抖阴社区

Player meets the Introvert

By GwapongLigaw

21.2K 1K 125

Si Bryne, isang Basketball player, ay may matinding paghanga Kay Cecile ngunit hindi niya ito nagawang kausap... More

Part 01
Part 02
Part 03
Part 04
Part 05
Part 06
Part 07
Part 08
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20

Part 09

783 50 5
By GwapongLigaw

Umaga palang ay pumunta na siya sa school. Tinexan din niya ang mga kasama niya na pumasok ng maaga para sa praktis. Pagdating nila doon ay kumpleto na ang lahat maliban kay Bryne.

"Nasaan si Bryne?" tanong ni Pat kila Piyo.

"Hindi ko alam. Hindi nga umuwi sa apartment niya kasi doon kami natulog." sagot ni Piyo.

"Sabi niya kagabi may pupuntahan siya pero di na bumalik." dagdag naman ni Jude.

"Akala naman namin pumunta siya sa apartment mo Pat." dagdag naman ni Ark.

"Nagtext ako sa kanya na maagang pumasok ngayon." wika ni Pat at muling nagtext kay Bryne. Ngunit wala siyang natatanggap na reply.

"Nawawala yung cellphone niya kagabi. Di ba Piyo?" tanong ni Jude kay Piyo.

"Oo. Pinadial ko pa nga yung number niya para mahanap niya kaso wala." sagot naman ni Piyo.

"Baka nakipagkita sa babaeng kasama natin kagabi." ngiting wika ni Ark.

"Ayos din yung Bryne na yun. Madiskarte." tawang sambit ni Piyo.

"Tawagin niyo muna si Cj. Mahirap na at baka hindi makadating si Bryne." sambit ni Pat.

"Kumusta Pat? Ready na ba kayo?" tanong ni Pong.

"Wala pa si Bryne Pres. Hindi naman sumasagot. Kanina ko pa tinetext." sagot ni Pat.

"Oh sige. Try namin tawagan." tugon naman ni Pong. "Wala ba siya sa apartment niya?"

"Wala Pres. Doon kami natulog." sagot naman ni Jude.

"Hindi ba niya sinabi kung San siya pumunta." dagdag na tanong ni Pong.

"Hindi Pres. Basta Nagmamadali siyang umalis at Di na bumalik. Akala namin pumunta kay Pat, hindi naman daw." wika naman ni Ark.

"Paano ngayon yan?" problemadong tanong ni Pong

"Tinawagan na namin yung substitute ni Bryne. Papunta na raw." sagot naman ni Jude.

"Ganun ba. Mabuti naman para may kapalit siya kung sakali." wika ni Pong. "Maiwan ko muna kayo diyan, aayusin ko lang tong mga sasali ng Got Talent."

"Sige Pres."

"Pat tignan mo to." sabi ni Piyo at pinakita ang kanyang cellphone kay Pat. Kinuha ni Pat ang cellphone at Binasa niya ang text na nabasa ni Bryne kagabi.

"Hindi ako nagtext sa kanya kagabi. Nasa apartment Ko." Naguguluhang wika ni Pat.

"Eh sino yan?" tanong ni Jude.

"Baka si Sano. Nakita siya ni Bryne kagabi Di ba?" sambit naman ni Ark.

"Oo nga baka siya yan." sang Ayon nan ni Piyo.

"Eh paanong nasa kanya yang cellphone ni Bryne?" tanong naman ni Jude.

"Yan ang hindi natin alam." wika naman ni Piyo

"Piyo hiramin ko nga saglit tong cellphone mo." wika ni Pat. Nakita niya si Tammy na abala sa pag aayos ng costume ng ibang sasali sa Got Talent.

"Tammy favor naman." wika ni Pat.

"Ano yun Pat? Kahit ano basta ikaw." ngiting sagot naman ni Tammy.

"Gusto ko malaman ang information ni Sano. Kung saan siya nakatira. Tsaka check mo nga kung may makukuha kang mga pictures na kasama siya kagabi sa bar." sabi ni Pat.

"Sure. Madali lang yan. Your fans can do." masaya ng sambit ni Tammy.

"Kailangan ko din ngayon." sabi ni Pat. Di siya makapakali. Paulit ulit niyang binasa ang text na yon. Binuksan niya ang location ng kanyang cellphone at sinubukan I track ang cellphone ni Bryne at nabuhayan siya ng ma track ang lugar kung nasaan ang cellphone ni Bryne.

Maya maya ay binigay na ni Tammy ang kailangan ni Pat. Nagulat siya ng makita na akma ang address ni Sano sa nasa track ng cellphone ni Pat. Nakita ni Pat ang dalawang magandang babae na nakaupo sa music room. Nilapitan niya ang mga ito.

"Piyo Tara sa student Council office" wika ni Pat. Sumunod naman sina Piyo, Ark at Jude sa kanya.

"Yes. Mukhang may irereklamo na naman kayo." wika ng councilor ng mamukhaan si Pat.

"Ma'am hindi kasi namin mahanap yung kaibigan namin. Kagabi pa." bungad ni Pat.

"Sinubukan niyo na bang kontakin?" tanong naman ng councilor.

"Nawawala pong cellphone niya ma'am kagabi. Pumunta kasi kami sa bar Maam tapos pag uwi namin wala na yung cellphone niya. Tapos bigla siyang umalis nagmamadali. Hindi naman po niya sinabi kung saan siya pupunta" kwento ni Jude.

"May hinala ba kayo kung ano nangyari sa kanya? Kung may pinuntahan?" tanong ng councilor.

"Wala naman Ma'am. Ang kinababahala lang namin Ma'am, kagabi nakita niya si Sano kagabi tapos pinilit pilit kaming pinauwi ni Bryne." wika ni Piyo.

"So ngayon pinagdududahan niyo si Sano na may kinalaman sa pagkawala ng kaibigan niyo?" dagdag na tanong ng councilor.

"Parang ganun na nga Ma'am." sagot ni Pat. Pinakita niya nag kanyang cellphone kung saan natatrack niya ang cellphone ni Bryne.

"Heto Ma'am. Natrack namin kung nasaan ang cellphone ni Bryne. At ang nakakagulat ay lugar ng apartment nila Sano yang lugar n yan Ma'am." paliwanag naman ni Pat.

"At kagabi Ma'am, may nagtext sa cellphone ni Piyo" wika ni Pat at pinakita ang text sa councilor. "Yan po yung number ni Bryne Ma'am. Pero wala naman akong alam na nawala ang cellphone niya. Nasa apartment po ako ng oras na yan."

Biglang may tumawag sa cellphone ni Pat. Sinagot niya iyon. Pinindot niya ang loud speaker.

"Nandito na kami." wika ng isang babae.

"Sino yan?" tanong ng councilor.

"May pinapunta ako sa apartment ni Sano Ma'am. Gusto Kong I check kung talagang nandoon ang cellphone ni Bryne. At gutso ko rin masaksihan niyo Ma'am."

"Bakit?" tanong ni Sano sa dalawang babae.

"Narinig kasi namin magpeperform kayo mamaya. Gusto ka sana namin ma interview." wika ng isang babae. Pasimple nitong hawak hawak ang kanyang cellphone kung saan ka tawag si Pat.

"Sige Pasok kayo." wika ni Sano.

Taimtim lang na nakikinig sila Pat.

"Mag isa mo lang dito sa apartment mo?" tanong ng isang babae.

"Oo. Pasensya na magulo." wika ni Sano.

"Okey lang. So anong paghahanda ang ginagawa niyo para sa competition?" tanong ng isang babae.

"Practice tapos proper choice ng kanta na magugustuhan ng lahat." sagot ni Sano.

"Piyo, tawagan mo number ni Bryne, ngayon na." wika ni Pat.

Agad namang dinayal ni Piyo ang number ni Bryne. Narinig nila sa kabilang linya na may nag ring na cellphone.

"Ringtone ni Bryne yun." wika ni Ark.

"Uy may tawag ka Sano." sambit naman ng isang babae.

"Wag mong pansinin." sambit ni Sano at kinuha ang cellphone. In power off niya iyon at nakita nila Pat na nawala sa screen ang track ng cellphone ni Bryne.

"Oh bat mo pinatay?" tanong ng babae.

"Hindi naman mahalaga yung tawag." wika ni Sano na Di niya alam ay pinapakinggan siya

Pinatay na rin nI Pat ang tawag.

Hinihingal namang pumasok si Tammy sa student Council office.

"May nangyari daw sa Bar kagabi. May pinagtulungan daw na isang lalaki. Baka si Bryne yun. " tila nag alaala niyang wika.

"Nasaan siya?" gulat na tanong ni Pat.

"Sinong may gawa daw?" tanong naman ni Piyo.

"Tinakbo daw sa clinic kasi yun daw yung malapit pero na nila alam kung diniretso din sa hospital." nag aalalang sagot ni Tammy. " Hindi daw nila namukhaan yung mga lalaki kasi nakatakip mga mukha nila. Pero may nakakuha naman ng plate number ng sasakyan nila."

Pinakita ni Tammy ang picture ng plate number.

"Kay Sano yan. Sasakyan ni Sano yan." sambit ni Jude. Nagsimula ng naglakad palabas si Pat.

"Uy Pat saan ka pupunta?" usisa ni Ark.

"Hahanapin ko si Bryne." wika ni Pat at umalis na.

Bakas ang pag aalala ni Pat sa kanyang mukha para kay Bryne. Agad siyang sumakay ka kanyang sasakyan at pinaandar. Pagdating niya sa clinic ay agad siyang tumakbo paloob at pumunta sa lobby niyon.

"Ma'am may isinugod ba dito kagabi na lalaki?" ni Pat sa nurse.

"Yes Sir. Kapatid niyo ba si Mr. Tamayo?" tanong ng nurse kay Pat.

"Hindi po Ma'am. Malapit pong kaibigan" sagot naman ni Pat. "Saang hospital niyo po siya isinugod?"

"Hindi. Nandito siya. Hindi naman Grabe yung natamo niya." tugon naman ng nurse. "Halika."

Gumaan naman ng kaunti ang pakiramdam ni Pat sa sinabi ng nurse. Sumunod siya sa nurse. Pagkakita niya kay Bryne ay tila malambot ang mga tuhod niya sa hitsura ni Bryne. Mahimbing itong matutulog habang balot ng bandage ang dibdib niya.

"Salamat po." wika ni Pat sa nurse at iniwan na siya nito. Lumapit si Pat sa tabi ni Bryne habang marahang minamasdan ang kaibigan. Kita sa mukha niya na tila naiiyak at naaawa. Hinila niya ang isang upuan palapit kay Bryne at umupo doon. Nakatitig lamang siya sa matutulog na si Bryne.

"Aray Aray." munting Daing ni Bryne at unting nagising. Minulat niya ang kanyang mga mata at nasilayan niya ang nag aalalang mukha ni Pat.

"Anong masakit sayo?" tanong ni Pat kay Bryne.

"Medyo masakit yung likod ko." sagot ni Bryne. "Anong ginagawa mo dito?"

"Anong klaseng tanong yan?" tanong ni Pat na halatang nag aalala pa rin.

"Pat kailangan ka sa school ngayon." wika ni Bryne. "Okey lang ako dito."

"Hindi. Hindi ako aalis." naiiyak na wika ko Pat at napayuko ito.

Hinawakan ni Bryne ang isang kamay ni Pat.

"Pat ngayon yung competition natin. Kailangan ka nila." sambit naman ni Bryne.

"Pero mas kailangan mo ako ngayon." tugon naman ni Pat at muling tumingin kay Bryne.
"Dito lang ako."

"Ikaw naman kasi. Ano kasing ginagawa mo doon?" Wika ni Pat at nahulog na ang mga luha nito.

Hindi nakapag salita agad si Bryne. Unang beses niyang makitang umiyak si Pat.

"Akala ko kasi yung talaga yung nagtext." tugon naman ni Bryne. "Tama na. Okey na ako."

"Lalo na at nandito ka." ngiting wika ni Bryne.

"Tigilan mo nga ako." tila naiinis na wika ni Pat at umiwas ng tingin. Pinunasan niya ang kanyang luha. "Dapat kasi tinawagan mo muna ako kung totoo yung text o hindi."

"Hindi na ako nakapag isip. Mas inalala kita. Baka kung mapano ka kaya umalis na lang ako." wika naman ni Bryne.

"Padalus dalus ka naman kasi. Paano na kung..."

"Hindi yung mangyayari. Hindi ko pa naliligawan yung taong gutso ko." singit naman ni Bryne.

"Sino?" usisa ni Pat. Nangiti naman si Bryne.

"Secret."

"Umayos ka nga." inis na wika ni Pat. "Nagagawa mo pa talagang mag ganyan sa akin."

"Grabe ka naman sakin. Ganito na nga nangyari sakin pinapagalitan mo pa ako." tila nagtatanong wika ni Bryne.

"Nag aalala na nga kami sayo tapos naggaganyan ka pa. Papatayin mo naman kami sa kaba." tugon naman ni Pat.

"Sorry na." wika ni Bryne. "Pero seryoso Pat, kailangan ka sa school." sambit ni Bryne.

"Paano ka? Wala kang kasama dito." wika ni Pat.

"Okey na nga ako. Baka makakalabas na rin ako ngayon." tugon naman ni Bryne. "Di naman masyadong masakit"

"Umayos ka nga. Nagmamagaling ka na naman eh." inis na wika muli ni Pat.

"Pat kailangan ka ngayon ng banda natin."

"Ayoko nga. Dito lang ako. Hindi ko kayang kumanta." diin ni Pat.

"Pat. Para sakin. Gawin mo to para sa akin." suyo ni Bryne. "Please"

"Ayokong matalo kami ulit dahil lang sa akin. Kailangan ituloy ang laban Pat." dagdag ni Bryne.

Hindi nakaimik si Pat. Nakatingin lang siya kay Bryne na magkahalong inis at pagaalala.

"Pat wag ng matigas yang ulo mo. kailangan ka namin ngayon." dagdag ni Bryne.

Pagbalik ni Pat sa school ay handa na ang lahat. Abala na ang lahat sa likod ng stage para sa kani kanilang performance. Unti unti na ring napupuno ang venue.

"Kumusta si Bryne?" tanong ni Jude kay Pat.

"Medyo masakit ang katawan niya." sagot ni Pat.

"Gago talaga yang Sano na yan. Diretso na lang tayo mamaya sa kanya." sambit naman ni Ark.

"Ano palang nangyari? Hindi pa ba na disqualified si Sano?" tanong naman ni Pat.

"Wala pa nga sila eh. Hinihintay lang siguro dumating." sagot naman ni Piyo.

"Mabuti kamo may substitute si Bryne. Kundi lagot tayo." sambit naman ni Ark.

"Pumayag ba sila na iba ang makakasama natin?" tanong ni Piyo sa tatlo.

"Oo. Sinabi namin ang nangyari naintindihan naman nila." tugon ni Jude.

"Oh Pat handa na kayo?" singit naman ni Mira

"Oo Vice."

"Pangatlo kayo na magpeperform." sambit ni Mira.

Maya maya ay dumating na ang grupo ni Sano. Agad silang sinalubong ng mga organizer at committee.

"Sano, hindi na kayo makakapag perform. Disqualified kayo." sabi ng isang organizer.

"Bakit ay Ma'am?" usisa ni Sano.

"Hindi mo ba alam ang rason o kailangan pa naman sabihin sayo ?" tanong ng coordinator.

Napatingin si Sano kay Pat.

"Isang krimen ang ginawa niyo Sano. Nakarating na ito sa taas at  expulsion ang binigay sayo. Binigyan ka na nga ng  isang chance pero sinayang mo." pa liwanag ng isa pang coordinator.

"Anong krimen Ma'am? Teka lang naman Ma'am." inis na wika ni Sano. Lumapit si Pat kay Sano.

"Bilib din ako sayo eh no? Ang galing mo talaga mag deny. Minsan na Kitang pinagbigyan. Sinubukan ko maging mabait pero abusado ka." seryosong wika ni Pat.

"Kung gagawa ka ng kagaguhan, siguraduhin mong kaya mo yung kalaban mo. Pasensyahan na lang kasi Mali yung binangga mo." dagdag ni Pat.

" Pat tama na yan." singit ni Piyo at hinawakan si Pat. Hinila ito palayo kay Sano.

"Wag ka na magmatigas Sano. May mga ebidensya sila. Na patunayan nila sa Amin." diin ng isang coordinator. " Pakibalik na lang yung gamit ng kasama nila at Makakaalis ka na."

Galit ang mukha ni Sano pero di magawang mailabas iyon. Lumabas na lang siya at sumunod ang mga kasama nito.

Maya maya lamang ay nagsimula na ang presentation. Kalmadong nakaupo naman sina Pat.

" Guys, galingan natin. Pagkakataon na natin makabawi." wika ni Piyo.

"Oo naman. Para kay Bryne." sangayon naman ni Jude.

"Guys kayo na ang susunod." wika ni Long sa kanila.

"Good luck guys. Kaya niyo yan." wika naman ni Tammy.

Dumating ang oras na sina Pat na nag magpeperform. Kinakabahan siya na nakatayo sa harap ng maraming tao. Nagsisigawan ang mga ito ng pangalan niya. Umuulan ng suporta. Bumaling ang tingin ni Pat sa isang gilid at nakita niya si Bryne na nakatayo doon. Pasimple siyang kinawayan nito ng nakangiti. Natuwa naman si Pat. Napalitan ng ngiti ang kanyang  kaba at hiya.

Started on Thursday
At seven or maybe eight
You crashed into my world with a boom
You came over as a guest
I said I liked you and I confessed
By ten o'clock I was making fun of you
You stayed for a while
Then left with a smile
At least I made you happy
You make me happy, too
It's kinda cheesy to say but

You're everything I want
When I'm with you all the hurting stops
You're the hand that fits my glove
And I'll never replace you
'Cause I'll never find love so true

-everything I want by Steve Rushton

Kilig na kilig ang mga babaeng nanonood. Samantalang nakatitig lang si Bryne kay Pat na napapatingin din sa kanya Pakiramdam niya ay para sa kanya ang kanta. Buo ang kanyang mga ngiti habang pinapanood si Pat. Malakas ang palakpakan matapos ang performance nila Pat. Tuwang tuwa naman sila Pat ng bumalik sa likod.

"Congrats guys, maganda yung performance niyo." bati ni Tammy.

"Kaya nga, nakuha niyo yung atensyon ng mga tao." dagdag naman ni Mira.

Pasimple namang lumabas si Pat. Pinuntahan niya ang lugar kung saan nakatayo si Bryne at nakita niya ito. Nakangiti siyang lumapit kay Bryne.

"Bakit nandito ka? Magaling ka na ba?" tanong ni Pat kay Bryne.

"Medyo masakit pa pero pinayagan na ako madischarge." sagot naman ni Bryne ng nakangiti kay Pat.

"Di nag pahinga ka sana muna. Baka mabinat ka niyan." wika naman ni Pat.

"Hindi na kailangan. Mukhang lumalakas na nga ako eh." ngiting sagot ni Bryne. "Tsaka ayaw ko palampasin yung performance niyo. Congrats, ang galing niyo."

"Talaga ba?" tanong ni Pat. "Tara kain. Alam Kong gutom ka na." wika ni Pat. Nagsimula na silang maglakad paalis sa venue.

"Gusto ko yan. Pero wala ako dalang wallet." sambit naman ni Bryne.

"Ako na taya." ngiting tugon naman ni Pat.

Napangiti naman si Bryne habang minamasdan si Pat.

"Pat, pa picture naman. Ang galing niyo." singit ng isang babae.

Nagtinginan ang dalawa.

"Sige lang." ngiting sabi ni Bryne.

Ng makita ng iba na nagpapa picture ang babae kay Pat ay lumapit na rin sila. Nagpapictute kay Pat. Pinagmamasdan lang sila ni Bryne lalo na si Pat habang nakangiti ito.

"Mukhang hindi ako makakamove sa taong ito. Parang lumalalim ang pasok ng pana ni kupido sa puso ko." Sa isip ni Bryne.

"Tara." aya ni Pat ng matapos ang nagpapa picture sa kanya.

"Pwede rin ba ako magpapicture sayo?" tanong ni Bryne kay Pat.

"May bayad pag ikaw." seryosong wika ni Pat.

"Bakit naman? Kahit isa lang." wika ni Bryne.

"Ayoko. Baka kung ano pang gawin sa picture natin." sagot ni Pat.

"Gusto ko lang naman mag collect ng remembrance kasama ka." tugon naman ni Bryne.

Napatigil sila sa paglalakad.

"Miss." sambit ni Pat sa dumaang babae. "Pasuyo nga. Pwede ba magpapicture?"

Napatingin sa kanya ang babae.

"Sarawat?"

Napangiti si Pat sa babae.

"Sige. Papicture din ako." wika ng babae.

Inabot ni Pat ang cellphone sa babae.

"Teka lang. Cellphone ko yan ah." wika ni Bryne ng mamukhaan ang cellphone na nakatutok sa kanila.

"Nakuha ko na." sagot ni Pat. "Manahimik ka na lang at tumingin sa camera.

Nanahimik na lamang si Bryne at ngumiti sa harap ng camera.

" Isa pa. " wika ni Pat at inakbayan si Bryne. Lalong lumabas ang totoong ngiti ni Bryne.

Matapos magpapicture ang babae ay muli silang nagpatuloy sa paglalakad. Inabot ni Pat ang cellphone kay Bryne.

" Ano okey ka na? " tanong ni Pat.

"Kanino mo nakuha to?" usisa ni Bryne.

"Kay Sano. Siya yung gumawa niyan sayo." sagot ni Pat.

"Gago yung mokong na yun." inis na wika ni Bryne.

"Wag ka ng magalit. Okey na ang lahat. Na solve na." wika ni Pat.

"Talaga? Paano?" usisa ni Bryne.

"Wag mo ng tanungin. Ang mahalaga tapos na." tugon ni Pat.

"Ano gusto mong kainin?" habang naglalakad sila sa mga foodcart.

"Gusto ko ng milktea" wika ni Bryne. "Yun oh may promo silang buy 1 take 1"

"Pang mag syota lang yan." seryosong wika ni Pat.

"Grabe to. Ang kj." wika ni Bryne.

Pagkatapos nilang bumili ng pagkain ay naglakad na sila pabalik.

"Wala talagang drinks? Ang kuripot naman." wika ni Bryne.

"Sige mauna ka na doon. Sunod ako. Bibili lang ako ng drinks natin." wika ni Pat.

"Hintayin na kita." sambit ni Bryne.

"Hindi na. Maghanap ka lang ng mauupuan natin."

"Seryoso ka na naman." paninita ni Bryne kay Pat. "Papunta na."

Bumalik na nga si Bryne sa venue. Naupo siya sa bench na nasa ilalim ng puno. Marahan niyang pinanood ang nagpeperform. Maya maya lamang ay dumating na rin si Bryne dala ang drinks nila.

"Oh akala ko ba para sa mag jowa lang ang milk tea?" gulat na tanong ni Bryne kay Pat.

"Eh gusto kong tikman. Ngayon lang ako iinom ng ganito." wika ni Pat at inabot ang isang milktea kay Bryne. Umupo ito sa tabi niya.

"Magaling din tong kalaban niyo." sambit ni Bryne matapos humigop ng kanyang inumin.

"Anong niyo? Natin." inis na wika ni Pat. "Baldado ka lang pero kasali ka pa rin sa grupo."

"Oh sorry na. Highblood ka na naman eh. Inumin mo nga lang yang inumin mo." wika ni Bryne.

Ininom naman ni Pat ang kanyang milktea. Hindi maipinta ang mukha niya sa lasa niyon.

"Palit nga tayo. Hindi masarap yung nakuha ko." wika ni Pat at mabilis na kinuha ang milktea ni Bryne.

"Teka lang naman. Nasubo ko na yan." wika ni Bryne pero humihigop na si Pat. Wala na siyang nagawa.

"Bahala ka kung umamo ka sa akin." wika ni Bryne at hinigop ang galing kay Pat.

"Hindi yan. Ikaw ang aamo sa akin. Mas makamandag ang laway ko." sambit ni Pat.

Natigil si Bryne sa paghigop. Napatingin siya kay Pat.

"Ah oo nga pala. Umaamo ka na nga pala sa akin." wika ni Pat habang nanonood sila.

"Wow." proud na wika ni Bryne na Di makapaniwala sa sinabi ni Pat. Napatingin sa kanya si Pat

"Bakit? Totoo naman Di ba?" tanong ni Pat na tila nilalait si Bryne at binawi ang tingin at muling humigop. Pinanood lang ni Bryne kung paano higupin ni Pat ang kanyang inumin.

"Masarap din pala tong laway mo?" tanong ni Pat habang nanonood at muling humigop.

Napakunot noo si Bryne hindi niya akalain na sasabihin ni Pat iyon sa kanya. Bumaling na lamang siya sa nagpeperform at humigop ng milktea.

"Masarap din ba yung laway ko?" tanong ni Pat. Napatigil si Bryne sa paghigop.

"Umayos ka nga." inis na wika ni Bryne. Napatingin lamang si Pat sa kanya at binigyan ng nanunudyong ngiti.

Ng matapos ang palabas ay bumalik na sila sa music room. Naabutan nila Pat at Bryne ang lahat na nagaayos na ng mga gamit nila.

"Uy Bryne. Kumusta?" masayang wika ni Jude at nilapitan ang kaibigan. Lumapit na rin sina Ark at Piyo.

"Anong nangyari?" tanong naman ni Piyo.

"Mahabang kwento." sagot naman ni Bryne.

"Umiral ang karupukan kaya ayan." panunudyo ni Pat. Inis siyang tinignan ni Bryne.

"Buti nakalabas ka agad." sabi naman ni Ark.

"Bryne, ano, kaya mo ba mag perform sa concert?" tanong naman ni Pong.

"Tignan ko Pres. Medyo masakit pa tong likod ko." sagot ni Bryne.

"Mabuti na lang meron si Cj." wika ni Jude.

"Salamat ah Cj." wika ni Bryne.

"Wala yun. Masaya naman eh." tugon naman ni Cj.

"Pwede bang mag praktis ka muna? Para kung sakaling hindi pa ako magaling eh ikaw na lang mag perform." sambit ni Bryne.

"Sige. Walang problema." sagot ni Cj.

Sa masayang usapan nila ay lumapit si Tammy kay Pat.

"Pat, pre pageant niyo pala sa lunes, tama ba?" tanong ni Tammy kay Pat.

"Oo." sagot ni Pat.

"Be ready na lang. Interview lang naman yun tapos konting presentation." wika ni Tammy.

"Sige. Salamat Tammy." tugon ni Pat.

"Gusto mo ba mag praktis sa bahay bukas? Wala namang klase." alok ni Tammy.

"Ah eh may gym training ako eh." wika ni Pat at napatingin kay Bryne. Walang reaksyon naman si Bryne sa usapan ng dalawa.

"Bryne, buti nakalabas ka agad?" tanong muli ni Ark.

"Oo nga eh. Hindi naman daw malala yung tama ko sa likod kasi napigilan daw agad yung humataw sa akin." sagot ni Bryne.

"Sa linggo na lang Pat. available ka?" tanong muli ni Tammy.

"Praktis namin ng band." wika ni Pat. "Wag ka mag alala, kaya ko naman siguro yun. Pero salamat sa tulong mo Tammy."

Napangiti naman si Tammy na tila kinikilig.

"So pwede ba kita ulit yayain sa bahay? Dinner?" tanong ni Tammy.

"Tignan natin Tammy. Busy pa sa ngayon eh. Okey lang ba?" ano ni Pat at pa Simpleng napatingin kay Bryne. Tahimik lang na nakatingin si Bryne sa kanya.

"Sige. Asahan ko yan ah." wika ni Tammy.

Ng makapagayos sila ay nagalisan na sila. Naglakad naman sina Pat at Bryne papunta sasakyan nito. Ramdam ulit ni Bryne ang sakit ng likod niya.

"Okey ka lang?" tanong ni Pat kay Bryne ng makitang tila iniinda ang sakit ng katawan nito.

"Medyo masakit na naman tong likod ko." sagot ni Bryne at napaupo. Umupo na rin si Pat sa tabi niya. Binaba niya muna ang mga gamit niya

"Tara muna sa clinic." sambit ni Pat habang minamasdan ang mukha ni Bryne na tinitiis ang sakit. "Wala ka na bang gamot?"

"Meron pa. Hintayin na lang kita dito, at dadaanan mo na lang ako." sagot ni Bryne.

"Ayoko. Baka kung mapano ka na naman." paninigurado ni Pat. Luminga linga siya sa paligid upang tumingin kung paparating na sasakyan. Sakto namang may papalapit na tricycle. Pinara niya iyon ngunit hindi tumigil. Inis na pinanood ni Pat ang tricycle habang papalayo ito. Bamalik ito sa pagkakaupo. Gusto namang tumawa ni Bryne pero pilit niyang huwag ng mag react. Maya maya ay may dumaraang tricycle ulit. Muling Pinara ni Pat pero hindi rin tumigil. Nanggigigil na lang mukha ni Pat sa inis. Napatingin siya kay Bryne at nahuli niya itong nakangiti. Agad ding binawi iyon ni Bryne at umiwas ng tingin kay Pat. Sa pangatlong tricycle na papalapit ay pumunta si Pat sa gitna ng daan. Nag alala si Bryne at napatayo.

