Maraming naganap ngayong araw at sari-saring pa-activities ang ipinalaro sa mga bata maging sa mga magulang. Hindi magkandamayaw ang kapatid ko sa pagsali rito lalo na sa sack race.
"Kuya pogi, tayo naman ang magka-partner. Nakalaro na kasi si Kuya Ken doon sa pagsalo ng itlog. Tara na!" biglang hinila ng bata ang nanahimik kong boss at dinala sa madla.
"Sandali Carlo, hindi ako naglala—" naputol ang sinabi ni Craig nang magsalita na ang emcee para magbigay ng instructions sa laro. Tumingin sa aking gawi si Craig, ngumuso siya't umiling. Para siyang bata kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Gayunpaman, naawa ako sa kalagayan niya kasi nakapang-business attire siya at paniguradong mahihirapan siya sa paglundag. Bumulong ako ng 'kaya mo 'yan' sa malayo na sa tingin ko ay nakita niya. Nabigla ako nang bigla siyang kumindat o sadyang namalik-mata lang ako.
Umalingawngaw ang pito sa paligid hudyat na magsisimula na ang laro. Yellow team sina Carlo habang ang katunggali nila ay violet team. Maraming tao ang humihiyaw sa stadium na sinasabayan ng palakpakan. Sa huli, nanalo ang violet team sa sack race, pangalawa sa huling aktibidad na gagawin sa programa.
Pinunasan ko ng pawis ang kapatid ko at pinainom ng tubig. Dinaluhan ko rin si Craig ng isang boteng tubig at inabot ang extrang bimpo.
Natapos ang programa sa isang speech ng kanilang principal na nagpasalamat sa pagdalo at pakikiisa ng mga magulang. Unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao sa stadium kaya nakisabay na rin kami sa paglabas ng paaralan.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ko sa bata pagkasakay ng sasakyan.
"Opo! Ang saya-saya ko po kasi nakasakay ulit ako sa sports car ni kuya pogi. Sana araw-araw mo na lang ako sunduin."
Napabuga ako ng hangin at humingi ng paumanhin kay Craig. Hindi rin maawat ang preno ng bibig ng kapatid ko kapag pinagbigyan sa isang bagay. Madali itong nakatulog sa likod kaya inayos ko ang pagkakahiga nito. Ipinang-unan ko ang bag nito at buti na lang ay kasya ang maliit niyang katawan sa upuan.
Naagaw ang atensyon ko sa pag-ring ng cellphone ni Craig. Nakarehistro dito ang pangalan ng dad niya na kaagad niyang dinaluhan ng sagot. Nasaksihan ko ang pagkunot ng noo nito at narinig ang mga sigaw sa likod ng linya. Mukhang sobra-sobra ko nang naabala si Craig. Kasalanan ko 'to kung bakit siya pinapagalitan.
Madali niyang pinatay ang linya sabay humugot ng hininga para kumalma.
"Ayos ka lang?"
"Yeah, I'm just fine." Tipid nitong sagot.
"Salamat nga pala Craig ngayong araw. Promise, aasikasuhin ko kaagad 'yung mga appointments next Monday. Pasensya na rin kasi nang dahil sa 'kin, napilitan ka pang mag-leave ng dalawang araw. Hindi kaya magalit si president?" pag-aalala kong tanong.
"Don't mind my dad. Under supervised pa lang naman 'yung position ko so hindi pa gaanong mabigat 'yung responsibility ko sa company. Let's just say, I'm just like an intern like other employees. Nasa training phase pa 'ko so you don't need to be sorry. It's also my choice."
Napatango ako at muling nagpasalamat sa kanya. Kahit papaano ay natanggal ang nararamdaman kong guilt.
"Ken, I don't want to spoil the day, but... have you already decided sa offer ko?"
'You'll move into my house. No buts, that's an order.' Naalala ko ang katagang ito na matagal ko na ring pinag-iisipan. Naging abala man ako this past few weeks, sumasagi pa rin 'yung alok niya sa utak ko.
Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Masyado na akong nahihiya sa kabuting ipinapakita sa akin ni Craig at alam kong abuso na kapag sumagad na ako sa limit. Bukod dito, nilalagyan ko pa ng malisya 'yung ginagawa niya na labis kong ikinakokonsensiya. May mga pagkakataong gusto ko nang umoo dahil inaalala ko ang kalagayan ni Carlo pero kaagad itong susundan ng mga rason na nagpapahindi naman sa akin.
"Tungkol ba 'to sa paglipat?" paglilinaw ko sa kanya. Tumango ito't tumingin sa akin. Pakiwaring naghihintay sa sagot ko. Huminga ako nang malalim bago ito sagutin.
"Sir Craig, matagal ko na rin itong pinag-iisapan at...at..."
Hindi ako makapagsalita nang maayos. Nanginginig ang aking kamay na pinagsalukat ko at pinigang mabuti hinlalaking daliri.
Sa puntong ito, ayoko nang maging dahilan kung bakit laging napo-postpone 'yung mga dapat gawin niya sa kompanya. Ayoko ring maging dahilan ng pag-aaway nila ng kanyang ama.
Kaya...
"Hindi ko tatanggapin. Hindi ko tatanggapin 'yung alok mo."
To be continued...

BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...