抖阴社区

Chapter six

2.7K 131 14
                                    

Marahas na pinugpog ng halik ni Craig ang labi ni Ken habang naglalakbay ang kamay nito papasok sa damit ng binata. Hindi magkandaugaga si Ken sa pag-iwas ng halik pero para itong linta na pilit pinagdidikit at mas dinidiinan.

Dahil may pagkamaton ang katawan ni Craig, ang paghagod ng naglalakihang kamay nito sa kaniyang katawan ay hindi niya kayang hawiin. Parang itong may sariling buhay na nilalaro ng mga daliri ang bawat balat na madadaanan na nagparamdam sa kaniya ng kakaibang sensasyon.

Ayaw niyang magpatianod sa karahasang ginagawa ng boss dahil ilang sandali na lang ay kakapusan na siya ng hininga. Kumuha ito ng bwelo para itulak si Craig sabay binigyan ng isang malakas na sampal.

"Kung alam ko lang na ganito mo tratuhin ang nagtatrabaho sa'yo, hindi na sana ako nag-abala pang paglingkuran ka!" habol hininga niyang sabi habang nakahawak sa nagusot na damit.

"Ayoko na Sir Elvis. Hindi ko na matatagalan ang trabaho ko. Magre-resign na po ako." dagdag ni Ken na may himig na paninigurado. Hindi niya kayang sikmurain ang ginawa sa kaniyang pambabastos at lalong hindi na niya papangarapin pang mangyari ulit iyon kapag nagtagal pa siya rito.

Lumikot ang mata ni Craig at nagsimulang sabunutan ang sarili.

"No...you can't leave me! Don't leave me alone. Don't leave me, don't leave me..." paulit-ulit nitong sabi kasabay ng pag-umpog ng ulo sa manibela.

Nawala ang tapang sa mata ni Ken at napalitan ng pag-alala't takot sa kaniyang boss. Namumula na ang noo ni Craig pero hindi ito tumitigil sa ginagawa.

Hindi na natiis ng binata na iharang ang palad para itigil ang pananakit sa sarili ng boss. Napansin din niya ang sugat-sugat na kamao nito marahil sa ginawang pagsuntok sa babasaging pader.

Napasinghap si Ken nang kunin ni Craig ang kamay niya at inilapat sa pisnge nito. Paulit-ulit nitong hinagod ito kasabay sa pagtulo ng luha. Naestatwa si Ken dahil hindi niya iyon akalain.

"Ken, don't leave me. I will not do it again. I'm sorry. Please, forgive me." saad ni Craig habang nakapikit.

Ang kaninang agresibong leon ay bumaluktot ang buntot. Galit si Ken sa ginawa ni Craig dahil sinuntok niya nang walang dahilan si Troy, at higit sa lahat ay ninakaw nito ang unang halik na pinakaiingatan niya.

Nabahag naman ang kalooban ng binata nang makita kung paano umiyak ang amo. Para itong bata na inagawan ng kendi na gustong lumingkis sa ina.

"Sige Sir Elvis, hindi na ako magre-resign. Basta't ipangako mong hindi mo na gagawin 'yung ginawa mo kanina."

"Craig. Don't call me Sir Elvis. We've talked about this, right?" Nakanguso nitong tanong habang kumikinang ang mata dahil sa pag-iyak kanina. Natawa si Ken sa iniisip dahil parang bata kung umasta si Craig.

"Hindi kita tatawagin sa second name mo unless ipapangako mong hindi ka na mananakit ng empleyado sa kompanya niyo." Pagmamatigas ni Ken na nagpabuntong hininga kay Craig. Tumango-tango ito 'di kalaunan.

"Yeah, I promise but you have to keep your promise too..."

"Pangako...ko? Ano 'yon?"

Unti-unting lumapit si Craig sa namumulang mukha ni Ken sabay bulong sa tenga nito.

"You'll move into my house. No buts, that's an order."

_

Buhay pa ba kayo?😭

Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon