"Shoes"
Tahimik akong nag-aabang ng jeep sa paradahan ng Magsaysay. Iniisip kung paano ako makaka-survive dito sa Benguet. Ito ang unang beses na malalayo ako sa aking pamilya na nasa Zambales. Ayoko man pero hindi naman ako puwedeng tumanggi sa oportunidad na makapag-aral sa isa sa mga kilalang Unibersidad dito sa Cordillera. Dagdag pa na nag-ooffer ng free tuition ang Benguet State University kaya allowance at renta nalang ang iisipin nila Mama at Papa.
"O sakay na, sakay na! Buyagan! Buyagan!" ani ng tsuper ng jeep.
Minadali ko ang pagsakay sa jeep para maka-puwesto sa pinaka-dulong parte nito sa tabi lang ng pintuan. Bukod kasi sa hindi ako pamilyar sa lugar ay gusto ko lang pumwesto doon para iwas sa pag-abot ng bayad at sukli. May dala pa naman akong malaking bag sa aking kandungan. Habang nasa byahe ay napapatingin ako sa mga pasahero. Lalo na kapag naririnig ko ang kanilang salita na pamilyar naman sa akin pero konti lang ang alam ko.
"Bayad da!" (Bayad nila) sabay abot ng bayad sa isa pang pasahero.
Napaisip ako. Ganoon pala ang paraan nila para magbayad. Ibang iba sa lugar na kinalakihan ko na puro tricycle lang madalas ang gamit para sa transportasyon. Ilang sandali pa ay huminto ang jeep sa isang mall. Nagsibabaan ang ilang pasahero at may mga sumakay din naman.
Gayon na lamang ang inis ko ng biglang natapakan ng huling pasaherong sasakay sa jeep ang puting sapatos ko. At lalo pa akong nainis dahil ni hindi man lamang ito humingi ng sorry! Tumikhim ako at pilit na pinupunasan ang aking sapatos na ngayon ay madumi na.
Matalim na tinitigan ko ang walanghiyang lalaki na tumapak sa sapatos ko. Nakasuot ito ng gray na hoodie jacket, black pants at white shoes. Hindi ko gaanong napansin ang kanyang mukha dahil bukod sa malabo na ang mata ko ay may kalayuan din siya sa akin. Hindi pa din maalis ang inis ko dahil sa nangyari, hindi man niya sinasadya pero ano man lamang yung simpleng "sorry".
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang inis ko at nag focus sa pagtingin sa daan. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang Public Market ng La Trinidad kaya naman hudyat na ito na malapit na ako sa apartment na aking tutuluyan. Bago pa man kasi ako nagpunta dito ay nakapaghanap na sila Mama ng matutuluyan ko sa tulong ng kanyang kaibigan na taga dito lang din.
"Manong para po!"
Bumaba na ako ng jeep at kung minamalas ka nga naman, kasabay ko pa itong lalaking tumapak ng sapatos ko. Tinignan ko siya ng masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay at tuluyan ng tumawid sa kalsada.
Antipatiko! Akala mo naman kung sinong gwapo! Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at mabuti nalang ay hindi ko na nakita ang lalaking iyon.
Hawak ang cellphone ko kung saan nakalagay ang address ng apartment na aking tutuluyan, nagtanong tanong ako sa bawat tindahan na aking nadadaanan.
"Magandang hapon po! Alam niyo po ba kung saan banda ang address na ito?" sabay pakita ng cellphone.
"Diretsuhin mo lang ang daan na ito iha, tapos may makikita kang laundry shop. Lumiko ka sa kanan ng kantong iyon, may makikita ka namang grocery store. Sa tapat non ay may malaking gate na red, doon na iyon iha."
"Maraming salamat po!" ngumiti ako at nagpaalam na sa tindera.
Mag-aala dos na ng hapon pero hindi pa din ako nakakakain. Gutom na ako kaya minadali ko na ang paglalakad. Nakita ko naman agad ang apartment na tutuluyan ko. Pumasok ako sa gate dahil bukas naman ito. Luminga linga ako at mabuti na lamang may isang matandang lalaki na nagkukumpuni ng kanyang sasakyan.
"Magandang hapon po! Magtatanong lang po sana ako."
Tumigil sa pagkukumpuni ang lalaki at hinarap ako.
"Ano yon neng?" tanong nito.
"Alam niyo po ba kung saan makikita ang may-ari ng building na ito? Bagong tenant po kasi ako."
"Sa pangatlong palapag, nandoon ang care taker ng building na ito. Sa kanya ka na lamang magtanong neng."
Tumango at nagpasalamat na sa matanda.
"Salamat po."
Dumiretso na ako sa ikatlong palapag. Iniwan ko muna ang mga gamit ko sa first floor dahil pagod na din ako. Kumatok ako sa pulang pintuan na una kong nakita sa palapag na iyon. Agad naman itong binuksan ng isang babae. Tingin ko ay nasa 40 na ang edad nito. Ngumiti ito sa akin at nagtanong.
"Ano yon neng?"
"Magandang hapon po. Ako po si Clydean. Yung nirefer po ni Tita Junesa para po magrent ng isang apartment dito."
"Ay oo nga pala! Naalala ko na ngayon pala ang dating mo. Naku! Pasensya kana neng at nawala sa isip ko." sabi nito at napahilamos pa sa kanyang mukha.
"Naku! Wala pong problema iyon. Pasensya na din po at hindi ako nakapagsabi ulit ng dating ko." tugon ko sa kanya dahil hiyang hiya na siya sakin. Naiintindihan ko naman at baka madami itong pinagkaka-abalahan.
"Pasensya kana talaga neng. Halika at ihahatid kita sa apartment room mo. Mukhang malayo ang byahe mo."
Ngumiti na lamang ako sa kanya at sumunod. Dumiretso kami sa pinakahuling palapag ng building na iyon, sa 4th floor. May dalawang pintuan lamang na nandoon. Magkaharap ang pintuan na iyon. Kulay peach at sky blue ang dalawang pintuan. Binuksan ng babae ang apartment at ipinakita sa akin ang kabuuan nito.
"Heto ang apartment mo iha. May dalawang bed room, isang kitchen at CR. Heto naman ang sala at may maliit na balcony naman dyan pag binuksan mo itong sliding door sa sala." sabi nito sabay bukas ng sliding door at ipinakita sa akin ang balkonahe.
Maganda ang apartment na napili ni Tita Junesa. Malaki na para sa akin na mag isang titira dito. Kulay white at pastel pink ang pintura ng apartment. Mukhang bagong pintura din ito.
"Puwede po ba ako bumili at maglagay ng appliances dito katulad ng TV at refrigerator kung sakali?" tanong ko sa care taker.
"Oo naman neng. Basta kapag aalis ka dito ay kasama mo din aalisin ang mga iyon. Maiiwan na maayos at malinis ang apartment na ito." sagot nito.
"Sige po. Maraming salamat po. Kukunin ko lang po ang mga gamit ko sa ibaba."
"Walang problema neng. Tita Emma nalang ang itawag mo sa akin." ngumiti ito at inabot na sa akin ang susi ng apartment ko.
"O siya sige, maiwan na muna kita neng para makapag-pahinga kana din. Kung may kailangan ka bumaba ka lang sa 3rd floor. Nandoon lamang ako." sabi nito at tuluyan ng bumaba.
Dumiretso na din naman ako sa ground floor para kunin ang mga iniwan kong gamit kanina. Malinis naman na ang apartment pero nagwalis pa din ako at nagpunas ng mga cabinet, mesa at upuan. Inisa isa ko na din ayusin ang mga gamit ko. Nilagay ko na sa cabinet ang mga damit ko, at inayos na din ang aking higaan.
Napansin ko din na sobrang dumi ko na, amoy pawis at ang sapatos ko ay may dumi din. Naalala ko tuloy ang antipatikong lalaki na tumapak nito kanina. Bago pa ako mainis ay nagpasya na akong maligo at magbihis. Wala pa akong stove at gasul kaya bumili nalang ako ng makakain sa baba dahil gutom na talaga ako. Sa sobrang pagod at dala na din ng lamig ng panahon ay nakatulog ako agad.

YOU ARE READING
Through Your Window (Trinidad Series 2021)
General FictionClydean Marquez known as "Clyde" is a freshman student in Benguet State University. Originally, she's from the province of Zambales. Lucky for passing the entrance examination of the university, she pursued her passion to become a Dietitian and buil...