抖阴社区

                                        

"Okay lang po ako, Aling Helena. Ano lang po… Busy lang po at marami akong ginagawa kaya minsan nakakalimutan kong kumain," pagdadahilan ko.

"Anong minsan? Parati kaya," bulong ni Floyd. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, siya. Tara na sa kusina at kumain. Siguradong gutom na 'to si Eva."

Nang dahil sa walang tigil na pagkukuwento habang kumakain, nalimutan ko si Matthan. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Napapangiti pa rin ako kahit na nasa kuwarto na dahil ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Busog at masaya talaga dahil... it feels like home. Na makasama ang mga taong mahalaga at pinapahalagahan ako. It brings comfort to my never-ending thoughts and to myself.

"Wala ka na bang gagawin? Do you want to watch movies with Faye? Puwede ko siyang ayain?" si Floyd. Nakatayo ito ngayon sa labas ng pinto ng kuwarto.

Hindi maalis ang ngiti sa labi, umiling ako kay Floyd. "Hindi na. Baka matulog nang maaga si Faye. Okay na ako rito at maaga mo rin akong ihahatid sa building namin."

Tumango si Floyd at yumuko ng ulo. "Okay. Good night, Ev."

"Good night, Floyd. Thank you," I whispered.

He nodded his head and finally closed the door.

I changed into my pajamas when I lay down in bed. Hindi agad ako nakatulog dahil nag-iisip pa ako. My eyes were fixed at the ceiling. I kept myself busy with my hands above my stomach.

I sighed and finally gave up. Tumayo ako at lumapit sa pinag lalagyan ko ng bag. I don't know if he did something. But I want to make sure things before I sleep. Dahil sigurado akong hindi ako makatulog ng maayos kapag hindi masagot ang katanungan na umiikot sa isipan ko.

Inayos ko ang higa pagbalik sa kama. Hindi ko muna binuksan ang cellphone ko. Nang maayos na ang higa at nakahinga ulit ako nang malalim ay doon ko lang binuhay ang cellphone ko.

My hands started to tremble when I saw a notification. It was a text message from an unknown number. Gano'n na lang ang kaba na naramdaman ko. My hands were sweating as I tapped the notification.

Unknown Number:

You were not on your floor when I got there earlier. Someone told me that someone picked you up. But still, you drank the coffee I gave so it is already enough. Have a rest, Nez. I'm going to see you tomorrow.

Nanginginig ang labi nang kinagat ko iyon. He called me 'Nez'. The nickname he gave to me years ago. I smiled. This is already enough. Hindi ako nag-reply sa text ni Matthan. I soundlessly leave my phone on the bedside table and let sleep eat me.

Kinabukasan maaga akong nagising. Floyd drive for me to the C.I Architectural Firm's building. Maaga pa dahil malayo ang building ni Floyd sa amin. Kailangan niya pang umikot para makapunta sa building nila.

"Thank you," sambit ko at dinukwang kaunti ang ulo. Nasa labas na ako ng sasakyan niya at nasa tapat driver's seat. Hindi ko na siya hinayaan na bumaba pa at ihatid ako sa elevator dahil kakainin lang n'yon ang natitirang oras ni Floyd.

Floyd gazed at the paper bag I'm holding. "Don't forget the meal, okay?"

Tinaas ko ang binili niyang pagkain para sa akin at ngumiti. "Thank you rin dito."

He nodded. "I'll go now. Have a good day, Ev."

"Ikaw din." Kinaway ko ang kamay habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Floyd. Nang hindi ko na 'to makita, tumalikod na ako at tinungo ang elevator.

Pero bago ako makapasok ng tuluyan sa loob, may humila sa akin. His gripped was hard on my arm. Pilit kong inalis ang kapit nito pero ayaw magpakawala ng kamay niya.

In The Darkness (Lacson Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon