抖阴社区

01

388 13 0
                                        

• • •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• • •

"Ano'ng ganap sa debut mo?" tanong ni Luisha. Abot tenga ang ngiti niya na para bang siya ang magdaraos ng kaarawan.

"Hindi ko alam, sabi ni Ate Serya siya raw bahala," pagtukoy ko sa kapatid ko.

Marahang naupo si Luisha sa tabi ko at sinilip ang pinapanood kong crime documentary. "Wala ka talagang balak na maging teacher? Ayaw mo sundan yapak ng papa mo?"

Napabuntong-hininga ako at umiling-iling. Alam naman na niya ang ibig sabihin ng kilos ko kaya hindi na ito umangal pa sa 'kin.

Malapit na ang umpisa ng klase. As usual, classmate ko na naman itong si Luisha, ang nag-iisa kong matalik na kaibigan. We are Humanities and Social Sciences students. Hindi ko nga alam kung bakit napadpad si Luisha sa HUMSS kung balak naman niya na maging doctor. Alam niya sa sariling medyo imposible ang bagay na 'yon. Dahil na rin sa hirap ng buhay nila ngayon. Pero wala sa bokabularyo niya ang sumuko. Ngayon pa lang na nasa huling taon na kami ng senior high school determinado na siya sa paghahanap ng mag-i-isponsor daw sa pag-aaral niya. Habang ako hindi ko na kaylangan pang problemahin ang tuition fee. Sa totoo lang, hindi kami mayaman. Pero dahil magaling sa pagpaplano ang papa ko, nakapag-ipon na agad siya para sa college.

"Galingan mo ulit, Seren. Dapat ikaw manguna sa buong senior!" ani pa ni Luisha. Tumayo ako at naglakad papunta sa water fountain. Pinakatitigan ko lang ang tubig. "Hoy, Seren! Huwag mong sabihing hahayaan mo na naman si Efren na maging top one?" tanong pa nito. Napakuyom ang kamao ko nang marinig ang pangalang Efren. Agresibo pa akong humarap kay Luisha.

Ang STEM student na 'yon! Tuwing naririnig ko ang pangalan niya lumalabas ang pagkademonyo ko. Kung p'wede lang na lumipat na siya ng eskwelahan! Kaso hindi talaga aalis 'yon dahil paborito siyang estudyante. Nasa kanya lahat ng pabor kaya ang yabang niya! Once ko na siyang nakalaban sa isang academic contest. Doon ako unang nabwisit sa presensya niya. Natalo kasi ako noon at halos ipamukha niya sa aking wala akong binatbat sa galing niya.

"H'wag mo na ulit babanggitin pangalan niya!" inis kong sabi kay Luisha.

"Hahahaha! Easy ka lang, manang friend. Kaya nga ang sabi ko mas galingan mo pa, kasi kung ikaw magiging top one sa buong senior, sure akong iiyak 'yon sa graduation," aniya.

Tama si Luisha. Kaylangang pagbutihan ko pa.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga. "Oo! I will surpass him!"

"Iyan! Gan'yan dapat, manang friend." Marahang tumayo si Luisha at naupo sa gilid ng water fountain. Pinulot pa niya ang isang maliit na bato sa paanan niya at ibinato sa tubig. "Teka sino pala escort mo sa debut?" tanong niya pagkatingin sa akin.

Napangiti ako sa tanong niyang 'yon. "Kung may 18 roses sa debut ko, dapat kilala mo na kung sino ang escort ko."

"Si Zan!"

"Yes! My one and only Zan."

Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Napangiwi naman ako dahil mukhang ayaw niyang tanggapin na ang boyfriend ko ang aayain ko. "Paano kapag nalaman ng parents mo na boyfriend mo si Zan?"

Agad na bumagsak ang balikat ko sa tanong niya. Paano nga ba? Paano kung nalaman ng parents ko? Zan Jamison is my first boyfriend and I kept it from my parents. Boyfriend ko na si Zan mula pa noong grade 10 at hanggang ngayong grade 12 ay kami pa rin. He's my ideal guy. He has a playful smile, mesmerizing eyes, and a manly physique. And you get weak in the knees when you hear his deep voice. Hindi lang naman 'yon ang nagustuhan ko sa kanya. He's a dreamer too. Matalino rin siyang tao. Actually, namangha nga ako sa mindset niya sa buhay. Also he wants to be a successful engineer someday. Katulad niya ang gusto ko sa isang lalaki. Kaya nga bilang girlfriend niya sinusuportahan ko siya sa mga bagay na gusto niya. Pareho nga naming tinutulungan ang isa't isa sa pag-aaral. He's not a bad influence on me. Kaya wala akong dahilan para makipaghiwalay sa kanya.

"Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon," saad ko.

"Kung ayaw mong malaman ng parents mo h'wag mo na ayain si Zan sa debut mo. Tuwing magkasama kasi kayo halos hindi na kayo mapaghiwalay."

Tumawa ako. "H'wag kang mag-alala, Luisha. Behave lang kami ni Zan sa debut ko."

"Behave raw! Nak—" Nahinto rin agad si Luisha nang mapatingin ito sa likuran ko. Napalingon din ako. Inilibot ko ang mga mata sa parke. Hanggang mahinto ang paningin ko sa isang lalaki. Hindi lang basta isang lalaki. Dahil para bang narinig ni Zan na pinag-uusapan namin siya, kaya narito siya ngayon.

Medyo may kalayuan pa siya sa amin. Kaya imbes na hintayin siya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya. Rinig ko pa ang pagtawag sa 'kin ni Luisha, pero hindi ko na siya napansin pa. Ang buong atensyon ko ay nakasentro kay Zan. Pagkalapit ko ay napayakap siya sa 'kin. Ramdam ko pa ang pagdampi ng labi niya sa buhok ko.

"Na-miss mo ako?" tanong nito.

Humarap ako sa kanya at pinakatitigan siya. Ngayon ko lang ulit siya nakita mula noong bakasyon. "Sobra! Kumusta bakasyon mo?" masaya kong tanong.

Napatitig siya sa akin.

Namumula na ata ako!

"Nag-enjoy ako. Kaso nalungkot din kasi ilang buwan tayong hindi nagkita no'n. Ang hirap pala." Inihawak niya ang kamay sa dibdib at umakto siyang nasasaktan. Bahagya akong natawa sa ginawa niya.

"Baliw! Hahaha! Pero 'yong totoo ah! Okay na kayo ng mama mo?"

Hiwalay na ang mga magulang ni Zan. Ang principal ng Norte National High School kung saan kami nag-aaral ay ang papa niya. Ang mama naman niya ay nakatira na sa Manila. Kaya tuwing bakasyon ay doon nananatili si Zan.

"Hindi niya 'ko matitiis. Kaya h'wag ka na mag-alala, ayos na kami ni mama." Abot tenga ang ngiti niya kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo. Nagkaroon kasi sila ng hindi pagkaka-unawaan noon, kaya nag-alala ako nang sobra kay Zan.

Tumango-tango ako. "Mabuti!"

Itinuon ni Zan ang paningin kay Luisha na papalapit sa amin. "Tara kain muna tayo, libre ko," anyaya niya. Tumango na lang din si Luisha. Nagulat pa ako nang hawakan ni Zan ang kamay ko. Itinago ko ang kilig na naramdaman at nagsimula na lang maglakad.

"Ede sana lahat," sabi ni Luisha. Napalingon naman ako sa kanya at kinindatan lang siya.

Binalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi ako ganito katahimik kapag magkasama kami ni Zan. Nahihiya lang talaga ako magsalita dahil kasama namin si Luisha.

"Hmmm, Seren?" Binasag ni Zan ang katahimikan kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Bakit?"

"P'wede ba kitang sunduin bukas sa bahay n'yo? Sabay na tayo pumasok," magiliw niyang sabi.

Narinig 'yon ni Luisha kaya palihim niya akong kinalabit mula sa likuran. Hudyat ata 'yon na kaylangan kong tumanggi kay Zan.

"Zan, alam mo namang hindi ka p'wedeng makita ng parents ko," sabi ko. Napayuko pa ako at tumingin na lang sa magkahawak naming kamay.

Bigla siyang tumahimik. Naramdaman kong pinipilit niya ang sarili na h'wag nang umangal pa.

Sorry, Zan.

Marahan kong pinisil ang kamay niya at ibinaling muli ang paningin sa kanya. Nagtama ang tingin namin. Kitang-kita ko ang paghihinayang sa kanya. Pero ngumiti 'to at umiling. "Okay lang 'yon, naiintindihan ko naman. Saka sanay naman na tayo sa ganitong setup ngayon pa ba 'ko magrereklamo? Naghihinayang lang ako kasi simula bukas busy na naman sa pag-aaral. Gusto ko lang makasama ka nang mas matagal."

May pumisil sa puso ko nang sabihin niya 'yon. He seems cold sometimes, but he really want us to spend more time together. Hindi niya 'yon pinapahalata kasi ayaw talaga niyang magreklamo sa kung ano'ng mayroon kami. Pero ramdam ko siya, gustong-gusto niyang ipakilala ko na siya sa mga magulang ko.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon