Umaga pa lang kinabukasan ay umalis na ako ng bahay. Napadaan ang sa kanto kung saan nakita kong umiinom ng softdrink si Raymond. Nginitian ko siya pero di ko alam kung di niya ako nakita pero umalis ito.Sumakay na ako ng jeep at pumasok. Nang vacant na namin ay nagtext si Mac.
Mac>> How are you? Did you have a good night's sleep? If not, maybe you need me to stay beside you.
Ako<<< No need, my bed's already full.
Mac>> I can buy you a bigger bed.
Ako<<< Whatever, got class. Text you later.
"Sino yun?" tanong ni James.
"Kaibigan ko lang." sagot ko.
"May iba ka pa bang kaibigan maliban sa amin?" tanong ni Rod.
"Yup, kahapon ko lang nakilala. Nung maglakad ako pauwi." pagtatapat ko.
"Huh? Di ka lang namin nasamahan pauwi e may nakipagkaibigan na agad sayo?" Medyo iba ang tono ni Rod.
"Rod... wag masyadong seloso. Kaibigan lang eh. Hindi naman sinasabing nanliligaw." si James.
Ngumiti ako. Anggwapo magselos ni Rod.
"E sa kaibigan naman kasi nagsisimula lahat eh." si Rod uli.
"Asus... wag mo igaya lahat ng tao sa style mo." biro ko.
"Di ko yun style. Di ko lang sinadya." pagtatanggol nito sa sarili.
"O sige na. That means di ka na-love at first sight sa akin kung ganun?" biro ko uli.
"Ahem... guys... may ibang tao? Pwede pag maglandian kayo, lumayo-layo kayo ng konti. O kaya mamaya na tutal doon naman matutulog si Rod di ba?" paalala ni James.
Ngumiti si Rod. Inirapan ko siya.
--------------------
Pagkauwi ay nadaanan namin si Raymond na may mga kausap sa tindahan. Gaya kaninang umaga, di ako pinansin pero nang pagkalampas namin ay narinig kong nagtawanan sila. Ayoko man isipin pero parang kami ang pinagtatawanan nila. Least to say... ako.
Pinagluto ko ng pagkain si Rod. At dahil pagod kami kasi PE namin kanina ay agad naman kaming natulog. Nagising lang ako nang magutom ako bandang alas-dos. Naisip kong bumili ng canton.
Lumabas ako sa gate at bumili ng canton sa tindahan malapit sa labasan ng kalye namin. Pagbalik ko ay napalingon ako sa nakaparadang kotse malapit sa bahay namin. Familiar ang kotse na iyon. Hindi naman sa pagiging paranoid pero ilang beses ko na nakita ang kotseng iyon. Kinuha ko ang Plate Number at pumasok na ako sa gate.
Kumain na ako at nanuod ng TV pero di pa rin mawala sa isip ko ang kotse sa labas.
Curiosity kills a cat nga naman... kaya lumabas uli ako ng gate at andun pa rin ang kotse. Wala kayang tao sa loob, tanong ko sa sarili.
Lumapit ako dahan-dahan, di nagpapahalatang dun ako papunta. Mga apat na metro na lang ang layo nang biglang umandar ang headlight nito at umarangkada patakbo. Di ko alam pero hinabol ko naman ito.
Dahil walang masyadong sasakyan ay kaagad itong nakaliko at nakaharurot palayo.
Weird. Pero masyado namang coincidence iyon.
---------------------
Mac >> Good morning. Off to school?
Ako <<< Yes. Eating breakfast.

YOU ARE READING
My Elementary Series - Volume 2
RomanceThis is the continuation of the adventures of our lead character Angelo who at a young age has tried to understand himself along with the struggles of life itself... while trying to survive each day in his life. His colorful life in what the society...