Maririnig ang hiyawan ng mga estudyante sa gym dahil sa nagaganap na mainit na labanan ng basketball. Papalapit na ang kanilang intram kaya nagpapakitang-gilas na naman ang mga kalalakihan.
Isa na rito si Bryne, 3rd year sa kursong Engineering. Cute. Matangkad. Kayumanggi ang balat. Slim ang katawan. Sikat siya sa pagiging varsity player ng University.
Hindi nagpapatalo si Bryne sa pagshoshoot ng 3 points sa ibang players na nagpapahiyaw sa mga kababaihang nanonood. Maliksi ang mga bawat kilos nito na hinahangaan ng marami.
Maya maya lamang ay lamang na ang score nila Bryne hanggang sa sila ang dineklarang panalo.
"Bryne ang galing mo." sigaw ng nasa bleachers.
"I love you Bryne." sigaw naman ng isa.
Sigawan sila sa kilig kay Bryne.
"Congrats sa atin guys. It was a good game." sambit ni Piyo, malapit na kaibigan ni Bryne.
Nagsiupo sila sa kanilang bench upang magpahinga.
"Iba talaga pag may Bry sa team." dagdag naman ni Jude.
"Kaya nga eh. Crush pa ng karamihan dito sa campus." masayang wika naman ni Ark.
Nakangiti lamang si Bryne habang pinupunasan ang kanyang pawis ang mukha. Hindi na bago sa kanya ang usapang ganun sa tuwing nananalo sila.
"Bry, si Cecile oh." sambit ni Ark ng makita ang babaeng pinakacrush ni Bryne.
Napalingon si Bryne sa kinaroroonan ni Cecile, abala itong nakikipagtawanan sa mga kasama nito. Minasdan niya ang mukha nito habang nakikipag usap at nakikipagtawanan. Hinahangaan niya ang kagandahan nito ngunit sadyang mailap ang pagkakataon na hindi niya ito nagawang lapitan o kausapin man lang.
Minsan na niya itong ginawa.
Two weeks ago, patapos ang klase ni Bryne sa second floor ng kanilang building sa engineering ng nakita niya si Cecile na pababa ng hagdan. Palihim siyang lumabas at mabilis na nilapitan si Cecile.
"Hi Cecile. " ngiting wika ni Bryne kay Cecile at kinidatan ito.
Nginitian lang siya ni Cecile. Nakatingin ito sa kanya.
"Pwede ka bang yayain kumain mamaya." diretsahan wika ni Bry.
"Woah. Ang bilis mo naman kumilos. Totoo nga yung sabi nila. Para kang kidlat." ngiting sambit ni Ceclie at nagpatuloy sa paglalakad. Iniwan si Bryne.
Napakunot noo si Byrne sa sinabi ng babae. Unang beses siyang mapagsabihan ng ganon.
"Cecile sorry."
Napalingon si Cecile sa kanya. Nakangiti ito.
"Hinay hinay lang kasi. Mahilig ka sa paspasan eh." ngiting wika ni Ceclie at tuluyan ng iniwan si Bryne.
Inis namang bumalik si Bryne sa kanilang room. Pansin siya ng kanyang tatlong kaibigan na wala sa mood.
"Mukhang may nakatikim na naman ng mapait na salita ah." Mahinang wika ni Piyo.
"Ano pre, Wala ba talagang pagasa?" tanong ni Ark kay Bry.
Napatingin lang si Bryne kay Ark. Walang reaksyon.
"Nako nakuha ko na. Di bale marami pa namang iba diyan." tugon ng kasama.
"Imagine, may nang I snob sayo eh samantalang crush ka ng karamihan. Tsk tsk." dagdag naman ni Jude.
"Tigilan niyo nga ako." inis na sambit ni Bryne at ibinaling ang atensyon sa gurong nasa harap.
Nagkibit balikat na lamang ang tatlo.
Lunch time, makikita ang mga estudyanteng papunta na sa mga kainan. Yung iba naman ay palabas ng campus. Ngunit ang isang estudyante, si Pat, ay mag isang nakatambay sa isang kubo malayo sa mga building. Katabi niya ang kanyang gitara. Nakaupo lamang ito ng nakatingla habang nakatingin sa bubong ng kubo. Doon siya palagi nagpupunta tuwing tanghali at vacant niya. Mayroon naman siyang sariling sasakyan kung kayat Di na mahirap sa kanya ang pumunta doon
Si Pat ay 3rd year sa kursong Business Administration. Matangkad. Maputi. Gwapo at isang introvert. Wala siyang kaibigan ni isa sa campus. Tanging ang gitara lamang ang kanyang kasama.
Maya maya ay inayos ni Pat ang kanyang upo at pinatong ang gitara sa kanyang lap. Sinimulan niyang patunugin iyon.
(Singing)
No I'm never gonna leave you darling
No I'm never gonna go regardless
Everything inside of me is living in your heartbeat
Even when all the lights are fading
Even then if your hope was shaking
I'm here holding on
-Ever Enough
Matapos niyang kumanta ay nahiga siya. Marahan niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa nakuha na nito ang kanyang tulog.
Kinaumagahan, pagpasok ni Pat sa campus, habang nagdadrive siya ay pansin niyang napapatingin ang mga estudyante sa sasakyan niya habang tinatahak niya ang kanyang college building. Naguusap usap pa ang ibang mga estudyante ng nakatingin sa kanyang sasakyan. Yung iba tinuturo pa.
Hindi na binigyang kahulugan iyon ni Pat at tinungo niya ang kanyang college para sa unang klase. Pansin din niya ang paguumpukan ng mga estudyante sa kanilang college na dati ay hindi naman ganon. Pinarada niya ang kanyang sasakyan at kinuha ang kanyang gamit. Sinuot ang kanyang earphone sa magkabilang tenga at nagpa music. Pag bukas niya ng kanyang sasakyan ay napatingin ang mga estudyante sa kanya. Nakangiti ito sa kanya. Yung iba napahiyaw na akala mo nakakita ng artista.
"Siya ba yun? Ang gwapo niya." malakas na sambit ng isang estudyante.
"Anong pangalan niya?" sabi naman ng isa.
Napakunot noo si Pat. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa kilos ng mga estudyante. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa pagtitig sa kanya. Pilit niyang iniwasan ng tingin ang mga iyon at sinarado ang pinto ng kanyang sasakyan.
Naglakad papalapit si Pat sa building at pansin niyang nasa kanya ang tingin ng lahat. Kinabahan siya sa kung anong nangyayari. Dama niya ang pagbuo ng pawis sa kanyang mukha at ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib.
"Anong nangyayari?" inis na wika ni Pat sa sarili.
"Kuya anong pangalan mo?" malakas at matapang na tanong ng isang estudyante.
Napatingin lamang si Pat. Kita niya ang ibang estudyanteng nakahawak ng cellphone at kinukuhanan siya ng pictures. Inunahan siya ng nerbiyos. Hindi niya magawang magsalita. Pilit niyang iniwasan ang mga tingin ng mg a iyon. Hindi siya sanay sa ganun pangyayari.
"Syet ang gwapo nga niya." sambit ng isa pang estudyante na hindi nakatakas sa pandinig ni Pat.
"Kuya anong pangalan mo sa Facebook?" tanong naman ng isa pang estudyante.
Tila malulusaw naman si Pat. Palakas ng palakas ang pagkabog ng dibdib niya. Binilisan niya ang kanyang lakad lalot nasa second floor pa ang kanyang room. Hinagilap ng isa niyang daliri ang volume up ng kanyang cellphone hanggang sa full upang Di niya marinig ang mga estudyante.
"Kuya pahingi naman ng number mo." dagdag pa ng isa.
"Kuya pa picture. Kahit isa lang." kilig na sambit naman ng isa.
"Kuya yung pangalan mo."
"I love you kuya."
Mabilis na naglakad pataas si Pat. Kabadong kabado siya. Yung ibang estudyante ay sinundan pa siya sa taas. Nakadama siya ng pagkakairita sa mga estudyanteng sumusunod sa kanya at humihingi ng kanyang pangalan. Pati ang mga nasa room na nadadaanan niya ay napapatingin sa kanya at nagsisitayuan sa kani kanilang mga upuan. Gustong malaman kung saan ang room na papasukan niya.
"Ano ba tong nangyayari?" sa isip ni Pat.
Pagpasok niya sa kanyang room ay napalingon ang kanyang mga classmates sa kanya. Napatigil siya at agad umiwas sa tingin ng kanyang mga classmates. Pinahinaan na niya ang volume ng kanyang cellphone. Agad siyang tumingin ng bakanteng upuan. Nakita niya ang upuan sa tabi ng pintuan sa likod. Naglakas loob siyang naglakad papunta doon. Nahuhuli ang mga tingin ng kanyang mga classmates sa kanya.
"Siya ba yun?" sambit ng babae.
Tumango naman ang mga classmates nito. Nagngingitian.
Pagkaupo niya sa likod ay Napansin niya ang mga estudyanteng nasa labas sa tapat ng pintuan. Pati ang mga classmates niya ay napapalingon din sa kinaroroonan niya. Nahuhuli niya ang mga ito na kinukuhanan pa rin siya ng mga pictures.
" Kuya yung pangalan mo na ah." mahinang sambit ng isang babae.
"Yung pangalan mo sa Facebook." dagdag naman ng isa.
"Pa picture na lang kuya."
Nilakasan muli ni Pat ang kanyang music. Seryosong nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Binuksan niya iyon at inopen ang kanyang data. Nagulat siya na sunod sunod na notification ang nag pop up galing sa Facebook at messenger.
"Ano bang nangyayari?" inis na wika ni Pat at pinuntahan ang kanyang account.
Inis niyang dineactivate iyon pati ang kanyang messenger.
"Ate anong pangalan niya?" Di na nakatiis na tanong ng babaeng nasa labas sa nasa malapit kay Pat.
"Patrick delos Santos." sagot ng babae.
"May number ka sa kanya ate?" tanong naman ng isang babae.
Nakangiting umiling ang babae. "Hindi namin siya nakakusap eh. Lagi kasing naka earphone."
"ay ganun ba. Sa Facebook ate. Anong username niya?" tanong naman ng isa pang babae.
"search niyo nalang yung pangalan niya." sambit naman ng isang babae.
"Wala naman. Baka iba username niya." wika na naman ng isang nasa labas.
"Baka nag deactivate na." Mahinang wika ng lalaki. "Bakit, napanood niyo rin ba yung video niya?"
"Oo kuya."
"Ang gwapo pala niya"
Di na nakatiis si Pat at tinanggal ang isang erapgone nakasalpak sa tenga niya. Seryoso at Inis siyang tumingin sa mga nasa labas.
"Ano bang mga problema niyo?" nakakunot noong sabi nito. "Kanina pa kayo ah."
"Kuya gusto lang namin malaman yung pangalan mo sa Facebook" sagot ng babae.
"Wala." inis na sagot ni Pat.
"Instagram ay kuya. Twitter?"
"Wala. Wala akong social media account. At wala akong balak gumawa." inis na sagot ni Pat.
"Galit ka ba kuya. Nagtatanong lang naman kami." wika ng babae.
"Hindi. Naiirita lang ako. Kaya pwede ba wala akong time sa mga ganito." nakanuot noong wika ni Pat at umiwas ng tingin. MUling sinuot ang kanyang earphone.
"Pasensya na kayo. Ganyan talaga yan. Sobrang tahimik." depensa ng babae.
"Introvert kasi." ngiting sambit naman ng katabi nito.
Natigil ang usapan ng dumating ang professor. Nag alisan na ang mga estudyanteng nangungulit kay Pat. Nakahinga siya naman ng maluwang. Tinanggal na niya ang kanyang earphone at pinasok sa kanyang bag ang cellphone.
Habang nagtuturo ang professor nila Pat ay Nahuhuli niya ang mga classmates niyang napapalingon sa kanya. Muli na naman siyang nairita. Hindi niya nagawang makinig ng maayos at tumingin sa nagtutro dahil sa mga nasa harapan niya. Binaling na lamang niya ang kanyang paningin sa may pinto.
"Mr. Santos are you listening? If you're not interested you may go out." sambit ng professor.
Nagulat si Pat sa pagsita sa kanya. Napahiya ito lalo na ng makitang nakatingin sa kanya ang buong klase. Inayos niya ng kanyang upo at napayuko na lamang na kunwari ay nagsusulat.
Samantala, pinapanood naman nila Piyo, Jude at Ark ang video ni Pat na malay ngayon sa buong campus. Ito ay tungkol kahapon na kumakanta siya ng Ever Enough.
"Bry, panoorin mo tong shinare ni Cecile. Viral daw ngayon." wika ni Jude.
"Patingin." sambit ni Bry at kinuha ang cellphone na hawak ni Jude. Kita sa video na kumakanta si Pat habang naggigitara.
"Taga dito din yan sa campus. Pinag uusapan nga eh." sambit naman ni Ark.
"Ang masaklap pa niyan Bry, crush na rin ata ni Cecile yan. Delikado ka." wika naman ni Piyo.
Inis na binigay ni Bryne ang cellphone kay Jude.
"Paki ko sa lalaking yan. Magaling naman ako mag basketball ah." inis na wika ni Bryne.
"eh paano kung singer ang gusto ng crush mo. O kaya guitarist, e di olats ka." tugon ni Piyo.
"Nako mukhang tatalunin ka na ng isang singer pagdating sa pagiging crush ng campus." dagdag pa ni Ark.
"Dapat kaibiganin mo siya pre. Mukha naman siyang mabait." payo ni Jude.
"Talaga ba Jude. Ang narinig ko kasi masungit daw yan. Snobber." tutol naman ni Piyo.
"Saan mo naman nalaman yan?" usisa ni Jude.
"May mga narinig ako. Hot topic nga eh. Pero may narinig din ako na sobrang tahimik daw niya. Anti social daw." sagot naman ni Piyo.
"Wow pre. Bilib naman ako sayo. Dapat pala nag Mass communication ka." tawang wika naman ni Ark.
Tahimik lang si Bryne. Iniisip kung paano ang gagawin para maging close kay Cecile. Napabuntong hininga na lamang siya habang pinapakinggan ang pagtatalo ng mga kaibigan.
Natapos ang klase ni Pat ay lumabas na siya ng room. Kita niya ang ilang mga estudyanteng nakatayo malapit sa hagdan na nagsisiayos ng mga sarili. Nginingitian siya ng mga ito at makikita ang kilig sa mga kilos nila.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at muling sinuot ang kanyang earphones.
"Andiyan na siya." kilig na sambit ng isang babae.
"Ang gwapo ni kuya" sambit naman ng isang beki.
Ayaw man ni Pat na dumaan sa hagdan na iyon ay wala siyang choice dahil iyon lamang ang daanan pababa ng building. Seryoso siyang tumingin sa mga nandoon habang naglalakad siya. Ng Di niya makaya ang pakikipagtitigan ay umiwas siya ng tingin. Nagfocus na lang siya sa daanan.
"Hi kuya." bati ng isang babae.
"Anong pangalan mo kuya?" sambit naman ng beki.
Kinikilig naman ang mga kasama nito habang papalapit si Pat. Dedma lamang si Pat at mabilis na bumaba ng hagdan ng walang sinasagot sa mga tanong ng mga nasa taas.
Pagbaba niya ng building ay nagkukumpulan na naman ang mga estudyante doon. Tila hinihintay siyang bumaba.
"Patrick." sigaw ng isang beki.
Napalingon si Pat sa sumigaw na beki. Nakangiti ito sa kanya. Pero agad din niyang binawi ang kanyang tingin at naglakad papunta sa kanyang sasakyan. Dinig pa rin niya ang mga sinasabi nito tungkol sa kanya.
Pagpasok niya ng kanyang sasakyan ay napayuko na lang siya at pinatong ang mga kamay at ulo sa manubela.
"What's happening? Ang weird nila." inis na wika ni Pat.
Nagdrive na lamang siya patungo sa foodcourt bago tumungo sa tambayan niya. Gaya ng dati, suot na naman niya ang kanyang mga earphones. Muling nagpa music.
Pagbaba niya ng sasakyan ay Napansin niyang iba muli ang mga kilos ng mga tao. Nasa kanya muli ang mga mata ng mga tao. Simula na naman siyang nairita. Napabuntong hininga na lamang siya at nagsimulang maglakad patungong foodcourt.
Hindi ma explain ni Pat ang kanyang nararamdaman. May Mali. Ramdam niyang nakatingin sa kanya ang mga tao pero hindi niya alam kung bakit. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang apat na lalaking nakatingin sa kanya. Tila nag usap ang mga ito at mukhang siya ang paksa. Seryoso itong umiwas ng tingin at dumiretso sa isang stall.
"Yan ba yung nasa video?" tanong ni Bryne.
"Oo pre. Tignan mo, napaka anti social. Lagi daw mag isa yan." sagot naman ni Piyo.
"Ang Seryoso niya tignan. Pero mukha namang mabait." sabi naman ni Jude.
Pinagmamasdan naman ni Bryne ang mga kilos ni Pat habang nag oorder ito ng makakain nito. Sinusuri ang bawat kilos nito.
"OMG, guys ayun siya oh. Si Patrick" kilig na sambit ng isang babaeng nasa likod nila Bryne.
"Ang gwapo niya Di ba? Magaling pa kumanta." dagdag pa ng isa.
"Oh sabi ko sa inyo, topic siya ngayon dito sa campus." sabi naman ni Piyo.
"Mukhang matinik tong kalaban mo pre. Mukhang matatalo ka na sa crush ng campus." ngiting sambit ni Jude.
"Ano naman ngayon? Di sa kanya lang, walang issue sa akin." inis na wika ni Bryne.
Maya maya ay nanlaki ang mga mata nilang apat ng makitang lumapit si Cecile kay Pat.
"Si Cecile pre" sambit ni Ark.
Napatingin naman si Pat sa side niya ng makita niya ang katabi nitong nakapila. Nginitian siya nito.
"Hi." ngiting wika ni Cecile.
Nagbigay naman ng matipid na ngiti si Pat. Nakitaan niya ng kabaitan ang babaeng katabi niya.
"Pwedeng pa picture?" sambit ni Cecile na tila nilalakasan ang loob.
Napakunot noo naman si Pat. Hindi niya narinig ang sinabi ng babae dahil sa naka earphone ito. Tinanggal niya ang isang earphone niya. Tinaas niya ang kanyang dalawang kilay.
"Pwede ba magpa picture. Kahit isa lang." sambit muli ni Cecile.
Di pa man sumasagot si Pat ay ibinigay na ni Cecile ang kanyang cellphone sa kasama at tumabi na kay Pat.
"Nakita mo ba yan Bryne. Olats ka na talaga." panunudyo ni Ark.
Naiinis namang pinapanood ni Bryne sina Pat at Cecile.
Dalawang shot palang ang nakukuha ay tumalikod na si Pat at kinuha ang kanyang take out na order.
"Ano bang nangyayari sa inyo? Hindi kayo nakakatuwa" seryosong sambit ni Pat.
"May Facebook account ka?" tanong muli ni Cecile.
"Wala. Wala akong social media account." sagot ni Pat at isinuot ang kanyang earphone at iniwan na si Cecile.
Kinikilig namang naiwan si Cecile pati ang kasama nito.
Samantalang inis na inis naman si Bryne. Di siya makapaniwala na isang seryosong tao ang makakakuha ng atensyon sa babaeng gusto niya.
Habang naglalakad si Pat ay may humawak sa kanyang kamay. Nilingon niya ito at kita ang tatlong babae.
"Pa picture din kami." ngiting wika ng babae.
Nainis si Pat at tinalikuran niya ang mga iyon at muling naglakad. Napatingin siya kina Piyo at nag tama ang paningin nila ni Bryne pero agad ding binawi iyon ni Pat.
"Ang snobber niya no? Napaka weird." wika ni Piyo.
"Uupakan ko yan." inis na wika ni Bryne habang nakamasid sa paalis na si Pat.
"Oh kalma. Magagawan ng paraan yan. Relax" panunuyo ni Ark.
Pag kasakay ni Pat sa sasakyan niya ay agad itong dumiretso sa kanyang tambayan. Dala dala niya ang kanyang pagkain at gitara papunta sa kubo.
Habang kumakain si Pat ay di niya mapigilan tanungin ang sarili kung bakit ganun ang kilos ng mga tao sa kanya. Wala siyang maisip na dahilan para maging ganun ang mga kapwa niya estudyante sa kanya.
Pagkatapos niyang kumain ay muli niyang hinawakan ang kanyang gitara. Sinimulan niyang kalabitin ang mga string niyon na tila sinusuri ang timpla. Nakapikit itong dinadama ang tunog ng gitara at ng masigurong nasa ayos ay Napangiti ito.
To my favorite teacher told me never give up
To my fifth grade crush who I thought I really love
To the guys I missed where are you now?
To my ex bestfriend don't know how we grew apart
To my favorite band and sing along In my car
To the face I see in my memories, where are you now
Where are you now, cause I'm thinking of you
You showed me how, how to live like I do
If it wasn't for you, I would never be who I am.
-Where are you now by Honor Society
Masigla nitong inawit ang kanta na animoy nasa concert siya. Buong buo ang tapang at lakas niya na gawin iyon dahil walang nakakakita sa kanya.
Mag a alauna na ng lisanin niya ang kubo. Pagkaalis niya ay lumabas ang isang beki mula sa likod ng isang malaking puno. Pumunta siya sa kubo at nilapitan ang isang piste ng kubo. Nakalagay doon ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at tinigil ang pag rerecord. Nakangiti itong umalis sa kubo.
Samantala, nakatambay naman ang apat na magkakaibigan sa isang kubo.
"Oh ano na pre? Wala ka pa bang plano?" tanong ni Jude sa nakamukmok na si Bryne.
"Ano lang naman yung kakaibiganin yung tao." dagdag naman ni Ark.
"Eh ang tanong, payag ka yung Pat na yun eh napakasuplado." sambit naman ni Piyo.
"Kaya yan." seryosong wika ni Bryne.
"So payag ka na?" gulat na tanong ni Jude.
"Oo naman. Kung gusto may paraan." tugon muli ni Bryne.
"Oh anong plano? Paano natin magagawa iyon?" usisa ni Ark sa mga kaibigan.
"Ako ng bahala diyan. May mga sources ako." pag mamaya ang naman ni Piyo.
"Bukas start na tayo." sambit naman ni Bryne.
Di mawala sa isip niya ang nangyari sa food court kung saan nagpa picture si Cecile kay Pat.
Pagdating ni Pat sa building na kanyang papasukan ay nakatambay na naman ang mga estudyante sa harap. Nakatingin ang mga ito sa sasakyan niya. Pawang nakangiti at kinikilig.
"Heto na naman tayo. Must hate this day." bunting hiningang wika ni Pat.
Sinuot na niya ang kanyang bag at as usual nakasuot ang kanyang earphone. Paglabas palang niya ng pinto ay maririnig na ang mga babae at beki na kinikilig at naghihiyawan.
Napalingon sina Bryne sa pinag galingan ng ingay at nakita nila si Pat na nakatayo sa sasakyan nito. Tila nila lock ang pinto.
"Sikat talaga pre" Di maiwasang sabi ni Jude.
"Dapat siguro Bry gawa ka na rin ng video mo tapos upload mo. Baka mag viral ka din." ngiting payo ni Ark kay Bryne.
"Ang tanong, kaya ba niya kumanta. Ang alam ko kaya niya lang tumawag ng ulan." dagdag naman ni Piyo.
"Ayus ah. Kaibigan ba talaga tayo? Namimikon na kayo ah." inis na wika ni Bry.
Tawanan ang tatlo samantalang seryosong nakamasid lamang si Bryne kay Pat. Iniisip kung paano ito kakaibiganin.
Pagsapit ng gabi ay nakahiga si Bry at taimtim na nakatitig sa kisame. Hindi mawala sa isip niya si Pat. Halatasa mukha nito na naiinis pero curious siya sa pagkatao ng lalaking iyon.
"Paano ko ba siya kakaibiganin? " Wika ni Bry sa sarili at nag iisip ng mga paraan na pwedeng gawin.
"Yayain mag basketball? Naglalaro ba siya?"
"Yayain kumain? Ano siya chick?"
"Magpatutor kaya ako? Ay hindi, nag mukhang bobo naman ako nun."
"Paano kung kaibigan in kasi kunwari concern ako sa kanya. Na naaawa ako na mag isa lang siya lagi?"
"Pwede." ngiting sambit ni Bry. Napabangon ito sa kanyang higaan.
Nag practice ito kung ano ang maaari ng niyang sabihin kay Pat.
"Hi. Ikaw si Pat Di ba? Ako nga pala si Bryne. Pwede ba makipag kaibigan? "
Sinapok niya ang kanyang noo. "Ang corny"
"Hey dude. Wanna hang out with us? With me?"
Napailing ito. "Feeling close naman."
Napahiga muli ito. Wala siyang maisip na maganda.
Biglang nagbeep ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at binuksan. May message si Piyo sa kanya.
"Pre may bagong video ulit yung Pat. Pinagkakaguluhan ulit. Check mo." chat ni Piyo at sinend ang link.
Agad binuksan iyon ni Bryne at nakita niya si Pat na kumakanta ng Where are you now. Nagulat siya ng makitang masiglang kumakanta ito.
"Magaling nga talaga kumanta." sambit ni Bry habang pinapanood ang video ni Pat.
Nagchat siya kay Piyo kung anong pangalan ni Pat sa Facebook.
"Nakadeactivate daw pre. Mukhang mahihirapan tayo." reply ni Piyo.
"May lahi atang alien yung mokong na yun." sambit ni Bryne sa sarili.
"Alam mo ba schedule yung alien na yun?" chat muli ni Bryne.
Nagsend ng photo si Piyo. Nakalagay doon ang schedule ni Pat. Tinignan niya ang sched niya kinabukasan. Nainis siya ng makitang 7:30 am.
"Kainis naman. Ang aga naman ng schedule na to." sambit muli ni Bryne sa sarili.
"Sige pre bukas, pakisabi sa dalawa 7:30 tayo bukas. Kailangan ko kayo." reply naman ni Bryne.
Kinaumagahan maagang pumasok ang apat. Dumiretso agad sila sa building ng room ni Pat. Pagdating nila doon ay may mga naghihintay ng mga students.
"Grabe tong mga to." sambit ni Jude ng makita ang mga naghihintay sa harap ng building.
"Mukhang mahihirapan tayo." wika naman ni Ark.
"Hindi yan. Tara na." sabi naman ni Bryne at naglakad na papalapit sa mga estudyanteng nandoon.
Nandoon din si Tammy, ang beking nag rerecord kay Pat.
"Guys gumawa ako ng page ni Pat. Pa like na lang. Doon niyo I share yung mga information at pictures na kuha niyo kay Pat." wika ni Tammy.
Agad nagsiopen ng cellphone ang mga taong nandoon. Agad ni like ang page na sinabi ni Tammy.
Maya maya lamang ay dumating na si Pat. Nainis na naman ito ng makita ang mga taong nakaabang sa harap ng building.
"Ano bang meron?" inis na sambit ni Pat.
Nakatingin lamang si Bryne sa pintuan ng sasakyan ni Pat. Hinihintay niya itong lumabas. Nag iisip na rin siya kung paano kakausapin si Pat.
Maya maya ay lumabas na rin si Pat. Maririnig muli ang mga tilian ng mga nandoon. Seryosong naglakad si Pat na tila walang pakilala sa mga nandoon.
"Hi Pat. I'm your number one fan." magiliw na bungad ni Tammy.
Tahimik lamang si Pat na diretso ng naglakad.
"Kuya pa picture."
"Pat bat wala kang Facebook o kaya Instagram?"
Di nakapagpigil si Pat sa kakulitan ng mga nandoon.
"Pwede po ba itigil niyo na ito. This is nonsense. Wala kayong mapapala sa akin." inis na wika ni Pat.
"Pat bat ba ang sungit mo? Hinahangaan ka lang namin. Gusto ka lang namin I support." sabi naman ng isang babae.
Tahimik lamang si Bryne. Hindi niya alam kung maiinis din siya sa kay Pat dahil sa kasungitan nito o maaawa.
"Support for what? I don't need it. I can handle everything with my own." seryosong wika ni Pat.
"Eto naman si Pat. Wag mo naman kami sungitan. Gusto lang namin makipagclose sayo." wika naman ni Tammy.
"Sorry but I enjoy my own company." tugon muli ni Pat at tumalikod na at naglakad.
"Alam mo Pat, mas maraming magkakacrush sayo kung hindi ka masungit." sigaw ng isang babae.
Napikon si Pat sa narinig. Muli siyang humarap sa mga kapwa niya estudyante.
"Why? Did I owe everyone of you to have crush on me? Ang please, before you judge me, make sure you know me well. You just know my name but not my whole story." inis na depensa ni Pat.
Nakadama ng awa si Bryne kay Pat. Alam niyang hindi na komportable si Pat sa mga nangyayari.
"Wag mo naman sana kami sungitan Pat. We just admire you. Sana payagan mo kami." sambit muli ni Tammy.
"I can't. I'm sorry" sambit ni Pat at tumalikod na.
" Pat sige na." sambit muli ng babae.
Pumagitna na si Bryne.
"Guys tama na muna. Hayaan muna natin yung tao. May point din siya lalot Di natin kilala ng lubos. Ibigay na lang muna natin yung privacy na hinihingi niya" paliwanag ni Bryne.
Napalingon si Pat kay Bryne. Nag tama ang mga paningin nila. Seryosong nakatingin si Pat kay Bryne ngunit ginantihan na lamang iyon ni Bry ng ngiti.
Muling tumalikod si Pat at naglakad na papunta sa kanyang room.
"Ah basta I will still support Pat. Naniniwala ako sa talent niya at magiging close din kami." ngiting wika ni Tammy.
"Oo kami rin." sambit ng iba.
"Guys may plano ako." nagising sambit ni Tammy.
Bumalik si Bryne sa kinatatayuan ng mga kaibigan niya.
"Tara na."
Naglakad na sila papunta sa klase nila.
"Ayos ah Bry. Ala hero ka naman kanina." ngiting wika ni Jude.
"Siyempre. Kailangan natin magpa impress." sabi naman ni Bryne.
"Eh anong next step mo?" tanong naman ni Ark.
"Piyo, alam mo ba kung saan yung kubong pinagtatambayan ng alien na yun?" tanong ni Bryne kay Piyo.
"Sa likod ng campus yun. Papuntang bundok na yun." sagot naman ni Piyo.
"Ganun ba." ngiting wika ni Bryne na tila may naisip ng balak.