbuhin ko silang dalawa eh hindi man lang ako inorient sa mga tanong nila


"Totoo ba yan Sian?" paniniguro ni Jailene at sa wakas napatingin din ako ng diretso sa dalawang mata niya at binigyan ko siya ng pekeng ngiti


"Oo naman psshhh!!! Kayo namang dalawa naloloka na naman kayo" natatawang sambit ko sa kanila pero seryoso pa din ang mukha nila


"Nagaalala lang kami sa iyo Sian" wika ni Mariah at siguro kailangan ko na silang layasan na dalawa bago pa madulas ang dila ko


"Ah ganun ba yiiieee salamat, pero sandali lang ah mag ccr lang ako nakakaramdam ako ng dalaw ng kalikasan eh" wika ko at agad akong tumayo at naglakad palayo


"Sian!!!!" tawag pa nila pero hindi ko na sila pinansin at umarte ako na parang sumasakit na ang tiyan ko at nagmadali akong maglakad


Habang naglalakad ako palabas ng canteen nanlaki ang mata ko ng makakasalubong ko sila Andre kasama yung apat na boys


Pakiramdam ko eh habang naglalakad ako pasalubong sa kanila feeling ko pinagpapawisan ako at nagiislow motion yung paligid ko


Gustuhin ko man na huwag silang makasalubong, pero parang may sariling utak ang mga paa ko at ayaw nilang sumunod sa akin at patuloy lang sa paglalakad


Nakita ko na nagtatawanan yung apat maliban kay Andre na naglalakad ng tahimik at may nakasalpak na earphone sa tainga at mukhang nagsosoundtrip lang siya habang nakapamulsa ang dalawang kamay

Hindi ko naman maiwasan na mabadtrip ng makita ko ulit yung pagmumukha niya naiinis ako.....


Nanlaki ang mata ko ng aksidenteng nagtama ang mata namin at hindi ko agad to naiiwasan at tuloy lang ako sa paglalakad habang nakatitig sa kanya


Hindi napansin nung apat na boys na nagtatawanan na nakasalubong na nila ako at ng magkatapat na kami ay naiiwas ko naman ang tingin ko sa kanya at inisnob ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad



Dumeretso ako ng C.R at humarap sa salamin at tinignan ko ang sarili ko



"Sian umayos ka ha, hindi porque nawala na siya sa iyo magkakaganyan ka na, maging matatag ka, kahit na naiwaglit mo yung virginity mo sa hayop na yun hindi ibig sabihin nun masisiraan ka na ng ulo ha huwag!, Maging matatag ka ah kung hindi sasabunutan kita" para naman akong siraulo at kinakausap ko pa ang sarili ko sa harap ng salamin

Napatitig pa ako sa mukha ko at sa hindi ko alam na kadahilanan ay biglang tumulo ang luha ko kaya agad ko tong pinunasan at sa pagpunas ko eh sunod sunid na luha na naman ang tumulo mula sa mata ko


At ngayon nakikita ko na naman ang sarili ko na umiiyak



"Si-sian naman huwag k-ang umiy-ak nakakainis ka naman eh sabi ko kaging matatag ka eh" uurrrghhhhh baka masiraan ako ng ulo ko nito haysttt kailangan ko ng tigilan tong kabaliwan na to

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko at huminga muna ng malalim

Inhale........

Exhale............


Nang maikalma ko na ang sarili ko ay lumabas na ako ng C.R at napansin ko na wala ng mga estudyante sa paligid ng corridor kaya kahit papaano ay walang makakita sa mata kong namumula dahil sa pagiyak ko kanina


Babalik na lang ako ng classroom.....



Habang naglalakad ako sa direksyon papuntang classroom nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin kaya napalingon ako

Pero wala naman nung lumingon ako, ang weird ah.... Nakakacreepy din



Bibilisan ko na nga lang ang paglalakad ko para makarating na agad ako sa classroom



Kaso ng binilisan ko ang paglalakad ko ay nandiyan na naman yung pakiramdam ko na may sumusunod sa akin....


Kaya mas binilisan ko pero.......



"KYAA---" napatili ako kasi biglang may humila sa akin at tinakpan yung bibig ko para hindi ako makasigaw



Ngayon nasa likuran ko na siya at ramdam ko ang mabango niyang hininga at alam kong lalaki to kasi yung kamay niya malaki eh



"Mmmmppppp!!!!!" hindi ako makapagsalita dahil mahigpit yung pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko



"Sian huwag kang maingay sandali lang to...." nanlaki yung mata ko ng marinig ko kung sino yung nagsasalita


Hayop na Andre to.......



Naramdaman ko na hinila niya ako papunta sa ibang direksyon kaya medyo kinabahan ako pero nagpumiglas ako kaso lalaki siya eh ang lakas niya kaya hindi ko din nagawang kumawala sa kanya


Dinala niya ako sa isang classroom na bakante at walang tao at isinara niya ang pintuan at nilock yun



Iniharap niya ako ako sa kanya at ngayon ay nagtama ang mata naming dalawa at nanlaki ang mata ko na isandal niya ako sa pader na ikinakabog ng puso ko pero hindi niya pa rin inaalis yung pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko


Nagkatitigan muna kami at bumuntong hininga siya, hayop na to anong gagawin niya sa akin? Uulitin na naman ba niya ang pagkuha sa katawan ko? Wtf...... Papatayin ko siya kapag ginawa niya yun



"Andre!!!!" pinilit kong makapagsalita kahit na nakatakip ang kamay niya sa bibig ko



At mas nanlaki ang mata ko ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya ngayon magkadikit na ang tungki ng ilong namin


Naramdaman ko na dahan dahan na niyang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko pero ako naman eh para akong naestat sa posisyon naming dalawa sobrang nakakailang


Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na maitulak ko siya palayo sa akin at agad ko siyang sinamaan ng tingin at bumalik naman siya sa realidad ng maitulak ko siya



"I-I'm sorry Sian....." wika niya habang nakatingin sa mata ko at naikuyom ko mga kamay ko


"Ano ba kailangan mo ha!?" at nagalburoto na anamn ang pagiging mataray ko


"I just want to say sorry sa lahat ng nagawa ko sa iy-" pagpipigil ko sa kanya at napakagat labi na lang ako


"Sorry? Bakit kapag tinanggap ko ba yang sorry mo ha Andre maibabalik mo ba yung nakuha mo na nawala sa akin?" galit kong tanong sa kanya at nakita ko na hindi siya makatingin sa akin ng diretso


"Sian hindi ko naman ginusto na mangyari yung mga bagay na yun, walang may gusto sa ating dalawa at lasing ako nun at lasing ka din kaya hindi ko na alam ang mga ginagawa ko nung mga oras na yun" pagpapaliwanag niya sa akin, mas nangingibabaw sa akin yung galit ko na parang binbalewala ko lang ang mga sinasabi niya


"Ayoko ng marinig ang paliwanag mo Andre kaya tapusin na natin tong usapan na to wala namang patutunguhan to" galit na wika ko sa kanya


Bakit ganun parang nasasaktan din ako sa mga sinasabi ko sa kanya?.... Its really kind weird talaga......


Maglalakad na sana ako para layasan siya kaso pinigilan niya ako at nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko na niyakap niya ako sa likuran ko


At dahil sa pagyakap niya ay tila nakaramdam ako ng pagwawala ng kakaibang elemento sa tiyan ko at yung puso ko ay parang nagtatambol na ewan


"Please Sian patawarin mo na ako hindi ko kaya eh dalawang linggo mo na akong hindi kinakausap" bakit nakakawa yung boses niya? Bakit ang sexy ng tono nito? Wtf..... ANDRE IKAW BA YAN?


Hay Sian!!! huwag kang magpadala sa boses niya, huwag na huwag talaga!!!


"Lumayo ka nga sa akin! Huwag mo kong yakapin! Manyakis ka!" sigaw ko sa kanya at itinulak ko siya at nagkatinginan kaming dalawa


"Sian---" pagpipigil ko sa kanya



"Bigyan mo ko ng rason para patawarin kita Andre" wika ko sa kanya at nakita ko na napabuntong hininga to sa tanong ko at hindi makasagot


"Ano Andre hindi ka makasagot sa tanong ko?" galit kong wika sa kanya at hindi pa rin to makapagbigay ng sagot



"Ano Andre tutunganga ka--" pagpipigil niya sa akin



"Because I Love you Sian!" ha ano daw? Afshhwhsbshuxubd ano daw? I love you Sian daw? Ako mahal niya? Pinagloloko niya ba ako


"Gago ka ba? Magbibiro ka na lang yun pa? HOY!!!! Andre hindi mo ko madadala sa ganyan!" inis kong wika sa kanya



"No Sian I really Love you!" paguuulit niya sa akin at naikuyom ko yung kamay ko sa inis



"Mahal mo ko?" paguulit ko sa kanya at napatango lang to bilang tugon




"Pwes! Hindi kita mahal! Kaya tigilan mo na ako at kalimutan na alng nating dakawa yung mga nagyari ha hayaan mo na lang yung virginity konat isama mo na rin ako sa listahan ng mga nadali mong virgin at idadagdag ko pa Andre lumayo ka sa akin at huwag na huwag mo na akong lalapitan ni dulo ng buhok ko at huwag na huwag mo na rin akong kakausapin, ayoko na ng communication sa iyo at kung maari ayoko na kitang makita pa!!!!" inis kong litanya sa kanya at iniwan ko siya doon


Ayoko na siyang makita pa kung maari......


~TBC~

Naiiyak ako mga pre...... Like what the f.. -_-

Hayst.... Ano na kaya ang mangyayari sa kanila dalawa? Tuluyan na kayang magkalayo ang loob nilang dalawa?

Keep reading lang po malapit na ang controversial na gigimbal sa buhay nilang dalawa

Love you all readers

The Uexpected Baby 2017

All Right Reserved 2017







































Continue Reading

You'll Also Like

537K 15.9K 49
UN-expected LOVE Story.. Saan nga ba nagsisimula ang pag-ibig? Kailan nga ba natin ito nararamdaman? O kailan nga ba ito dadating? Marami tayong tano...
54.7K 2.9K 42
ENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. ...
656 183 60
Dalawang tao ang magtatagpo, Babaeng siga at lalaking mapaglaro. Nagsimula sila sa asaran, Hanggang nauwi sa pagmamahalan. Ngunit sadyang maloko ang...
41.3K 2.8K 40
Ang sabi nila kapag namatay ka may dalawang lugar ka lang na mapupuntahan, ang langit at impyerno. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa pagmulat ng aki...