抖阴社区

                                    

Tuluyan na siyang tumabi sa akin sa carpet. Pasalampak siyang umupo sa tabi ko. Pasimple naman akong napaurong dahil napadikit sa akin ang hubad niyang balikat. Wala lang, nakaka-eskandalo lang.


Nang bumalik ako sa kotse niya kanina ay nagkabati na kami. Hindi niya na ako inaasar. In fact, ang bait niya habang buma-byahe kami, hayun hindi ko tuloy namalayang nakapag-kwento na ako sa kanya. Ikinwento ko ang lahat sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung nakikinig ba siya dahil wala siyang imik habang nagkukwento ako. Wala man lang siyang payo sa akin pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob. Pero okay na rin, kasi gumaan ang pakiramdam ko matapos kong magkwento kanina.


"Hindi ka pa ba uuwi?" mayamaya ay tanong niya.


Napailing agad ako. "I can't go home."


"You have to." Sinulyapan niya ang photo nina Dad at Deserri sa screen ng laptop. "Malamang hinahanap ka na niyang erpat mo ngayon."


"Mukha bang hinahanap niya ako?" Itinuro ko ang photo sa screen. "This photo was posted five minutes ago."


"Still, you have to go home. Alangan namang mag-stay ka rito sa condo ko. Ibu-book na kita ng Grab, okay?"


"Ayaw!" Napanguso ako.


Narinig kong napabuntong-hininga siya. Hindi ko rin siya masisisi kung mainip siya. Ang boring ko naman kasing kasama. 'Tapos obvious na hindi pa ako naliligo. Naka-pajama pa nga ako. Pero kahit na, no? Bakit niya ako dinala rito sa condo niya kung pauuwiin niya rin agad ako? Ang labo!


"Why are you doing this?" mayamaya ay tahimik na wika niya. "Bakit ka nagrerebelde?" Napakamot siya.


"Pagre-rebelde ba ang ginagawa ko?" Lumabi ako sa tanong niya. "Nag-aalala lang ako para kay Dad. Narinig mo naman ang kwento ko kanina, di ba? Malakas ang kutob ko na manloloko iyong Deserri na iyon. Natatakot lang ako na masaktan sa huli si Dad."


Hindi lang si Dad ang inaalala ko, kung hindi pati si Mudra. Dahil nasasaktan ngayon ang stepmom ko dahil sa padalos-dalos na desisyon ni Dad. Ang gusto ko lang naman ay magkaayos sila. Hindi man sila ang magkatuluyan sa huli, sana ay maghiwalay sila nang matiwasay. Ang gusto ko rin ay ang maging maliwanag ang isip ni Dad sa mga bagay-bagay.


"Are you hungry?"


Napangisi ako sa tanong niya. "Manlilibre ka?"


Nagusot ang matangos niyang ilong. "Charge sa utang mo sa akin."


"Kuripot!" Natawa ako pero pumayag na rin. Gutom na kasi talaga ako.


Um-order siya ng softdrinks and BBQ chicken wings online. Iyon ang pinapak namin habang ini-stalk namin ang FB account ni Deserri. Gabi na nang magsawa at huminto kami.


Topless pa rin pala siya kahit mas malakas at mas malamig na ang AC ngayon. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang matinding lamig. Naka-jeans lang siya at painom-inom pa ng cold water mula sa mineral bottle, samantalang ako rito ay nakabaluktot na sa pagkakaupo.

When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon