抖阴社区

Chapter 16 - My Best Queen Vampire

117 75 13
                                    

"So anong rules ang gagawin, Clage?" tanong ko.


"Hindi tayo pwedeng gumamit ng kapangyarihan dito dahil mararamdaman nila iyon." anang niya habang tumitingin sa ibaba, iyong tinted. Ha? Akala ko hindi nila alam ito?


"Bakit naman? Akala ko ba hindi nila alam 'yung lugar dito?" pagtataka ko. Pinatong ni Clage 'yung kamay niya sa kaniyang noo at ginulo ang buhok niya.


"I mean... oo, hindi nila alam 'yung lugar dito. Pero, pwes kung nagkamali ka sa isang galaw, Zara. Mararamdaman nila iyon dito at tiyak na pupuntahan ka. Naiintindihan mo ba?" asal niya na parang na-stress pa.


Tss. Hindi ko naman alam na may ganito pang rule. Bakit hindi mo na lang sabibin in the first place? Ay, oo nga pala... nakalimutan mo. Kabaw ka pala.


"Oo na, kabaw na kung kabaw ako. Kung diyan ka masaya," buntong hininga niya. Nababasa mo na isip ko?


"Nababasa mo na isip ko? Akala ko hindi pwede gumamit ng kapangyarihan dito?" tanong ko na naman.


"Oo, gumamit ako ngayon ng kapangyarihan kasi tignan mo. Wala si Vina sa kinaroroonan niya kaya habang wala sila ay pwede ka gumamit. 'Yun nga lang mag-iingat ka kasi baka gagamit ka pa lang, on the way na sila papunta sa ibaba natin. Lagot ka niyan, Miss Vampire," sabi niya at tinalikuran ako. Pumunta siya roon sa may camp.


Nakakalokang paniwalaan, pero kailangan ko iyong sundin. Bumalik na lang ako sa camp din upang mamahinga na lang.


"Oh, sinusundan mo ako ngayon? Akala ko ba maliligo ka? Kaya nga iniwan muna kita roon for privacy e," tono niya na parang ayaw ako kasama rito sa camp.


"Mamayang gabi na lang, Clage. Bigla ako nawalan ng gana," anang ko at humiga. Hanggang dito ba naman ay binabasa mo isip ko? Wala naman akong iniisip na masama.


"Sige. Diyan ka na lang muna mamahinga. Kukuha lang ako ng mga prutas pang-hapunan natin..." Lumabas siya ng camp habang ako ay nakahiga. Wala akong ibang nagawa kundi mag-isip ng kahit ano dahil wala akong magawa dito. Overthink na naman.


Huminto ba ulit kaya ang oras sa mundo na iyon dahil wala ako? Pinahinto ba ulit ni kuya 'yon? Kaso kung gano'n nga ang nangyari, maaaring matagal iyon na nakahinto. Syempre hanggat sa hindi ako bumabalik ay mananatiling nakahinto ang oras doon.


Sumulyap ako sa labas ng camp at nakitang si Clage pumipitas-pitas nang bunga ng prutas mula sa puno. Habang ako ay papunta malapit sa malinis na tubig dahil sa boredom, kung nasaan nasa ibaba si Vina na hanggang ngayon ay wala pa rin sa kinaroroonan niya. I'm sure nababasa pa rin ni Clage ang aking isipan ngayon.


Dahil sa linis ng tubig na ito ay kitang-kita lahat ng buong detalye sa kinaroroonan ni Vina. Napakaraming bantay na hayop sa kinaroroonan niya habang siya ay wala. I wonder kung may bantay pa kaya siyang kasamang bampira habang siya ay wala rito? Natural ay mayroon din iyong mga kasamahan.


Umiling ako at iniwala na 'yan sa aking isipan. Sumulyap ako kay Clage na kung saan pumipitas pa rin nang mga bunga ng prutas. Should I just help him or not? Tutal wala akong magawa. I'll just help him.


Nagpunta ako kay Clage at sinimulang pumitas na rin sana ng mga prutas mula sa puno, pero pinigilan niya ang kamay ko. "Bakit? Napag-isipan ko na lang sanang tumulong. Tutal wala rin akong ginagawa," normal kong tono mula sa aking bibig.


"Ako na ang bahala rito. Mamahinga ka na lamang dahil kailangan mo ng lakas. Hindi predictable ang laban," tonong manhid habang hawak pa rin ang kamay ko mula sa tapat ng prutas sa may puno. Hindi nagtagal, kinalas niya ang hawak sa kamay ko at patuloy siyang nagpitas ng mga prutas mula sa puno. Why do I feel a little disappointed?


My Secret CredibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon