• J A D E •
UNA nang naka-alis si Eunice, at nakita ko kung paanong umiyak si Hide nang mawala siya. Pero hindi lang si Hide yung umiyak dahil kahit hindi ko nakita, sigurado akong pati si Eunice ay umiyak din. Kasi ayaw pa nilang magkahiwalay.
At ngayon ay nakita ko nang magpaalam si Leo sa pamilya niya. Kahit hindi niya sinabi. Kahit hindi siya umiyak. Alam kong, ayaw niya ring umalis agad. At umiyak na naman yung mama niya.
Umiiyak ang mga tao pag may umaalis, lalo pa't 'pag alam nilang hindi na ito babalik. Pero paano naman yung mga umaalis? Umiiyak din sila. Nasasaktan. Nangungulila. Hindi lang dahil sa katotohanang hindi na sila babalik, kundi pati na rin sa kaisipang hindi na nila makakasama yung mga mahal nila.
Kaya heto ako ngayon, nakatayo. Pinagsaraduhan ng pinto. Hindi alam ang gagawin, pero nakangiti. Kasi hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ako pwedeng malungkot. Ang pwede ko lang gawin ay maging masaya para sa kanila kung nasaan man sila ngayon. At kahit alam kong bukas ay mararamdaman ko ulit yung ganito ay wala akong balak na tumigil. Sige lang. Hahawakan ko yung kamay nila at sasamahan sila hanggang sa dulo ng daan.
Kahit na ako na lang yung maiwan.
🌸🌸🌸
TIME FLIES LIKE AN ARROW
こういにゃごとし
Chapter Six
"The Pitcher and the Catcher"🌸🌸🌸
PAGKATAPOS ng nasaksihan ay tumalikod na ako't naglakad palayo. Walang salita ang narinig mula sa aming apat. At sapat na rin yung nakuha kong tingin sa mama ni Leo para malamang一napatawad niya na ako.
Naka-uwi kami ng bahay nang walang nagsasalita ni isa samin. Hindi kami masaya, pero hindi rin kami malungkot. Sabihin na nating nasa pagitan kami ng dalawang 'yon at wala ni isa saming may gustong magpakita no'n sa isa't-isa.
Naupo ako sa maliit na sofa sa sala at pinagsaklob yung kamay ko. Saka ako marahang bumuntung-hininga. Tinitigan ko sila na nakatayo sa harap ko. At saka ako napangiti ng tipid.
Ngayon, apat na lang kami.
S H I N I C H I • M A T S U M O T O
TING. Tunog ng baseball bat na tumama sa matigas na bola. Sumigaw ang umpire ng "6!" Kaya muling nagbato ang pitcher.
At sa pagkakataong 'yon, nagawa ko nang tamaan yung bola ng diretso.
Five years ago...
"Strike! Batter out!"
"Kainis!" Inis na inis akong bumalik sa dugout at pagalit na ibinato sa bleacher ang suot kong helmet. Paano, napa-upo na naman ako ng pitcher na 'yun. Nasa last inning na kami pero ni isang beses ay hindi ko pa rin natatamaan yung mga pitch niya at palagi akong nai-strike out. Kung sana ay tinamaan ko 'yun, nabawasan ko sana yung score nila ng kahit isa. 4-1 kasi ang standing ngayon, pero tatlo na yung runners namin sa base kaya kung natamaan ko 'yun, baka nakatakbo yung player namin sa third base.
"Haha." Mula sa kung saan ay may narinig akong tahimik na napatawa. Nilingon ko ito at nakita si Kyle na nakayuko. Loko 'to ah. Yuyuko-yuko pa eh alam ko namang siya lang yung tumatawa ng ganun.
Nilapitan ko siya't binatukan.
"Aray," kulang sa emosyong reklamo niya. Naupo ako sa tabi niya't humalukipkip.
"Tinatawanan mo pa ko," sabi ko. Pero napatawa lang siya ng marahan.
"Bakit na naman?" tanong ko sa kanya na hindi makatingin sakin. Pero 'wag lang akong pag-iisipan na bakla, sadyang matagal lang kaming magkakilala ng isang 'to kaya parang close na close kami sa isa't-isa. Kumbaga, brohood.

BINABASA MO ANG
Kouin Ya No Gotoshi | COMPLETED
Short StorySabi nila ay masakit daw mawalan ng isang mahal mo sa buhay. Oo masakit pero... Paano kung hindi lang isa yung mawala sayo? Hindi dalawa... At lalong hindi tatlo... Kundi lima. Lima silang sabay-sabay na inagaw sayo at iniwan kang mag-isa. Pero paan...