Kabanata 41
"Why did you keep on glancing outside?" Floyd asked.
Nasa parking lot pa rin kami. Floyd was maneuvering his car out of the building. Hindi ko pa rin inalis ang mga mata sa pagtingin ng mga kotse sa labas dahil baka makita ko siya.
Hindi ako nakapag sabi. Hindi ko rin alam. Baka nandoon na siya sa floor namin. Maybe he's already waiting for me. Or maybe, he's looking for me.
"Ah, wala." I said and glanced at him.
"Baka may hinihintay ka..."
Alanganin akong natawa nang mahina. Iniling ko ang ulo. Pinaglalaruan ko ang mga daliri sa hita at hindi tinapunan ng tingin si Floyd. "W-Wala."
He became silent as we got out of the building. Hindi na ako tumingin muli sa labas. I was just expecting that he wouldn't wait long for me.
Nakarating kami sa subdivision kung saan ang bahay nina Floyd.
Sumunod sina Aling Helena at Faye sa amin pagpunta rito sa Iloilo. Mahirap kay Floyd noong panahon na 'yon dahil pinagsasabay niya ang pag-aaral at trabaho. Katulad kami ng ginagawa pero ang kanya ay may tuition pa siyang pinoproblema at pamilya.
Kahit naman anong pigil ko sa kanya na huwag akong sundan dito sa Iloilo, ayaw niyang mag pigil. He doesn't want me to be alone here. Ayaw niya at gusto niyang nasa malapit lang siya.
Nahirapan din siya sa paghahanap ng boarding house dahil minsan ang kinukuha ng mga boarding house rito ay isang tao lang. Nang sumunod sina Aling Helena, umalis si Floyd sa tinutuluyan namin na boarding house at naghanap ng iba.
Doon kami nawalay sa isa't isa. Minsan nagsasabay na lang sa eskuwelahan kapag lunch. Busy siya sa as a civil engineering student at busy rin ako dahil maraming ginagawa na plates.
Napangiti ako at tanaw na tanaw ang naipundar na bahay ni Floyd. He's really successful. Mataas na ang nakamit niya. Puwedeng-puwede na nga na magkaroon ng girlfriend pero parang wala pa naman sa isip ni Floyd iyon. But I hope he can find someone else who can take care of him. He deserves someone too.
"Ate Eva!" sigaw ni Faye nang makapasok na kami sa bahay nila. She hugged me tightly before I could even pass their threshold.
"Faye," mahina ang boses na bati ko rito.
Hinagkan ko rin siya. Mahigpit na yakap dahil matagal na rin simula no'ng huling kita ko sa kanya. Lumaki si Faye. Dalaga na dalaga at maganda.
"Faye?! Nandyan na ba ang Kuya mo?" sigaw ni Aling Helena. Siguro ay nasa kusina ito.
Umalis sa yakap ko si Faye. Sinilip niya ang Mama niya at sumigaw din. "Oo, 'Nay!"
"Ay nako! Evangelina!" Tinutuyo ni Aling Helena ang kamay habang palabas ito ng kusina. She smiled when she saw me. Binuklat nito ang braso para sa isang yakap. Masaya ko naman itong tinanggap.
"Kumusta po kayo rito, Aling Helena?" tanong ko nang makalaya ako sa mahigpit na yakap nito.
"Ayos naman. Ikaw? Kumakain ka pa ba? Ang payat mo!"
Narinig ko ang pagkalansing ng susi. Lumingon ako sa likod at nakita na pumasok na rin si Floyd sa bahay nila. He went directly to Aling Helene and kissed the back of her palm. Sunod nitong hinalikan sa tuktok ng ulo si Faye.
"Pinagsabihan ko na nga iyan, 'Nay. Hindi nakikinig sa akin kaya ayan," si Floyd.
"Ay dios mio! Sinabihan na kita na dapat mong dalhan si Eva ng ulam sa opisina nito!"

BINABASA MO ANG
In The Darkness (Lacson Series #3)
RomanceRare. One in a million ika nga nila na magsilang ang isang babae sa kambal na anak na magka-iba ang tatay. Mahirap paniwalaan pero gano'n ang nangyari kay Evangelina Inez. She was the illegitimate daughter of the Figueroa of Iloilo. Iba ang tatay ni...