ENJOY READING!
Chapter 18: Mine
ILANG ARAW na ang lumipas mula noong nagkausap sila ni Nadia tungkol sa mga nangyayari sa mga buhay nila. Mga problemang alam nilang sila lang ang makakatapos at makakabigay ng solusyon.
Leafia wasn't in herself. Natutulala at parang hindi alam kung ano ang dapat na maisip at maramdaman. She always space out and she was in her own world like she was in oblivion.
Dahil sa nakikitang kalagayan ng dalaga, nag-aalala na ng lubusan si Jimmy. Hindi siya mapakali at gusto na niyang tanongin ang dalaga kung bakit ito nagkakagano'n pero ayaw naman niyang manghimasok dahil sino ba naman siya sa buhay nito? He's no one to her, a total stranger that claims her as his.
Gusto na niyang makita ang mga ngiti nitong kahit na alam niyang pinipilit at peke ito minsan. Gusto na niyang makitang nasa sarili niya ito at hindi natutulala tulad na lang ngayon. He wanted to see her smile again, the smile that can brighten up his day.
Dahil dalawang araw na lang ay magsisimula na ang event ng University kung saan sa unang pagkakataon ay bubuksan sa publiko at magpapapasok ng ibang tao maliban sa mga estudyante, mga guro at staff ng nasabing University.
Nang hindi na niya talaga napigilan ang sarili, hinawakan niya ang kamay ni Leafia na dahilan para mapatingin sa kanya ang dalaga na walang emosyon ang mga mata. He smiled at her to comfort her pero parang wala lang iyon sa dalaga.
"You okay?" marahan at malamyos ang boses niyang tanong kay Leafia kahit na alam naman niya ang sagot sa tanong niya pero sinubukan pa rin niya kung ano ang magiging sagot nito sa kanya. "Leafia?"
"Yeah?" Pati ang boses nito ay wala ring emosyon na ikinabuntong hininga na lang ni Jimmy.
Hindi niya alam kung ano pa ang dapat na sabihin sa pinapakita ng dalaga sa kanya. The last time they talked, she wasn't like this. She was happy and she had sing for him to smile. At iyon ang gusto niyang gawin pero paano? She wasn't in herself now, he doesn't know her well. Does he really know the real her?
"Rehearse na tayo?" pag-iiba niya ng usapan dahil parang hindi na siya naging komportable sa nangyayari sa dalaga. "O kung gusto mo, punta tayo sa lugar na makakapag-isip ka muna ng maayos?"
Kumunot ang noo ni Leafia dahil sa huling naging tanong ng binata sa kanya. "Maayos naman ako ah?"
"You sure?" may pag-aalala sa boses niyang tanong ulit kay Leafia. "The last time I check, you were in oblivion."
"I was?"
"Uh-huh. Not until you talked to me." Kibit ang balikat na tugon ni Jimmy na dahilan para mapasuklay ng buhok si Leafia para pakalmahin ang kanyang sarili. "May problema ba?"
Alam man ni Jimmy na parang nanghihimasok na siya sa naging tanong niya pero gusto niyang malaman kung ano ang nasa isip nito, nang sa magawan niya ng paraan kung paano ito i-distract para kahit papaano ay bumalik ito sa dating sarili.
Ilang minuto na silang nagtitigan hanggang sa umiwas ng tingin si Leafia kay Jimmy at bumuntong hininga ng malalim. Jimmy pursed his lips to refrain his self from asking her again. Alam niyang ayaw pag-usapan iyon ni Leafia kaya tumayo siya kaya napatingala ng nagtataka si Leafia.
"Saan ka pupunta?" may pagtataka sa boses nitong ani na hindi naman sinagot ni Jimmy saka hinatak siya patayo.
Hindi na umangal pa si Leafia at nagpahatak na lang sa binata sa kung saan man siya nito dadalhin. Habang hawak-hawak ni Jimmy ang kamay niya, nakaramdam siya ng kapayapaan at parang nawala ang lahat ng mga nasa isip niya.

BINABASA MO ANG
Amazona 1: Leafia De Silva √
Romance"It was the only way to conceal my heart from the pain that you'll cause to me." Amazona Series Book 1 (COMPLETED!) √ WARNING! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Tagalog-English story credits to the rightful owner of the photo -C.B./courageousb...