CHAPTER 1
Mabigat ang pakiramdam ni Myles sa kanyang katawan. Parang nasobrahan yata ang kanyang kalasingan. Ngunit pinili nyang bumangon na nakapikit ang mga mata. Ngunit habang naglalakad ay tila hindi nakasayad ang mga paa sa dinadaanan. Kaya napilitan syang magdilat ng mga mata upang alamin ang kakaibang pakiramdam.
Nanlaki ang kanyang dalawang mata na halos lumuwa ng makitang nakalutang na nga sya sa kawalan. Nasaan sya? Anung nangyari sa kanya? Nananaginip ba sya? Siguro nga panaginip lang iyon at nais na nyang magising. Ngunit kahit anung pilit na paggising sa kanyang sarili ay hindi nya iyon magawa! Binabangungot sya? Mas lalong kelangan nyang gisingin ang sarili.
Mula sa di kalayuan ay may narinig syang ingay. Nais nyang malaman kung anu ang nangyari roon kaya marahan syang naglakad para alamin ang nangyari. Gayun na lamang ang kanyang panlulumo ng makita ang isang kotse na halos mawarak na dahil sa labis na pagkabangga nito sa isang malaking truck. Isang babae ang sakay noon na dineklarang patay na ayun sa kanyang mga naririnig na usap-usapan sa paligid.
Napag-alaman na lasing ang driver ng nasabing sasakyan kaya hindi nito makontrol ang sarili sa pagmamaneho. Inilabas ng mga pulis ang babae na naipit sa loob ng kotse na iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata sa natuklasan.
“ hindi! Hindi maaari, hindi ako pwedeng mamatay!” iyak nyang sabi habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa kalsada ng mailabas na ito ng mga pulis. Sya ang babaeng iyon. Saka nya naalala ang kanyang ginawa bago ang naturang aksidente.
Nasa isang bar sila sa Makati kasama ang kanyang mga kaibigan ng makita ang kanyang nobyo na si Helton na may kasamang ibang babae at naghahalikan. Kaya pala hindi nito sinasagot ang kanyang tawag, dahil may ginagawa pala itong hindi nya alam, na minalas din na kanyang matuklasan. Nilapitan nya ang lalake at kinompronta. Nagkaroon ng pag-aaway at nagkasakitan. Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi na nya makontrol ang sarili sa paglalasing kahit na inawat pa sya ng kanyang kaibigang si Jel. Mabilis na tinungga ang bawat alak na inoorder nya at hindi na sya napigilan ng kaibigan.
Nang magsarado ang bar ay napilitan na silang umuwi. Inalok sya ni Jel, na ito na ang magmaneho ng kanyang sasakyan at ihatid sya nito sa kanyang condo ngunit tumanggi sya at gusto nyang mapag-isa. Wala namang nagawa ang kaibigan sa gusto nyang mangyari. Alam nito na broken hearted ito kaya hinayaan na lamang.
“ ingat ka, tawagan mo ako kapag nasa bahay ka na at ng malaman ko na okey ka” huling paalala sa kanya ng kaibigan. Isa ito sa good friend nya at tagabigay ng aral sa kanya sa bawat pagkakamali nyang nagawa. Masasabing, para na nga nya itong kapatid. Sabagay, kinakapatid nga naman nya ang babae dahil anak ito ng kanyang Ninong.
Lumaki syang maluho at dahil nga sa may kaya ang pamilya ay nagagawa nya ang lahat na gusto. Shopping, pagpunta sa iba’t ibang lugar maging sa ibang bansa at pagbili sa lahat na naisin, maging ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot na lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Busy kasi ang mga ito sa kanya-kanyang mga negosyo. Nag-iisa lamang syang anak ng mga ito.
Dahil sa labis na paggamit ng ipinagbabawal na gamot at kasabay ang tama ng alak, kaya naganap ang isang aksidente na kumitil ng kanyang buhay. Isang aksidente na kahit sinong tao ay hindi gugustuhing maranasan.
Hindi nya iyon matanggap at lumuluhang tinitingnan ang kanyang katawan. Magsisi man sya ay wala ng mangyayari. Ang kanyang ala-modelong katawan at magandang mukha na kinabibighanian ng maraming kalalakehan ay hindi na ngayon makikilala.
Sinisi nya ang sarili sa nangyari sa kanya. Umupo sya sa tabi ng durog na katawan at patuloy sa pagluha. Kung hindi dahil sa kanyang pagmamahal kay Helton ay hindi ito mangyayari sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit nasira ang kanyang buhay. Minahal nya ito at ibinigay ang lahat na gustuhin nito. Isang masunuring anak lamang sya noon at nag-aaral sa sikat na unibersidad ngunit mula ng makilala nya ang lalake ay naging hudyat na ito ng unti-unti nyang pagbabago.
Nang dahil dito ay natuto syang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Noong una ay natakot pa sya ngunit ng matikman na nya ito ay hinahanap na ito ng kanyang katawan. At kapag lango na sa pinagbabawal na gamot ay inaangkin na ng nobyo ang kanyang katawan. Hanggang sa isang araw ay nalaman nyang nagbunga ang kanilang ginawa. Ngunit sa halip na matuwa si Helton ng sabihin nya rito na nagdadalang-tao sya , ay kabaliktaran ang nangyari dahil nagalit ito sa kanya.
“ bakit kasi hindi ka nag-iingat ha?” bulyaw nito sa kanya.
“ mahal mo naman ako di ba? Bakit parang hindi ka naman natutuwa?”
“ mahal nga kita, pero magagalit si erpats kapag nalaman nya na nakabuntis ako!”
Dahil nga sa hindi sya nito kayang panagutan at natakot sya sa kanyang mga magulang ay nagpasya na lamang sya na ipalaglag ang bata.
Isang malakas na tawa ang kanyang narinig at kasabay noon ang pagsambit sa kanyang pangalan.
“ bwahahaha…bwahahahaha…bwahahaha….halika na! halika na! akin na ngayon ang iyong kaluluwa! Magiging alipin na kita!” malakas na sabi ng isang boses na hindi nya nakita kung san nagmula at kung sino ang nagmamay-ari.
“ sino ka? Magpakita ka sa akin!” aniya na iniikot ang mata sa paligid dahil sa naramdaman takot, sa nakakatakot nitong boses. Isang malaking usok ang biglang sumulpot sa kanyang harapan at lumabas mula roon ang isang demonyo. Malaking lalake ito at may hawak na malaking panungkit, may mahabang sungay sa ulo, may mahabang ngipin, at namumula ang mga mata. Hindi man lang ito napansin ng mga taong naroon at nakikiisyuso sa bangkay nya.
“ wag…wag kang lumapit sa akin…..wagggggggg!” malakas nyang sigaw ngunit bago pa man sya makatakbo ay nahawakan na sya nito.
“ hindi mo ako pwedeng takasan! Dahil mula sa mga oras na ito, ikaw ay magiging alipin ko! Bwahahahahaha…bwahahahaha”
Mabilis ang mga pangyayari at wala na syang nagawa para labanan ito. Namalayan na lamang nya ang kanyang sarili sa isang napakainit na lugar. Doon ay halos malagutan sya ng hininga. Kahit sino ay ayaw na mapunta sa lugar na iyon. Para itong desyerto na napapaligiran ng apoy. Hindi nya kayang magtagal roon ngunit wala na syang magawa dahil nakasangla na ang kanyang kaluluwa kay Satanas. Ito ang naging kapalit sa lahat ng kasalanan na ginawa nya noon sa lupa.
Ngunit bago ang pagbigay ng hatol sa kanyang kaluluwa ay binibigyan sya ng forty days na bumalik sa lupa upang makapiling ang mga mahal sa buhay. Ito ang sabi sa kanya ni Satanas. Ganun din ang nangyari sa ibang kaluluwa na naroon at maging ang mga kaluluwa ng mga bagong mamamatay na nakagawa ng maraming kasalanan sa lupa.
Napagkasunduan nila na pagkatapos ng forty days ay muli na sya nitong susunduin upang ipatupad ang magiging hatol sa kanya. Halos masuka sya ng bigla na lamang gumuho ang kanyang kinatatayuan. Nahulog sya sa isang napakalalim na hindi nya mawari kung ano. Ilang minuto din ang itinagal bago sya makarating sa pinagdalhan sa kanya ni Satanas.
Bumangon sya. Mula sa malalim na pagkakahulog ay hindi man lang sya nakaramdam ng sakit sa kanyang katawan. Nasa mundo na sya ng mga buhay. Pahaplos-haplos pa sya sa kanyang kamay, mukha,mga paa ng banggain sya ng isang malaking truck na naging sanhi ng malakas nyang pagsigaw. Ngunit natigilan sya ng tumagos lamang ito sa kanyang katawan. Oo nga pala…tatlong araw na syang patay.
Nagpatuloy sya sa kanyang paglalakad. Nais nyang makita ang magulang. Mula sa malakas na ihip ng hangin ay hinayaan nya ang sarili na padparin sa kanilang tahanan. Ganoon pala ang pakiramdam kapag patay kana. Napakagaan lamang ng lahat. Ang dating hindi nya nagagawa ay nagawa nya ngayon lalo na ang nakakainis na traffic. Dahil hindi na nya ito naranasan. Ilang minuto lamang kasi, mula sa malayong lugar na kanyang pinanggalingan ay narito na agad sya sa kanilang tahanan.
Naglakad sya papasok sa loob. Puno ng mga tao ang kabahayan. Sa pinakadulo ng kanyang paglalakad ay nakita nya ang kanyang mga magulang na magkatabi at umiiyak.
“ mylessssssss….anak..huhuhu” paghihinagpis ng kanyang ina na inalalayan naman ng kanyang ama. Awang-awa sya sa mga ito.
Katabi ng mga magulang ang kababata at kaibigan nyang si Jel. Lumapit sya sa kanyang ina at hinalikan ito. Pumikit sya ng gawin nya iyon. Ngunit hindi nya maramdaman na dumikit ang kanyang labi sa mukha nito. Parang naging isang hangin lamang sya na humampas sa mukha nito. Hindi na lamang nya iyon pinansin. Nilapitan naman nya ang kanyang ama pagkatapos nun at yumakap sa beywang nito na lagi nyang ginagawa noong nabubuhay pa sya.
Nakaramdam sya ng lungkot kaya lumabas sya roon. Ayaw nanyang masaksihan ang pagluluksa ng mga mahal nya sa buhay.
Makalipas ang tatlong araw ay inilibing na ang kanyang katawang lupa. Naroon lamang si Myles sa di kalayuan at tinitingnan ang paghatid ng kanyang bangkay sa huling hantungan. Pagkatapos ng maiksing pagdarasal ng isang Pari at matapos syang basbasan nito ay dahan-dahan ng ihinulog ang kanyang ataol sa nakahukay na lupa.
Nag-iyakan ang mga naroon lalo na ang kanyang mga magulang at kanyang matalik na kaibigan. Naroon rin si Helton at nakikiramay. Naalala pa din pala sya ng hayop na lalakeng iyon. Kung hindi dahil dito ay buhay pa sana sya ngayon. Umaasa na laman sya na makakasama din nya itong muli sa impyerno kung saan minsan sya nanggaling.
“ malungkot ka ba?” boses ng isang batang babae mula sa kanyang likuran kaya napalingon sya. Paanu sya nito nakita at nakakausap? Naisip nya na baka patay na din itong katulad nya. Sa kanyang tantya ay nasa apat na taong gulang lamang ang bata.
“ naging malungkot din ako dati ng bawian ako ng buhay” pagpapatuloy nito ng walang makuhang sagot sa kanya. “ Gustong-gusto ko pang mabuhay nun kaya lang kinitil ng isang walang awa na nilalang ang buhay ko.” Tama sya patay na nga din itong katulad nya. Anu kaya ang naging sanhi ng kamatayan nito? Tanong nya sa kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Napakabata pa nito para bawian ng buhay. Nang muli nya itong lingunin upang muling kausapin ay bigla na lamang itong nawala. Kung noong nabubuhay pa sya, ay nakita na nya ang bata na bigla-biglang sumusulpot at nawawala sa paningin nya, malamang ay manlalambot sya sa takot. Ngunit ngayo'ng patay na sya ay parang balewala na lang sa kanya ang mga ganoong eksena. Makita at makasama nga lang si Satanas ay kalabisang takot na ang maramdaman ng mga normal na tao yun pa kayang multo lang?
Pagkatapos ng libing ay naguguluhan si Myles kung saan na sya tutungo. Forty days lang ang ilalagi nya sa mundo at kelangan nyang sulitin iyon. Pang-apat na araw na nya ngayon dito sa lupa. Ayaw naman nya munang manatili sa bahay nila dahil ayaw nyang makita na nalulungkot ang magulang nya. Mahal nya ang mga ito kaya masakit para sa kanya ang makita ang mga ito na nasasaktan dahil sa pagkawala nya.
Isang mahabang paglalakbay ang nangyari sa kanya. Wala naman kasi syang alam na gawin. Napadpad sya sa isang napakatahimik na lugar. Malamig ang simoy ng hangin, at napakasarap amuyin. Nanuot iyon sa buong kaluluwa nya. Wala sa sarili na pinagmasdan ang paligid at nang mainip ay nagpasya na lamang umupo sa buhanginan. Nang may mapansin sya sa di kalayuan. Isang lalake iyon na nasa edad benta singko sa tingin nya nang makalapit sya rito. Gwapo ang lalake, matangkad, nakasuot ng puting long sleeve polo na nakatupi hanggang sa braso, nakapantalon ng maong na medyo kupas at nakasuot ng sapatos.
Tahimik lamang nya itong pinagmasdan. Malungkot ang mukha ng lalake. May hawak itong larawan ng isang babae. Maganda ang nakita nyang mukha ng babae sa litrato nito. Naging tila isang imbestigador sya sa mga oras na iyon na nakikiisyuso sa buhay ng ibang tao. Nakaupo ito sa buhanginan ng mga oras na iyon at nakapagitna sa dalawang hita nito ang isang katamtamang laki ng banga.
Napansin nyang nagpunas ng luha ang lalake. Umiiyak ito . Patuloy lamang nya itong pinagmasdan na tila nagkaroon ng pakialam sa buhay ng lalake, na ngayon lamang nya nakita. Binuksan nito ang isang banga. Dinukot ang laman niyon at ipinaanod sa hampas ng tubig sa baybayin.
Narinig nyang humagulgol ang lalake at bigla syang nahabag dito. Kaanu-anu kaya nito ang babaeng nasa larawan na nahulaan nyang nag-mamay-ari ng abu na nasa banga. Siguro ay asawa nya ito.
“ Dianne!” sambit ng lalake na patuloy sa pagluha. Iyon pala ang pangalan ng babae. “ mahal na mahal kita bakit moko iniwan? Nangako ka sakin na hinding-hindi moko iiwanan! Na magsasama tayo habang-buhay, na bubuo tayo ng isang pamilya at mamuhay tayo ng masaya, pero bakit ako na lamang mag-isa ang nangangarap noon ngayon?” humihikbing sabi nito.
Nahabag si Myles sa kanyang nasaksihan. Napakaswerte naman ng babaeng ito at minahal sya ng lalake'ng pinagmamasdan nya ngayon. Hindi tulad sa kanya, pinaglaruan lamang sya ni Helton nung nabubuhay pa sya. Hindi talaga sya nito minahal. Ginamit lamang sya nito at sinira ang buhay. Napakatanga nya at pumayag sya na gawin iyon sa kanya. Anu nga ba ang magagawa nya gayung nagmahal lamang sya at nabulag sa pagmamahal nya para sa lalake.
Hindi sya umalis roon. Sinamahan nya ang paghihinagpis nito kahit hindi sya nito nakikita. Naisip nya kasi na baka may gawin itong masama sa sarili dahil sa kalungkutan, mabuti kung naroon sya upang mabantayan nya ito.
Lumipas ang ilang oras halos naubos na ang luha sa mga mata nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa buhanginan, pinagpag ang buhangin na dumikit sa pantalon, inayos ang nagusot na damit, at tumanaw muna sa malayo bago tuluyang umalis.
Sinundan nya ito hanggang sa makarating sa nakaparadang kotse na pagmamay-ari ng estrangherong lalake. Nang makapasok ito sa loob ng sasakyan ay pumasok din sya roon. Pinaandar ng lalake ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon. Pinagmamasdan nya ang malungkot nitong mukha habang nasa biyahe sila. Gusto nyang haplusin iyon, ngunit alam naman nya na hindi na nya kayang gawin ang mga nagagawa ng mga buhay na katulad nito.
Sa isang subdivision, ipinasok ng lalake ang minamanehong sasakyan. Tumingin si Myles sa paligid. Hindi pa sya nakarating sa lugar na iyon dahil mukhang malayo iyon sa kanila. Ipinasok ng lalake ang sasakyan sa isang malaking bahay, pagkatapos silang pagbuksan ng isang naka-uniform na guwardya.
Sumunod sya dito nang pumasok sa loob ng bahay. Palinga-linga sya sa paligid at nakita nya ang isang malaking portrait sa pinakabungad ng bahay. Portrait ng lalake at babae na masayang magkasama.
Ang lalakeng kasama nya ngayon ang nasa portrait na iyon at ang babae na naroon ay ang babaeng nasa larawan na hawak-hawak kani-kanina lang ng lalake. Buhay na buhay pa roon ito at napakaganda sa suot nitong maiksi na bestida. Sayang at maaga itong binawian ng buhay na naging sanhi ng kalungkutan at pagdurugo ng puso ng lalake ngayon.
Inikot nya ang buong bahay na lingid sa kaalaman ng lalake na merong isang pakialamerang nilalang, ang gustong makatuklas sa kwento ng kanyang buhay. Ewan nga ba ba’t naging ganun na lamang ang kanyang pakiramdam sa oras na iyon.
Nang Makita nya ang lalake ay nagkaroon sya'ng bigla ng panghihinayang sa kanyang buhay na inaksaya nya noong araw na nabubuhay pa sya. Ngunit naisip nya na kung hindi din sya binawian ng buhay sa aksidenteng iyon ay hindi din nya makikita ang lalakeng ito. Lahat ng pwedeng isipin, parehas may komplikasyon.
Tumagos ang katawan nya sa dingding ng bahay at napadpad sya sa kwarto ng lalake. Napahawak sya sa kanyang bibig at gustong sumigaw ng makita ang hubad nitong katawan na lumabas galing sa banyo. Kahit hindi naman sya nakikita ng lalake ay nailang sya doon ngunit hindi naman nya maiwasang huwag tumingin dito. Ilang araw nalang ang ilalagi nya rito sa mundo ng mga buhay at hindi na rin nya ito makikita kaya naman lubus-lubusin na nya iyon. Napangiti sya nang pagmasdan ang kabuuan nito.
Nagiging ghost stalker sya ng lalake. Tumatabi sya sa pagtulog nito, sumasabay sa mesa kapag kumakain ang lalake, at sumasama san man ito magpunta. Naging masaya naman sya sa kanyang ginagawa. Nakalimutan nya pansamantala ang mga magulang nya na nagluluksa pa rin sa kanyang pagkawala.
Sa loob ng mga araw na kasama nya ito ay nasanay na sya sa piling nito, isang bagay na nagpadama sa kanya ng kalungkutan dahil alam nya na ilang araw na lamang ay hindi na nya ito makikita. Hindi na nya makakasama. Sana ay palagi na lamang syang nasa tabi nito, sana hindi na sya babalik sa lugar kung saan magdurusa lamang sya. Sa isang lugar na magiging puro pasakit para sa kanya.
Nang gabing iyon ay pilyang tumabi sya sa pagtulog nito. Pangiti-ngiti pa sya. Hinalikan pa nya ang pisngi nito na tumagos lamang sa mukha ng lalake. Napangiti na lamang sya doon. Agad namang nakatulog ang lalake sa gabing iyon dahil na rin siguro sa pagod nito sa opisina. Mula kasi sa ilang araw nitong pagluluksa ay pumasok na ito sa trabaho. Natambakan na ito ng maraming papeles na kailangan nitong pirmahan.
Pinagmasdan nya ang pagtulog nito. Napakagwapo nito, matangos ang ilong, mapungay ang mata, at medyo may kasungitan ang mukha lalo kapag kumunot ang noo nito. Nang marinig nyang may tumatawag sa kanyang pangalan.
“ Myles….myles” sabi ng boses na kanyang narinig at kasabay ang malakas na pagtawa. Alam na nya kung sino ang tumatawag sa kanya. Ngayon na ang huling araw nya sa lupa. Sinusundo na ang kanyang kaluluwa sa impyerno upang parusahan. Bumangon sya sa kama upang sundan ang nagmamay-ari ng boses. Nang makalapit na sya sa may pintuan ay muli nyang nilingon ang mahimbing na natutulog na lalake. Naging malungkot ang kanyang mukha dahil hindi na nya ito makakasama. Nagpaalam na lamang sya rito ng tuluyan.
Bago sya isinama ni Lucifer ay humiling sya sa kahuli-hulihang sandali. Nais nya makita ang mga magulang na pinayagan naman nito. Kahit pala isa itong demonyo ay mapapakiusapan din.
Parang isang simoy ng hangin lamang ang nagdaan at naroon na sya sa tahanan ng kanyang magulang. Mahimbing na rin na natutulog ang mga ito. Lumapit sya sa kanyang magulang at isa-isa itong niyakap at hinalikan. Parang naramdaman iyon ng kanyang ina dahil bigla itong umupo mula sa pagkakahiga dahil sa naramdamang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa pisgi nito. Napaiyak ito at binanggit ang kanyang pangalan. Nagising naman roon ang kanyang ama at niyaya itong magpahingang muli. Sumunod naman ito roon.
Dinalaw rin nya ang kanyang matalik na kaibigan na si Jel na noo’y nasa sala at nanonood ng tv. NIlapitan nya ito at niyakap bilang kanyang huling pamamaalam. Nakaramdam naman ito ng takot kaya tumayo at dali-daling pinatay ang tv at tumakbo papasok ng kwarto.
“ oy Jel…. Wag kang matakot sa akin” nakakatawang tawag nya sa pangalan nito na alam naman ng lahat na hindi na din nito maririnig.