Natapos ang araw na iyon nang tahimik. Taliwas sa kung gaano kagulo ang isip ko at damdamin. Turmoil is building up on my system and anytime I'll be a disaster.
Nang makauwi ako, gusto ko sanang matulog agad. Ngunit di ako dinadalaw ng antok. Tila nananadya pa habang nakahiga ako ngayon sa kama, nagsulputan ang mga alaala. Mga alaalang gusto kong balikan kahit na masakit. Dahil sa mga ala-alang ito, Joya was happy and alive.
........
I was sleeping soundly nang ginulantang ako ng sunod-sunod na pagkatok. Pagbukas ko ng pintuan na naiinis pa dahil kinailangan kong bumangon para mapagbuksan ang kung sinumang walang awa at walang tigil sa pagkatok, bumungad si Joya na may mga dala-dalang gamit sa tabi niya.
Bagahe, kutson na nakafold, unan na malalaki, kumot, at kung ano-ano pa. May teddy bear pa! Saka-
"Good morning neighbor!" Masiglang bati niya na parang hindi niya ako inistorbo sa tulog ko. May hawak-hawak pa siya sa kamay niya na tupperware. Pagkain. Alam ko. Amoy lasagna.
Napalinga ako sa sala sa palapag na iyon. Sarado ang dalawang pintuan ng mga silid na nandoon at mukhang wala 'yong boarder sa ibaba dahil wala akong naririnig na ingay.
"Anong ginagawa mo dito?" Napaatras ako nang pumasok siya sa loob at dumiretso sa mesang naroon katapat ng cushion kung saan ako madalas umupo kapag trip kong tumunganga.
"From now on, housemate na tayo."
Proud niyang sabi.
"Huh?"
"Kalilipat ko lang. Dito na din ako mag-stay for college days."
"Ahuh." Obvious nga. Unti-unting nagsisink-in sa isip ko ang ibig niyang sabihin.
Okay. Bakante na kasi 'yong dalawang kwarto dito sa ikalawang palapag katabi ng silid inookupa ko. Wow.
"Isn't it surprising? Isn't it amazing?" Excited niyang tanong.
I don't think so. Pero hindi ko na isinatinig iyon. For what? Bahala siya sa gusto niyang gawin. Wala akong pakialam.
Pero simula noon, madalas na siyang tumambay sa room ko, madalas na niya akong yayaing kumain, lumabas, maggrocery, minsan magjogging, minsan mamasyal. Kahit tinatamad ako, she have her ways in pursuading me.
Until we became best of friends!
Akalain niyo 'yon? We're two different people with unique personalities. But we clicked.
Halos lahat ng mga damit namin, especially T-shirts and maong pants, pareho.
And since we do the laundry at the same time, sinusulatan namin ng initials 'yong loob ng dulo ng manggas para di magkapalit. Halos pareho lang din kami ng body size. Small.
One time when we were lazily killing time sa sofa sa loob ng room niya habang nagbabasa ng 抖阴社区, I got curious. So, I asked her why did she befriend me.
"Bakit mo ako kinaibigan?"
"Mukha ka kasing kawawa." Paliwanag niya.
"Lol. 'Di nga?"
Tumawa siya. "Ewan, basta noong nakita kitang mag-isa parang may nag-udyok sa akin na lapitan ka at kausapin."
"Tapos?"
"Tapos...hayun, parang ang lungkot mo habang mag-isa. Kaya sabi ko, kahit na masungit ka, kakaibiganin kita. Parang ang intimidating mo pa ngang tignan at lapitan. Muntik na akong magback-out."
"What made you change your mind?" curious kong tanong. "Bakit?"
"Well, sometimes God doesn't give us the people we want. But He gives us the people we need."
"So, kailangan mo ako? User!" Paratang ko sa kanya. I know it's the other way around. I need her.
Kasi mas masaya pala kapag may kasamang kumain, manood, umiyak, tumawa, at siyempre accomplice sa mga kalokohan.
Tumawa lang siya.
"Simba tayo bukas?" Yaya niya.
Matagal na niya akong niyayayang magchurch but I always refused. Ang lagi kong rason, tinatamad ako. O kaya mas gusto kong matulog.
"Isama mo na lang ako sa prayers mo."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Sige na. Tutulugan ko lang yong pari doon." Rason ko.
"Magaling magsermon yong church pastor."
"Tinatamad ako."
Kahit ang totoo, hindi talaga ako nagsisimba. Paano kong papasok pa lang ako, umuusok na? Tapos biglang magliliyab na? Baka maipahiya ko pa si Joya. Kaya 'wag na lang talaga. Next life time na lang siguro, kapag masipag na ako.
I can't even remember when was the last time I went to a church. Siguro noong binyag ko pa. Or nabinyagan kaya ako? Napatanong ako sa sarili. Paano pala kapag hindi? Kung oo naman, that was 20 years ago. I don't understand the need to go and attend a church on a Sunday. What for?
"One day, I know. Magsisimba ka din." Sabi niya with conviction. Baka iluhod pa niya ito sa altar with matching pa-dasal.
Nagkibit-balikat lang ako. Ganoon lang kami kapag walang klase. Kung hindi wattpader, gamer. Madalas nagpapalit kami ng cp.
Ako ang naglalaro sa ML account niya dahil siya ang may load. At siya naman, hinihiram ang phone ko. Tamang candy crush lang, 4 pics 1 word o yong may luto-luto yata.
Ewan. Siya ang nagdownload no'n. Pwede naman akong magload pero huwag na. Sayang kasi. Inactive ako sa mga social media accounts ko. Ewan ko ba kung bakit naisipan ko pang gumawa. Hindi ko naman pala gagamitin.
Minsan kapag pareho kaming walang load at biglang kailangan ng data connection, sa kapitbahay kami aasa. Pakapalan na lang ng mukhang magtanong ng wifi password.
Pero kadalasan wala. Wala din naman akong ia-update, walang ka-chat. At sinong itetext ko? Si Globe na siyang tanging nakakaalala at di nakakalimot?
Ewan ko din dito kay Goya. Nagdownload ng app for ML pero ayaw namang laruin. Di daw marunong. Para lang daw IN, kasi uso.
Patawa siya.
Oo nga, tawang-tawa ako noong one time na naglaro kami ng classic. 'Pag sinabi kong retreat, sumusugod mag-isa. Suicidal ang goal sa buhay. At 'pag sinabi kong pa-back up, tinatakbuhan at iniiwan akong mag-isa.
Di ko masakyan ang trip niya. Malabo.
Sabi niya, hindi lahat ay pinanganak na gamer. Yong iba, watcher. Kaya nagkakasya na lang siyang manood at magcheeer sa laro ko.
"Sino yong Johnson?"
Curious na tanong niya one time habang naglalaro ako at nanonood siya sa tabi ko. She really supports me when I'm playing a rank game and even cooked popcorn. Para hindi daw ako gutumin kakalaro.
See? She's my no. 1 supporter.
"'Yong nagtratransfrom na sasakyan." Sagot ko.
"Ah. Nagsasakay?"
"Oo."
"Paano? Pumapara kayo?"
Napasulyap ako sa kanya bago muling itinuon ang pansin sa laro. "Hindi, pupunta ka sa base tapos isasakay ka do'n." I patiently explained kahit gusto kong tumawa ng malakas.
"Parang terminal?" Napilitan akong tumango para di na humaba ang paliwanagan.
"Eh sino naman 'yan?" Tinuro niya y'ong isang hero na nagSS ng parang kalsada according to her term.
"Hylos. Half man, half horse."
"Ah. Sinasakyan niyo din?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Kasi..." nagfofocus ako sa laro at the same time nag-iisip ng paliwanag sa tanong niya.
"Sarili nga niya, nabibigatan na siya, tapos magsasakay pa?"
Mabilis kong sagot.
Natawa siya at napatango-tango pa. "Ano pang ibang sinasakyan diyan?"
Napapikit ako. Curious siya sa maraming bagay tungkol dito pero pag ini-encourage kong maglaro at tuturuan ko siya, umuurong na. Napailing na lamang ako at nagpasyang bigyan siya ng kaunting overview sa mga heroes. 'Di na kasi talaga siya naglaro after ng dalawang beses niyang subok.
Sinusubuan pa niya ako ng popcorn kasi alam niyang 'di ko magamit ang mga kamay ko dahil abala sa pagpindot.
........
Napatakip ako ng mata nang ipatong ko ang isang braso sa mukha. Napangiti ako nang malungkot. We really did happy memories just like what she wished for.
Most of the time, nagkwewentuhan lang kami ng random things. Lagi niya akong pinagpapasensyahan. Never siyang nagtanim ng sama ng loob sa akin.
Never niyang sinukuan 'yong ugali kong kasuko-suko. Never siyang nang-iwan nang makita niya ang pagkatao kong kalayas-layas.
But there is this one and only thing na pinag-awayan namin na tumagal ng 2 weeks. That was during our third year in college. From inis, naging tampo, nagkasagutan at nauwi sa walang kibuan.
And that is the moment I realized how friendship should really work.
♥