TRIGGER WARNING :: Harassment & Violence
Naghintay ako sa kotse ni Clage nang tahimik lamang at halos 30 minutes na ang nakalipas ngunit tanging hindi pa rin siya bumabalik dito. Ni hindi nga siya nagtext sa akin kung bakit wala pa rin siya rito, baka nakakalimutan niyang may naghihintay dito sa kotse niya? Aba, nasaan na kaya 'yung lalaking 'yon?
Balak ko na sana siyang tawagan, pero naalala kong wala pala akong phone number niya. Tsk! Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi naman pwedeng tawagan ko sina mommy at daddy para lang makuha 'yung number niya dahil ang alam nila ay kasama ko siya. Isa pa, ang weird naman no'n dahil bakit kailangan ko pa silang tawagan e ang nasa isip nila ay kasama ko siya, 'di ba?
Siguro nakikipag-landian muna 'yung lalaking 'yon bago pumunta rito. Tsk! Nasasayang lang oras ko dahil sa kaniya e, dinadamay pa niya oras ko sa kagaguhan niya! Baka mamaya isipin pa ng mga babae niya, ako 'yung girlfriend!
Yuck, kadiri!
Tanging gusto ko lang naman umuwi na sa bahay nang makapag-pahinga na. Tsk! Kung hanapin ko na lang kaya siya e, 'no? Kaysa wala akong gawin dito. Baka nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi! Bubuksan ko na sana 'yung shotgun seat, pero biglang may humarang bago ko 'yon maibukas. Sa ngayon ay bigo akong makalabas ngayon dahil doon.
"Isa ka pang makulit, 'no? 'Di ba sabi ko sa'yo na hintayin mo lang ako rito sa kotse ko?" sambit ng isang pamilyar na boses, kung titignan ko siya ngayon ay naba-badtrip siyang bumungad sa akin.
Medyo na-distract ako sa part na may sugat siya sa kaniyang mukha. Bakit ba siya may sugat sa mukha? Nakipag-away ba siya? Nakipag-suntukan? Wala pala e, basagulero pala itong nilalang na ito. Nako, bawas pogi points 'yan at mukhang kinarma na yata ito, ah?
And what did he just say? Makulit? Isa pa akong makulit? Ako pa talaga ang makulit? Kung wala lang siyang sugat ngayon baka naupakan ko na siya, mas dadaigin ko pa 'yung taong sumuntok sa pagmumukha kaniya.
"Ano nangyari sa mukha mo? Bakit may sugat ka?" tanong ko't ngumisi lamang ito na parang wala lang sa kaniya.
"Wala. Nagasgas lang," tipid niyang sagot.
I don't believe him. Alam kong napaaway siya, tss. Why don't he just admit it? Basagulero na nga, sinungaling pa!
"Ang galing mo rin pala gumawa ng excuse 'gaya ng ibang mga lalaki, 'no? Pero, 'wag ka sa akin! Hindi mo ako maloloko at madadaan sa pag-ganiyan mo kaya sabihin mo sa akin, sino ba ang mga nakaaway--"
Bigla niyang tinakpan ang aking bibig at napayuko ako dahil sa kaniyang ginawa. Ano na naman ba ito? Gusto mo na naman ba akong manahimik?
Aba, kanina pa siya!
Bigla na lang dumapo ang aking mga mata sa kaniyang mukha. Hindi ko alam, pero 'yung sugat talaga niya ang dahilan kung bakit nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kung mapapansin ay nagdudugo ang kaniyang sugat sa may bandang panga niya kaya naman hindi ko maiwasang gumitla dahil doon.
Shit! I have to control myself. Hindi ako maaaring maakit sa dugong 'yan dahil delikado!
Wala akong nagawa kundi mag-iwas ng tingin sa kaniyang sugat upang maiwasan ko 'yon. Muli ko siyang nilingon at nakita ko ang mga mata niya na tusong nagdidilim sa direksyon ng University. Sinundan ko 'yung paninitig niya roon at lumaki ang mga mata ko dahil sumigaw ang isang lalaki roon.
"Habulin niyo si Aldrei! Nandoon siya sa kotse! Dali!" sigaw ng isang lalaki kasama ang kaniyang mga alipores na lalaki.
Bigla ko na lang narinig ang malutong niyang mura. Hindi ko batid ang nangyayari, pero nakikita kong hindi siya mapakali sa kaniyang sitwasyon.

BINABASA MO ANG
My Secret Credibility
RomanceSovereign Ladies Series #1: UNDER EDITING She doesn't desirous her secrecy to unite with anyone. She contain a credence, but her intellect was precisely dominated by ardent trepidation. She wondered if it would be appropriate for her to leave alth...