Sabi nila ay masakit daw mawalan ng isang mahal mo sa buhay.
Oo masakit pero...
Paano kung hindi lang isa yung mawala sayo?
Hindi dalawa...
At lalong hindi tatlo...
Kundi lima.
Lima silang sabay-sabay na inagaw sayo at iniwan kang mag-isa.
Pero paan...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
🌸🌸🌸
TIME FLIES LIKE AN ARROW こういにゃごとし PROLOGUE
🌸🌸🌸
MI S A K I • J A D E
"JADE, bakasyon na bukas ah, ano nga palang plano mo?"
Bigla na lang akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang tanong na 'yon ng classmate ko. Nasa likod ko silang dalawa dahil mabibilis 'yung ginagawa kong paghakbang.
Hindi ako nagsalita. Sa halip ay matipid akong umiling, bago ipinagpatuloy ang paglalakad, dito sa tahimik at payapang lugar ng Kisarazu sa Japan.
Bakasyon na naman pala pero wala pa ring nagbabago sa'kin, paulit-ulit pa rin ako ng ginagawa, paulit-ulit pa rin ako ng iniisip, paulit-ulit pa rin ako ng mukhang ipinapaskil sa araw-araw. Isang walang buhay na ekspresyon at pekeng ngiti.
Mula kasi nung mangyari 'yung aksidenteng 'yon tatlong taon na ang nakakalipas, nawalan na ako ng ganang magsaya lalung-lalo na tuwing bakasyon.
Panigurado naman kasing paulit-ulit lang 'yung gagawin ko sa mga araw na 'yon; gigising, kakain, maliligo, manonood, mag-i-internet, kakain, matutulog... basta hindi ako lalabas sa bahay at malalaman ko na lang na pasukan na naman pala.
Alam ko naman kasi na kahit anong gawin ko ay hindi ako sasaya lalo pa't naaalala kong... ako na lang palang mag-isa...
"Mabuhay ka, Jade..."
"Hah."
"Jade?"
Nang muling lumitaw ang boses na 'yon sa diwa ko, hindi ko na alam kung anong nangyari basta kusa na lang akong kumaripas ng takbo pauwi ng bahay. Hindi ko na nilingon 'yung mga classmate ko na paulit-ulit na sumisigaw sa'kin. Hindi ako nag-angat ng tingin. Wala rin akong pakialam kung may mabangga ako, basta ang alam ko lang ay ayokong makita 'yung mga dinadaanan ko ngayon o kahit makarinig ng mga pamilyar na tunog.
Habang tumatagal kasi ako dito sa labas ay lalo ko silang naaalala lalo pa't bawat lugar dito ay may ala-ala naming anim.
Tatlong taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin sila nakakalimutan...
Kung pwede ko lang sana silang makita uli, kahit saglit lang, para makahingi ako ng tawad sa kanila't makapag-paalam ng maayos...
Kahit saglit lang sana...
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nanatiling nakatitig sa isang lumang poster nang saka ko lang naisipang umuwi. Madilim na 'yung paligid pero napansin ko agad 'yung bahay namin kung saan ako ngayon tumutuloy ng mag-isa.
Bukas 'yung ilaw sa kwarto ko.
Alam ko bago ako umalis ng bahay ay pinapatay ko lahat ng appliances na kumu-konsumo ng kuryente para makatipid, kasi umaasa lang naman ako sa padala ni mama na nasa ibang bansa.
Nakalimutan ko ba 'yong patayin kanina? Baka nga. Wala rin kasi ako sa isip nang lumabas ako kanina kaya baka nakaligtaan kong pindutin.
Pagpasok ko sa bahay ay agad akong tumakbo sa taas para patayin 'yung ilaw, tutal naman ay mamaya pa ako matutulog dahil may part-time job pa ako.
Kailangan ko rin naman kasi ng pang-gastos at 'di naman tamang umasa lang ako lagi kay mama. Syempre gusto ko ring may ipanggastos para sa sarili ko. Saka isa pa, seventeen na ako kaya wala naman sigurong masama kung mag-working student ako 'di ba?
Nasa tapat na ako ng kwarto at agarang pinindot 'yung ilaw pero...
Mabilis ko rin 'yong binuksan nang may mapansin akong kakaiba.
"Andito na pala siya e."
"Hi, Jade!"
"Musta na sis?"
"Na-miss mo kami?"
"Mmm."
Kusang nanlaki 'yung mga mata ko sa nakita.
Hi-Hinde...
Bakit...
A-ano 'to?
Impo一sible.
At pagkatapos no'n ay bigla na lang nagdilim 'yung paligid ko't... wala na akong naalala pa...