"Birthday"
Na-alimpungatan ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Kinusot ko ang aking mga mata at sinagot ang tawag ng hindi man lamang tinitignan kung sino ito.
"Hello?"
"Susmaryosep! Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko. Kanina pa kami tumatawag at nagtitext sayo ng Papa mo." si Mama na may nag-aalalang tono.
Dahan dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng aking kama.
"Sorry po Ma, nakatulog po kasi ako dahil sa pagod." sagot ko.
"Kumain kana ba? Mag-aalas otso na ng gabi. Kamusta naman ang apartment mo?" tanong ni Mama.
"Hindi pa po ako kumakain Ma. Maayos at maganda din po itong apartment na pinili ni Tita Junesa para sa akin."
Tumayo ako at dumiretso sa kusina para makainom ng tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko.
"O siya, mas mabuti pa kumain kana muna. Tumawag ka din naman sa amin bukas. At mag iingat ka dyan, huwag ka basta basta magbubukas ng pinto." Bilin sa akin ni Mama.
"Opo Ma. Huwag na po kayo mag-alala, maayos po ako dito. Tatawag nalang po ako sa inyo bukas." pinatay ko na ang tawag saka uminom ng bottled water na binili ko kanina.
Tanaw ko agad sa bintana na madilim na sa labas dahil wala pa naman akong nabibili na kurtina para dito. Pumasok ako sa kwarto at kumuha ng jacket at pitaka. Sinarado ko muna ang aking apartment at dumiretso sa baba para bumili ng hapunan. Isang fried chicken at sampung piso na kanin lamang ang binili ko. Bumalik din ako kaagad dahil sa sobrang lamig.
Bago pa man ako makapasok ng apartment ay napansin ko na ang nakabukas na ilaw sa loob ng katapat ko din na apartment, ito yong kulay sky blue ang pintuan. Occupied na pala ito, sana ay makasundo ko ang nakatira dyan. Sana din ay mabait at babae. Pumasok na ako sa loob ng aking apartment at kumain. Ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog na din naman ako agad.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kumatok sa pintuan si Tita Emma at may ini-abot sa akin na almusal. Sabi nito ay baka wala pa daw akong lutuan kaya naisip niya na magbigay muna ng lutong ulam. Laking tuwa ko naman dahil hindi ko na kailangan pa bumili sa baba. Nakakapagod din naman ang paulit ulit na pag-akyat dito.
Matapos kumain ay naligo na ako. Nagbihis lang ako ng simpleng white top and black cardigan, mom jeans and a pair of white shoes. Hindi ito yung natapakan ng supladong lalaki kahapon. Mabuti nalang talaga at apat na pares ng sapatos ang dala ko. Nilock ko ang apartment at naglakad na papuntang highway para mag jeep.
I decided to buy some appliances and furnitures for my apartment tutal ay sobrang plain nito. I also need to familiarize this town dahil isang linggo nalang ay pasukan na. I need to be independent. Pumasok ako sa isang mall at dumiretso sa mga appliances. Bumili lang ako ng isang mini refrigerator, isang maliit na flat screen TV and gas stove. Nakakita din ako ng isang maliit na oven kaya bumili na din ako.
Principal ang Mama ko sa isang High School sa probinsya namin. While my Father is a Bank Manager kaya naman nakakabili ako ng mga bagay na gusto ko. Hinahayaan naman nila ako because I'm a good daughter to them. I never dissapoint them especially on my studies.
Matapos makumpleto lahat ng kailangan ko sa aking apartment ay nagbayad na ako. Nag grocery na din ako para may stocks ako. Even though we have enough money to support my needs and wants, kailangan ko pa din naman magtipid. Bandang alas-dose ng tanghali ng naisipan ko na kumain na muna. I decided to eat fast food kaya sa Jollibee na ako pumunta.
Pagkauwi sa apartment ay sakto din naman na dumating ang magdedeliver ng mga furnitures and appliances. I escorted them in and let them put it into their places. Hapon na ng matapos ako sa lahat ng pag aayos sa buong apartment. Kakatapos ko lang din magbihis into more comfortable clothes at naisip ko na tumambay sa balcony. Sobrang lamig ng simoy ng hangin. Hinila ko ang isang maliit na upuan at hinayaan ang sarili na tanawin ang bundok at mga kabahayan. Tahimik akong sumisimsim sa aking kape.
"Sabado na pala bukas, birthday ko na. 18th birthday pa nga." bulong ko sa sarili.
Lumandas ang takas na luha mula sa aking mga mata. Yumuko ako at hinayaan ang sarili na umiyak. Ang hirap pala ng mag-isa. I feel homesick. Sa gitna ng pag-iyak ko ay siyang pagbuhos naman ng malakas na ulan. Agad akong tumayo at pumasok sa loob. Sinarado ko ang sliding door at nanuod nalang sa TV. Maaga akong naghapunan at nakatulog ng gabing iyon. Siguro'y dala ng pagod at lungkot kaya mabilis lang akong nakatulog.
I woke up around 6am. Tinatamad pa mang bumangon pero kinakailangan. It's Saturday and it's my debut.
"Happy 18th Birthday. I love you Clydean." I whispered to myself.
Nagluto lang ako ng simpleng agahan, naligo at nag ayos. Tumawag din sa akin ang ilang mga kaibigan at ang aking pamilya para bumati.
"Happy 18th birthday anak! Dalaga na ang bunso ko!" bati ni Papa ng kami ay nag video call.
Hindi din nagtagal ang tawag dahil kailangan na pumasok sa trabaho ni Papa habang si Mama naman ay may report na tinatapos. Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang mag-isa ko lang talaga na i-cecelebrate ang debut ko.
Baking is one of my hobbies at dahil kumpleto naman ang ingredients at mga gamit ko ay nagpasya nalang akong mag bake ng cake para sa sarili. Ilang oras lang ay natapos na din ako sa pagbe-bake at maganda naman ang outcome nito.
Sandali akong nagbihis ng damit. I am wearing a white daisy dress that is above the knee. Nag slippers nalang ako dahil nasa apartment lang naman ako. I ordered Jollibee chicken meals and spaghetti through grab para naman kahit mag isa ako ay dama ko na debut ko ngayon.When the table is already set as well as the candle on the cake, I started to sing for myself. Unang lyric palang ng kanta ay umiyak na ako.
"Happy birthday to you... Ha..ppy Birthday to... you. Happy birthday dear Clydean... Happy birthday to.. you." kanta ko sa sarili habang umiiyak. Pumikit ako at nag wish bago tuluyang hinipan ang kandila.
"Happy 18th Birthday Clydean!" I cheered and forced myself to eat.

YOU ARE READING
Through Your Window (Trinidad Series 2021)
General FictionClydean Marquez known as "Clyde" is a freshman student in Benguet State University. Originally, she's from the province of Zambales. Lucky for passing the entrance examination of the university, she pursued her passion to become a Dietitian and buil...