Chapter 17: His
"BAKIT ang tagal niyo? Kanina pa kayo hinihintay ng sports club," may inis na pambungad na tanong sa kanila ni Brale ng makapasok sila sa loob ng music room.
Napatigil sila sa paglalakad at masayang pag-uusap dahil doon at may pagtatakang tumingin sa binata na ngayon kunot na kunot na ang noo. Lihim namang napakagat labi si Leafia dahil sa inis na mukha ng kaharap. Natatakot siya sa mga susunod na sasabihin o gawin ni Brale kapag naiinis ito.
Kilala niya ang binata dahil minsan na rin naman niya itong nakasama at nagin kasintahan. At kahit na nagkalayo sila ng dalawang taon, kilalang-kilala niya pa rin ang binata dahil kahit na anong tago nito ng totoong nararamdaman ay alam niya kung ano ang totoo.
Pero bakit hindi mo nalaman noon na niloloko ka naman pala niya kung kilalang kilala mo siya? Pagsabat ng isip niya na agad naman niyang sinuway.
"Tumulong na kami sa kanila kanina kaya natagalan kaming bumalik dito," seryoso ang boses na wika ni Jimmy sa tabi niya. "Magpapahinga lang kami saglit at mag-eensayo na kami para sa mga kantang kakantahin namin."
"Tumulong o naglaro pa kayo sa mall?" Hindi naitago ni Brale ang sakit sa boses niyang direktang tanong kay Leafia na natigilan na naman sa paglalakad dahil sa narinig. "Kaya kayo napagod. Tama ako, 'di ba?"
Akmang hahakbang pabalik si Jimmy ng agad niya itong pinigilan sa braso kaya hindi natuloy ang balak nitong pagsagot kay Brale na nakakuyom na ngayon ang kamao. Napabaling naman si Jimmy kay Leafia at may nagtatanong na mga mata kaya nginitian niya ito ng tipid at umiling na agad namang naintindihan ni Jimmy.
"Jam, don't," mahina at marahan ang boses niyang pagpigil kay Jimmy na napabuntong hininga na lang. "Let's go?"
"Okay." He felt defeated and he obeyed what she wants. That's him, being crazy for her. Just one word and he'll do it kahit na labag man iyon sa loob niya.
He wants to understand her, to make her feel special and he wants her, for his self. Kaya gagawin niya ang lahat para mapunta sa kanya ang dalaga. By hook or by crook. And he knows that he already owns her two years ago.
Nagpapasalamat si Leafia ng sumunod sa kanya si Jimmy pero bago pa siya tumalikod, lumabas ang mga salita sa bibig niya na alam niyang pagsisisihan niya sa huli.
"It was none of your business, Brale. And besides, I enjoyed his company." At hinila na niya sa braso si Jimmy na agad namang nagpahila sa kanya.
Para namang binagsakan ng langit si Brale dahil sa mga narinig na hindi niya inaasahan. He didn't expect that she'll say those words coldly at him. Ang sakit ng puso niya dahil sa parang wala ng pakialam sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya. Ayaw man niyang aminin, gusto niyang magwala at umiyak at magmakaawa para lang bumalik ito sa kanya dahil para na siyang mababaliw sa kakaisip na unti-unti ng nawawala sa kanya ang dalaga.
Nakatiim bagang siyang malalaking mga hakbang siyang lumabas ng music room dahil baka hindi niya makontrol ang sarili at mapagbuhatan niya ng kamay ang lalaking gustong umagaw ng sa kanya. Pero kanya pa ba ang dalaga kung iniwan niya naman ito noon ng magmakaawa rin ito sa kanya?
"You calm now?" nakapameywang na tanong niya sa binata na nakaupo sa high chair at nakayuko. "Hayaan mo na lang kasi siya. Wala ka namang mapapala kapag pinatulan mo 'yon."
Walang sumagot sa kanya o kahit na pag-angat ng ulo ay hindi nito ginawa na ikinailing na lang niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago naglakad palapit sa binata na wala pa ring imik habang nakayuko.
"Jam..." patawag niya sa nickname niya rito. She didn't know why she wants to call him that but she only knows one thing, that she likes jamming with him. "Look at me." Pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mula rito.

BINABASA MO ANG
Amazona 1: Leafia De Silva √
Romance"It was the only way to conceal my heart from the pain that you'll cause to me." Amazona Series Book 1 (COMPLETED!) √ WARNING! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Tagalog-English story credits to the rightful owner of the photo -C.B./courageousb...