抖阴社区

Code: ICE (Code Series #1)

By Mysterhii

8.3K 586 14

[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always f... More

Code: ICE
Prologue
Chapter 1: Usual spotmate
Chapter 2: Success
Chapter 3: Abductor
Chapter 4: Mirror
Chapter 5: Autotrophs
Chapter 6: Flowers
Chapter 8: Sun
Chapter 9: New Usual Spotmates?
Chapter 10: Master
Chapter 11: Target Locked in
Chapter 12: A Walking Wall and A Human Ice
Chapter 13: Bad day
Chapter 14: Grounded
Chapter 15: A Woman in Black Cloak
Chapter 16: Missing One
Chapter 17: Asul na Rosas
Chapter 18: Card
Chapter 19: Next
Chapter 20: Warning
Chapter 21: I'll kill you instead
Chapter 22: I'm a father
Chapter 23: Campus Celebrity
Chapter 24: Familiar
Chapter 25: Meddling
Chapter 26: Complicated
Chapter 27: Secret Keeper
Chapter 28: Unhidden
Chapter 29: Disney Princesses
Chapter 30: Cinderella's Point of View
Chapter 31: In the hands of a Prince and Princess
Chapter 32: A Shoe Made of Glass
Chapter 33: Poison
Chapter 34: A New Chapter
Chapter 35: A Man I should Know
Chapter 36: Pretending like a Snow
Chapter 37: Deoxyribonucleic Acid
Chapter 38: A Father I thought He's not
Chapter 39: Answers in my Hands
Chapter 40: Infront of a Mirror
Chapter 41: Open
Chapter 42: Busted
Chapter 43: I'm no longer Ice
Chapter 44: A Solar by Blood
Chapter 45: Stopped
Chapter 46: Cold as Ice
Chapter 47: A Father's View
Chapter 48: Code ICE
Epilogue
From Mysterhii
Code: PSYCHE
Special Chapter 1: Angel

Chapter 7: Heterotrophs

191 11 0
By Mysterhii

Chapter 7:
Heterotrophs

IZEN CARAMEL
"ICE"

Tahimik ako habang na sa screen ng computer ang aking tingin. Inaantok ako't naiinis. Napapasulyap ako sa aming guro sa unahan minsan ngunit mas lalong nadadagdagan ang inis ko. Na sa loob kami ngayon ng ICT Laboratory. Na sa harap namin ang mga computer habang sa pinakaunahan ng Laboratory ay isang malaking LCD at naroon rin si Sir Harris, nagdidiscuss tungkol sa paggawa ng PowerPoint presentation. Like seriously? PowerPoint? Kahit elementary, kayang gumawa niyan eh!

I wanna frown.. I wanna roll my eyes.. But I stop myself.

Napakataas ng expectation ko kay Sir Harris, pero nawala lahat ng expectation ko.

Pagkatapos ng isang oras na discussion, natapos rin sa wakas ang boring na session sa ICT Laboratory. Mauuna sana akong lumabas doon but Sir Harris called my name as well as Orville.

"See you in my office, the two of you."

Nagkatinginan pa kami ni Orville. Tungkol naman saan ang pag-uusapan namin?

Gaya ng sabi ni Sir Harris, sumunod kaming dalawa ni Orville sa kaniya. Ipinagpaalam niya daw kami sa susunod naming klase kaya wala kaming dapat ipag-alala. We're excused. But it bothers me.

Itinuro ni Sir Harris ang couch sa kaniyang office pagdating namin roon. Sa mismong Administration Building ang kaniyang opisina, katabi ng mismong opisina ng School Chairman. Habang umuupo sa leather na couch, ilinibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng Office niya. The walls are bluish, parang pinasadya iyon para irepresent si Sir Harris. Kakulay ito ng langit, like a cold atmosphere. There's a mini library on one of the corners, an LCD on the other side, A couch, A little table at the center, he's office table and swivel chair, a computer and A laptop on his desk. Nakuha rin ang atensyon ko ng pinto sa isang gilid, it was as if connected to the Office of the Chairman.

Lumapit si Sir Harris sa kaniyang mesa't may kinuha roon na mga folders. Iniabot niya iyon kay Orville.

"Open it and read about her. Babalik ako." Wika niya bago siya lumabas ng kaniyang opisina sa mismong pinto na tingin ko'y nakakonekta sa Office of the Chairman.

Nagkatinginan kami ni Orville as if we're talking through our minds.

Siya ang nagbukas ng folder na ibinigay sa kaniya ni Sir Harris habang ako'y lumapit sa mesa ni Sir. Wala naman akong balak gulihin rito ngunit nadadala ako ng aking kuryusidad. On his desk, naroon ang laptop niyang nakasara, ang PC niya, ilang folders, mga class records at pati na rin ang ilang Students written works. Ngunit ang mas napansin ko ay ang picture frame na naroon. Hindi larawan ang nakalagay roon kundi isang sketch. It was him hugging a woman beside him, two little girls and a boy. Bakas ang ngiti sa mukha niya roon, malayong-malayo sa mukha niya ngayon. The woman he's hugging looks familiar in my eyes, pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita o nakilala. Her hair was wavy ang long, her eyes was dark, it reflects her dark hair. She has that skinny body. But the highlights of her beauty was her smile. It's warm and peaceful. Parang walang pinagdadaanan na problema. Napadako ang tingin ko sa dalawang batang babae. Hindi sila magkamukha. Ang isa'y parang maliit na version ng babaeng yakap-yakap ni Sir Harris. Ang isa nama'y parang halo lamang ang kaniyang itsura-her eyes reflects Sir's but her smile reflects the woman. Ang lalaki naman sa kaniyang tabi ay halos kamukha niya. It's looks like, they're twins.

Masaya ang mga mukha nila sa picture na ito.. But it looks like fragile to me. It was like a dream that was so far from reality. Like this image of this family is just a fruit of imagination and it was never existed. Parang sa ountong ito, nakilala ko kung sino nga ba si Sir Harris.

Napalingon ako sa pinto kung saan pumasok si Sir dahil sa naisip.

There's no perfect family. Some has it, but feels like it doesn't. I have my Mom, and I'm thankful that I have her. I have my father, but it feels like I have nothing. Sir Harris has it too.. but I think.. It was so far..

Bumalik ako sa tabi ni Orville na seryosong binabasa ang files. Pinagtuunan ko rin iyon ng atensyon at natigil rin sa nakitang pamilyar na mukha. Along with the files, there's a photo of a girl. It was like a candid photo, but she looks so beautiful. Kamukha siya ng babaeng yakap ni Sir sa sketch na nakita ko, pero hindi siya iyon. And I remember the girl. 'Yong kamukha n'on na batang babae. Siya ito.

That jet black long wavy hair, the eyes that reflects it.. Ang pinagkaiba'y wala ng ngiti sa kaniyang labi. O kahit sa kaniyang mga mata. Para siyang tinakasan ng saya. O kahit anong emosyon. It was empty.

"Her name is Desire Carmela Moran Harris. Anak siya ni Sir Harris." Wika ni Orville. I nodded. I know.. Nakita ko pa lamang siya sa sketch, but she was a little girl there. Ang picture na narito ay dalaga na siya.

"Bakit ito pinapabasa sa atin ni Sir?" I asked Orville since siya ang nakabasa na ng files.

"She's a transferree on this School. She was homeschooled during her first grade. Tumungtong sa Paaralan sa Manila nong High School.. And now, she was transferred in this School ngayon Senior High. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan nating basahin ito."

Napaisip ako. Homeschooled? Seriously? May sakit ba siya? Or social disorder? At bakit naman sa Manila pa siya nag-aral ng High School kung may sarili silang School na maganda at presteryoso?

Hinalungkat ko ang files tungkol sa kaniya at pawang mga dukomento lamang iyon sa kaniyang pag-aaral. No, personal information other than She's a Moran and a Harris.

What about the two kids? The Twins?

"Sorry for jeeping you waiting."

Agad kaming napalingon sa kakabukas lamang na pinto. Agad na nagreflect ang ilaw sa kaniyang salamin--blinding my vision on his caramel eyes.

"It's Okay Sir." Si Orville. Umupo si Sir Harris sa kaniyang swivel chair at napansin ko ang bahagya nitong pagsulyap sa frame na nakapatong roon. "Tungkol po ba saan ito Sir?"

Bumuntong hininga si Sir Harris at hinilot ang kaniyang sintido. Parang napakalaki ng problema niya.

"My daughter.. Shouldn't be here. Pero wala na akong magagawa dahil nakatransfer na siya sa Ertha Academy. She's already one of the official list of the students here. Kahit pa kausapin ko ang kaniyang lolo ay wala na akong magagawa. That's why, I wang you two to know about her. Napansin kong matalas ang observation skill niyo. This will like a special project to the two of you. And a punishment too, dahil linabag niyo ang policy mg school nong pumasok kayo sa Old TVL Building. All you need to do is to observe her. And tell me about it." Paliwanag ni Sir.

Mas lalo akong nagtaka, bakit naman ganoon na lang kung mamroblema sa pagtranfer ng anak niya sa sarili niyang school?

And then it hit.. The Autotrophs. His daughter might know that organization. Mayaman ang Harris and Moran, individually. Pano pa kaya kung naging mag-asawa pa ito? And She's like a representative of both wealthy clans. She's a Moran and a Harris at the same time. Maaari siyang mapahamak. She will be the target of the Autotrophs. After all, they're into golds.

Sir Harris explains further. Masayahin raw ang anak niyang iyon, pero ng malaman niya ang tungkol sa Mommy niya, nagbago ang lahat. Her warm smiles fade away, a fake one was born. That If we saw her smile, she's not actually smiling. She's like an empty vase with a colorful design. He want us to know about her plans. Bawal siya sa Ertha Academy. Hindi siya kailan man pinatungtong sa Paaralang ito. It's one of the rules of their Clan.

Hindi na sa amin sinabi ang dahilan kung bakit siya bawal rito pero naintindihan ko. Malaki ang pakiramdam kong dahil iyon sa organisasyon namumugad sa kanilang teritoryo. Like a pest on their garden. They don't want them to destroy their precious flower.

Sinabi rin sa amin ni Sir Harris na wala pa siya sa school premises. She's grounded for a month dahil sa hindi niya pagsunod sa kaniyang Lolo at kay Sir Harris mismo.

"Don't fell on her traps"

Iyon ang huling sinabi ni Sir Harris. Like even if he's the one who wanted to catch her at ikulong for her safety, he knows well that his daughter was hard to catch. Na kayang niyang gumawa ng sariling trap para depensahan ang sarili niya.

Pagkatapos namin sa opisina ni Sir, bumalik kami sa aming classroom. Parehong malalim ang aming iniisipiniisip habang naglalakad.

Edison, Harris, Moran, Hudson, Delgado and Suarez. That's the list of the wealthy family in Vierse City.

Alam ko na kung saan nanggagaling ang yaman ng mga Edison. On the surface, makikita mo ang malagong Museum sa Vierse City. Nakalagay roon ang ibang mga bagay na kasama sa kasaysayan ng Pilipinas. Pero kapag inalam mo kung saan nanggagaling ang halos lahat ng pera nila, mula iyon sa Autotrophs.

The Harris and the Morans has businesses all over the City. Kasama na ang Ertha Academy, A hotel, Resorts and bars. Hindi maipagkakaila na mayaman sila.

May Unibersidad naman ang Hudson Clan. Mayroon rin silang pinapalagong Subdivisions, at mga Malls.

The Delgado has Shipping Company. Napakalago ng business na iyon.

The Suarez owns the rice plantation here. Sila ang pinakamain sourse ng tubig.

Those Families are part of the development of this society. Tumutulong sila sa pagpapalago ng ekonomiya ng syudad.

But like, the Edison Clan.. I know, sila rin ang dahilan ng kaguluhan sa Syudad. Mga patayan, mga nakawan.

They build those businesses for their own good, hindi lang para magpalago ng ekonomiya.

They are monters hiding inside a Golden crest.

Alam ko..

All of them thought that they are the top of the food chain.

Kaya sila nagbabanggaan. Kaya nagkakaroon ng hidwaan.

"Sir Harris was weird, today." Pagbawi ni Orville mula sa katahimikan.

Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.

"Para tuloy akong nakahukay ng ginto. 'Yong mga mata ni Sir Harris na malalamig, parang may kaunting init na sumiwang kanina. Talking about his family was something awkward."

Gusto kong sumang-ayon.

Pero hindi ko naman masisi si Sir Harris. We're kinda the same. Parang ang daming tragedyang nangyari sa pamilya niya dahilan para gumawa siya ng pader pangprotekta sa kaniya. Like a defense mechanism. Ganoon rin ang ginagawa ko. Pero ang pinagkaiba, I was the barrier itself. Hindi sarili ang aking prinoprotektahan, si Mama.

"And about the code.. I already cracked it." Aniya dahilan para matigil ako sa paglalakad.

Napangiti si Orville. Ngunit napalitan rin iyon ng seryosong mukha. Nawala ang lahat ng aking iniisip tungkol kay Sir Harris, sa mga Pamilyang namamayagpag sa Vierse City, pati na rin ang tungkol sa anak ni Sir Harris.

Naibalik ko ang aking atensyon sa aking misyon. Ang Autotrophs.

"Anong sinabi ni Stomata?" I asked.

Kung ano man ang binabalak ni Trevor Edison ay kailangan ko iyong pigilan.

"Kill the Heterotrophs."

Nagpagting ang aking tenga sa narinig.

Heterotrophs..

Alam ko ang tinutukoy nila. Nagsisimula na silang muli. Sigurado akong magsisimula ulit ang patayan sa Vierse City.

Kill

Ibig sabihin ay nagsisimula ng gumalaw ang kanilang kalaban na makialam sa operasyon ng organisasyon. Kaya kailangan na naman nilang pumatay.

Damn it.

Nabuo sa aking isipan ang isang plano. Ayaw ko na sana pang bumalik roon, pero kailangan kong gawin. I have to stop it before everything went into chaos again.

"Every number correspond a letter. 12 means L, 10 means J, 13 means M. And so on and so for. 12-10-13-13 is LJMM. 21-9-6 is UIF. 9-6-21-6-19-16-21-19-16-17-9-20 is IFUFSPUSPQIT. So, we will have.. LJMM UIF IFUFSPUSPQIT. Sa una'y mapapansin mo na parang walang ibigsabihin. Pero kapag umurong ka ng isang hakbang ang letra.. L to K. J to I. M to L. LJMM means KILL. you go with the same process to the other letters. Makukuha mo ang sagot na.. KILL THE HETEROTROPHS." He explained.

Mabibigat na yapak ang aming narinig kaya napabaling kami sa harap ng aming linalakaran. May isang estudyanteng tumatakbo papalapit sa amin. Pamilyar rin sa akin ang kaniyang mukha. Tingin ko'y mula siya sa 10-Stars. I can see horror on her face.

Agad siyang kinalabit ni Orville ng makalapit siya sa amin.

"What happened?" Tanong niya.

Trembling.. Napatingin siya sa aming likod. It's like she was rushing on her way to Sir Harris Office.

"M-May.. p-patay.. sa Green house.."

Nabigla akong sa kaniyang sinabi.

"Patay?" Si Orville.

"I-It was Sir Breguela. I saw.. I saw him lying on the ground.. with blood all over his b-body." Nanginginig niya ulit paliwanang.

"Tell it to Sir Harris." Wila ni Orville. Tumango sa kaniya ang babae habang si Orville naman ay hinawakan ulit ako sa wrist at hinila gaya ng ginawa niya noon dati.

Masama ang kutob ko sa nangyari.. Nagsisimula na.

❄❄❄

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 128 23
[COMPLETED] Unang Yugto (TO BE EDITED SOON) [R.I.P (Rest In Peace) Is My Codename] Using R.I.P. as a codename fits perfectly. Eliminating the devils...
1.5K 123 44
The final chapter of the fake Literature Club does not merely conclude a story but marks the beginning of a new chapter for the Special Investigation...
20.2K 640 70
"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste y...
203K 14.8K 20
A BATTLE OF BRAINS. A MATCH OF WITS. A CLASH OF DEDUCTIONS. The Detective Triumvirate Plus One crosses paths with the QED Club in the highly anticipa...