Chapter 05
Her [P.O.V.]
Naramdaman ko namang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa tuwa. "Saxian? You mean Saxian Kryzer Gartone?" Tumango naman siya, kaya parang nagningning ang mga mata ko.
Si Saxian ang main villain sa libro at siya ang dahilan kung bakit wala pa akong jowa noong mga panahong ako pa si Aimie. Patay na patay ako sa kanya; sobrang sakit nga sa part ko nung sabay silang pinaslang ni Tazhia. At ngayon, imagine, makikita ko na siya?! Oh my!
"Oh, bakit parang tuwang-tuwa ka pa diyan? Hindi ba dapat nanginginig ka na sa takot ngayon?" Tinasaan ko naman ng kilay si Ryleen. "Bakit naman ako matatakot? Saxian is the man of my l—" Natigilan naman ako nang may maalala. Napabuntong-hininga ako saka napasimangot.
Oo nga pala, ako si Tazhia, ibig sabihin hindi ko pwedeng landiin si Saxian. Napairap ako sa ere. Grrr, nakakainis! Kung nareincarnate lang sana ako kay Haily, malamang inaakit ko na ngayon si Saxian para mainlove siya sa akin ng todo. Kaso wala, kay Tazhia ako napunta, ang babaeng halos isumpa niya.
"Oh, bakit nakabusangot ka na ngayon?" Inirapan ko naman si Ryleen, ganun din si Primrose. "Mag-silayas na kayo sa kwarto ko, CHE!" Saka ako humiga at isinubsob ang mukha ko sa unan. Gusto kong umiyak sa isipang hindi pwedeng mapasaakin si Saxian. Huhu.
Nakarinig naman ako ng mga yabag papalayo, saka ko narinig ang pag-bukas-sara ng pinto. Umupo naman ako saka ako napanguso. "Oh, my love Saxian, sayang talaga at hindi ka mapapasaakin." Napabuntong-hininga ako saka humiga na lang ulit at pinilit ang sarili kong matulog.
Napataas naman ang kilay ko nang makakita ako ng mga estrangherong lalaki sa sala. Kausap nila si Tyros, na hindi ko alam na nandito pala sa dorm namin. "Kuya?" Agad kong naagaw ang atensyon nila. Taas-noo naman akong naglakad palapit. "Sino sila?" Takang tanong ko. Bumuntong-hininga naman siya saka niya ako nginitian.
"Mga tauhan sila ni Ama." Napakurap naman ako. "Bakit sila andito?" Takang tanong ko. "Sinusundo ka nila. Nalaman kasi ni Ama na ikinulong ka sa school jail, tapos bigla kang nagkasakit, kaya iuuwi ka na ng palasyo. Doon ka muna daw sa palasyo sa loob ng isang linggo." Napatango naman ako.
"Ah, okay." Hindi naman makapaniwalang napatingin sa akin si Tyros. "Are you sure? Uuwi ka na ng palasyo?" Natigilan naman ako. Oo nga pala, matagal-tagal na rin simula nang hindi nakakauwi ng palasyo si Tazhia, dahil kung nasaan si Creed, andoon siya. "Oo, uuwi ako. Gusto ko kasing makita si Ama." Napatango naman siya saka ngumiti. "Sige na, mag-impake ka na." Tinanguan ko naman siya saka ako umakyat sa taas at nagsimula nang mag-impake.
Nang makarating kami ng palasyo, agad kaming sinalubong ni Haring Arthur, ama ni Tazhia. "Prinsesa ko, kamusta ka na?" Nginitian ko naman si Haring Arthur. "Ayos lamang ako, Ama. Wag kang mag-alala." Para naman siyang nakahinga ng maluwag dahil doon.
"Magpapahinga na po ako, Ama." Tumango naman siya, kaya naglakad na ako papuntang kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit alam ko kung saan ang silid ko; siguro dahil nasa katawan ako ni Tazhia kaya ganoon.
Nang makarating ako sa silid ko, humarap ako sa salamin saka ko tinitigan ang mukha ko. Bigla akong nanibago. Ganito pala kaganda ang mukha ni Tazhia? Pero mas maganda pa rin si Haily, of course. Haily is the heroine after all, kaya kailangan nasa kanya na ang lahat.
Pumunta naman ako sa closet saka ako nagpalit ng pantulog. Isa siyang dress na lagpas tuhod Ang haba. Wala siyang disenyo o kahit na anong mga crystal at pampabigat sa damit; maluwag siya at cotton, kaya komportable ako sa suot ko.
Humiga naman ako sa kama saka ako napatingin sa veranda. Kitang-kita kung madilim na, at kapag umaga, tanaw din sa bintana ko ang eskwelahan dahil sa sobrang laki nito. Pero malayo ang eskwelahan sa mga palasyo, kahit sa mga bayan. Para bang nasa gitna ng gubat ang eskwelahan, kaya siguro merong dormitoryo.
Napatingin naman ako sa pintuan nang may kumatok. Tumayo naman ako saka ko binuksan ang pinto at doon ko nakita ang isang dama. "Mahal na Prinsesa, handa na po ang pagkain." Tumango naman ako saka lumabas, pero agad akong pinigilan ng dama.
"Mahal na Prinsesa, hindi po kayo pwedeng lumabas na nakapantulog lamang ang suot. Kailangan niyo pong magpalit ng disenteng damit dahil kawalan po ito ng respeto sa inyong sarili. Sigurado pong mapapagalitan kayo ng Haring Arthur. Patawad po kung kinukwestyon ko kayo; nag-aalala lamang ako." Napairap naman ako sa hangin saka kahit na tinatamad, bumalik pa rin ako sa kwarto at nagpalit ng damit.
Pagkatapos naming kumain, pumunta naman ako sa hardin. Naglakad-lakad naman ako sa hardin hanggang sa mapunta ako sa madilim na parte. Tumingala naman ako sa taas at kitang-kita ko ang veranda ng kwarto ko.
!!!
"Ahhh!" Napatakip ako sa bibig ko para mapigilan ang sarili kong sumigaw. Muntik na rin akong mapatakbo nang may bigla na lang bumagsak na lalaki sa harapan ko, galing siya sa labas ng pader na naghaharang sa labas at loob ng hardin.
Tiningnan ko naman ang lalaki. Meron siyang maraming sugat sa katawan at wala na siyang malay. Napatingin naman ako sa mukha niyang napakagwapo. Bakit ba ang daming gwapo dito? Sinubukan kong buhatin ang estrangherong lalaki na ito, pero hindi ko kaya dahil malaki ang katawan niya at payat ang katawan ni Tazhia.
Susuko na sana ako nang maalala kong may kakayahan palang magpalutang ng bagay-bagay si Tazhia. Kaya rin namang palutangin ni Tazhia ang sarili niya. Kaya ang ginawa ko, pinalutang ko itong estrangherong gwapong lalaki At Ang sarili ko. hanggang sa makarating kami sa veranda ng kwarto ko. Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa sahig, saka ko siya hinila papasok sa loob ng kwarto ko at pinalutang siya ulit pahiga sa kama.
Napatingin naman ako sa kamay ko saka napahagikhik. Ang sarap palang magkaroon ng powers! Tumingin naman ako sa estrangherong lalaking nakahiga na sa kama ko. Lumapit naman ako sa kanya at napatitig sa mukha niyang napakagwapo sa paningin ko. Bakit ko ba tinulungan ang lalaking ito? Dahil ba naawa ako sa kanya o dahil naakit ako sa kagwapuhan niya?
Napailing naman ako saka ako tumayo at kumuha ng mga gamit panggamot sa katawan niyang maraming sugat. Mukhang magiging nurse ata ako ng gwapong lalaking ito.
SIANA Y LD

BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Villainess
Fantasy[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famous private school as a scholar and now she is working in one of the famous companies in the world as...