"Uy halika nga dito." sigaw ni Bryne. Gusto niyang takbuhin si Pat ngunit pumipintig ang sakit ng likod niya. Tumigil naman nag tricycle sa tapat ni Pat.

"Kuya pa tulong naman. Baka pwede pahatid kami hanggang sa Gate. Kanina pa kasi sumasakit yung katawan ng kasama ko." wika ni Pat sa driver.

"Sige. Sakay na kayo." tugon naman ng Driver.

Nilapitan ni Pat si Bryne. Kinuha niya ang mga gamit niya at inalalayan si Bryne papunta sa loob ng tricycle.

"Masakit pa yang likod mo?" tanong muli ni Pat kay Bryne.

"Oo." wika ni Bryne at tinitiis ang sakit. Biglang umalog ang tricycle dahil sa hump sa daan kaya di sinasadyang mapakapit si Bryne sa isang hita ni Pat. Nagulat naman si Pat at napatingin siya kay Bryne. Kita niya ang mukha nito na nasasaktan. Napalingon sa kanya si Bryne at bumaba ang tingin niya sa kamay ni Bryne sa kanyang hita. Nakuha na na iyon ni Bryne at agad binawi ang kamay niya.

"Sorry." Mahinang sambit ni Bryne. Maya maya ay nakarating na sila sa gate. Inalalayan ulit ni Pat si Bryne sa paglabas nito.

"Kuya magkano po?" tanong ni Pat sa driver at nila as nag kanyang wallet.

"Wag na iho. Okey lang." sambit ng driver.

"Ay ganun po ba. Salamat po kuya." sambit naman ni Pat. Inalalayan niyang muli si Bryne papasok  sa kanyang sasakyan hanggang sa pagdating nila sa apartment ni Bryne.

"Nasan yung gamot mo?" tanong ni Pat kay Bryne habang kinakalat ang paningin sa paligid upang mahanap ang gamot ni Bryne. Maingat namang umupo si Bryne sa kanyang kama. Nakita ni Pat ang nasa mesa at nilapitan niya iyon. Kinuha niya ang mga iyon at kumuha ng tubig tsaka lumapit kay Bryne. Pinainom niya ito at umupo sa tabi niya.

"Kaya mo ba?" tanong ni Pat kay Bryne.

"Oo naman. Mawawala din to mamaya." sagot naman ni Bryne.

Kita ni Pat ang mukha ni Bryne na nasasaktan pa rin ito. Napatayo ito at kinuha ang isang bag ni Bryne. Nilapag niya iyon sa kama ni Bryne at hinarap ang closet ni Bryne. Nagtaka naman si Bryne kung anong ginagawa ni Pat.

" Anong ginagawa mo?" usisa ni Bryne habang pinapanood si Pat. Binuksan nito ang kanyang closet at kumuha ng mga damit niya.

"Sa apartment ka muna tumira. Mukhang hindi mo kaya mag isa." sambit ni Pat at nilapag sa kama ang mga nakuha niyang damit ni Bryne.

"Okey lang ako. Kaya ko." sambit naman ni Bryne habang pinapanood lamang si Pat ngunit patuloy lamang ito sa pagkuha ng mga gamit niya.

"Wag ka ngang matigas yang ulo mo." wika ni Pat at kinuha ang sapatos ni Bryne.

"Kailangan mong gumaling agad kasi next week na yung tunay na laban natin." dagdag ni Pat at inayos na sa bag ang mga gamit ni Bryne at iba ay sa paper bag. Tahimik na lamang si Bryne.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 4.6K 54
Ang kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisani...
332K 5.6K 26
Tagalog Story (Complete story) A Girl Named Brie Had a Crush on a Basketball player named Grayson "The Crush ng Bayan" Blake ultimate crush sya ni...
46K 1K 29
- Featured in 抖阴社区RomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili ni...
1.1M 33K 50
Kung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pi...