抖阴社区

First Love Dies (My Unexpecte...

By reddishapple30

2.6K 112 35

You're a simple girl who believes in the power of love. You have your own plans of when will you enter into a... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 7

152 7 0
By reddishapple30

Chapter 7

***
Nasa Auditorium ako, nakasilip, pinapanuod tumugtog si Kevin para sa program yata sa kabilang department. Naghahanap kasi ako ng matatambayan, yung walang tao kaso dun sa may malaking mangga, may nagpa-practice na ng bartending.

Madalas akong naglalakad mag-isa at naghahanap ng matatambayan sa aking dakilang paaralan. Palipat-lipat ng tinatambayan. Minsan sa library ako kaso pakiramdam ko, parang ang daming tao at parang hindi ako makahinga, parang hindi ako makagalaw ng maayos. Feeling ko, gusto ko nalang takpan ang mukha ko. Kaya ayon, minsan sa bakanteng classroom ako, sa CR sa second o third floor, sa elementary's canteen, sa garden o sa Chapel (maliban kung sarado). Basta yung minimum lang yung tao o kaya'y wala talaga. Minsan niyayaya ako ni Vicxee na makisabay sa kanila ni Jeric sa lunch pero ayoko, baka mamaya isipin ni Jeric, inaagawan ko sila ng oras. Malapit na naman siyang gu-mraduate. Iiwan na niya si Vicxee.

Tama, ga-graduate na sila sa College, ka-batch niya si Paul at Kevin. Naisip ko nga, baka hanggang dun nalang siguro yung pagiging GF ko kay Paul or kung ano mang tawag nun sa kontrata namin.

"Kim Dazen, kamusta?" biglang sumulpot si Kevin dala-dala ang gitara niya. "Sorry nga pala nung nakaraan." Dagdag niya.

"Ha? Bakit?" Pagtatanong ko.

Seashells, bakit di ko namalayan na tumigil at palabas na siya? Nahuli pa tuloy ako na nandito.

"Kasi hindi kita naihatid yung, dun sa party?

"Ah yun ba? Ako nga dapat mag-sorry kasi parang ako pa nga yung nagsayang ng oras mo. Kaya wala yun. Tyanga pala congrats gagraduate ka na." Ngumiti pa ako, kahit gusto ko ng lumayo dahil sa hiya.

"Thank you, ikaw ang unang naggreet sa'kin. Sige mauna na ako ha. See you around." Umalis na siya.

Okay na sana eh pero nakita ko sa di kalayuan na naagtagpo sila ng girlfriend niya. Bagsak happiness, ayos lang yun. Crush lang naman eh. Tsaka, college na ako. Dapat mature na.

Lumakad na ako papunta sa may Canteen. Lunch break nga pala, bibili lang ako ng burger at maghahanap kung saan pwede magtago.

"Manang isa po nito." Sabay turo ko ng burger.

Binigay niya sa'kin yun at nagbayad ako. Nakaka-stress ang daming tao sa Canteen ngayon, dapat pala kanina pa ako bumili. Tsk.

"Paul! Sige na kasi, pumayag ka na!" Narinig ko tapos nagtatawanan.

Kahit napaka-ingay nangibabaw yun. Napatingin ako dun sa table nila na may mga five to seven na tao. May tatlong babae at apat na lalaki. Nakaharap si Paul sa direksyon ko pero alam kong di niya ako makikita sa dami ng naglalakad papunta at pabalik. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad at nakita ang iilang mga familiar na mukha pero di naman alam ang pangalan.

"Totoo ba yun? Si Paul na at Julianne?" narinig ko sa dalawang babaeng nasa harapan ko.

"Talaga? Sinong nagsabi?"

"Ewan, baka lang kasi, parati sila magkasama eh."

"Syempre, parati naman talaga sila magkakasama kasi magkabarkada."

"Excuse me." Sabi saka nilagpasan sila.

Hindi ko naman gustong mang-chismis ano. Talagang, naririnig lang ng tenga ko, wala akong control dun.

Julianne? Aha! Tama, siya yung isa sa mga girl crush ko. Accountancy student at journalist dito sa university. Maganda siya, matalino, mayaman, friendly, mabait pa siya sa'kin, kung naging lalaki lang talaga ako.

Naalala ko, isa siya sa nag-sta-stamp sa College namin, kasama siya sa council, hindi ko nadala yung attendance ko kung saan sila magsta-stamp. Binigyan niya ako ng bagong booklet tapos, sabi niya dalhin ko nalang daw yung isa sa pirmahan ng clearance. Kung ibang member ng council yun, ipagtatabuyan na ako, o kaya'y sisisihin.

Pumunta ako ng second floor ng building namin at nakahanap ng bakanteng classroom.

Inilapag ko yung bag at pagkain ko saka paandar ng ceiling fan. Tama, walang aircon, next year pa daw. Tss. Pero pasalamat nalang ako kasi, kung may aircon to, I'm sure di na pwede pumasok.

Kinuha ko yung cellphone ko at nagpa-music habang kumakain. Narealize ko nalang na hindi pala ako nakapag-refill ng tubig. Seashells, bababa na naman ako. Nililigpit ko na yung bag ko at mga libro habang nagha-hum ng 'I'm all about you' ni Aaron Carter. Favorite ko yun.

Nagulat ako nang pagharap ko sa pintuan may nakaupo na sa desk.

"Alam mo, hindi ka pala actress, singer ka eh." Sabi niya na ngumingiti. Parang treasure hunter na nakakita ng chest of gold and diamonds.

Seashells!

"Oh, gusto mo ng tubig hindi ba?" sabi niya sabay lagay ng bottle of water sa armchair na nasa pagitan namin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hmm, sinasamahan ka." Sabi niya na parang walang mali doon.

Napakunot lang ang noo ko.

"Umalis ka na dito, alam mo namang maraming matang nakatingin sa'yo, mamaya ma-chismis ka pang kinakaliwa mo si Julianne--"

"Anong sinasabi mo?" Tanong niya na tila wala talaga siyang ideya sa sinasabi ko.

"Wala, ang sabi ko baka magalit yung 'the girl whom I was falling into' mo." Sabi ko sabay lakad.

"Opp. Dazen, sandali." Hinarangan niya ako.

Seashells, hwag siyang lumapit sa'kin.

Umatras ako para makalayo sa kanya. Umupo nalang sa armchair at nagbukas ng libro. Mamaya dumating na ang guard na naglilibot dito tapos maabutan kaming ang lapit-lapit namin sa isa't isa tapos irereport na para bang may ginagawang masama. May nareport ng ganun dito. Ayoko namang masali dun kasi wala naman talaga.

Natawa siya habang umuupo sa inuupuan niya kanina.

"Hindi si Julianne yun Dazen, believe it or not." Sabi niya.

For all I know, ayaw niya lang mabisto ko siya.

"Okay, okay whatever." Sabi ko na hindi convinced.

"Dazen, totoo ang sinasabi ko. Si Julianne, kabarkada namin, may nanliligaw dun at konti nalang sasagutin niya na yun." Natatawa niyang sabi.

"Oh? Bakit ka defensive?" Sabi ko habang hindi pa rin tinatanggal ang mata ko sa libro.

"Hah! You're unbelievable! Nag-eexplain ako sa girlfriend ko."

"Tigilan mo nga ako Paul ha. Umalis ka na dito." Sabi ko lang.

"Mahilig ka bang kumanta?" Bigla niyang naitanong.

Oo, mahilig akong kumanta. Gusto ko nga sanang sumali sa choir o kaya'y banda kaso, hindi naman yata para sa'kin.

"Hindi." Pagsisinungaling ko.

"You know what Daze, walang mali sa pag-amin."

"Hindi ka pa ba hinahanap ng mga kaibigan mo?" Naiinis kong tanong na lang.

"In fact, it makes you a whole person. And you learn to view the better aspect of everything in this world from admitting simple pleasures and discontentment."wika niya na tila di narinig ang tinatanong ko sa kanya kanina.

Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga pinagsasabi niya, honestly. I underestimated him. I judged him because of his physical appearance.

"Umalis ka na." Sabi ko ulit.

"Hayaan mo sila. Gusto ko rin mapag-isa kahit minsan." Sabi niya saka inilagay yung ulo niya sa likod ng upuan, yung parang half nakahiga, half naka-upo.

"Okay." Sabi ko isinarado ang libro. "Mapag-isa ka dito." Tumayo ako at humakbang.

"Pupunta ka naman sa Graduation Day namin di'ba?" narinig ko nang nalagpasan ko na siya.

Nagkibit balikat ako at tuluyan ng lumabas ng silid.

Last week ng school days at final examinations. Medyo, devastated ako sa mga nakuha ko na na exam kasi hindi ako sigurado sa ibang sagot. Pero mas okay na yun kaysa nung prelims atleast ngayon, may ideya na ako kung paano magbigay ng exam ang mga Prof namin.

Last exam ko na ngayong hapon na'to. Minor lang naman. 2:30 pa yung exam namin pero since wala na namang tao sa loob ng classroom, heto, naupo na ako dito. 2:00 pm pa lang naman.

Kinuha ko yung cellphone ko at may nakitang message.

From: Mayabang

3:30 matatapos exam mo di'ba? Hihintayin kita sa labas ng main gate.

Seashells, sabing hindi pwede eh. Wala pa naman akong load pang-reply.

Maya-maya may message ulit.

From: Mayabang

My mistake, sa parking lot ka nalang pala pumunta. I know you don't want others to see us together. (Natatakot kang sabunutan nila :P ). Do well sa exam mo.

Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Ano na naman kayang kailangan nun sa'kin?

Ni-recheck ko yung mga answers ko saka lumabas ng classroom. Nagpapasalamat ng sobra dahil natapos ko yung sem ng mapayapa. Umuwi kaagad ako ng bahay at natulog.

Pagkagising ko, ilang missed calls na ang meron sa cellphone ko. Seashells! Si Paul nga pala, nakalimutan ko, naghihintay pala siya sa parking lot. 5:30 pm na ngayon. Seashells talaga.

Andoon pa kaya siya? Hindi. Wala na siguro, ilang oras na nakalipas eh. Pero paano kung naghintay siya kagaya nung sabi niya na maghihintay siya? Hindi. Wala siguro.

May text message!

From: Mayabang

I bet, you forgot. It's okay, I understood. Sleep well.

Seashells! Nagui-guilty ako.

Nagtype ako.

Sorry, nakalimutan ko. Kasi naman eh, dapat di ka na naghintay.

Ay erase-erase hindi dapat ganyan. Parang sinisisi ko pa siya.

Salamat.

Ay hindi. Salamat lang talaga? Seashells ka Kim Dazen.

Paul, Sorry talaga nakalimutan ko eh. Bawi na lang ako.

Ay teka? Para namang sising-sisi ako. Mamaya mang-aasar na naman yun.

Sorry.

Ese-send ko na sana kaso naalala ko, wala pala akong load. Seashells.

Lumabas ako ng kwarto, in-on ang mga ilaw, umupo sa sofa at tiningnan ang cellphone ko. Seashells. Bakit ba ako nagui-guilty eh di ko naman kasalanan yun. Hindi kasalanan ko yun eh. Pero kung importante yung sasabihin niya sa'kin o pupuntahan, siguro magte-text naman siya di'ba? Na importante talaga? Tama, hayaan ko nalang na ganun.

From: Mayabang

Get your icecream before the ants discover it outside.

Lumabas ako ng bahay at nakita ang isang supot ng plastic na nakabitin sa gate. Kinuha ko yun at dinala sa loob.

Mabuti nalang hindi ako huli at hindi pa natutunaw ang icecream. At may cone pa, ito pinakapaborito kong parte sa icecream eh. May sticky note pala sa plastic.

You need a treat after all.

Yun lang nakasabi.

Hindi ko alam pero napangiti ako. Walang nagbigay sa'kin ng ganito for my 18 years of existence. Meron namang nanliligaw nung high school pero feeling ko mga trip lang nila yun kasi sa text lang sila lahat nakikipagkilala at tsaka, wala talaga sa vocabulary ko yung boyfriend-boyfriend.

Ito pang fake boyfriend ko ang nag-e-effort ng ganito. Hindi talaga halata na kaya niyang maging ganito. Kasi akala ko talaga, isa lang siyang gwapo sa school na friendly na hanggang dun lang. Yung astig lang, pero hindi marunong gumalang. Pero malay ko ba, baka may kailangan na naman siya kaya mabait siya sa'kin.

***
Hapon na, I decided na pumunta sa University para um-attend ng graduation ceremony. Kanina pa ako nakatayo sa tabi ng daan pero di pa nakakasakay. Lahat ng jeep na dumadaan, puno. Dapat siguro, hwag na akong pumunta. Ano naman ang gagawin ko dun?

Kailangan ka ni Paul dun.

Ewan ko kung paano ko naisip yun. Tsk.

Here I am sitting with my Five batchmates. Dalawa dito have their BF's in the Graduates. Nalulungkot ako para sa kanila. Iiwan na sila. Pero ayon sa observation ko, very strong naman yung relationships nila eh. Kaya siguro, kaya nila yung biro ni Destiny d'ba?

Last part na ng graduation, yung kanta-kantahan. Grabee ang saya nila!

Picture-taking na. Yung may Boyfriend sa graduates, pinilit namin na magpapicture sa BF's nila at napuno ng nakilig ang ampitheater.

Yung isa kong kaklase na si Angel naiyak pa dahil naisip niya na iiwan na cya ng boyfriend niya.

"Angel? Hwag ka nga umiyak." Sabi ko kay Angel.

"Eh panu kasi? Si Sam, ayaw niya daw sanang iwan ako dito, ayaw niya daw munang gumraduate para magkasama pa rin kami." Maluha-luha pa si Angel.

Totoo? Sinabi yun ni Sam? Ang sarap subaybayan ng dalawang 'to.

Sa kabila naman tayo tumingin, si Paul, nakikipagpicturan sa mga friends niya. Tapos sa Mama niya na sobrang kapit na kapit siya. Yung parang ayaw niyang lumayo sa Mama niya. Naisipan kong picturan yun, minsan lang ako makakita ng ganun ka-sweet sa magulang niya.

Bakit kaya hindi ko nakikita ang grandparents niya? Well, sa dami ng tao baka andyan lang pala sila.

"AHA! Inaagawan ng picture si Mr. Varsity Player. Uyyyyy." si Vicxee.

"Anong inaagawan? Hindi ah." Deny ko.

"Tss. Denial pa si ate. Halika," hinila nila ako ni Angel.

"Paul, papicture naman kayo ni Kim." Pahamak talaga 'tong si Angel eh.

"Ha? Ayoko! Hindi na! Ayoko! Ayoko! Angel naman eh!" Panghihindi ko.

"Sige na kasi Beshy. Picture lang naman eh. Dali, kami naman susunod." Si Vicxee.

Nakakahiya sila. Nakaagaw pansin tuloy yung sinabi ni Angel sa mga friends ni Paul at napatingin sa akin.

Baka anu pa sabihin nila. Eh itong si Paul, pumayag naman at tumabi kung san ako nakatayo.

Ano ba'to? Nakakahiya sa mga nakatingin sa'min at baka ang sabihin pa nila, crush ko 'tong Yabang na'to. Seashells!

"Uy! Ayoko nga." Tinangka ko pang umalis pero pinigilan ako ng dalawang kasama ko.

"Kim Dazen?" Magkasabay na magkasabay pa sila na sumigaw.

Bakit naman napakahalaga sa kanila na magpapicture ako sa mokong na'to? Seashells ha.

Napilitan akong ngumiti ng plastic sa katabi ko. Hindi pwedeng magkatinginan kami at baka mahalata pa kami na, yung sa kontrata, dapat wala makaalam. Mabuti na nga lang at alam niya ang gusto ko eh. Pagkatapos nila kaming kunan ng picture, ti-nap niya ako bago siya umalis. Tapos nakipag-picture taking naman siya dun sa kabila. Mabuti nalang busy yung dalawa sa kakatingin ng pictures sa camera nila, hindi nila nakita ang pag-tap ni Yabang.

Sa pag-uwi namin, sakay ng jeep,nakita ko pa si Kevin kasama niya pa yung girlfriend niya. Nag-uusap sila tapos, nagtatawanan. Oh sige, sila na ang sweet. Teka? Parang may kotse naman si Kevin, bakit sumasakay sila ng jeep ngayon?

Para ma-distract ang sarili ko, kinuha ko nalang yung cellphone ko at nag-type.

Congrats sa inyo! Graduate na kayo! God bless your next journey.

Si-nend ko yun sa lahat ng graduates na kilala ko, pati na kay Yabang.

Maya-maya may nag-reply.

From: Mayabang

Salamat Babe. Kinatutuwa kong makita ka kanina. :p

Psh. Babe niya mukha niya.

"Kim! Hindi ka pa bababa?" Napalingon ako kay Angel.

Naku! Nakalagpas na pala ang jeep sa subdivision.

"Manong! Dito lang po!" Naisigaw ko.

Napatingin sa'kin lahat ng nasa jeep pati na si Kevin at ang girlfriend niya. Mabuti na lang gabi, madilim, di nila masyado makikita mukha ko. Hah!

Bumaba na ako, medyo maglalakad pa ako ng konti papunta ng entrance kasi, lumagpas na nga yung jeep. Mabuti na lang may tanod outpost sa harap ng Subdivision, kung hindi, delikado talaga. Eh patay-sindi pa naman yung mga ilaw. Tsk. Dapat siguro ireklamo na namin.

"Babe!"

"Ay seashe---anong ginagawa mo dito?" Gulat kong naitanong. Paano ba naman kasi, bigla-bigla na lang siyang sumusulpot sa likod ko.

"Hinahatid ka." Sabi niya na nakapamulsa.

"Saan ka galing?" Tanong ko na lumingon sa dinaanan ko kanina.

"Kasabay mo kaya ako sa jeep."

"Ano?"

"Oo, nauna na nga akong bumaba sa'yo kanina eh, nagtaka nga ako kung bakit di ka sumunod bumaba." Sabi niya.

"Oh-oh yung noo mo, nangungunot na naman." Sabi niya nang napansing nag-iiba na naman ang mukha ko.

"Eh bakit di kita nakita?" Pagtataka ko.

"Busy ka kasi kay...Kevin."

Hala? Napansin niya.

"Sinong Kevin? Hala? Anong pinagsasabi mo? Hindi kaya!" Tanggi ko.

"Halata Babe. Wag ka na magdeny." Sabi niya sabay upo sa pavement. Nasa labas na kami ng bahay.

"Uy. Tumayo ka nga dyan. Umuwi ka na. Mamaya makita ka pa dito."

"Bakit? Hindi pa naman nakakauwi sina Mama ah?"

"Mama?"

"Si Mama, Mama mo." Sabi niya na halatang nakangisi.

"Kailan mo pa naging Mama ang Mama ko? Akin lang yun no! Hindi ako magshe-share!" Sabi ko na binubuksan ang gate.

"Oh? Di ka pa ba aalis?" Ako ulit. "Papasok na ako."

"Sige, pumasok ka na." Sabi niya lang na di pa rin tumatayo sa kinauupuan niya.

Tiningnan ko siya sandali bago tuluyang pumasok sa gate. Nang nakapagbihis na ako, lumabas ako para bumili ng pork barbeque kay Tita para haponan. Nagulat ako ng nandun parin si Yabang.

Napansin ko na ang suot niya kanina sa Graduation, yun pala parin ang suot niya ngayon maliban sa wala ng toga.

"Ba't andito ka pa?" Tanong ko nang nakita ko siya.

Napalingon siya sa'kin. "Wala, I don't feel like walking away. Bantayan muna kita, mag-isa ka lang sa bahay niyo oh." Dahilan niya.

"Wala ba kayong celebration sa inyo?" Naitanong ko. Syempre di'ba? Merong celebration talaga pagkatapos ng graduation.

"Masyadong maraming tao."

Nakapagtataka, ano ngayon kung maraming tao? Umupo ako di kalayuan sa kanya.

"Eh? Ano ngayon? Mga kaibigan mo naman yun ah?" Tanong ko.

"Iba yung kaibigan sa mga kasama lang."

"Teka nga? May problema ka ba?" Yumuko ako para masilip yung nakadungo niyang mukha.

Itinaas niya ang mukha at tumingin sa'kin.

"Naaalala mo nung, freshman ka?" Bigla niyang tanong.

"Huh?" Napaisip ako. "Bakit?"

"Napaka-inosente mo nun. Napaka-layo sa ibang tao, palaging mag-isa. Komportable ka lang na, ikaw mag-isa kumakain, ikaw mag-isa gumagawa ng assignment, hindi mo kailangang umasa sa iba." Tumigil siya.

Tama siya, ganun nga ako hanggang ngayon. Maliban kung napapasama ako kay Angel o kay Vicxee.

Pero panu niya nalaman lahat yun?

"Gusto kong maging katulad mo,"

Napakaimposible.

Natawa ako. Bago pa man ako makasagot, nagsalita siya.

"Pero, alam kong imposible. Kaya, sinusubukan kong maging kaibigan mo. Maging kasama mo kahit alam kong huli na, kasi, graduate na ako." Sabi niya na nakatingin pa rin sa'kin.

Nag-jo-joke ba siya?

Natatawa talaga ako. "Hah. Magandang joke yan. Sige na, umuwi ka na uy. Baka di ka pa, kumakain." Sabi ko sabay tayo.

"Ready ka na ba mag-third year?" Tanong niya na nakatingala sa akin.

"Uhm. Oo! Pero, e-e-enjoy ko lang muna ang summer." Ngisi ko.

"Ipaalala ko lang nga pala, mahigit two months pa lang tayo." Sabi niya.

"O? Tapos?" Pagtataka ko kung anong gusto niyang sabihin.

"Ibig sabihin, approximate of four months pa ang duty mo sa'kin. Kaya, you'll spend your summer vacation with...me."

"Nge! Paano? Uuwi na sila Mama next week no, di'ba ang deal natin, hindi pwede malaman ni Mama?"

"Liligawan kita."

Natahimik ako na nangungunot ang noo.

"Joke?" Hula ko.

"For real." Nakatitig siya sa'kin na para bang nagsasabi na, totoo ang sinasabi niya.

Seashells! Hindi pwede. Magna-nineteen pa lang ako. Hindi pwedeng mainlove. Pag-aaral muna tayo, okay?

Nag-jo-joke lang talaga 'to eh.

"Di'ba, sabi ko, made-delay ang panliligaw?" Narinig ko.

"Sige, uuwi na ako. Tawag ka kapag may problema ka dito ha." Sabi niya.

"Si-sige." Sabi ko nalang kahit na puno ng question marks ang ulo ko sa mga inaasta niya.

Kung anu-ano lang talga pumapasok sa ulo niya.
**End of Chapter 7**

Continue Reading

You'll Also Like

40.3K 919 49
Do you believe in love? or love at first sight? Most of the people believe on what they are saw and feel. Some of us also believe to those sentences...
209K 5.6K 86
Ang pag-ibig ay dumadating ng hindi inaashan.. Sasaya ka ng Panandalian.. At masasaktan ka ng pang-matagalan. Pipiliin ko na sanang masaktan ng kasam...
171K 4K 18
It's crazy to give someone your heart, and in return get treated like crap. Mahirap. Masakit. Nakakaloko... To love someone who can't love you back...
15.1K 459 34
COMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, ka...