抖阴社区

Kabanata XI

46.5K 3.5K 416
                                    

I NEEDED A SHRINK!

There was no vampire in real life. Lalong hindi nage-exist ang tulad ni Cross na nakakabasa ng isip. Walang ganoong tao. Pero kung hindi iyon totoo, paano tumutugma ang mga sinasabi niya sa laman ng isip ko? How can I ignore the thought that he can really read my mind?

Maybe Mudra was right. Baka kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor. Lumalala na ako. May mga bagay na hindi totoo pero nagiging totoo sa akin. Naguguluhan na ako. Hinanap ko si Mudra sa buong bahay. Kailangan ko siya. Kailangan niya akong mai-book ng appointment kay Dr. Framis, my psychiatrist.

I found Mudra on the veranda. She was with Dad and they were having a conversation. Kulay puti na long maxi dress ang kanyang suot at maayos ngayon ang kanyang buhok. Natigilan ako at nagdalawang isip kung tatawagin siya. Ito ang unang beses na nakita ko silang nag-uusap nang ganito ka-intimate, parang ayaw kong makagulo sa kanila. Lalo na at nakikita ko sa mga oras na ito ang saya sa mukha ni Mudra.

Paalis na ako nang mapalingon si Mudra sa akin. "Embry?"

Huli na para pigilan ko siya, nakapag paalam na siya kay Dad para lapitan ako. Humakbang siya palapit sa akin.

"Is something the matter, honey?" tanong niya.

Bumagsak ang aking balikat nang makitang umalis na rin si Dad sa veranda. Mukhang naka-istorbo talaga ako sa kanila.

Hinarap ko si Mudra. Since kausap ko naman na siya ngayon, I might tell her na rin about my problem. Hinila ko siya papunta sa kwarto ko, at nagpahila naman siya.

"What is it, honey?" Tinabihan niya ako ng pagkakaupo sa gilid ng aking kama.

"Do I really need to see a doctor, Mudra?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Why? What happened? Don't tell me nadagdagan na naman ang imaginary friend mo? Ano? May third party na ba?"

Lumabi ako. "Mudra naman e..." Though I know na pinapatawa niya lang ako. Kapag kasi seryoso ako at may problema, pinipilit niya akong pasayahin. Kapag happy na ako, saka na namin pinagpa-planuhan kung paano malulutas ang problema ko.

"I'm sorry, honey. So bakit mo ba nasabi na kailangan mo ng doktor?" bakas sa tono niya ang pag-aalala.

Nakonsensiya naman ako. She should be happy pero heto at pinag-aalala ko siya. Dapat nandoon lang siya kay Dad at dinadamayan ang lalaki. Umiling ako. "Nothing, Mudra. Naisip ko lang kasi na baka I need a doctor na."

Pinakatitigan niya ako nang mataman para timbangin kung nagsi-sinungaling ako.

"I'm okay, Mudra." Sinikap kong ngumiti. "By the way, how are you and Dad? Nakita ko na nag-uusap kayo. Just like before, parang bumalik ang friendship niyo."

Ngumiti rin siya. "Yes. Hindi na ulit siya umiiwas sa akin. Nag-sorry na rin siya sa pagdadala niya ng babae rito sa mansiyon. Sinabi niya na ginawa niya lang iyon dahil hindi niya na alam ang gagawin pa sa pagsasama namin."

Kinuha ko ang kamay ni Mudra at magaang pinisil. "Hindi niya maamin sa kanyang sarili na mahal ka niya. Kahit wala na si Mommy ay para sa kanya, ikaw pa rin ang best friend ni Mommy. Iniisip niya na kasalanang pinagbigyan ang tunay niyang nararamdaman para sa 'yo."

Bumuntong-hininga si Mudra. "Kahit naman ako ay sinikil ko rin ang feelings ko sa kanya. Ilang taon din akong natakot na mahalin siya. Nakuntento lang ako sa mga nakaw na kilig moments namin habang lumalaki ka. Pero ngayon, handa na akong panindigan ang tunay kong nararamdaman para sa dad mo, Embry."

When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon