Chapter 03
Her [P.O.V]
Pagkamulat ng mga mata ko Bumungad Naman sa akin ang napakagandang tanawin. maraming paru-paro sa paligid, mga puno na iba't iba ang mga bunga, mga bulaklak na iba't iba ang klase, at isang tree house. Kumunot ang noo ko. I stood up. "Where am I...?" I whispered.
"Andito ka sa tahanan ko, sa loob ng katawan mo." Agad akong napalingon sa likod ko at nakakita ng isang batang babae. Mukhang sampung taong gulang siya. "Anong sampung taon? Isang daan na ako, noh!" Nanlaki nmn ang mata ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
"Seryoso ka?" Tumango naman siya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Bakit mas mukhang bata ka pang tingnan kesa sa akin?" Napabuntong-hininga siya. "Hindi kasi masyadong malakas ang mana mo kaya batang katawan ang nagawa ko. Pero ayos lang, at least may katawan." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ako yung bolang kausap mo kani-kanina lang." Napatango-tango ako. Kaya pala pamilyar ang kanyang boses. "May alam ka ba kung bakit ako nandito?" Tumango naman siya kaya napatayo ako nang tuwid. "Kung ganoon, bakit ako nandito? Bakit nasa katauhan ako ni Tazhia? Anong nangyari sa katawan ko? Hindi ba dapat ako ay patay na?"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi sa iyo ng diyosa?" Napakunot ang noo ko. "Sinong diyosa?" nagtataka kong tanong. "Hindi mo ba maalala ang huling tinig na narinig mo bago ka mamatay? Iyon ang diyosang tinutukoy ko." And when she said that, I closed my eyes, iniisip ko kung may narinig ba akong tinig bago ako mamatay.
'Aimie Cha, bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay, ngunit hindi na sa katauhan mo, kundi sa katauhan ni Tazhia. Nais kong baguhin mo ang kapalaran niya. Hindi nararapat sa kanya ang kanyang sinapit. Wag mo sana akong bibiguin, Aimie...'
Agad kong naimulat ang mga mata ko nang biglang nag-replay sa utak ko ang huling tinig na narinig ko bago ako mamatay. Napatingin ako sa batang babae na nakaupo sa damuhan habang kumakain ng chocolate.
"Naalala ko na." Tumango naman siya. "Mabuti naman kung ganoon." Umupo ako sa harapan niya at kukuha rin sana ng chocolate nang tabigin niya ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. Kaya napanguso ako. "Bakit nga pala ako ang napili ng diyosa?" Inubos niya muna ang tsokolateng kinakain niya bago siya nagsalita.
"Dahil ikaw lang ang totoong taong nagmahal sa kanya." Napataas ang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" Kumuha siya ng chocolate milk saka ininom iyon. "Noong unang inilabas ang libro, marami kaagad ang nagalit kay Tazhia nang lumabas siya sa kwento. Oo, at may naaawa sa kanya, pero hanggang doon lang iyon. Samantalang ikaw naman, buong puso mo siyang minahal at kahit kailan hindi ka nagalit sa kanya. Maybe, yes, naiinis ka sa kanya dahil sa mga katangahang ginagawa niya, but you never stop loving her. Kaya ikaw ang napili ng diyosa para baguhin ang kapalaran ni Tazhia."
"Eh si Tazhia? Hindi ba niya kayang baguhin ang kwento o ang kapalaran niya?" Umiling naman siya. "Tazhia tried it. Tatlong beses siyang nabuhay para baguhin ang kapalaran niya, pero sa tatlong beses niyang pagkabuhay, paulit-ulit lang ang nangyayari: sa huli, mapupugutan siya ng ulo at mamamatay." Kumuha siya ng tissue saka pinunasan ang gilid ng labi niyang may mga chocolate bago ako tiningnan nang seryoso.
"Kaya ikaw, Aimie Cha, wag mo sanang bibiguin ang diyosa. Gusto niyang mabago ang kapalaran ni Tazhia. Hindi niya iyon kayang gawin kaya ipinasa niya sa iyo, sa isang ordinaryong tao. Walang pakialam ang diyosa sa kung paano mo babaguhin ang kapalaran niya, basta ang hiling niya lang ay bigyan mo ng magandang ending ang kwento niya. Hindi pwedeng mamatay muli si Tazhia sa pagkakataong ito dahil paniguradong may mangyayari." Napakunot ang noo ko.

BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Villainess
Fantasy[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famous private school as a scholar and now she is working in one of the famous companies in the world as...