抖阴社区

26

132 4 1
                                        

• • •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

• • •

"Seren name mo 'di ba?" tanong ng ate ni Efren sa 'kin. Hindi natanggal ang ngiti niya mula pa kaninang pagdating namin. Si Efren ay nasa kusina nila, naghahanda siya ng makakain.

"Opo, Ate," nakangiti kong sagot.

"Ang kinis mo! Ano'ng skincare routine mo?" tanong niya habang titig na titig sa mukha ko.

Nailang agad ako. "Wala po, Ate."

"Ay! Hindi ako naniniwala!"

Umiling-iling ako. "Wala po talaga."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sabon lang?"

Tumango ako. Dahil doon ay napalabi siya. Napansin ko kasing medyo lapitin sa tigyawat 'tong ate ni Efren. Pero hindi ko maipagkakailang magandang babae siya.

Naiangat ko ang paningin sa kanya nang tumayo 'to. Nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa labas ng bahay. "D'yan ka lang ha," paalam niya sa 'kin. Tumango lang ako at saka sinundan siya ng tingin palabas. Nang mawala siya sa paningin ko ay doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan ang bahay nila.

Maliit lang ang bahay nila. Sapat lang ang tatlong tao na manirahan dito. Kahit papaano ay malinis ang loob. Wala nga akong maamoy na alikabok. Malinis ang mga cabinet. Maliit ang kusina pero organisado naman. May dalawang k'warto at nasa labas ang banyo nila.

"Seren," tawag sa 'kin ni Efren. Naupo siya sa tabi ko at inilapag sa lamesa ang mga hinanda niyang pagkain. "Sorry kung gano'n ate ko, mas madaldal pa sa 'kin 'yon," aniya.

Umiling ako. "Ayos na ayos lang. Natutuwa nga ako sa kanya."

"Pero mas natutuwa ka sa 'kin?" mapang-asar na tanong niya.

Napangiwi ako sabay turo sa litrato niya na nakasabit sa dingding. Graduation picture niya 'yon noong junior, kung saan siya 'yong valedictorian namin. "Galit ako sa lalaking 'yon," sabi ko.

Nagsilabasan ang mapuputi niyang ngipin sa biglaang pagtawa. "Galit ka sa 'kin?"

"Oo, dati! Hindi kasi kita matalo noon 'e! Ano ba'ng meron sa utak mo? Natutulog ka pa ba noong junior high school?"

Mas lumakas ang pagtawa niya kaya hindi ko namalayan ang sariling napapangiti na pala. "Dapat nga mas pinili ko na lang matulog no'ng junior. Look . . ." Itinuro niya ang mga mata niya. "Malabo na mata ko, overused," aniya.

"Mas gugustuhin ko nang lumabo mga mata kaysa naman hindi grumaduate na valedictorian," sabi ko naman. Pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako roon. Sinamaan ko pa siya ng tingin dahil tatawa-tawa siya.

"Mas maganda kung malinaw 'yong mga mata. Para malinaw mo rin makita ang mundo. Kaya kung ako sa 'yo kapag bumalik ka sa pag-aaral . . . h'wag na h'wag mong ipagpapalit kalusugan mo para lang sa karangalan. Tch! Tch! Tch!" pailing-iling pa niyang sabi.

Too Young (PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon