WARNING:
Stop! If you haven't read MY ELEMENTARY SERIES yet, please read it first so you will understand as this is the continuation of that story.
====================================Araw ng exhibit namin. Syempre inimbita ko sina Ian, James at Rod para dumalo.
Dalawang oras bago pa ang exhibit ay pumunta na kami dun para gawin ang final touches sa decorations namin. Maaga pa ay marami nang mga pumunta.
Nagulat ako nang makita ko ang art teacher ko nung elementary na si Miss Rivas (matandang dalaga na pinsan ng Math teacher namin sa Grade 6). Dumating din ang Grade 3 adviser namin na si Mrs. Dominguez (siya din ang nagbayad ng enrollment ko nung Grade 4 ako dahil paborito nga niya ako) at ang librarian namin na si Mrs. Lee. Magkakasabay silang dumating at nilapitan ako.
"Hi Angelo. Di mo man lang kami inimbitahan ha?" sabi ni Maam Rivas.
Ngumiti ako.
"Sorry po talaga Maam kasi sobrang busy po kami recently e. Tsaka bakasyon po e di ko po alam kung saan ko kayo hahagilapin." pagdadahilan ko na lang.
"Mabuti na lang at pinsan namin ang isa sa mga organizers kaya nabigyan kami ng invitation." si Maam Dominguez.
"Di pa sana kami pupunta dahil busy din kami magprepare ng lesson plans para sa pasukan." si Maam Rivas ulit.
"Kaso nakita namin ang pangalan mo sa program bilang isa sa mga exhibitor. Kaya dumalo kami." si Maam Dominguez.
Ngumiti ako.
Kinurot ako ni Mrs. Lee sa pisngi. Kilala niya ako dahil ako ang 3 times na nanalo sa Poster Making para sa Book Month, ako nagpaint ng isang wall nila sa library at palagi ako humihiram ng libro. Minsan nga e binibigyan pa niya ako ng mga libro e. Niregaluhan din ako nito nung gumraduate ako sa elementary.
"Balita namin isa ka daw sa pinakamagaling dito ah." sabi nito.
"Naku di naman po." sagot ko agad.
"Asus... anyway, to see is to believe kaya mamaya ha? Iikot mo kami at ituro mo ang mga gawa mo." si Maam Rivas uli.
"Sige po Maam. Bilhin niyo din po ha? Bidding po yun." biro ko.
"Dapat first come first serve na lang dahil kung bidding baka naman umabot ng ten thousand ang painting mo e maubos naman sahod ko." si Maam Dominguez.
Tumawa ako.
"Naku Maam. Pang-professional lang po ganung presyo." sabi ko.
"Asus... pahumble pa. Parang di ka namin nakita simula nung Grade 2 ka a." si Maam Rivas na naging coach ko sa mga drawing contests.
Ngumiti ako.
"Pinsan..." rinig kong tawag ni Sir Matt kay Maam Dominguez. Pagkatapos noon ay hinila silang umupo sa reserved na seats.
"Sige... Mamaya ha?" paalala ni Maam Rivas sa akin.
Maya-maya ay sinenyasan na kami ni Sir Bryan na umupo na. Magkatabi kami ni Luke sa upuan para sa mga workshoppers. Sina Ian, Kuya Bon, James, Rod, Rachel at mama nito ay nasa upuan para sa mga bisita. May mga bata, pari at madre din galing Asilo de Molo. Maraming taong dumalo. Inikot-ikot ko ang mata ko. Hinanap ko si Kuya Paolo at Mama Fary kunwari ay darating sila. Kaso syempre dahil imposible namang andun sila ay di ko sila nakita.
Kaso may humuli ng atensyon ko. May lalaking nakapolo na puti na nakatingin sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay umiwas siya ng tingin. Maganda ang height nito kahit di masyadong matangkad pero proportion sa body type nito. Maganda din ang morenong balat nito at ang tsinitong mata niya. Maganda din ang patubong bigote nito.

YOU ARE READING
My Elementary Series - Volume 2
RomanceThis is the continuation of the adventures of our lead character Angelo who at a young age has tried to understand himself along with the struggles of life itself... while trying to survive each day in his life. His colorful life in what the society...