抖阴社区

Kabanata 18

308 7 0
                                        

Kabanata 18

Umiwas ako ng tingin.

I am a family to him. A family.

Noong una, sina Floyd ang tumanggap sa akin at sinama sa pamilya nila. At ngayon, si Matthan...

"Sabay na tayo uuwi," sabi ni Matthan nang hindi ako nagsalita ng ilang minuto.

Natauhan ako. "A-Ah, sige."

"Floyd sama ka na sa amin." Bumaling si Matthan sa kanan ko. Bumaling din ako at nakitang papalapit na si Floyd.

Nakakunot ang noo ni Floyd nang lumapit sa amin. Narinig nito ang sinabi ni Matthan pero hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Huh? Saan?" tanong ni Floyd at tumabi sa akin.

"Umuwi. Sama ka na sa amin ni Inez. Hintayin niyo lang ako rito at magbibihis lang ako," sambit ni Matthan.

Suot pa nito ang jersey ng school. Hindi ko mapigilang ang paglandas ng mga mata ko sa katawan ni Matthan. Ang mga braso nito'y malusog, kitang-kita dahil naka-sleeveless na jersey ito. Merong curves. Makinis ang balat nito. At kahit na nakalapit ito sa akin na puno ng pawis he doesn't smell bad. He smells still fresh.

"Ay, ano ba kayo. Kayo na lang. Mauuna na ako ngayon. Sasakay naman kasi ako sa tricycle, e. Kaya kayo na lang," si Floyd.

Sumulyap ako sa kanya at todo ang ngiti nito. He even wiggled his eyebrows.

"You sure? I won't mind you coming with us," pilit pa ni Matthan.

"Ano ba. Sigurado ako. At isa pa, kukunin ko rin si Faye sa school nila. May trabaho pa si Nanay, e."

"Oh, okay."

"Sige, alis na 'ko. Ingatan mo 'tong si Eva, Matthan, ah," sambit nito Floyd at mahina pang tinampal ang braso ni Matthan.

Natawa nang mahina si Matthan at tumingin sa akin.

"S'yempre naman. Mahalaga 'to sa akin, e," sabi nito na hindi maalis ang titig sa akin.

Mas lalo akong naging tahimik. Floyd said his goodbyes to us while me is still cemented on my place.

"Hey," lumapit si Matthan sa akin nang tuluyan nang naka-alis si Floyd.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"H-Huh?"

He smiled. "Sit on the bleachers while you wait for me to change."

Bumaling ako sa likod ko. Napalunok nang makita na marami pa ring tao roon.

Binalik ko kay Matthan ang tingin at yumuko.

"N-Nahihiya ako... Ang dami nila," nanginginig ang boses na sabi ko.

Matthan chuckled lightly. He took steps forward. Casually, he swings his hand to meet mine who's busy sweating because of nervousness.

"Come with me. Sa labas ka lang ng banyo. Hindi marami ang tao roon. You won't get uncomfortable there."

Wala akong naisagot kundi tango. Matthan gently pulled me to his side. We walked side by side while Matthan was still not letting go of my hand.

Nakarating kami sa harap ng changing room ng mga athletes. Tumigil si Matthan sa harap ng plywood na pinto. Pinaatras ako nito sa gilid at inilayo sa daanan.

"Dito ka lang. Hintayin mo 'ko, okay?"

Tumango ako. "Oo."

Pagkatapos ko sabibin iyon ay binitawan na ni Matthan ang kamay ko. Pero bago niya tuluyang bitawan pinisil muna niya iyon at ngumiti sa akin.

In The Darkness (Lacson Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon