抖阴社区

RED TWO

585 19 0
                                    

Alex

"Alex ? Gusto mo bang mag trabaho may kakilala ako . malaki ang sahod don lebri din tirahan " habang nag aayos ako ng aking paninda ay siya rin ang dating ni Aleng Fe.

" Hoy fe wag mo ngang niloko si Alex pag yan nalaman ng nanay niyan malalagot ka diyan " sabat naman ni aleng fatima. Sila pala ay magkapatid.

" heh! kaya nga gusto Kong tulongan to para makalayo diyan sa nanay niyang bruha na nag papalaki ng tyan sakakainom nitong perang pinahirapan nitong si Alex " sabat naman ni Alex Fe sa Kapatid niya.

" ano alex gusto mo ? " ngayon sa akin na siya nakatingin.

Umiiling-iling ako hudyat na hindi ako pumapayag.

"gustohin ko man po , pero mukhang hindi mo papayag si Inay "

" ay naku, okay lang bugbogin kanon araw-araw dahil Ilang salapi lang ang kinikita mo ? yong nanay mo Alex hindi na bata yon. Kaya ni niya ang sarili niya. Ayaw lang non umalis ay gayong walang sisilbi sa kanya. Tingin ko nga ginagawa ka lang ustosan e, "

" hoy fatima'y yang bunganga mo ha " sigaw ng kapatid nito sa kanya na hindi niya pinansin.

"naku Alex pag-isipan mong mabuti 'to ihja, kung ako lang nasa kalagayan mo , kukunin ko ang appurtunidad na ito para kahit pano makakaahon kami sa hirap. Hindi na ako p-pwede hindi narin ako bata kagaya mo. Sana pag-isipan moto " umalis na ito sa harap ko para bumalik sa pwesto niya.

Hanggang sa nakauwi na ako ay yon parin ang sinabi ni aleng Fe ang pumasok sa isip ko. Nga pala umalis na kanina si Aleng rema papuntang maynila Ilang pilit pa niyang gusto akong sumama pero 'hindi parin ang sagot ko. Iniwan nito ang cellphone sakin para kahit papano kung gusto ko siyang makausap tatawagan ko na lang daw siya.

Pagdating ko ng bahay naka patay ang Ilaw.

Wala pa si Inay?

Binuksan ko ang Ilaw sa sala para ilagay ang mga gamit ko sa paninda.

Tinignan ko kung may saing pa ba pero nag tataka ako nong hindi manlang mababawasan yong sinaing ko kanina. Pinuntahan korin ang niluto kung Isda at ganon din hindi rin nabawasan iyon.

Pumunta ako sa kwarto ni Inay , pero nakitang kung bukas ang pintuan kaya naman pumasok ako doon. Hindi ko nakita si Inay sa loob.

Siguro may pinuntahan siya kanina kaya hindi na siya nag almusal.

Nag linis na lang mona ako ng bahay at pagkatapos ay kumain narin ako. May sobra panaman sa kinita ko kanina at malaki rin ito kaya bumili ako ng Chicken joy na sampong peso. Sobrang sarap talaga nito at gusto-gusto ko ang lasa. Minadali ko ang pagkain ayaw kasi ni Inay na kumakain ako ng ganito.

Matapos kung kumain ay hinugasan ko mona ang aking pinagkainan bago pumanhik sa kwarto ko para mag palit ng damit at makapagpahinga. Bukas kasi tatangap naman ako ng labahan sayang din naman ang kikitain kaya tinanggap konarin.

Baka kako siguro mamaya andito narin si Inay. Hindi rin nagtagal ay nakatulog din ako.

Malalim ang aking pagtulog ng maalimpungatan ako dahil may narinig akong ingay sa labas ng kwarto ko.

"ano ba lebet bakit dito mopa dinala yan ha? pano kung may nakasunod satin ha? Nag-iisip kaba ? " boses lalaki ang aking narinig sa labas.

" hoy carding hinaan mo nga yang boses mo baka may makarining sayo. Kaya nga didto tayo para walang makasunod , gayang natin ang lugar nato at pwede ba tumahimik kana. Andito na oh ? " alam kong boses yon ni Inay.

Hindi naman ako chismosa pero gusto kung makita at marinig ang pinag-uusapan nila. Kaya nilapit ko ang mata sa mga butas dito sa silid ko di kawayan lang kasi ito kaya kita ko parin sino yong mga tao sa labas.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nila kasi nakatalikod sila sakin.

Ganon na lang ang gulat kung makita ang ibat-ibang uri ng alahas na hawak-hawak nila. Nilagay ko naman sa bibig ko ang aking kamay para wag akong makagawa ng ingay.

Kita kopa na palinga-linga si Inay sa gilid nito na animoy pinagmamasdan kong may nakatingin sa kanila. Matapos nilang hatiin ang alahas ay may binulong ang lalaki kay Inay bago umalis. Kinuha naman agad ni Inay ang mga alahas at pumanhik sa kwarto niya. Lumabas agad ito at akala ko papatayin na niya ang Ilaw pero nagtungo ito sa kwarto ko kaya naman lumayo ako rito at bumalik ng tulog para mag tulog-tulogan. Naging maingat ako sa bawat galaw ko para wag ako makagawa na kahit anong ingay.

Ganon na lang ang kabang naramdaman kung binuksan iyon ni Inay ng dahan-dahan. Pumikit ako ng mariin at nag dadasal na sana hindi niya malaman na gising ako.

Laking pasalamat korin na nakadapa akong matulog at nakatungo ang mukha ko patalikod sa pintuan ng silid ko.

Laking ginahawa ko naman na hindi nagtagal si Inay at agad na lumabas. Minulat ko ang mata ko at dahan-dahan na umupo.

Anong ibig-sabibin ng mga alahas nayon ?

Hindi naman sana tama ang aking iniisip hindi magagawa ni Inay iyon gayong kahit ganito kami kahirap hindi niya magawang gumawa na hindi naayon sa batas.

_____

Maaga akong nagising alas kwarto palang hinahanda kona ang mga gagamitin kosa paglalaba pagkatapos kung maglaba ay gagayak narin ako papunta sa palengke.

"Sa mga nag babagang balita Dalawa di umano pinasok ng magananakaw at natangay lahat ng alahas dito sa mansion na pag may-ari ng most reaches in the world ang Pamilyang De la Fortel. Halos lahat ng alahas sa bahay na ito ay nagtangay. Ito ay nag kakahalaga na umabot lang naman sa dalawang bilyong O mas higit pa. Nakita natin kanina ang pagdating ng anak ng mag-asawang De La Fortel na namatay din umano sa pagnanakaw ,nakita ang mag-asawa na puno ng sak-sak at hindi namakilala ang mukha dahil tinadtad di umano ito ng sak-sak na mahigit Dalawa pong beses. Kinuhaan natin ng statement ang anak ng mga De la Fortel subalit tinggihan nito ang sumagot ayon naman sa nakalap nating Impormasyon ay dalawa o tatlo ang pumasok at nakuhaan ng CCTv ang dalawa di umano sa nagnakaw ay hindi katangkaran at medyo malaki ang katawan. May nakita naman ang ating pulisya na babae daw ang Isa sa mga kasama nila sa ngayon pinaghahanap sila ng polisya maari daw andito rin sa lugar nato ang suspek. Ayan mona ang aking ulat nagbabalita Joyce Ann Reyes "


Halos mabitawan ko ang aking dalang planggana ng marinig ko ang balitang iyon.

" ay naku naman sa mga De La Fortel patalaga sila nagnakaw. Ay..ang masasabi ko lang minaaga niyo ang hukay sa sarili niyong libingan. Tsk. Hindi talaga nag-iisip ang mga magananakaw nato . Tamad. " Napailing-iling na lang si mang Damian habang nag basa ito ng dyaro at nakiking ng radio.

Nag lakad na lang ako papunta kila Aleng marsing para maglaba may tatlo akong labahin ngayon kaya alam kong mapapasubo ako.

" Jusko po ,parang kamukha ni lebet to ha ?Hindi ba siya ito? . Alex ijha tignan mo nga kakong si lebet ito " tumayo si mang Damian sa inuupoan nito at lumapit sakin kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Sana hindi si Inay Iyon.

Ganon na lang ang gulat kung makita siya iyon. Kagaya din ang suot niya sa picture at ang suot niya kagabi.

" diba Tama ako ? si nay lebet mo to ? " habang nakaturo pa sa mukha ni Inay ang daliri nito.

Hindi ako sumagot at daling-daling nag lakat palayo sa kanya.

" Teka alex " Hindi ko na siya pinansin at agad na umuwi sa bahay. Gusto kung makausap si Inay.

___UNEDITED__

Hello po. Huhu!

RED ((gxg)) REVISED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon