抖阴社区

Story cover for AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) by KYRAYLE23
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
  • Reads 23,939
  • Votes 597
  • Parts 51
  • Reads 23,939
  • Votes 597
  • Parts 51
Complete, First published Jun 07, 2014
Mature
Namatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya.


Dahil sa  siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,napunta ang kanyang kaluluwa sa Impyerno, kapiling si Lucifer. Sa kanyang pagiging matatag sa pagharap sa anumang pagsubok at parusa'ng iginawad nito sa kanya ay napili sya鈥檔g maging isang alagad nito, ang maging ANGHEL na tagasunod sa lahat na ipag-uutos sa kanya.


 Ipinadala sya sa lupa upang maghasik ng kasamaan, dalhin sa kalungkutan ang mga masasayang nilalang at iligaw ng landas ang mga taong tagasunod kay Hesus upang mapunta ang kaluluwa ng mga ito sa Impyerno kapiling ang Hari Ng Kadiliman, sa oras na sila'y mawalan na ng buhay dito sa lupa.


Ngunit hindi nya ito sinunod. 

Ang mga masasama ay hinatid nya sa kabutihan, ang mga naghihiwalay na mag-asawa ay kanyang muling pinagtatagpo sa isa't-isa at muling nagkakabalikan, at ang mga naliligaw ng landas ay muli nyang ibinalik kay Hesus.


 Lingid sa kanyang kaalaman, may isang nilalang na mula sa kalawakan ang lihim na nagmamasid at natutuwa sa kanyang kabutihang ginawa, na magbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa.


 Paanu uusbong ang pag-iibigan ng dalawang nilalang na nanggagaling sa magkaibang mundo?


Hanggang kelan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-ibig?


May bukas ba'ng naghihintay para sa  dalawang nilalang na wagas na nagmamahalan?


TUNGHAYAN  ANG PAG-IBIG NG ISANG ANGHEL MULA SA IMPYERNO! ang ANGHEL NI LUCIFER!!!
-----------------------------------------------------------------------------------------------
 
    Please vote and leave comments below. Any suggestions are welcome. Hope you enjoy reading. God bless!!!
All Rights Reserved
Sign up to add AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) to your library and receive updates
or
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
MY DESTINY cover
Bulan a Demon's Love cover
[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU  cover
 THE INNOCENT GIRL cover
Wishing You The Love||COMPLETE (Published under IMMAC PPH) cover
Ang Babae Sa Kawayanan cover
Beautiful Nightmare cover
THAT STRANGER IN OUR NEW HOUSE鉁��锔 cover
JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR) cover
The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An Angel cover

MY DESTINY

22 parts Complete Mature

Dahil sa matinding kalungkutan at pagkabigo mas pinili ni Samantha ang lumayo. Lumayo sa pamilya at baguhin ang pagkatao mula sa mahinhin at mahiyaing dalaga. Bumuo siya ng isang pagkataong ni sa hinagap ay hindi niya aakalaing magiging siya. Ang Samantha na walang kinatatakutan punong- puno ng determinasyong makabangon mula sa sakit na dulot ng lalaking lihim na minahal, si Kael. Si Mikael Madrigal, gwapo, simpatiko at kilalang anak-mayaman sa lugar nila. Naging kaklase at bestfriend niya ito. Ang lalakeng minahal niya ng palihim ay ikinasal sa kaniyang Ate Sabina. Kasal na dumurog ng kaniyang damdamin at dahilan ng pasyang paglayo upang makalimot. Unang pag ibig, unang pagkabigo. Sakit ng kaloobang tila punyal na nakatarak sa puso ng dalaga. Paano kung pagkatapos ng maraming taon ay muling magtagpo ang landas nila at matuklasan niyang mahal niya pa rin ito? Paano niya lalabanan ang damdaming hindi pa pala nagbago para rito? Paano kung higit niya pa pala itong mahalin kapag natuklasan niya ang tunay na dahilan sa likod ng pagpapakasal nito sa kaniyang ate Sabina? Maaari din bang baguhin ang mga pangyayaring itinakda na? O muli siyang aasang si Mikael Madrigal ang lalakeng itinuturing niya noon na nakatakda para sa kaniya?