~~~~~
Sinarado ko ang bible na hawak ko at tumingin sa harapan. I sighed deeply and closed my eyes. I slowly get my sticky note and started writing a bible verse that caught my attention.
Isaiah 41:10 So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.
Dear, God please help me, my family and my boyfriend.
I kissed the paper and put it inside the bible. I massaged my temple hoping to ease the dizziness that I'm feeling now.
Ito na naman ako. Parang dati lang dito pa din ang takbo ko.
A sound of a notification on my phone caught my attention. I started to open it and immediately close it.
May bago na namang article. Kailan ba to matatapos?
Nakatingin lang ako sa harap habang nagdadasal ng may tumapik ng braso ko.
"Ate Ly?" Sabi niya na nakangiti pa sa akin.
"Bea? Do you need anything?" I asked her.
Umiling siya at tumabi ng upo sa akin. Sinandal niya pa ang ulo niya sa balikat ko at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"I don't know what to say to you. I know nothing can help you to feel okay now. But always remember that Me and Thirdy will always stay with you and Manong. Stay strong ate for Manong Kiefer." Sabi niya kaya ang pinipigilan kong luha mula pa nung dumating ako dito ay bumagsak na ng tuluyan.
"I... I don't know what to do anymore Bei."
"Pray lang ate. Kaya niya yan." Sabi niya at yumakap na sa akin.
Tumango ako at pinunasan ang luha ko.
"Hindi tayo batchmates. Nauna kayo sa amin ni Kuya Kief pero alam ko na mabuting tao siya. Stop crying na ate kaya niya yon. Kaya niyo yan." Hinagod ni Bea ang likod ko at mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya.
Tumagal din kami ng halos isang oras sa Gesu. Pagdating ko pa sa labas nandoon na pala ang nga kaibigan ni Bea. Nagpaalam ako kaagad sa kanila para makauwi na sa Cainta. Pero bago yon dumaan muna ako para bumili ng paborito namin ni Kiefer na frozen brazo.
Si Thirdy ang nagbukas ng pintuan. Nakita kong kumakain na pala sila.
"Good evening Tita and Tito. Hi Dans." I said and kissed Dani on the cheeks. Nagmano ako kay Tita at Tito.
"Tara kain na Ly. Late yata natapos ang training? Akala ko ba kaya nagstart ng 3pm para tapos na ng 6pm?" Tanong ni Tita at nagpakuha ng plato ko.
"Nagstay lang po kami ni Jia may ginawa pa po kami eh." Sabi ko na lang at umiwas ako ng tjngin kay Tita. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. "Tita si Kiefer po?" I asked her.
Pare parehas naman silang napatigil dahil sa tanong ko.
"Nasa kwarto ate." Sabi ni Thirds kaya nagpaalam ako sakanila na aakyat lang ako. Kumuha ako ng isang spoon para makain namin ang dala kong frozen brazo.
Kumatok lang ako ng isang beses at sumilip pa. Nakita ko siyang nanunuod ng kdrama. Yung naiwan kong episode na hindi na niya napanuod dahil nakatulog siya kagabi.
"Beeeeeee buti nandito ka na. Namiss kita." sabi niya kaya napatawa ako. Kinuha niya ang dala ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Bakit wala ka sa baba?" I asked him.
"Busog ako." Simpleng sagot niya lang at hinatak ako para makahiga na kami. "Galing ka ba talagang training? Bakit ang bango bango pa din?" sabi niya at sinandal ang ulo niya sa dibdib ko.
"Sira! Kain na tayo sa baba." sabi ko habang hawak ang buhok niya.
"Ayaw ko. Tinatapos ko pa tong episode na to mamaya manunuod na tayo ng bagong episode hindi ko na masusundan." Sabi niya lang at bigla akong niyakap ng mahigpit.
"Mamaya hindi na muna yan ang panunuodin natin Babe. Yung gusto mo naman mamaya." sabi ko at bigla siyang napatingin sa akin.
"Huwag na Babe. Ito na lang para din matapos na natin." Sabi niya at ngumiti pa sa akin.
Ngiting may kulang. Alam ko may kulang.
"I love you." I said.
"I love you." Kiefer kissed my lips and smiled to me.
I started humming a song and caressed his hair. Nang matapos si Kiefer sa panunuod ng episode nilipat niya ang TV sa balita at parehas kaming napatigil sa nakita namin. Naramdaman ko din bigla ang pagbabago sa itsura niya. Kinuha ko kaagad ang remote at yumakap sa kanya.
"Don't listen. Don't look. Sa akin lang Kief. Sa amin lang." Sabi ko at hinatak siya palapit sa akin. Hinawakan ni Kiefer ng mahigpit ang braso ko at binaon ang ulo niya sa balikat ko.
"Stay with me Alyssa. Stay with me." Bulong niya.
"Yes babe. I will." I started to kiss him on his face.
Dear God. Please help us. Help my boyfriend.
"Babe please..." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
"I can't Alyssa. Dito na lang ako manunuod. Gagawa pa ako ng banner." Biro niya sa akin. At niyakap ako ng mahigpit.
Hindi ako nagsalita at tumalikod ng higa. Hindi ko alam pero naiiyak na lang ako. Ang hirap hirap naman.
Pinunasan ko ang luha ko ng makita kong pumasok si Thirdy sa kwarto nila. Nagulat pa siya ng makita ako.
I just smiled to him.
"Hindi ba kayo aalis nong?" Thirdy asked him.
"Hindi. Dito lang ako. Baka ang ate mo isama niyo. Sige na Ly sumama ka na sakanila." Sabi niya kaya mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
Tumayo ako at naglakad papunta sa bag ko. "Sige thirds. Sasama ako." sabi ko at nagsimulang maghanap ng damit pangpalit.
Lumabas si Thirdy kaya naiwan kaming dalawa sa kwarto. Nagpunta lang ako sa bathroom para magpalit ng damit. Paglabas ko nakita kong titig na titig siya sa akin.
Kinuha ko na ang wallet ko at nagtali ng buhok.
"Alis na kami." Sabi ko at lumapit sa kanya. I kissed him on the lips. May nilagay akong bible sa tabi niya. "Please don't push us away. Please huwag mo kaming itulak palayo sayo." Sabi ko at tumalikod na kaagad sa kanya.
***
Kiefer intertwined our hands and started walking to the airport. We are going to Iloilo. Kiefer requested for this. Kaming dalawa lang dahil busy si Tito Bong at ganon din si Tita Mozzy. Nagsimula na din ulit ang training nila Dani tapos sila Thirdy may mga tournaments na sinalihan. This is the first time na magtatravel kami ni Kiefer ng dalawa lang kami.
Mabuti na lang din at pinayagan ako ng creamline dahil may pahinga din kami ngayon.
Pagkaupo namin sa waiting area automatic na sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Babe... 4 days tayo doon diba?" I asked him.
"Yes babe. Nagtext na din ako kay Mama. Mamaya pagdating natin sa Iloilo tawag tayo kila Itay para hindi na sila mag-alala kasi hindi na natin sila makakausap pagdating sa tamba."
Akala ko walang sasalubong sa amin pagdating doon kaya natuwa ako na wala din pinagbago ang mga tao doon. Nakikipagkwentuhan si Kiefer sa mga bata kaya hinayaan ko na din muna siya. Naghanda na lang ako ng lulutuin para sa tanghalian namin. Naituro na to sa akin ni Tita Mozzy sana lang magawa ko ng maayos. Apat na araw pa naman kami dito.
Napangiti ako ng makita kong tumatawa si Kiefer. Alam ko talagang magiging masaya siya dito. Kaya nung nagyaya siya na magbakasyon kami sa Tambaliza pumayag ako at ginawan ko ng paraan.
**
Hinaplos ko ang buhok niya at ginalaw ang paa ko para maiduyan kami ng mahina. Pangatlong araw na namin dito sa Tamba at katatapos lang namin mag island hopping kanina. Nakatulog na si Kiefer sa sobrang pagod.
Gumalaw siya at mas lalong yumakap sa akin ng mahigpit. Mas siniksik niya din ang ulo niya sa leeg ko. Alam kong nagising na to pero ayaw niya pang tumayo.
"I love you." I whispered and Kiefer smiled.
I started singing one of our favorite songs. Now it's on female version.
I found a love, for me
Darling, just dive right in
And follow my lead
Well, I found a boy
Beautiful and sweet
I never knew you were
The someone, waiting for me
Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap niya sa akin. I know mahirap sa kanya to. Hindi madali pero never kong nakitaan na sumuko siya. Hindi ako nagsisi sa relasyon na to. Wala... At alam ko sa mga susunod pang buwan mas lalo ko lang siyang mamahalin.
'Cause we were just kids
When we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up
This time
But darling, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
I know the moment I saw him walked on Blue eagle gym. I know he will have a huge part in my life. I have known Kiefer for 8 years now. From the Rookie that a lot of people adored from now Kiefer that matured on and off the court still a lot of people love him. I've seen him fighting for the sport that he love and for the country.
Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When you said you looked a mess
I whispered underneath my breath
But you heard it
Darling you look perfect tonight
2 years... 2 years with him but its still feels like the first time. 2 years with Kiefer is a rollercoaster ride. I don't have regrets when I gave him a chance... 2 years and Kiefer never let me feel like I'm not beautiful. 2 years and his still courting me. Giving me flowers whenever I'm sad. Spoiling me giving me the foods that I want. He's the best.
Well I found a man
S
tronger than anyone I know
He shares my dreams, I hope that someday
I'll share his home
I found a love
To carry more than just my secrets
To carry love, to carry children
Of our own
Like what people said... Wala namang diretsong daanan. May mga problema, mga problemang kailangan mong harapin. And this time mayroon na naman. My guy is probably the strongest guy ever. Issues after issues but he remained positive in this situation. I love him more because of this. I love this guy so much.
"Dalawa lang. Sobra ka naman sa apat eh. Ikaw kaya magbuntis."
"No, two boys and two girls. Final! Babe."
I stopped singing and smiled. Palagi namin yang pinagtatalunan dalawa.
"I want 4 kids babe. Two boys and two girls. I want a big family." Sabi niya at hinalikan ako sa leeg.
We are still kids
But we're so in love
Fighting against all odds
I know we'll be alright
This time
Darling just hold my hand
I'll be your girl
You'll be my man
I see my future in your eyes
I suddenly remember the conversation I had with my friends.
"Why stick with that kind of relationship? Admit it Ly sira na ang trust sa inyo!"
I just smiled to them. They don't know Kiefer, they don't know our relationship. They only see a little. I know this is not easy. Pareho kaming sikat maraming pwedeng mangyari, pwedeng makasira or pwedeng magpatibay pa sa amin. Walang relasyon na puro lang saya. Basta ako ang alam ko mahal ko tong lalake na to. Kahit na anong mangyari. At the end of the day siya pa din ang pipiliin ko.
Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When I saw you standing there
Looking so beautiful
I don't deserve this
Darling you look perfect tonight
I touched his face and smiled. Kiefer wiped my tears and kissed me on the forehead. Kung kanina siya ang nakaunan sa akin ngayon ako na ang nakaunan sa kanya.
"Thank you babe. Sobrang mahal kita." Bulong niya kaya yumakap ako sa kanya.
Kiefer continue singing the last part. Masyado lang yata siguro talaga akong emosyonal dahil sa sunod sunod na problema.
Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite songs
I have faith in what I see
Now I know I have met
An angel in person
And he looks perfect
I don't deserve this
You look perfect tonight
"Pakasal na tayo..." I slap his chest and Kiefer chuckled. "I'm serious. I can't wait to buid a family with you. I can imagine our little kiefer and Alyssa."
"Kief..." I said with my warning tone.
"Stay with me Alyssa. Huwag mo akong iwan sa 18 months na to."
Hindi siya nagsasalita sa issue na to. Ayaw niyang pagusapan pero alam ko nalulungkot siya.
Umayos ako ng higa at tinignan siya.
"Hindi kita iiwan. Kahit na anong mangyari hindi ako lalayo sayo. Sasamahan kita sa journey na to. Diba nga nangako na tayo?"
"Yes. babe. Yes. I love you thank you for never leaving me kahit na ang dami dami kong kamalian sa buhay. Thank you."
Mahal ko si Kiefer at lahat lahat sa kanya. Mahal ko siya bilang basketball player, bilang kapatid kila Dani at Thirdy, bilang anak, bilang kaibigan ko at bilang boyfriend ko. Mahal ko siya kahit na ano pang mangyari.
I planted a soft kiss on his lips.
"I love you."
"Can't wait to see you wearing your wedding gown."
I smiled to him.
In the near future, Kiefer.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Today, marks my 1st year in wattpad. Hindi ako makakarating dito kung wala kayong lahat. 😂 Maraming salamat sa walang sawang pagbabasa sa mga gawa ko kahit na minsa nakakabwiset na din yung nga gawa ko. Hahaha. For pushing me to be a better writer and for all the love. Maraming salamat po.
Let's all continue praying for Kiefer and for Alyssa.
Hanggang sa muli.
Jel💕