¶¶ÒõÉçÇø

TANGLED

By Favorite_Escape

110K 3K 493

Thylane Kosch x Eris Alcantara More

DISCLAIMER
1🎓
2🎓
3🎓
4🎓
5🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
🎓
END 🎓
A/N

🎓

2.9K 93 25
By Favorite_Escape

Eris

"Super excited na ko ate buti naman naisipan mong isama ako" tuwang tuwa si Angelo dahil isasama ko sya sa bataan, yung sinasabi ni Thy na resort ay don din kami pupunta hindi ko nalang pinaalam kay Thy na dun din kami nagyaya kasi bigla si JC na mag beach sakto namang sumagi yun sa isip ko sa pagkakaalam ko ay nandon na sina Thy dahil friday night sila umalis ngayon ay sabado na ng umaga.

"Syempre kasama din natin si Joji at Martina" sumama din sila syempre hindi talaga papahuli

"Hun tara na?" saktong dumating na din si JC nag arkila pa sya ng sasakyan para samin dahil motor lang naman ang sasakyan nya alangang doon kaming lahat

May kasamang driver dahil hindi naman marunong magdrive si JC ng four wheelers na sasakyan

"Hi mga sis super excited na ko" dinumog pa ko ni Martina at Joji magkaklase kami nung college at hanggang ngayon ay close pa rin kaming tatlo

"Miss na kita sis bigla nalang kayong nawala ni Thy after nung last day" hay nako yung ate nya ay madaling araw palang ay hinatid na namin sa airport dun sa private plane nila puyat na puyat tuloy kaming parehas ni Thy lalo sya dahil naginom inom pa

"Nagmamadali kasi si Thania" pinaggitnaan nila ko sa upuan habang si Angelo ay nasa likuran nasa harapan naman si JC alam kong magdudumaldal na naman silang dalawa sakin

"Sino si Thania?" oo nga pala iba nga pala ang location ni Joji non

"Ate ni Thy grabe sobrang hot pero Thy is more than hotter nagbabaga" kita pa ang paghanga sa mata ni Martina samantalang nung nasa baguio kami ay wagas makakain pag libre

"Hoy hoy akin na si Thy" pagaawat ni Joji sa pagdday dream ni Martina

"Hindi ko naman inaagaw pero pwede din" at nagsimula na silang mag agawan

"Hun gusto mong magdrive thru muna?" pagsingit ni JC kaya natahimik ang dalawa

"Ako gusto ko jollibee kuya JC" natawa si JC dahil sa pagsingit ng kapatid ko mula sa likod

"Sige hun kahit ano" pagsagot ko sa kanya kahit kailan ay napakamaalalahanin nya kahit hindi kami gaano nagkikita ay lagi akong pinapaalalahanan sa lahat

After namin kumain ay pumwesto ako para matulog maaga kasi akong nagising para sa mga baon naming pagkain sa sunday ng gabi kasi kami uuwi naghanda ng pagkain ni Nanay para daw di na kami gagastos pa ng malaki.

"Hun dito na tayo" unti unti kong minulat ang mata ko at ang poging mukha ni JC ang sumalubong sakin kaya napangiti ako

"Baka matunaw naman ako nyan hun ano tara na? Nakalabas na sila" napansin kong kaming dalawa na nga lang ang tao dito pati gamit namin ay wala na din

"Dun tayo hun oh" turo ni JC sa isang parang room cottage pumasok ako sa isang room at nandon ang gamit ko pati ang gamit ni Martina at Joji masyadong conservative ang pamilya namin para makasama kong matulog si JC sa pitong taon naming magkarelasyon ay di pa namin naranasan ang matulog sa iisang higaan

"Hun baba muna ko ah I love you" paglalambing ni JC agad ko naman syang tinugunan naligo muna ako at nagbihis ng isang white shorts at black na sando bago sumunod bumaba para makapagayos na din.

Nasa hagdan ko ay naririnig ko na ang tawanan at ingay mula dito mukhang hindi lang si Joji at Martina ang tawang yon

"Oh nandito na pala si Eris eh" sabi ni Joji kaya napatingin ako sa gawi nila

Medyo nagulat ako ng salubungin ng mata ko ang mata ni Thy, si Thy na ngayon ay nakasmirk sakin

"Hun di mo naman sinabing nandito ang mga studyante mo sana dinamihan natin ang pagkain" sabi ni JC

"Ahh c-coincidence lang siguro" kahit naman tandang tanda ko pa ang sinabi ni Thy sakin pinagtaasan ako ng kilay ni Thy dahil sa naging sagot ko

"Hala Thy and Amanda in one frame hello papicture ako" hindi ko alam kung san nanggaling si Angelo dali dali naman syang lumapit kay Thy at Amanda si Alexi ay nakaupo sa tabi ni Joji at nangangain ng mansanas

"Hello cutie what's your name" malanding sabi ni Amanda sa kapatid ko

"Amanda stop we are not here to flirt" saway sa kanya ni Thy

"You're so KJ bff" Pagsusungit nya sa best friend nya nagpicture na sila

"Thy I missed you" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng biglang yumakap si Martina kay Thy ako nga ay di ko magawang yumakap dyan kahit minsan ay ang caring nya pero mas madalas ang pagiging pasaway

"Aay ang taray may hug gusto ko din" biglang tumayo si Joji na ikinatawa nila sinugod nya ng yakap si Thy

"Group hug" nakisali si Amanda at Alexi ako ay nakatayo lang sa tabi ni JC na nakangiti sa mga kaibigan ko

"Hun sali ka don ang cute nyo" medyo tinulak nya pa ko papalapit dun kaya nakisali ako nagulat ako ng umusod si Alexi at Amanda kaya nasa harapan ko si Thy ngayon

Biglang parang may kumiliti sa puso ko dahil sa lapit ng mukha nya sakin pag tumingala ako ay tyak maglalapat ang mukha namin

"Okay done ang init na masyado" sabi ni Amanda at hinila pa si Thy papunta sa tabi nya she's kinda protective talaga actually ay parehas silang protective sa isat isa

"Girls kain muna tayo" sabi ni JC kaya nagsilapit naman kami sa kanya

"Hun ako na dyan" inagaw ko sa kanya ang paglalagay ng plate sa mesang mahaba

"Aaw hun okay lang naman tsaka nandito ang friends mo dun ka muna okay lang naman ako dito" pero hindi ako sumunod sa kanya ngayon na nga lang kami magkakasama eh

Sinusubuan pa ko ni JC ng biglang masamid si Thy paabot palang ako ng tubig ng naunahan ako halos lahat ng kamay ay nakaabot sa kanya pwera lang kay JC na nasa tabi ko

"I'm good thanks Martina" isang matamis pa ang binigay nya dito si Joji naman ay pilit pa ding inabot ang tubig nya kay Thy

"Oh thanks Miss Joji" napipilitang sabi ni Thy

"Joji nalang wala tayo sa school pag kay Martina ay first name basis" nakuha nya pa talagang magtampo ah sya na nga tong ginagalang nung bata

"Okay Joji" kinindatan pa nya si Joji

Rinig na rinig ang malulutong na tawa ni Amanda na para bang nangaasar

"My best friend is so indemand how much should I sell you huh?" nangaasar na sabi ni Amanda kay Thy

"I'm priceless" mayabang nyang sagot

"Hindi ko talaga akalain hun na close mo na ang mga studyante mong yan" napalingon ako kay JC ng bigla syang magsalita kaya natuon ang pansin ko sa kanya

"They're good" at lagi ko pang nakakasama kay medyo napapalagay na din ang loob ko sa dalawa

"Thank you po sa food" sabi ni Alexi napansin kong nakatayo na sila

"Alis na kayo agad?"

"Yes po Miss Eris magbibihis lang po sana tapos yayain po namin kayo mag water activity" napakagalang at napakabait talaga ni Alexi yung dalawang englishera naman ay may sariling mundong naguusap sa labas ng cottage namin

"sige balik kayo agad" tumalikod na rin sya pagkapaalam

"Bihis lang ako" sabi ni Martina sumama naman si Joji sa kanya

"Hun isasama ko si Angelo ah bibili kaming beer" pagpapaalam ni JC kaya naiwan akong magisa dito sa lamesa nakaayos na rin naman lahat kaya lumabas nalang muna ko saglit sobrang ganda ng dagat parang ang sarap maligo na agad

Nakaupo lang ako dito sa labas ng may tumabi sakin

"You look good" pagbati nya sakin napatingin ako sa suot nyang red bikini at black shorts she's really damn hot

"Eyes up here" napapahiya nalang binawi ko ang tingin mula sa katawan ni Thy ang bilis naman nyang nakapagbihis

"Nasan na sila?" tanong ko nalang para pagtakpan ang pagkapahiya

"Amanda is looking for guys out there and Alexi is still dressing" tumango naman ako sa kanya nakamasid lang kami parehas sa dagat marami na ring lumapit sa kanya para makipagkilala pero hindi sya sumasagot na para bang wala syang naririnig minsan naman ay bigla syang sisiksik sakin kaya umaalis nalang yung mga lalaki

"Hi babe" sabay pa kaming nagulat sa babaeng biglang lumapit samin

"You don't remember me Thy?" nakakunot naman ang noo ni Thy halata mong di nya talaga naaalala actually ay maganda at sexy ang isang to mas maganda nga lang talaga ako

"I don't and you can go now" pagtataboy nya dito bigla syang umakbay sakin kaya nagulat ako ramdam ko ang pag daloy ng init ng braso nya sa balikat ko

"And besides I'm with someone that's so rude of you" umirap pa sakin yung babae bago umalis tinangal naman din nya agad yung braso nya sakin bago lumayo pa sya

Wow ah sya pa talaga naginarte

"Hun" sabay kaming lumingon ni Thy sa tumawag na si JC

"Hun akina tulungan kita" andami nyang dala may nakaipit pa sa kilikili nyang plastic ng chips

"Imma help you sir" sabi ni Thy at nauna pang kunin sakin ang mga bitbit ni JC

"Aay thank you Thy but you can call me Kuya JC nalang masyadong pormal ang sir eh"

"Sure Kuya" Nauna na syang pumasok sa cottage naiwan kami ni JC na nakasunod sa kanya

"She's nice kaya di na ko magtataka kung bakit close kayo" close ba kami? Hindi naman eh

"Hello again guys" pagbati ni Amanda na may kasamang matangkad na lalaki at bakas pa ang muscle nito sa suot nyang sando

"Where's my bff?" paghahanap nya kay Thy kaya napahanap din ako ng tingin nakita naman namin syang pinaggigitnaan ni Martina at Joji at panay ang hilahan

"She's coming with me partner kami sa mga rides" sabay hila ni Joji kay Thy

Si Thy naman ay natatawa lang sa kanilang dalawa

"I'm partnering Alexi guys" saktong dating ni Alexi

"Yan kompleto na pala tayo" sabi ni Angelo

Nagkatinginan kami ni JC at napangiti sa isat isa syempre kami ang buddies tutal sya ang boyfriend ko

Sabay sabay na kaming naglakad papunta dun sa lalaking mukhang instructor

Hindi ko maiwasang tignan ang magandang likod ni Thy kahit magkasing ganda sila ni Amanda at Alexi ng katawan ay talagang mas lumilitaw ang kanya

Inalalayan ako ni JC pasakay sa Jetski ngayon lang kami makakasakay dito ni JC kaya nagpaturo pa muna si JC dun sa instructor si Thy at Amanda  naman ay medyo malayo na samin

Napili ko nalang na sumakay kasama si JC nakayakap ako sa bewang nya, humabol naman sya kina Thy

Masyadong nagpapakitang gilas ang mag best friend magkahiwalay sila ng jetski si Alexi ay mas piniling mag isa nalang din. Medyo nakatayo si Thy habang nagmamaneho kaya maraming napapalingon sa kanyang mga turista din

"hun kapit ka maigi habulin natin sila" kumapit naman agad ako at bumilis ang takbo nya halos kasabay na namin si Amanda tawa sya ng tawa dahil tinatalsikan nya kami ng tubig

"Thy" sigaw ni Amanda sa best friend nya

"Racing" sigaw nya ulit lumapit naman si Thy samin

Hinanap ng mata namin ang iba naming kasamahan medyo malayo sila samin at enjoy na enjoy din

"Sali ka Kuya?" tanong ni Thy sa boyfriend ko

"Hun okay ka lang ba dyan? Sali ba tayo?" pumayag din naman ako dahil mukhang exciting yun

"Hanggang dun sa bangkang yon" tinuro ni JC ang bangkang medyo malayo samin at may mga sakay pa

Nakakapit lang ako sa bewang ni JC mabilis na ang takbo namin pero nauuna pa rin yung dalawa at nagpapayabangan pa

"Hun bagalan mo na mukhang di papatalo eh" sabi ko dahil napupuwing na rin ako sa tubig

Medyo binagalan nya nakatingin naman ako sa naguunahang si Amanda at Thy mukha silang mga pro na sa pag gamit nitong jetski parehas pa silang natayo

"Thy" medyo pasigaw na sabi ko ng nakita kong syang tumalon pagkarating nya sa may bangka pati ang mga tao sa bangka ay nagulat sa ginawa nya

Nang makalapit kami ay saktong ahon nya natawa pa talaga sya eh halos atakihin ako sa ginawa nya

"That was fun" natatawa nyang sabi bago lumapit sa bangka at don pa tumaas ang kapal talaga eh

"Hi" sabi ni Amanda sa mga nasa bangka mukha namang namangha yung mga kabataan na nandon

"Thyy and Amanda omgg" biglang umuga ang bangka dahil nagsuguram sila palapit kay Thy kaya biglang nagdive ulit si Thy

Medyo matagal na syang di naahon kaya kinakabahan na naman ako hindi ko alam kung anong naisip ko at bigla akong tumalon

"Hun" yun ang huling narinig ko bago ako nilamon ng dagat

Hinahanap ko si Thy pero nasa gilid ko na pala sya medyo nakangiti pa sya sakin hinawakan nya ang kamay ko habang naglalangoy at hinili palapit sa isang jetski malamang ay kay Amanda dahil paa ng babae ang mga yon binitawan nya ang kamay ko at hinila ang paa ni Amanda kaya bumagsak sya sa tubig

Umahon na ko ng nahirapan na kong huminga

"Hun tinakot mo naman ako" sabi ni JC ng makalapit sya sakin tinulungan nya pa kong umahon

"ang inviting ng tubig hun try mo" sabi ko kahit ang dahilan ko naman talaga ay ang pagkatagal ni Thy sa ilalim akala ko ay kung ano ng nangyari sa kanya

"Una na tayo sa kanila gusto ko itry yung bananaboat" hindi pa man ako nakakasagot ay pinaandar nya na palayo tinanaw ko naman ni Thy na pasakay na din ngayon ng jetski nya

Sumakay kami sa banana boat nasa harapan ko si JC at hinahantay pa namin yung ibang naming kasama

"Did you see that" mayabang na sabi ni Thy hindi ko alam kung sinong kausap nya at anong pinaparating nya

"Dito ako" narinig ko nalang ang boses nya sa likuran ko hudyat na dun sya naupo

"Miss Erin pakapit ako" bulong nya sa tenga ko feeling ko ay nagtaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa ginawa nya narinig ko pa syang nagchuckle bago nilayo ang mukha sa batok ko

Nagumpisa ng umandar at sigaw naman sigaw ang mga kasama ko ako naman ay nakangiti lang habang nakakapit sa kapitan dito

"Miss Eris" naramdaman kong nakayakap na ang braso nya sakin saktong paglaglag namin ay nakayakap pa din sya kaya hindi ako makalangoy paangat

Nakatitig lang sya sa mata ko at nakasmirk pa teka balak nya ba kong patayin tapos papalabasin nyang aksidente yung pagkalunod ko

Sinabay nya ko sa pagahon nya ngayon ko lang naramdaman na nakahawak na rin pala ako sa batok nya

"Uy ano yan" sabi ni Joji kaya tinulak ko si Thy tawa naman sya ng tawa habang paakyat ulit ng bananaboat

"Come let me help you" inabot ni Thy ang kamay nya

"Hun tulong" nilingon ako ni JC na readyng ready na para sa second round nalimutan nyang nasa baba pa ang girlfriend nya hay nako

"Alright sabi ko nga" pagpaparinig ni Thy sakin nakaupo na ulit ako nagumpisa na ulit umandar ng biglang parang lumundo yung boat na parang may tumalon

Paglingon ko ay wala na si Thy sa likod ko wala na rin si Alexi at Amanda

Sa di kalayuan ay nakita ko silang sabay sabay na umahon at rinig ko pa ang pagtawa nila

"Omg mukhang mas masaya yon" sabi ni Martina at bigla rin syang tumalon hindi tuloy ako ready sa pagbagsak namin kaya halos makainom ako ng tubig mabuti at nahawakan agad ako ni JC

Marami kaming natry na water activities at enjoy na enjoy kaming lahat kaya mga alas otso palang ng gabi ay bagsak na ang mga kasama ko naisipan ko nalang ding matulog para bukas ay makapag island hopping kami

Naalimpungatan ako dahil sa paggalaw ni Martina sa tabi ko bigla ba naman syang umupo tapos hihiga ulit, tinignan ko ang orasan na nakasabit sa taas ng pintuan. Alas dos na nang madaling araw mukhang hindi na ko makakatulog dahil sa ginawang yon ni Martina bumaba ako para humanap ng makakain pero magluluto pa kaya naisipan ko nalang lumabas. Habang naglalakad sa dalampasigan ay may nakita akong babaeng nakahiga sa buhanginan. Iisipin kong nagssun bathing sya sa pwesto nya pero girl madaling araw at hamog na ang tumatama sa kanya

Lumapit ako sa kanya at medyo nagulat ng makitang si Thy yon nakamulat ang matang nakatingin sa mga bituin napatingin sya sakin dahil nakadungaw ako sa kanya. Umupo sya bago pinagpag ang tabi nya senyales na pinapaupo nya ko kaya sumunod ako

"Hindi ka pa natutulog? Where's Amanda?" lagi nya namang kakambit ang best friend nya eh

"She's sleeping already" medyo lasing na sabi nya

"Teka are you drunk? Lagi nalang ba kitang makikitang lasing" inis na sabi ko pano ba naman lagi nalang nainom at nagyoyosi napakaraming bisyo tapos napakapasaway pa

Imbes na sumagot ay may nilabas sya sa tabi nya isang bote ng Jose Cuervo at halos kalahati na ang laman non

"Seriously Thy? Akin na yan hindi ka na iinom" pilit kong inaagaw sa kanya pero kahit lasing sya ay napakalakas pa rin nya porke mas matangkad sya sakin ng kaunti ay ganito na sya kalakas

"Isa" pagbabanta ko halos mapasubson na nga ako sa pag agaw

"Two" pagdugtong nya bago tumayo hinagis nya yung bote sa malapit na basurahan kahit ang dami pang laman non hay nako mayayaman nga naman

Pasuraysuray syang lumapit sakin

"Bakit kasi mag isa kang nagiinom? Yan tuloy" halos hindi na sya makatayo ng ayos pero nakukuha nya pa ring ngisian ako ng nakaasar

"Should I call you then? Next time if I want to get drunk I will call you" napapailing nalang ako sa mga sinasabi nya

Umakbay sya sakin bago hinila ako palapit sa kanya

"Hatid mo na ko" nagpabigat pa talaga sya kaya lalo akong nahirapan

"Umayos ka nga nahihirapan kaya ako" pano ba naman ay yung buong bigat nya na yata ang dinadala ko

Tumawa naman sya bago tinanggal ang braso nya sa balikat ko kahit ba ang ganda pakingan ng tawa nya ay naiinis pa rin ako magiinom hindi naman kaya ang sarili

"San ka ba?" tinuro nya ang isang malaki at mukhang mamahaling hotel well what do you expect from her hindi mo to mapapatulog dun sa tinutuluyan namin

Sumakay kami ng elevator pinindot nya ang top floor paglabas ay nagpapakaladkad pa din sya

"Saan ba?" tumapat sya sa pinto

"Keys" nilahad ko pa ang kamay ko sa kanya

Nagulat ako ng dumukwang sya papalapit sakin at nakangisi pa sobrang lapit ng mukha nya naamoy ko ang hininga nyang minty at alcohol pero hindi mabaho bakit ganon kahit anong gawin nya ang ganda at ang bango nya pa rin

"Kiss? Do you want kiss Eris?" biglang kumabog ang puso ko dahil sa pagkatawag nya sa pangalan ko ibang iba yon sa mga nauna

"H-ha? Susi Thy" nilayo ko ang sarili ko dahil naduduling at nanlalambot ako sa pwesto namin

"Oh I thought you want kiss I'm willing to kiss you tho" nilabas nya ang card key bago nagtuloy tuloy pumasok hihilata na sana sya sa kama ng hilahin ko ang polo nya dahil hindi pa sya nagbibihis

"Oh damn baby I want to sleep already" hindi ko nalang pinansin kung anong sinabi nya at patuloy na hinila ang damit nya

"Undress me if you want me to change clothes"

Seriously!? Bahala na nga sya hindi naman ako ang matutulog sa kama na yan eh

Patalikod na ko ng pigilan nya ang kamay ko

"Alright just don't go sleep here for tonight it's dark outside I can't accompany you" naghubad sya sa harapan ko at kung saan nalang hinagis ang shorts at polo nya nakaundergarments nalang sya ngayon. Naghalungkat ako sa bag nya at binatuhan sya ng isang shirt sinuod nya din naman agad. Pinulot ko ang pinagbihisan nya at nilagay yun sa marumihan nya.

Hay nako kung ganto ang magiging jowa ko ay tiyak tatanda agad ako at mamumuti agad ang buhok ko

Ano ba yan self talagang naisip mo pa kung pano sya pag naging jowa ng kung sino man

"Come, let's sleep I missed your hugs" hindi ko alam kung anong meron sa puso ko dahil sobrang bilis ng tibok nito naalala ko nung nag baguio kami nagigising nalang akong nakayakap sa kanya o minsan ay sya ang nakayakap sakin siguro ay sanay kami na may niyayakap na unan pag matutulog

"Babalik nalang ako sa cottage hahanapin nila ko" inayos ko muna ang sarili ko sa cr pero paglabas ko ay nakatayo na pintuan si Thy

"I'll drop you early just wake me up" pwersahan nya kong hinila papunta sa kama at ikinulong sa mga bisig nya

Thy what are you doing nakakalimutan mo yatang professor mo ko

"Hmm I love you" nanigas ang katawan ko sa narinig ko ako ba ang sinasabihan nya? O baka nananaginip na agad sya?

"Bff"

Assumera

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 1.3K 29
"Tell me every terrible things you ever did, and let me love you anyway." [GXG] Started: January 25, 2024
54.3K 2K 11
"Why would the universe give you to me twice if I couldn't have you once?" I believe that someone out there, somewhere, was made for me. I just can't...
66.5K 1.9K 15
GirlxGirl - COMPLETED Gabrielle Mendez a well known famous student in Labyrinth University. She thought to herself that she's straight and she's onl...
498K 18.7K 60
Seven Deadly Sinners Series #5: LUST [Detrey Athzenitha Demirci] "You are everything I loathe, but also everything I desire." _____ A/N: This story...