抖阴社区

Kabanata XVI

46.7K 3.4K 1K
                                    

BLUE ELISEO II WASN'T THAT BAD, THOUGH.


Actually, he was a good catch. He was very attractive, rich, and smart. Matinong anak at estudyante rin. Bagay kami. Iyon nga lang, hindi ko siya type. Never naman akong na-attract sa mga naging schoolmates ko, kahit gaano pa sila kaguwapo.


Hindi ko rin ma-imagine ang sarili ko na magkaka-boyfriend sa school dahil nga sa taken na ako—taken by my imaginary boyfriend, my perfect love, Cross.


Ngayong wala na ang imaginary boyfriend ko, pwede na sana akong mag-try na magpaligaw or pumasok sa isang tunay na relasyon, but unfortunately... I was now married.


Married to the real Cross.


Kahit pa hindi normal ang pagiging mag-asawa namin ni Cross, kasalanan pa rin na tumanggap ako ng suitor. Ang kaso kahit binasted ko si Blue kagabi ay tutuloy pa rin daw sa panliligaw. Matagal na raw kasi niya akong gusto. Hanggat wala pa raw akong boyfriend, hindi niya ako susukuan.


Maybe I'm gonna tell Blue na lang about my situation. Kung seryoso siya talaga sa akin, maghintay na lang siya until—


Wait! Natigilan ako. No, I must not tell Blue pala! Walang dapat na makaalam kasal na ako kay Cross. Hindi naman pangmatagalan ang kasal namin kaya ayaw ko sanang may makaalam pa.


Napaisip tuloy ako sa aking sitwasyon. Nakatali na nga ako sa wheelchair dahil hindi ako makalakad, nakatali pa ako sa kuripot at rude na bampirang iyon. Mula sa aking pagkakaupo sa kama, inabot ko ang isang bell na nakapatong sa drawer malapit sa headboard. Pinatunog ko ito.


Mayamaya lang ay bumubukas na ang pinto at pumapasok na si Cross sa loob ng kwarto ko. "What is it this time?" Parang gusto na niyang magreklamo.


KARGAHIN MO KO AT DALHIN MO KO SA ENTERTAIMENT ROOM. GUSTO KONG MANOOD NG TV, kausap ko sa kanya sa isip.


"What? May TV ka naman dito sa kwarto mo." Nakasimangot na siya.


GUSTO KO SA ENTERTAINMENT ROOM DAHIL MAS MALAKI ANG TV AT MAGANDA ANG SOUNDS DAHIL SOUNDPROOF.


"Pero kakakarga ko lang sa 'yo pabalik diyan sa kama mo," may gigil na sa tono niya.


Pigil ang pagngiti ko. Kakautos ko nga lang kasi sa kanya na ibalik ako rito sa kama. Kanina kasi ay nagpakarga ako papunta sa garden dahil gusto kong magpahangin. Pagkatapos sa garden, nagpakarga naman ako papunta sa sala para tumulala. Nang ma-bored na ay nagpakarga ako sa kanya pabalik dito sa kwarto ko.


At ngayon nga ay inuutusan ko ulit siyang kargahin ako para dalhin sa entertaiment room. Ganito ako alagaan ng mga helpers na pinagtatanggal niya. Since wala na ang mga ito, no choice siya kundi siya ang mag-alaga sa akin.


"Why don't you use your wheelchair?" Inginuso niya iyong wheelchair na nakaparada malapit sa akin. "May wheelchair escalator sa hagdan, you can use that!"


NOPE. GUSTO KO, KARGAHIN MO AKO.


He scrunched his pointed nose.


FINE. ITE-TEXT KO NA ANG MGA HELPERS NA TINANGGAL MO PARA PABALIKIN SILANG LAHAT DITO—


"Fine, kakargahin na kita." He scooped me up and suddenly I was pressed against his hard chest.


Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang entertaiment room. Inilapag niya ako sa gitna ng leather sofa na naririto. Parang kamuntik na niya akong ibato.


When I First Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon