抖阴社区

I LOVED YOU FIRST by Colt

By Dimenth0r

780K 16.8K 1.6K

Re-publishing this story due to the request of the previous owner's followers More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE

Chapter 14

19.2K 395 17
By Dimenth0r

< Alyssa's P.O.V >

Ella: Besh, date mo yun. Pero bakit ako ang kailangang magbihis ng sobra?

Aly: Besh, date ko nga yun pero nakalimutan mo naba? Ikaw ang ilalakad ko kaya wag ka ng mag reklamo. Magpa make up ka nalang dyan.

Kasalukuyan na kaming naghahanda ni Ella, mayamaya lang kasi ay susunduin na kami ni Jeron. Actually sya lang talaga ang pinaghahanda ko ng sobra, tinawag ko pa nga sina Aeriel at Jirah para ayusan sya. Dapat nga si Mae ang mag aayos sa kanya pero nung tinanong ako ni Mae at nung sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit nya kailangang ayusan si Ella ay bigla nalang syang nag walk out.

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto namin at pumasok si Mae at Den.

Mae: Ang pangit.

Sabi ni Mae nung makita nya si Ella.

Jirah: Huh? Ayos naman ah.

Sabi ni Jirah kay Mae saka muling bumalik sa pag aayos kay Ella. Nilapitan naman ni Dennise si Ella na nakaupo sa isang upuan habang nakaharap sa salamin at inaayusan ni Jirah at Aeriel.

Den: Okay naman si besh ah... Ang ganda nga eh...  (Sabi nya habang nakatingin kay Ella.)

Sumimangot lang si Mae saka umupo sa kama para tumabi sa akin.

Mae: So, ikaw ang magiging third wheel sa date na para dapat sayo? (Tanong nya sa akin.)

Aly: Okay lang yun, para kay Ella naman eh. 

Mae: Diba may nililigawan na yung Jeron na yun? Baka masaktan lang si Ella.

Ella: Masaktan talaga? Friendship lang naman ang habol ko saka alam ko naman kung hanggang saan lang yung limitation ko.

Napatingin naman kami kay Ella, tapos na syang ayusan at nakatingin na sya sa amin, ganun din sila Aeriel, Jirah at Den.

Mae: Kung friendship lang naman pala yung habol mo, wag ka ng tumuloy. Nandito naman ako.

Napatingin naman kaming lahat kay Mae, hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

Nung mapansin nya na lahat kami ay nakatingin sa kanya ay para syang natauhan.

Mae: Ah.... eh... Pati yung buong ALE nandito. Lahat kami, friends mo naman kami diba? (Mabilis nyang sabi na parang nag papaliwanag.)

Aeriel: Ah... Pero teka lang Ly, paano ka?

Aly: Huh? Anung paano ako?

Aeriel: Eh para kay Jeron at Ella tong gabi na to, baka ma boring ka. Isama mo nalang kaya si Den para may kadate ka rin.

Magsasalita na sana ako nung biglang bumakas ang pinto at bumungad sa amin si Marge.

Jirah: Besh? Bat bihis na bihis ka? (Tanong nya kay Marge, nakapang alis kasi ito.)

Marge: Kasama ako nila ate Ly.

Aly: Magkikita din kasi kami ngayon ni Laura kaya kasama si Marge.

Mae: Laura? Yung bagong reporter ba yun?

Aly: Yup. Dapat nga hindi kasama si Marge, mapilit lang  talaga.

Aeriel: So, sama sama kayo nila Jeron? Ganun?

Aly: Iisa lang yung pupuntahan namin pero syempre bibigyan namin ng quality time si Ella at Jeron.

Mae: Eh anung gagawin ni Marge dun?

Marge: Actually hindi naman talaga ako kasama, makikisabay lang ako sa kanila. May pupuntahan din kasi ako at malapit lang yun sa pupuntahan nila ate Ly.

Jirah: Saan ka naman pupunta?

Marge: Secret ko na yun.

Aly: Naku po, nagse secret na.

Aeriel: Baka naman kasi, kung saan pupunta kaya ayaw ipaalam.

Marge: Mga ate naman eh... (Maktol nya sa amin.)

Jirah: Saan kaba kasi talaga pupunta?

Marge: Kapag sinabi ko, hindi na secret yun. Diyan na nga muna kayo, babalikan ko lang yung cellphone ko dun sa kwarto. By the way, isara nyo yung bintana.  Ang lakas ng hangin. (Isinara na nya yung pinto at umalis.)

Ella: Oo nga guys, ang lamig.

Mae: Haaay!... Mabuti pa yung hangin, nararamdaman mo samantalang yung pagmamahal ko, hindi. 

Narinig kong nagsalita si Mae pero mahina lang, mukhang ako nga lang ang nakarinig kaya bumulong ako sa kanya.

Aly: Narinig ko yun.

Napatingin naman bigla sa akin si Mae at namumula sya. Haha! Nag blush.

Aeriel: Hoy kayong dalawa! Bakit ang lagkit ng tinginan nyo.

Sabay naman kami ni Mae na napalingon kanila Aeriel, nakatingin pala sila sa amin.

Aly: Wala. Besh tara na. Dadaanan pa natin si Laura.

< Dennise P.O.V >

Laura nanaman?! Puro nalang Laura, hindi pa nga ako nakaka get over sa nakita kong paghalik sa kanya ni Laura nung nakaraan tapos ngayon, magde date pa sila.

Tumayo na si Ly at nagpaalam sa amin saka lumabas ng kwarto, sumunod naman agad sa kanya si Ella.

Pagkaalis nila ay agad nagsalita si Aeriel.

Aeriel: Hoy Mae! Yung mukha mo, hindi maipinta.

Mae: Eh hindi ka naman kasi talaga marunong mag paint.

Natawa nalang kami ni Jirah dahil sa pangbabara na ginawa ni Mae kay Aeriel.

Aeriel: Yan ang problema sa inyong mga nagmamahal ng palihim eh.... (Sabay tingin nya sa amin ni Jirah.) takot kayong mag take ng risk. (Sa akin nalang sya tumingin.) At kung magkaroon man kayo ng lakas ng loob, medyo huli na.

Mae: Bakit ba parang para sa amin yung sinabi mo?

Lumapit naman si Aeriel sa pinto saka humarap sa aming tatlo nila Mae at Jirah.

Aeriel: Eh para sa inyo naman kasi talaga yun. Magsama sama nga kayong tatlo. Mga in denial! (Sabi nya saka lumabas ng kwarto.)

Nung makaalis na si Aeriel ay nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na nagsitawanan.

~

10pm na at kanina pang 6pm umalis sila Aly. Nakauwi na rin dito si Marge pero sila Alyssa at Ella, wala pa.

Aeriel: Dennise, pwede bang maupo kana muna at kanina pa ako nahihilo sayo.

Nandito kami ngayon nila Mae at Aeriel sa salas, hinihintay namin na dumating yung dalawa. Ako lang kasi ang nakatayo at hindi mapakali.

Den: Eh kasi naman, anung oras na pero wala pa rin sila.

Aeriel: Sila? o si Alyssa?. (Hindi kona sya sinagot dahil nabuko na nya ako.) Baka lang kasi nakakalimutan mo Dennise, date ang pinuntahan ni Alyssa. Malamang nag enjoy yun.

Den: Date, hindi party. Kaya paano naman sya mag e- enjoy dun?

Mae: Baka naman nag enjoy sya sa company ni Laura.

Sinamaan ko naman ng tingin si Mae dahil sa sinabi nya. Ma gantihan nga tong kapre na to.

Den: Oh? Edi ibig sabihin, nag enjoy din si Ella sa company ni Jeron kaya wala pa sya dito.

Mae: Hindi no! Malamang pagkain ang ine- enjoy nun at hindi si Jeron.

Natawa nalang ako kay Mae dahil halata sa tono ng boses nya na naiirita sya.

Natigilan kaming tatlo nang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Ella at Aly.

Den: Bakit ngayon lang ka-

Hindi kona naituloy yung sasabihin ko nung mapansin ko na may sugat yung gilid ng labi ni Aly. Agad ko syang nilapitan at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.

Den: Anung nangyari dyan sa labi mo?

Ella: Uhm... Besh, bigla nalang kasi syang sinuntok ni Luie kanina.

Napatingin naman ako kay Ella.

Den: Si Luie? Sya ang may gawa nito?

Ella: Oo besh, nakita kasi namin sya nung lumabas kami ng bar tapos bigla nalang nyang sinuntok si Ly.

Den: WHAT!?

Aly: Don't worry, hindi ko sya nilabanan. (Muli naman akong napatingin kay Ly, bahagya nya'ng inalis yung kamay ko sa pisngi nya.) Kahit itanong mo pa kay Ella.

Naglakad si Ly at pumasok sa kwarto namin kaya sunundan ko sya. Agad kong kinuha yung yung first aid kit ko at saka ako lumapit sa kanya, nakaupo sya sa kama nya kaya tumabi ako sa kanya. Kumuha ako ng bulak at nilagyan iyon ng alcohol tapos ay iniharap ko sya sa akin saka sinumulang linisin yung sugat nya. Tahimik lang ako habang ginagamot sya.

Aly: Den? Galit kaba sa akin? Hindi ko naman ginantihan yung boyfriend mo eh... Wala rin naman akong ginawa sa kanya. Kahit tanungin mo pa si Ella, alam nya yung nangyari.

Tinapos ko na yung panggagamot sa kanya saka ko sya tiningnan.

Den: Hindi naman ako galit sayo. Galit ako kay Luie dahil sa ginawa nya sayo. At isa pa, hindi ko na sya boyfriend.

Aly: Ha?

Den: Wala na kami.

Aly: Anu?

Den: Break na kami.

Aly: Kailan pa?

Den: Wag mo ng alamin. Magpahinga kana.

Tumayo na ako at niligpit yung first aid kit ko. Lumabas muna ako ng kwarto namin para uminom ng tubig, saktong paglabas ko naman ay pumasok na si Ella.

Nadatnan ko si Aeriel na kumakain ng chips sa may kitchen. Agad akong kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig saka tumabi sa kanya.

Aeriel: Kamusta si Aly?

Den: Okay na sya.

Aeriel: Naikwento ni Ella yung nangyari sa date ni Aly at Laura, ang saya daw nila. Do something Dennise, mukhang mauunahan kana.

Den: Nag-iipon nalang naman ako ng lakas ng loob para umamin sa kanya.

Aeriel: Well... Bilisan mo ang pag-iipon because love is full of surprise, magugugulat ka nalang may mahal na syang iba.

~

Nandito kami ngayon sa locker room, kakatapos lang ng training namin kaya dito muna kami nagpahinga.

Mae: Kung makangiti ka sa " I love you" ng mokong na yun, wagas. Eh send to many naman.

Napatingin kaming lahat kay Mae, para syang nagseselos na ewan. Madalas naman nyang i- bully si Ella pero iba yung awra nya ngayon.

 May katext kasi si Ella at todo ngiti sya habang nakatingin sa cellphone nya

Gizelle: Pabayaan mo na yan Mae, mukhang luma- love life na eh...

Natawa nalang kami dahil sa sinabi ni Gizelle pero si Mae, nakasimangot lang at halatang badtrip.

Maddie: Himala ate Ly, hindi yata nagpaparamdam yung secret admirer mo ngayon.

Tumingin naman ako kanila Alyssa, kakabukas lang kasi nya ng locker nya at wala silang nakitang post it.

Ana: Hindi kana rin nya pinapadalhan ng green rose.

Hindi na kasi ako naglalagay ng post it at ng kung anu ano pa sa locker ni Aly, plano ko na kasing sabihin sa kanya na ako ang naglalagay ng mga yun sa locker nya.

Aly: Sayang naman, tumigil sya sa paglalagay ng post it ng hindi ko man lang sya nakikilala.

Ay naku Ly. Wag kang manghinayang dahil malapit na akong magpakilala sayo.

"Ly, may nagpapabigay sayo." 

Bigla nalang pumasok si Kiefer dito at may inabot sya kay Ly. Isang green rose na may naka sabit na card.

Agad ding umalis si Kief matapos nyang ibigay yun kay Aly.

Lumapit naman kami kay Ly at sabay sabay na binasa yung nakasulat sa card.

"I think I'm begining to like you less and beginning to love you more. :)"

                                                                                                    -Laura

Jia: OH EM GEE! Green rose plus note.

Ella: Besh, si Laura yung secret admirer mo?

Matapos sabihin iyon ni Ella ay agad na umalis si Aly.

Aeriel: Saan pupunta yun?

Mae: Malamang sa secret admirer nya. Kay Laura.

Nagkatinginan naman kami nila Aeriel, Marge at Jirah. Agad akong hinila ni Aeriel palabas ng locker room at sumunod naman sa amin yung dalawa, hila hila lang nya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Aeriel: Ano  yun? Si Laura yung secret admirer ni Ly?

Den: Hindi no! Ako kaya.

Marge: Eh bakit hindi ka nagsalita kanina?

Den: Bigla nalang syang umalis eh.

Jirah: Naku po ate Den. Mukhang iba ang makikinabang sa pinaghirapan mo ah... (Sabi nya habang nakatingin sa likuran ko.)

Lumingon ako para makita kung ano yung tinitingnan nila, malayo palang ay nakita kona agad si Ly at Laura na masayang nag-uusap habang nakaupo sa isang bench na medyo may kalayuan sa amin.

~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

Ghost By Avant03

Fanfiction

202K 6.3K 19
I have other men in suits protecting me, always ready to risk their lives just for my safety but when at times that they cannot reach me there is alw...
157K 3.8K 47
Si Elara Meridian Galen ay 17 years old na isang law student sa Harbinger University. Galing sa mayaman na pamilya ngunit hindi pa rin siya masaya da...
3.8K 170 55
6K 418 43
Because what's worse than knowing you want something, besides knowing you can never have it?