Mitch
"There was a man who carelessly took my heart. And when it was already with him, he tore it apart." Nagsimula nang tumulo ang luha ko.
"He told me he loves me but he left me without saying a word. He told me he'll stay but for the second time h-h-he le-left. Ang sakit maiwan ng dalawang beses sa parehong tao. If I knew that he'd me this bad I would've not given him the chance to enter my life. I don't know how to face tomorrow knowing that he will never come back. But on the other side, knowing that he is already well gives me a relief." Pinunasan ko ang luha na walang tigil sa pagtulo.
" I know that he is in a better place now. I know that wherever he is, he is safe. I know that wherever he may be right now, he will be watching over me, over us. I love you so much honey. This rose, you once told me that this symbolizes eternal love. I would cherish everh moment that I had with you." "Huhuhuhuhuhuhhhuhu!!!" Di ko na talaga mapigilang umiyak ng malakas, ang sakit na kasi. Ang sakit sakit.
"Goodbye, my one and only greatest love, till we see each other again in eternity and in ther-" natigilan ako.
"Bakit ba kasi parati mo yang pinapanuod tapos iyak ka rin naman ng iyak. Daig mo pa iyong bidang namatayan eh. " narinig kong sabi ni Phil nang patayin niya yung TV.
"Eh bakit mo ako pinatayan ng TV? Kita mong nanunhod ako. Di mo ba alam na yun na yung pinakagusto kong marinig na part sa movie! Kainis ka naman eh!" inis kong sabi.
"Eh kung di ko pinatay yun baka bigla ka na lang mahimatay diyan dahil di ka na makahinga sa kakaiyak mo. Kawawa naman si baby pag nagkataon. " sabi ni Phil habang hinahaplos ang malaki ko ng tiyan.
Opo. Buntis po ako. Pangalawa na pong anak namin ni Phil. Nang makaligtas siya sa operasyon ay bumuti na ang kalagayan niya. Nang lumakas siya ay plinano agad namin ang kasal. Sabi ng Doctor may posibilidad daw na magkaroon ng complications ang puso niya pero sa awa naman ng Diyos ay di naman nangyari ang kumplikasyon.
"Ah ganoon? So si baby lang ang kakaawaan mo? Ako wala lang? Ganyan na ba talaga pag tumataba at pumapangit na ang asawa? Ha? Wala ka ng pakialam? Eh kung tutuusin ikaw ang may kasala-" di ko natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na ako ng kumag! Ang galing talagang lumusot! Kung di lang masarap ang halik nito! Nakuuu!
"Di naman yun ang gusto kong sabihin. Siyempre inaalala kita kaya ko nga pinatay eh kasi ayaw kong nakikita kang umiiyak ng ganyan. Kaya ko nga nilabanan ang sakit ko kasi ayaw kong nakikita kang nasasaktan tapos makikita ko na sa simpleng palabas parang hirap na hirao ka ng huminga sa kakaiya-" ako na naman ang pumigil sa pagsasalita niya sa pamamamgitan ng halik.
Pinagtagpo niya ang aming mga noo at...
" I love you, Mitch. Always and forever." Saad niya.
" I love you too, Phil."
Our life was once so complicated. Umabot pa sa puntong muntik na siyang mawala sa akin. But God has His own ways of teaching us life's lessons. With the things that happened to Phil and I, we learned how to love unconditionally and not to live in a life full of what if's. Dati hiling ako ng hiling na kung pwede lang sana mabago ang buhay ko, kung pwede lang sana di ko naramdaman ang mga sakit na naramdaman ko. But at the end of the day, I realized, kung hindi nangyari ang mga nangyari sa amin noon, di sana magiging ganito ka strong ang relationship namin ngayon. I know that more trials will come our way, whatever it may be, I'll hold on to one thing that could help us go through a of it, it's the love that we have for each other. :D

BINABASA MO ANG
Kung Pwede Lang Sana
RomanceBakit ba kapag nagmahal ang isang tao parating may kakambal na sakit? Bakit kung kailan handa ka nang magmahal at magtiwala sa sarili mong mamahalin ka ay di pa rin sapat para lumigaya kayo? Bakit hindi pwedeng magpatuloy na lamang ang kaligayahang...