抖阴社区

RED ONE

947 24 6
                                    

SIMULA
_____

Mula sa malayong lugar ng probinsyang HDA:Hermosa na kung saan nakatira ang isang dalagang na pinangalanang Alexandra Santos o mas tinatawag na Alex sya ay isang ulilang lubos inampon na lamang sya ng kaibigan ng nanay niya.

Ayon sa kuwento ng umapon sa kanya na diumano bago malagutan ng hininga ang nanay nito bago sya pinanganak pinagkatiwala sya dito at hindi din nya alam kung saan ang tatay nito dahil wala namang na banggit ang nanay nito bago mabawian ng buhay.

Akala ng dalaga nang magkamuwang sya mundong na kanyang Kinagisnan ay hindi na nya dadanasin ang kalupitan ng mundo at kalupitan ng taong umampon sa kanya .

Mula pagkabata hanggang naging bente dos na ito nararanas niya padin ang pagbuhatan ng kamay ng taong akala n'yang mamahalin sya ng lubos .

Siya lahat ang gumawa ng gawing bahay suma-sideline din siya paglalaba para may extra siyang kikitain at pagbibinta ng gulay sa palengke ang ginagawa nya araw araw para lang matostosan ang bigas at ulam nilang dalawa ng kanyang ina. Dahil mula pagkabata mulat na ito na hindi sya pwedeng walang dalang sentemo o pera na maibibigay dito .

Kahit pagod sa araw araw n'yang gawain ay pinagbubuti nya ang kanyang pagtatrabaho kahit pa't wala na syang makain minsan.

"bakit ito lang!!? asan nayong iba mo pang kinita?" alas syete na ng gabi ng makauwi ang dalaga galing sa pagtitinda nito ng gulay sa palengke, pawisan ang noo at pagod ma pagod.

Nilalakad lang nya kasi kahit malayo para makatipid sa pamasahe hindi naman sya takot kasi madami namang tao ang nakakasama nyang maglakad papunta sa kanilang lugar . Ang iba sa dito kakilala nya o di kaya kapitbahay lang din kaya di sya nababahala .

" y-yan lang po ang kinita ko inay k-asi po matumal po ang bilihin k-kanina kaya hindi po g-gaano na benta ang mga g-gulay na binebenta ko t-tapos sa p-paglala--- "

*pak*

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng dalaga kung saan napaupo ito sa di-sementadong lapag nila. Halos mawalan siya ng ulirat dahil sa lakas na pag ka sampal dito.

" wag mo nga akong pinaglulukong bata ka asan na? pag hindi mo binigay ang kalahati ng kinita mo , malalagot kasa akin " kumuha ito ng sinturon ng Ina ng dalaga at pinulupotlupot ito kahit anong oras pwede nyang ihampas ito sa dalaga.

Takot naman ang namumutawi sa mukha ng dalaga.

" i-inay t-totoo po a-ang s-inasabi ko I-inay . m-naniwala k-ka p-po sa a-akin y-yan l-lang po t-talaga ang- "

"i-inay m-masakit po t-tama na po i-inay" hindi na nataps ni alex ang kanyang sasabihin dahil naramdaman niya na lang ang bahagi ng sinturon sa balat niya halos maubosan ng hininga ang dalaga dahil sa sobrang sakit at hapdi nito .

Ilang beses ginawa ang paghampas sa kanya iyak lang ng iyak ang ginawa ng dalaga at sanggahin lahat ng palo nito.

" itong tatandaan mong babae ka !!! " hinawakan naman ng mahigpit ang buhok nya na parang matatangal ang anit nito.

" pagnaulit pa 'tong ka g*g*han mo hindi lang yan aabotin mo naiintindihan mo? kung di dahil sakin hindi ka mabybuhay tandaan mo yan. " Tumango naman ag dalaga at binitiwan na ang buhok nito at umalis agad palabas ng bahay dala-dala ang perang pinaghirapan niya wala nanamang natira sa kanya.

Iyak at hikbi lamang ng dalaga maririnig mo sa apat sa sulok ng kanilang tirahan .

Kahit hindi mo tignan sa labas ng bahay nila ay mga taong nakiki-usisa sa kalagayan ng dalaga . Kahit naawa man sila at gustong tumulong ay wala din silang magagawa lalo pat ayaw nilang madamay.

RED ((gxg)) REVISED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon